Separated Love
by larajeszz
Chapter 3
Hindi na rin nagtagal do’n ang iba kong kaibigan dahil tumunog na ang bell. Magkatabi kami ni Syrine sa upuan at siniguro ko na malayo kami sa kaniya.
"Ok next, please introduce yourself."
Kanina pa 'kong nakatulala. Ako ang nakaupo malapit sa pintuan sa likod ng room kung sa'n ako natamaan kanina.
Every room here has two doors, one at the back and one on the front. Kanina ko pang hawak ang icepack sa ulo ko dahil ramdam ko pa rin na sumasakit iyon pero hindi na kagaya ng kanina.
Nag-angat ako ng tingin at hindi sinasadyang kay Asher nadako ang mga mata ko. Nakita kong nasa akin din ang paningin niya… or nasa icepack na hawak ko. I don’t know if he’s feeling guilty or what pero hindi kaagad siya nag-iwas ng tingin kaya ako na ang nauna.
Kanina pa ring nag-start ang pagpapakilala pero 'di na 'ko nakinig. Kilala ko na naman sila at isa pa ay isa lang ang transferee namin. Kilala ko na rin naman... kilala ko pa nga ba.
"Ok, thank you Mr. Gimenez. Next, our transferee, please step forward."
'Di na 'ko lumingon nang tawagin siya ni Sir Albert. Mas idiniin ko na lang ang icepack sa parte ng ulo ko na natamaan dahil nararamdaman ko ang pagkirot nito.
I won't call him Migmig from now on. He might never be the same as before, and it hurts. How I hate reality.
"G'day, my name is Asher Migo Dela Cruz, 19, and I grew up in Australia," he said with his aussie accent.
Argh! Akala ko ba hindi ka makikinig, Jayceelyn?! Pero ano ba'ng magagawa ko, eh, nasa iisang room kami?
"Wow."
"The accent."
"Nakaka-in love, grabe."
Bulungan ng mga kaklase kong babae. Ewan ko ba sa kanila kung bakit nadadala pa rin sila sa sinasabi ng lalaki na 'yon gayong nakita naman nila 'yong naging pag-uusap namin kanina. Kung ako sa kanila, major turn-off na kaagad!
Nilingon ko ang mga kaklase ko at nakitang halos lahat ay tutok ang atensiyon sa kaniya, maging mga lalaki rin. I can't help but to roll my eyes.
First day pa lang ay nagiging masungit na kaagad ako. Hindi talaga ako ganito. Ni wala nga akong nakakaaway o nakakaalitan man lang dito simula pa man noon. Pero... ewan ko ba. Iba ang mood ko ngayon.
"I'm looking forward to be friends with you all."
'Di ko alam kung matatawa ba ako do'n sa huling sinabi niya. All? Psh, parang 'di naman ata ako kabilang do'n, ah?
"Bait-baitan naman ngayon," bulong ko kay Syrine.
Hindi siya sumagot sa 'kin at paglingon ko sa kaniya ay nakangiti siya ngayon habang nakatingin kay Asher. Seriously?!
"Hey, Sy!" mahinang bulong ko.
Bahagya pa siyang nagulat.
"Why are you smiling? Didn't you saw what that guy just did to me?!"
"I'm not smiling, Jay. You're imagining," pagtanggi niya.
Bakit ba tuwang-tuwa sila sa lalaking ito? O baka ako ang problema dahil hindi ko matanggap sa sarili ko na malaki ang pagkakaiba ng Asher na nakilala ko sa Asher na nasa harapan ko ngayon.
Pero meron din naman sa loob ko ang nakakaintindi, napakabata pa namin noon, iba ang lugar na kinalakihan niya. Iba ang mga taong nakasalamuha at naging kaibigan niya do'n sa Australia... at hindi ako 'yon.
May mga sinabi pa si Asher pero hindi ko na pinakinggan ang iba. May nagtanong kasi kung bakit siya tumira sa Australia. He said that they needed to migrate dahil taga do'n naman talaga ang mommy niya and because his dad passed away.
Tito Arnel, what happened?
Madami pa'ng nagpakilala na hindi ko na rin pinakinggan dahil kilala ko na naman sila lahat. Nang matapos si Syrine ay ako na ang susunod. Ako ang pinaka-last dahil sa seating arrangement namin.
"Okay, Ms. Buenaventura. Please, come here in front.”
Bago ako tumayo ay pinahawakan ko muna kay Syrine ‘yong icepack at halos nakatungo akong nagpunta sa unahan. Feeling ko kasi ay malaki ang bukol na nakuha ko.
"Are you feeling well now, Ms. Buenaventura?"
"I'm alright, Sir," pilit-ngiting sagot ko.
Humarap na 'ko sa lahat. I sighed deeply. Ano ba'ng sasabihin ko? Kilala na naman nila ako. Ah, bahala na! ‘Yong mga basic information na lang gaya ng sa iba.
Hindi ko alam, ang weird sa feeling. Ang seat ko ay nasa bandang kanan at ang kay Asher ay sa bandang dulo sa kaliwa. At hindi ko alam kung bakit hindi ako makatingin nang maayos sa left side. Naiilang ako. Bakit ba 'ko naiilang e hindi ko naman kasalanan 'yong nangyari kanina?
Huminga ulit ako ng malalim. Don't think about him.
"Hi everyone, my name is Jayceelyn Buenaventura. I'm 19 years old, and... you all know me, so I really don't know what to say..." sabi ko at napakamot ng ulo.
Natawa naman sila kahit si Sir Albert, halata naman na halos lahat kami ay nahirapan.
"Looks like na wala ka na talagang masabi, Jaycee," biro ni Sir. "Since you’re the last, who wants to ask questions?"
May tumaas ng kamay.
"Yes, Brylle?"
"Jaycee, may boyfriend ka na ba?"
Natawa na naman sila. Sa 'kin pa talaga tumapat ang katuwaan, ah? Great.
"Wala… Wala pa," nakangiwing sagot ko.
"Naku, bawal pa ano! Lagot siya sa Kuya niya pati na rin 'yong may balak na manligaw!" sigaw ni Sy sa likod.
Medyo nagtaka pa nga ako kung paano niya nasabi ‘yon dahil ‘di naman sila close ng Kuya ko. Siguro gano’ng energy lang talaga ang nakikita nila sa kapatid ko.
"Oh? Babalakin mo pa ba, Brylle? Mukhang si Jaywen ang kailangan mong ligawan, ah?"
Parang nahiya naman si Brylle kaya naupo na lang siya. Takot talaga ang mga lalaki sa kuya ko.
May ilan pang nagtanong na puro hindi naman seryoso kaya hindi rin masiyadong seryoso ang isinasagot ko sa kanila.
"Anyone? Sino pa?" tanong ni Sir Albert.
May tumaas naman sa may kaliwa. Nasa right ang paningin ko pero kita ko sa peripheral view ko na may tumaas sa kaliwa. Pagharap ko sa kaliwa ay nawala ang kaninang saya sa mga labi ko.
Natahimik tuloy ang buong klase. What was he thinking?! Ang awkward tuloy!
"Oh, okay. I didn't expect you to raise your hand, Mr. Dela Cruz," maging si Sir ay nagulat sa pagtataas niya ng kamay.
Natutuwa ba talaga siya sa atensiyon na nakukuha niya at kahit na may kaunting tensiyon sa ‘min ay feeling close siya?
Tumayo na si Asher. Nasa bulsa pa rin ang isang kamay. Diretso siyang tumingin sa 'kin.
"Can you sing for us?" aniya. Hindi ko alam kung tanong ba talaga o request na 'yong sinabi niya. "Please?"
I didn't expect he'd say "please"!
Natigilan ako. Did he just ask me that? Bakit ba pagdating sa kaniya ay natutuliro ako?
Noon kasing mga bata kami ay madalas akong kumakanta sa treehouse naming dalawa. Kapag naglalaro kami ng bahay-bahayan at kahit na mali-mali pa ang lyrics ko noon ay natutuwa siya sa pagkanta ko.
Pero itong ngayon ay parang iba na. Hindi ko alam kung naaalala ba niya ‘yong noon, o nag-request talaga siya, o kaya naman ay pinagti-tripan niya lang ako.
Naaalala mo pa ba ako, Asher?
Napaisip pa ako saglit. Paano kung may hinanakit siya sa akin, o sa amin ng pamilya ko? Hindi ko na maalala nang maayos ang lahat ng nangyari noon pero alam ko na no’ng mawala ang daddy niya ay hindi ko na siya ulit nakita pa. Baka galit siya sa 'kin dahil hindi ko siya nabibisita noon para kamustahin man lang. Baka kaya rin umalis siya.
Eh, ngayon ba, Asher? Galit ka pa rin ba?
Inalis ko muna sa isipan ko ang mga tanong at pinagbigyan ang gusto niya.
"Yes. Singing is my thing, so I’ll… sing for you." sagot ko. I cursed inside my head because I meant ‘them’ pero nagtunog na para sa kaniya ang kakantahin ko.
I didn't mean it to sound like that. Baka matuwa pa 'tong lalaki na 'to dahil um-oo ako sa request niya. Bakit ba kasi hindi ka na lang humindi, Jaycee?! Next time be careful with your words, ngayon na alam mo nang iba ang epekto sa 'yo ni Asher.
"Then give us a sample, Ms. Buenaventura. You may take your seat, Mr. Dela Cruz."
Huminga ako ng malalim. May kanta agad na pumasok sa isip ko. Hindi na 'ko makapag-isip ng tama kung ayos lang ba na ito ang kantahin pero gusto ko nang maupo. I want this to be done dahil naiilang talaga ako. Katabi ko si Sir Albert pero tingin lang niya ang nararamdaman ko. Na para bang presensiya lang niya ang nandito ngayon. D*mn, I hate this feeling.
Chorus lang ng ‘Time Machine’ by Six Part Invention ang kinanta ko. Hindi ko alam pero parang may double meaning ang lyrics ng kanta na ‘yon sa sitwasyon ko ngayon. Hindi man ‘yong literal pero parang ipinahihiwatig nitong may isang tao akong gustong bumalik at muling maging parte ng buhay ko.
Hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at iyon ang kinanta ko. I want to go home. 1st day and I'm already feeling too tired.
Nagpalakpakan na ang lahat. Nadako ang tingin ko sa kaniya na nakatingin din sa 'kin. Nag-iwas din naman ako kaagad dahil naiilang pa rin ako at parang hindi ko pa rin ramdam ang paligid.
It feels like their claps are muted to my ears. Yet again, I took a glance at him.
He looks too... satisfied.
----
-larajeszz