Separated Love
by larajeszz
Chapter 4
It's been a week since classes resumed. Nandito kami ngayon sa library para gumawa ng ilan sa mga assignments, kasama rin namin sina Cally, Ivy at Aiden.
By pair itong assignment namin, at hindi ako ang ka-pair ni Syrine. May humila raw kasi agad sa kaniya kaya hindi rin ako kaagad nakahanap ng partner. Sa huli ay kami ni Asher ang natira, wala naman akong lakas ng loob na magreklamo kaya naman kami ang naging magka-partner.
Madaming babae ang gusto siyang maka-pair pero hindi siya kumikilos kaya no’ng kami na lang ang natira ay automatic na 'yon. Wala pa rin akong lakas ng loob na lumapit sa kaniya kahit na isang linggo na ang nakakalipas, iba pa rin ang pakiramdam ko.
Hindi siya sumama rito sa library. Dahil ang sabi niya, “I'll do it at home. Let's just combine our ideas tomorrow.”
Pabor na rin naman ako dahil baka magsungitan lamang kami at walang matapos. Kung p’wede nga lang sana na mag-solo na lang ako ay nagawa ko na!
"Ang hirap naman nito!" bulong ni Ivy at napapadyak pa.
"Bakit ba kasi bawal mag-search sa internet? Kaya nga advance tech na ngayon para madali tayong makagawa ng mga homework!" reklamo naman ni Aiden.
Well, mahirap nga naman. Parehas ng mga assignment namin ay dapat sa libro kuhanin ang mga sagot. Pero mas mahirap ‘yong sa kanila kaya naman kanina pa silang nagrereklamo.
Sa loob ng isang linggo ay kung saan-saang parte ng campus namin naririnig ang pangalan ni Asher. Hindi na ako magtataka kung pati sa labas ng school ay maririnig ko na pinag-uusapan siya.
Hindi ko naman sila masisisi. Guwapo naman kasi talaga siya. He's tall, hanggang balikat niya lang ako. He has a fair skin tone, messy hair, deep brown eyes, a tall nose, thin lips, and thick brows that are covered by his bangs. He also has freckles!
Kung nanatili lamang siya bilang ‘yong lalaki na nakita ko dati sa mall ay sigurado akong crush ko na siya ngayon!
Wala siyang kinakausap sa room, at kahit na gano’n ay madalas siyang makasagot sa klase at madalas din na siya ang highest sa quizzes! Kapag vacant ay palagi ko lang siyang nakikita na nagbabasa ng libro. Silang tatlo nina Eya at Syrine and magkalaban sa top 3 sa school year na ‘to.
"I'm done with mine," sabi ko sa mga kaibigan ko makalipas ang ilang minuto.
"Ang bilis naman, Jay. Tulungan mo na nga lang kami rito,” nakangusong sabi ni Cally.
Dahil wala naman akong ibang pupuntahan ay tinulungan ko na lang sila sa assignments nila. Hindi ko pa ma-gets no’ng una ang topic nila pero tumulong pa rin ako. Marami akong libro na gustong basahin dito sa library pero ipagpapaliban ko na lang muna. Marami pa namang next time.
Maya-maya pa ay nakatapos naman kaming lahat sa part namin.
"Gutom na ako, let's go sa cafeteria," pag-aaya ni Syrine.
On our way to the cafeteria, may napansin kaming kumpulan ng mga tao. Parang may nagkakagulo sa field. Nasa malayo pa lamang kami ay rinig na namin ang ingay.
Lumapit kami sa kumpulan ng mga tao at may nakita akong isang lalaki na naka-uniform pero hindi rito sa Anastacia ang suot niya. He's an outsider. Putok na ang labi niya pero nakatayo pa rin siya nang tuwid. May mga pasa na rin ang mukha niya. Nakakaawa naman 'to. Mukhang ang bata pa naman.
On the other side, I saw the angry face of Tyler Moren, the campus' gangster.
"You’re a moron! How dare you flirt with my girl?! Hindi mo ba ako kilala?! Ha?!" sigaw ni Tyler at hinila sa kuwelyo 'yong lalaki.
"Do I look like I care about your existence?" seryosong sabi no’ng outsider.
Napanganga ako sa sinabi ng lalaki pero hindi ko rin maiwasang hindi kabahan para sa kaniya. He doesn’t know Tyler!
"G*go ka ba?! Ano’ng sabi mo?!” galit na galit na sambit ni Tyler.
The boy smirked at inilapit pa ang mukha kay Tyler kahit na hawak siya nito sa kwelyo. “Are you deaf? O baka naman hindi mo lang naintindihan ‘yong sinabi ko? You want me to translate?”
Tyler’s hand turns into a fist. “Hinahamon mo ba ako?”
“Wala pa akong ginagawa pero nahamon ka na,” said the boy.
I don’t know him, pero kung titingnan ay mukhang hindi naman niya kaya ang isang ‘to! Puro pasa na nga ang mukha niya, eh! Baka magaling lamang talaga siya mang-inis pero mukhang wala siyang laban kay Tyler. Hindi pa nakatulong na nasa likuran lamang ni Tyler ang mga alipores niya.
Aamba na dapat ng suntok si Tyler pero may pumigil sa kamay niya. Mas lalong dinaga ang dibdib ko nang makita ko kung sino iyon.
"Get your hands off him,” seryosong utos ni Asher kay Tyler.
"Ha! At sino ka para utusan ako, Dela Cruz? Hindi porke't bago at sikat ka rito ay mauutusan mo na ako nang ganiyan!”
Argh! This is getting worse! Bakit ba walang umaawat sa kanila? Kung kaya ko lamang ay kanina pa sanang walang ganitong eksena!
Asher closed his eyes, and his jaw clenched. It was like he was trying to calm himself. "Get your hands off him,” kalmadong pag-uulit niya.
"Bakit ko gagawin 'yon?! G*go ka ba?!"
"Please, you wouldn’t like it once I lose my patience," madiin na sambit ni Asher habang nakatingin sa mga mata ni Tyler. Hindi pa rin niya binibitawan ang isang kamay nito.
Nagpupumiglas si Tyler sa hawak niya at gano’n na lamang ang gulat ko dahil sa laki ni Tyler ay hindi siya makawala sa paghawak ni Asher sa kaniya. Mas matangkad si Asher sa kaniya kaya nakatingala na siya rito.
"Bakit ba nangingielam ka?!” sigaw ni Tyler.
“Tama na. Ano ka ba? Bata?” sabi ni Asher na mas lalong nakagalit dito.
“He doesn’t look like a kid a to me,” pagtawa no’ng outsider kahit pa nakahawak pa rin ang isang kamay ni Tyler sa kwelyo niya.
“Silence,” madiing sambit ni Asher kaya agad namang tumahimik ang lalaki.
Wait, are they… related? Tinitigan ko nang mabuti ang mukha no’ng outsider at napatakip pa ako ng bibig nang mapagtanto kung sino ‘yon.
It’s Aizan! Asher’s younger brother!
Naging mabilis ang pangyayari. Dahil hindi makawala si Tyler sa hawak ni Asher sa kaniya ay kay Aizan siya bumaling at dinuraan ito sa mukha.
“P*tangina,” malalim ang paghinga na usal ni Asher.
At dahil do’n ay parang naubos na ang lahat ng pagtitimpi na inipon niya dahil malakas na niyang sinuntok si Tyler sa mukha.
Sa lakas ng suntok ni Asher ay napahiga na si Tyler sa lupa. Hindi pa siya nakuntento at kinuwelyuhan niya pa ito habang nakahiga sa lupa.
"Don't ever touch my brother again with your dirty hands, you *ssh*le!" madiing aniya at pabigla niya itong binitawan.
Dinaluhan niya kaagad ang kapatid at inabutan ng panyo para mapunasan ang ginawa ni Tyler sa kaniya. Tiningnan niya ring mabuti ang mukha ni Aizan at kitang-kita ko sa kaniya ang galit.
Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin at nakipagsiksikan ako para makarating sa unahan. Tinatawag ako ng mga kaibigan ko pero hindi ko sila pinansin. Naglakad agad ako palapit sa magkapatid.
Si Aizan ang unang nakapansin sa akin. I saw amusement in his eyes as he looked at me from head to toe.
Nang lingunin na ako ni Asher ay mas lalong nadagdagan ang galit sa mga mata niya. Hindi ko maiwasang hindi kabahan.
Hinigit niya ako palapit sa kaniya. “What the hell are you doing, Jaycee?!” madiing sambit niya mismo sa mukha ko.
Napansin ko rin na mas lalong bumigat ang paghinga ko. Mali ba na nagpunta ako rito? Gusto ko lang tumulong… kaibigan ko naman sila dati.
“Gusto ko lang tumulong…” I looked at Aizan, “kay Aizan.”
Nagulat silang parehas sa sinabi ko. Itinago naman ako ni Asher sa likuran niya nang tumayo nang muli si Tyler. Mas nakita ko lalo ang pagtaas at baba ng balikat niya. Parang mas nadagdagan ang galit niya no’ng nagpunta ako. Gano’n ba kalala ang inis niya sa ‘kin?
Sumilip ako at halos manlamig ang buong katawan ko nang nakangisi si Tyler habang nakatingin sa akin at tumatango. What does that mean? Am I… the next victim?
“F*ck,” Asher muttered a curse.
“Hi.”
Nagulat ako nang bigla ‘yong binulong ni Aizan sa tainga ko. Lumawak lalo ang ngiti niya nang lingunin ko siya.
“Hi…” I said hesitantly. Ito ba ang tamang oras para magbatian?!
“You know me?” I could still see the amusement in his eyes. Dahan-dahan akong tumango. “May I know what your name is?”
“Not now, Aizan.”
Napatungo ako nang bumaling na ulit sa amin si Asher. Galit siya. Sa nangyari at… sa akin.
“I just want to know her name, Kuya!” parang bata na sabi nito.
“I said not now! Look at yourself!”
Nakakatakot siya lalo nang magtaas siya ng boses. May pag-aalinlangan ako nang mag-angat ng tingin sa kaniya. Lumamlam ang mga mata niya nang magtama ang paningin namin. Ako ang natakot sa pagsigaw niya kanina pero hindi ko alam kung bakit nakikita ko rin sa mga mata niya ngayon ang takot.
“Sorry…” he said, still looking straight into my eyes.
“It’s okay…” Alam ko naman kung saan nanggagaling ang galit niya.
Medyo nailang ako dahil may ilan pa rin pala na nanunuod sa amin.
“Did I scare you?”
Ibinalik ko ang tingin kay Asher nang itanong niya ‘yon. Ako pala ang kausap niya. Bakit niya itinatanong ‘yon sa akin? Mahalaga ba sa kaniya kung takot man ako o hindi?
Huminga ako ng malalim bago sumagot. “Does it matter?”
He was surprised to hear that.
Now, I don't see the reason why I was still there. I know that Asher could handle this situation very well. He doesn't need me. Why did I assume that I would be of help? What were you thinking, Jayceelyn?!
Ngumiti ako kay Aizan. “I have to go. Nice to see you again, Aizan.” Tinapik ko siya sa braso at naglakad na paalis. Hindi ko na muling binalingan ng tingin si Asher.
Halos wala na ako sa sarili sa mga sumunod na klase. Hindi mawala sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Bakit ganon na lamang si Asher kung tumingin at magsalita? Bakit parang… ang lambing? Nakalimutan na niya ba kaagad na hindi naman maayos ang pakikisama namin sa isa’t isa?
No’ng lunch time ay nakatanggap ako ng text mula sa kaniya. Hindi na rin kasi siya bumalik pa sa klase mula nang mangyari ‘yong insidente kanina.
We exchanged our numbers for the sake of this assignment.
From: Asher
we need to finish our homework before this day ends. i don't think I could come to class for the next few days. come over to our place, i'll give you the address.
I replied immediately. Para ‘to sa assignment kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa.
To: Asher
Sure thing. Just text your address, I'll be there after class.
Dumating na ang sunod na teacher namin at nagsimula na ang klase kaya naman itinago ko na rin muna ulit ang cellphone ko sa bulsa ko.
I immediately took out my phone after class to see his reply. Melendez’s Residence? Nakalagay rin do’n ang iba pang detalye tungkol sa address nila.
"Isn't this the apartment near Ivy's place?" I asked Syrine when I showed her Asher's reply.
“Ah, oo. ‘Yan nga ‘yon.”
Tumango na lamang ako sa kaniya. Buti na lamang at hindi niya napansin kung paano akong natigilan.
I know that their family is well-off. But why are they living in an apartment? I'm not judging them, of course. I just couldn't help but think about how much has changed in the last few years.
With that thought, I just suddenly want to know him even more.
-----
-larajeszz