Separated Love
by larajeszz
Chapter 13
Hindi na rin ako nagtagal sa labas dahil narinig ko na ang ingay ng mga kaklase ko sa loob. Nang makarating ako sa living room nina Eya ay naroon na halos lahat ng mga kaklase ko.
“Jaycee, dito!”
Tiningnan ko si Syrine nang tawagin niya ako at nginitian siya. “Guys, pasensiya na kayo. Ako ang isa sa main lead tapos ako pa ‘tong late.” Kailangan ko na talagang pigilan ang sarili ko na malulong sa social media na ‘yan!
Agad umalma si Eya. “Okay lang, Jaycee. Mukhang wala pa rin namang balak magsimula ang mga ‘to dahil puro lamon ang iniintindi!”
Nahihiyang ibinaba ng dalawa kong kaklaseng lalaki ang mga tinapay na kinakain nila kaya napuno ng tawanan ang buong sala.
Naupo ako sa gitna nina Syrine at Anddie habang ang tingin ay nasa isang taong malayo ngayon sa aming lahat. Sa isang single sofa naupo si Asher malapit sa dining area ng bahay nina Eya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi siya panuorin habang nagbabasa ng script dahil hindi ko mawari kung galit ba siya sa akin.
“LQ kayo?” bulong ni Anddie sa akin. Bahagya kong inalis ang hawak niya sa braso ko pero tumawa lang siya, maging si Syrine na napansin ‘yon ay nakitawa rin. Alam nilang hindi totoo ‘tong sa amin ni Asher. “Si Cedric at Savanna na lang ang wala rito.”
Dahil sa sinabi ni Anddie ay saka ko lamang nilibot ang tingin sa kabuuan ng mga kaklase ko at napagtantong sila na nga lang pala ang nawawala.
“Asher, Jaycee, subukan muna natin ‘yong lines niyong dalawa. Then after, proceed tayo sa recording ng songs na gagamitin. Okay?” Eya instructed.
Sa gilid ng mata ko ay nakita ko si Asher na tumayo na at naglakad papalapit sa amin. Nagtama ang mga tingin namin kaya agad akong napaiwas at tumikhim. Ibinaling ko ang atensiyon ko sa script na hawak ko. Saulo ko na ang lahat ng lines ko pero binasa ko pa rin ‘yon nang paulit-ulit para lang hindi mapunta sa iba ang tingin ko.
Sa unang part ng play ay fiesta ang scene at ang character ko na si Maria Makiling ay bibisita sa bayan para masilayan ang mga taong abala sa pag-aayos sa kani-kanilang mga tahanan. Kanta ang unang dialogues at ako ang mangunguna rito habang ang mga side characters naman ay parang narration ang lines sa kanta.
“Lines naman. Do’n tayo sa magkakabungguan sina Maria Makiling at Juan.”
Lumapit si Eya sa aming dalawa ni Asher at pinatayo kami sa gitna ng living room nila. Halos lahat ng tingin nila ay nasa amin ngayon, pero na kay Asher lang ang tingin ko at gano’n din siya sa akin.
Eya demonstrated how the scene should be acted. Sa dami ng tao sa fiesta at dahil hindi pamilyar si Maria Makiling sa mga nakikita niya ay abala siya sa paglilibot ng tingin at hindi niya mapapansin si Juan kaya magkakabanggaan sila.
Ginawa namin ang itinuro sa amin. Nang maramdaman ko na ang likod ni Asher ay humarap kami sa isa’t isa at kailangan naming i-maintain ang eye contact. He’s now holding my arms.
Hindi nakatakas sa pandinig ko ang impit na pagsigaw ng mga kaklase kong nakakakita. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na naghampasan pa ang mga lalaki. They know that we’re a couple!
After ng ilang seconds na eye contact ay mare-realize niyang nakahawak pa rin siya sa akin kaya mapapabitaw siya.
Nahihiyang mapapahawak siya sa batok niya. “Are you lost?” Asher, or should I say Juan, asked. He’s a natural!
“Uh… No. I’m just having a stroll,” tugon ko.
“Okay. Be careful next time.”
Si Maria naman ang mahihiya ngayon sa binatang kaharap niya. “You, too. I’ll… I’ll see you around.”
Nagpalakpakan sila after ng first lines sa unang pagkikita ni Maria at Juan. We then proceeded to record the songs that we'd use. Eya guided us to their dining area, where there'd be less noise.
“Sandali, ah? Kunin ko lang ang mic ko!” paalam ni Eya. Tumango ako at nakangiting pinanuod siyang umalis. She’s so hands-on and dedicated!
Naiwan kami ni Asher do’n. Nilingon ko siya at nakitang nasa akin din ang tingin niya.
“Galit ka ba?” tanong ko.
Kumunot ang noo niya pero nawala din naman agad. “Why would I be mad?” sagot niya pero may halong pagkasungit ang tono.
Bumuntong-hininga ako at pinipigilan ang sarili na matawa sa sasabihin ko. “Nagselos ka ba kanina?”
Napanganga siya at hindi makapaniwalang tiningnan ako. “Look,” he sighed. “Labas ako sa kung ano man ang meron sa inyo.” Umiwas siya ng tingin and I saw his jaw clenched. “Mabuti na lang at wala si Savanna rito ngayon dahil ano’ng sasabihin niya kung nakita niya ‘yon kanina? She’d know that none of this is real.”
Iyon pala ang inaalala niya kaya siya nagsusungit kanina. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit parang na-disappoint ako sa narinig ko.
“Then, I’ll explain it to her.”
Umiling siya. “Your explanation wouldn’t change her mind to go home.”
Inilagay ko ang dalawang siko ko sa ibabaw ng lamesa. “Bakit? Ie-explain ko lang naman sa kaniya na pinsan ko si Matthew.”
Kita ko kung paano siya natigilan pero hindi na nakasagot dahil dumating na si Eya. I turned my attention to the recording and didn't mind the fact that Asher really thought Matthew was my boyfriend. Hindi ko alam kung ano’ng pumasok sa isipan ng pinsan ko at ginawa niya ‘yon.
After recording all the songs—five songs, to be exact—we went back to throwing out our lines with the side characters. Some of the actors picked didn't exceed Eya's expectations, so we had an unexpected audition. It was a good thing that only two of our classmates weren't there; we had so many options.
Pagkatapos ng practice ay nagligpit ako kaagad ng gamit. Hindi ko pinapansin si Asher dahil aaminin kong medyo nainis ako sa naging reaction niya kanina. Gano’n ba kababaw ang tingin niya sa akin? Sa tingin niya ba ay papayag ako na maging “fake girlfriend” niya kung nasa isang relasyon na ako?
Kina Anddie at Syrine ako sumabay sa paglabas ng bahay nina Eya. After kong magpasalamat kay Eya ay ramdam ko ang mga mata ni Asher na nasa akin pero binalewala ko ‘yon.
Pagkauwi ko sa bahay ay nando’n na rin sina Matthew at Kuya Jaywen. Nagtanong si Matthew kung ano’ng nangyari pero hampas lang ang natanggap niya mula sa akin. Nakakainis silang dalawa ni Asher!
Kinabukasan ay may pasok na ulit at puro review quizzes ang ginawa dahil malapit na ang preliminary examinations namin. Sa mga breaks ay kina Syrine ako sumasabay ng pagkain. No’ng recess ay mabilis akong umalis nang makitang papunta si Asher sa upuan ko kaya naman hindi na siya nag-abalang lumapit no’ng lunch. Alam kong nakikita ni Savanna ang lahat ng ‘yon pero hindi ‘yon ang iniisip ko sa ngayon.
“Bakit kasi nagco-conclude siya kaagad?” naiinis na sambit ni Ivy nang ikuwento ko kung ano’ng nangyari sa amin kahapon. “Ikaw na nga ‘tong tumutulong sa kaniya ta’s siya pa ‘tong may lakas ng loob na magalit dahil lang sa maling akala?”
Medyo nakaramdam ako ng guilt dahil sa naging reaksiyon ng kaibigan ko. Hindi ko ikinuwento sa kanila ang bagay na ‘yon para magalit sila kay Asher, gusto ko lang mag-vent out. Nakatambay kami ngayon dito sa Forbidden Tables. Ayon kay Aiden ay dahil ang alam ng mga tao ay official kami ni Asher, hindi siya makakasunod dito dahil baka raw madapuan kami ng “curse” na meron ito.
“Baka nagselos siya sa pinsan mo?” Aiden said and shrugged. “You know? Bro code. Baka kaya ‘yon ginawa ni Matthew ay para pagselosin si Asher, and then it worked!”
Tumaas ang isang kilay ni Syrine. “Bakit naman magseselos si Asher, eh, hindi naman totoong sila?”
“Yon!” biglang sigaw ni Cally kaya nagulat kaming apat. “Ang akala natin!” pagtutuloy niya.
“Bakit ka ba nanggugulat?!” medyo may taas ang boses na tanong ko dahil sa gulat.
“Alam niyo? Ilang araw ko na ‘tong naiiisip, eh.” Sumenyas siya na lumapit kami sa kaniya. Nagkatinginan pa kaming apat pero sumunod pa rin kami. “Baka since the very start pa lamang ay may feelings na si Asher kay Jay.”
Napalayo agad ako sa narinig. “That’s nonsense!”
“Makinig ka muna kasi!” depensa ni Cally. “Kasi ‘di ba nakita niyo naman ‘yong nangyari no’ng first day? Para silang aso’t pusa no’n! Then, biglang naging close na sila. At napansin ‘yon ni Savanna kaya inakala niyang jowa ka ni boy!” Huminga nang malalim si Cally bago nagpatuloy. “So, what I’m saying is… bakit si Jaycee?”
“Oo nga,” pag-sang ayon ni Aiden. “P’wede namang si Syrine.”
Syrine held her hands up in surrender. “Nope. Hindi ako papayag.”
Napahilot ako ng sentido. “Guys,” pagkuha ko sa atensiyon nila. “Asher and I were childhood friends.”
Inaasahan ko nang magugulat sila. “Weh?!” pagre-react ni Cally.
Tumango ako. “Kaya gusto ko siyang tulungan. He’s an old friend, at… gano’n na rin ang tingin niya sa akin.”
“Uh… Jay.” May itinuro si Ivy sa likuran ko at sinundan ko ‘yon ng tingin.
And Asher was standing at the corridor. Hindi siya lumalagpas sa Forbidden Tables. He was just there, looking straight at me. When our eyes met, he waved his hand at me while holding a plastic of chocolate rocher waffle with his other hand.
-----
-larajeszz