Separated Love
by larajeszz
Chapter 2
“You’re courting someone?”
Tumikhim si Kuya habang nasa daan pa rin ang paningin. “Yeah. Inggit ka?” he asked with a grin.
“Of course not! Wala pa naman sa plano ko ang pagbo-boyfriend.”
Narinig ko ang mahinang tawa niya. “Bakit ba walang nanliligaw sa ‘yo?”
Inis ko siyang nilingon. “Takot sila sa ‘yo! Alam ng lahat na kapatid kita!”
Nawala ang ngiti niya at parang hindi nagustuhan ang narinig. “Am I really that scary?” he whispered and sighed. Parang gusto ko na tuloy bawiin ang sinabi ko. “Hindi ko naman sila kakagatin,” mas malakas nang aniya.
May nagbigay naman sa ‘kin no’ng Grade 6 ng bulaklak, but that’s not something to be proud of dahil hindi lang ako ang binigyan niya. Lahat kaming mga kaklase niyang babae. Psh.
“Just make sure to choose the right guy,” sambit niya.
“Wala pa nga ‘yan sa isip ko.”
Bumilis na naman ang t***k ng puso ko nang sabihin ko ‘yon. Naalala ko na naman ‘yong lalaki kanina.
Bakit ko ba siya naiisip?! Ano? Gusto ko siya maging boyfriend?! Guwapo lang siya pero hindi ko naman alam kung mabait ba, mukha siyang masungit!
He sighed. “I’m just saying. I don’t want to see you cry.”
Natigilan kaming dalawa dahil do’n sa huli niyang sinabi. Parang may humaplos sa puso ko nang marinig ‘yon sa kapatid ko.
“Ang pangit mo kasi kapag umiiyak,” dagdag pa niya kaya mahina ko siyang hinampas sa braso. Tuwang-tuwa naman siya na inisin ako!
Ilang saglit pa’y nakarating na kami sa school.
“Sasabay ka mamaya?” tanong niya pa bago ako makababa.
Naisip kong baka may date pa siya kaya umiling ako. “Sasabay na lang ako sa mga kaibigan ko.”
Isang tango lang ang ginawa niya bago ako lumabas ng kotse niya.
Naglakad na ako papunta sa room. Nabasa ko ang text ni Syrine kung saan ang classroom namin kaya hindi na ako nahirapan sa paghahanap.
Natanawan ko naman kaagad ang mga kaibigan ko sa may pintuan nang marating ko na ang floor namin.
“Bakit naman dito niyo pa ako hinintay? Nakaharang kayo,” kunot-noong saad ko.
“At sinong may sabi sa ‘yo na ikaw ang hinihintay namin?”
Napamaang ako sa sinabi ni Aiden. What? They weren’t waiting for me, then who?
"Eh, sino? Imposible naming adviser namin."
"Ikaw kasi! Ba't ba ngayon ka lang?"
"Si Kuya. Sumabay ako sa kaniya at dumaan pa siya sa mall," sagot ko kay Syrine. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako o talagang namula siya sa narinig. "Eh, sino ba kasi ang hinihintay niyo?" tanong ko ulit.
Tumingin pa sila sa hallway at tiningnan ang dami ng mga estudyante na nando’n. Agad naman nila akong hinila papasok nang makitang wala pa ‘ata ro’n ang hinihintay nila.
Hinawakan ako ni Cally sa magkabilang balikat. “OMG, Jay! May pogi raw kayong transferee!” aniya at tumalon-talon pa.
“Sana all na lang,” ani Aiden.
Si Ivy lamang ang kampante sa kanilang apat dahil wala naman kasi talaga siyang pakielam sa mga lalaki. Ang tagal na naming magkakaibigan pero kahit kailan ay hindi ako nakarinig na may natipuhan siya.
“Pero bakit wala pa siya? Kailangan ko nang bumalik sa room namin pero wala pa rin!” reklamo ni Cally na para bang napakalayo ng room nila gayong katabi lang naman ‘yon ng sa amin.
“’Wag kang mawawalan ng pag-asa dahil uso namang dumarating ang mga transferees kahit sa dulo na ng first week,” hinaplos pa ni Aiden ang likod ni Cally.
“Gano’n katagal pa ang hihintayin ko?!”
Kahit na malakas ang boses niya ay hindi na nagrereklamo ang iba naming kaklase dahil sanay na sila kay Cally. Grade 11 pa lang ay madalas na sila nina Aiden at Ivy na tumambay sa room naming mga ABM.
"What’s so special about him? We also had transferees last year pero hindi ganiyan ang asta niyo,” sambit ko.
"Hindi mo kasi naiintindihan,” ani Aiden at iniharap ako sa kaniya. "He's from Australia, at guwapo raw!" She really emphasized the word.
And with that word, muling pumasok sa isipan ko ang lalaking nakita ko kanina. God, Jaycee, something’s wrong with you!
Umiling ako at pilit siyang inalis sa isipan. "So? Madami rin namang guwapo rito, ah?"
"Oo nga, Jay. Pero alam mo ‘yon? Iba pa rin kasi kaklase natin 'yon ngayon!" sabi ni Syrine at hinampas-hampas pa ako sa braso. Even si Syrine na puro aral ang inaatupag ay nahawaan na rin nina Cally!
Parang nainsulto naman ‘yong ibang naming kaklaseng lalaki na nakarinig.
“Ang sakit mo na, Syrine,” madamdaming sambit ni Brylle at humawak pa sa dibdib niya kaya nagtawanan ang iba.
May mga hitsura rin naman ang ilan sa mga kaklase naming lalaki. Hindi lang siguro talaga nila type ang mga ‘to, or baka naman sawa na sila dahil ang ilan sa kanila ay no’ng elementary pa namin kaklase.
"Sa’n niyo ba nalaman na may transferee nga?"
Natahimik sila sa tanong ko. Itinuro ni Cally si Lesley, isa siya sa mga kaklase namin na madalas nakakasagap ng ‘chismis’ na kadalasan naman ay totoo. I don’t even know where she heard those things, but many of my classmates and even my friends trust her for being 'credible'.
"Meron talaga, Jaycee. Narinig ko mismo sa faculty kanina.”
"Sa faculty mo rin ba narinig na guwapo ‘yong transferee?” tanong ni Ivy. Ngayon ko lang siya narinig magsalita mula no’ng dumating ako.
"Hindi, ah! Hindi ko naman sinasadyang marinig ang pangalan niya kaya hinanap ko agad siya sa socmed.” aniya at tumawa. "His name is Asher Migo Dela Cruz."
Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko nang sabihin niya ang pangalan ng taong kanina pa nilang hinihintay.
"A-Ano ulit?" pagpapaulit ko dahil baka mali lang ako ng narinig.
Asher Migo Dela Cruz... Tama ang narinig ko 'di ba? Walang deperensiya ang mga tainga ko!
"Asher. Migo. Dela. Cruz," dahan-dahan niyang sabi para maintindihan ko talaga.
Kinilig na naman ang mga kaklase ko.
"OMG! Pangalan pa lang ay halatang mayaman at pogi na!"
"Oo nga! Sana maka-close ko ta’s magde-date kami mamaya after class!"
"Ang tagal naman niya, ‘no?"
"Oo nga, eh."
Ang pangalan na 'yon… Hindi ako puwedeng magkamali. Nag-iisa lang 'yon. Pagmamay-ari 'yon ng tao na tanging alaala na lang namin no’ng mga bata pa kami ang iniwan sa 'kin.
Bumalik na siya? Kailan pa? Bakit pa…
Napakamapaglaro ng tadhana. Kung kailan masaya na 'ko sa mga kaibigan at buhay ko ngayon ay babalik siya. Umalis siya nang walang paalam tapos ngayon ay bigla kong mababalitaan na magkaklase na kami. Pero… baka naman 'di niya alam na rito ako nag-aaral.
Pero malupit ka talaga tadhana! Napakalupit mo.
Nag-iisip-isip pa 'ko nang bigla akong nauntog. Napaupo ako dahil sa lakas ng impact! May biglang nagbukas ng pintuan!
"Jay, are you okay?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Cally.
Hawak-hawak ko pa rin ‘yong parte na natamaan. Ang sakit! Hindi ko ‘yon masiyadong ininda at tumayo agad ako para makita kung sino ang nagbukas na ‘yon.
"You-"
Tila nalunok ko ang mga salita na gusto kong sabihin nang makita ko na kung sino ang taong nagbukas na ‘yon. Siya ang hinihintay ng lahat. Siya ang kanina pang pinag-uusapan dito. At… siya ‘yong lalaking nakita ko kanina!
Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit siya pamilyar. Ngayong malapit na siya sa akin ay kitang-kita ko na ang mga mata niya. Alam na alam ko pa rin kung paano tumingin ang mga matang ‘yon.
Migmig…
"You're on my way."
Natauhan ako nang bigla siyang nagsalita. Malalim, seryoso, at malamig ang boses niya. Ibang-ibang sa naaalala ko…
Nakapamulsa siya at ang isa niyang kamay ay nakahawak sa strap ng bag niya habang ang isa ay hindi nakasuot sa kaniyang balikat.
"W-What?"
"You're on my way," pag-uulit niya. Mukha siyang bored na nasa harapan niya ako ngayon.
Tumabi ako upang makadaan siya. Ramdam ko ang pagyugyog ni Cally sa braso ko at sinundan siya ng tingin nang dumaan ito sa harap namin.
“Ang pogi, t*ngina,” pigil ang kilig na bulong niya.
He's not going to apologize?! May natamaan siya ng pinto pero parang wala lang sa kaniya 'yon!
Parang tinutusok ang puso ko sa isiping malaki ang ipinagbago niya sa Migmig na nakilala ko noon. Pero posible naman ‘yon… Napakatagal na panahon ko siyang hindi nakita kaya alam kong marami ang nagbago sa kaniya. At parang ayokong malaman kung ano ba ang mga nagbago na ‘yon…
"I think you owe me an apology, Mister.” Sa wakas ay nasabi ko ‘yon sa dami ng tumatakbo sa isip ko.
Tumigil siya at nanatiling nakatalikod, bahagya niyang ipinaling sa 'kin ang kaniyang ulo. Pinagkrus ko naman ang mga braso ko.
"What?" malamig niyang tanong.
Medyo kinabahan ako sa tanong niya. His cold stares sent shivers down my spine.
"Y-You're not going to apologize?"
Humarap siya sa 'kin na nakataas ang isang kilay. Na para bang may sinabi akong mali.
"Why would I?" he asked, still poker faced.
Narinig kong napasinghap ang ilan sa mga nakakakita. Pero ang mata ng lalaking nasa harap ko ay nanatili sa 'kin na para bang kaming dalawa lang ang tao rito. Ang aga para gumawa ng scene, gusto ko lang na mag-“sorry” siya pero pinapalala pa niya ang nangyayari. Parang nag-e-enjoy siya sa atensiyon na nakukuha namin.
"Maybe because you hit me with the door?" I said sarcastically.
"Hmm.” Napalunok ako nang maglakad siya papalapit sa akin at hindi man lang inalis ang tingin sa mga mata ko. “Was it my fault?"
"W-What?" nagulat ako.
Muli ko na namang naramdaman ang tumutusok sa puso ko nang makita sa mata niya ang pagtingin niya sa akin na para bang hindi niya ako nakikilala.
"I didn't ask you to stand behind that door," sagot niya.
"You should've knocked!”
Hindi ko napigilan ang sarili kong magtaas ng boses.
He sighed. "Okay, fine."
Magso-sorry rin naman pala siya ay ang dami pa niyang sinabi.
Mas lalo pa siyang naglakad papalapit. Kahit gustuhin ko mang umatras ay hindi ako nagpahalata na naiilang ako.
"Sorry."
"Thank-"
Napatigil ako sa sasabihin dahil bumaba siya nang bahagya at inilapit ang labi niya sa tainga ko.
"Sorry, because you're too dumb to go to a spot where you know you could be hit. Not my fault.”
He left me dumbfounded.
Feeling ko'y hindi ako makahinga nang maayos. What just happened?
Bumalik nang muli ang ingay ng mga kaklase ko na para bang walang nangyari. Hindi naman agad ako nakaalis sa kinatatayuan ko at natulala na lang.
Lumapit sa 'kin ang mga kaibigan ko.
"Jay, are you okay?" tanong ni Syrine.
Sigurado akong hindi nila narinig kung ano ang ibinulong ni Asher sa akin.
"I don't know," wala sa sariling sagot ko.
"Sumasakit ba ang ulo mo? Or… may iba bang masakit?”
Meron… May parte sa dibdib ko ang masakit.
"He changed… a lot," bulong ko sa sarili.
-----
-larajeszz