Separated Love
by larajeszz
Chapter 15
Hapon ang napag-usapan naming oras ni Asher. Ang sabi niya ay susunduin niya raw ako. Hindi ko alam kung paano dahil hindi ko pa naman siya nakikitang may dalang sasakyan.
Sa pagiging abala ko kagabi sa paghahanap ng isusuot ay isang puting sleeveless dress ang napagdesisyunan kong isuot. Pinartner’an ko na rin ‘yon ng isang light brown na cardigan para hindi ako masiyadong lamigin mamayang gabi, hindi ko pa naman alam kung saan kami pupunta dahil ayaw niyang sabihin.
Kaninang meryenda ay nagluto si Matthew ng crepe cake na matcha, chocolate, at ube flavor! Sa weekends ay uuwi na siya kaya naman binusog ko na ang sarili ko sa mga luto niya dahil hindi ko alam kung kailan na ulit ang susunod. I’m gonna miss him so bad!
“May jowa ka na ba?” tanong niya kanina na siyang ipinagtaka ko.
Tinaasan ko siya ng isang kilay habang sumusubo ng ube crepe cake. Ang sarap! “Paano mo naman nasabing may jowa ako?”
Nagkibit-balikat siya. “Blooming ka kasi.”
Umirap lang ako sa sinabi niya. “It’s natural. Hindi ibig sabihin no’n ay may jowa ako!”
Pagkatapos kong kumain ng meryenda ay nagkulong lang ako sa kuwarto ko upang magbihis na at naupo sa harapan ng aking vanity table. Hindi ako makapag-decide kung itataas ko ba ang buhok ko or hahayaan kong nakalugay! I tried different styles, and when my arms started to get hurt, I just ended up clamping my hair in half with my butterfly clip. Naglagay lang ako ng light makeup at muling tiningnan ang sarili sa salamin.
Tumunog ang telepono ko at nabasa ang message ni Asher na nasa labas na siya ng subdivision. Kahit nagi-guilty man ay talagang sinabi ko sa kaniya na sa labas na lang kami magkita dahil kung susunduin niya ako sa harapan ng bahay namin ay hindi ko alam kung paano ko ‘yon ipapaliwanag sa pinsan at kapatid ko.
I was so thankful na wala si Matthew sa sala nang bumaba ako kaya nakaalis ako ng bahay nang walang nagtatanong sa akin kung saan ba ako papunta.
As I was making my way to the front gate, I started having a vision of a white car parked outside. Beside it standing was Asher. He was also wearing a white outfit. We didn't talk about this! The both of us wearing white inside a white car.
"Sa 'yo 'to?" tanong ko nang tuluyan akong makalapit.
"Kay Manong Melendez 'to,” he answered, his eyes were on the vehicle.
Natawa na lang ako sa paraan niya ng pagtawag sa matanda, pero hindi na nagsalita dahil sa t’wing naaalala ko siya ay hindi ko maiwasan na kilabutan.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at nagpasalamat ako bago pumasok at hinayaang maging komportable ang katawan ko sa seat. Habang nasa daan kami papunta sa kung saan man ako balak dalhin ni Asher ay hindi ko naiwasang mamangha nang makita ang city lights sa mga nagtataasang building. Na-stuck kami sa traffic pero nagpasalamat pa ako dahil mas matagal kong matititigan ang naggagandahang mga ilaw!
“It’s so pretty,” emosyonal na usal ko habang nakatingin pa rin sa labas.
“Very much.”
Unti-unti akong lumingon kay Asher at hindi ko inaasahang makita na nasa akin ang paningin niya. Umiwas ako ng tingin at inayos ang sarili sa puwesto ko. “Saan pala ang punta natin?” tanong ko habang ang paningin ay nasa sasakyan sa harap namin.
“You’ll see.”
Hindi rin nagtagal at umusad na ang traffic. Habang tumatagal ay nagiging pamilyar ako sa daan na tinatahak namin at nagkakaroon ako ng ideya kung saan kami pupunta. Hindi pa ako nakakapunta ro’n pero matagal ko nang gustong subukan!
And I was right, sa isang drive-in theater ako dinala ni Asher. Kahit pa nagkaroon ako ng ideya kung saan kami pupunta ay hindi pa rin nawala sa akin ang excitement. Matagal ko na talagang gustong ma-try ito pero wala naman akong maaya at hindi rin naman ako marunong mag-drive.
Habang nagpa-park si Asher ay nilinga ko ang tingin ko at nakitang halos puro couples ang nandidito ngayon. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi nang maalalang hindi naman kami totoong couple ni Asher.
“Is this your first time?” he asked.
Ngumiti ako at tumango. “Yes, but I’ve always wanted to try it. How about you?”
Umiling siya. “Si Mommy ang kasama ko no’ng una akong nagpunta rito.”
It warmed my heart to hear that he was able to have such moments with his mom.
Bago magsimula ang movie ay bumili si Asher ng popcorn sa isang stall na nasa gilid ng parking lot. Habang tumatagal kami sa panonood ay nakaramdam ako ng lamig kahit pa may suot akong cardigan. It wasn’t enough to conceal the cold! Pang-aesthetic lang pala talaga itong naihanda ko. Asher grabbed his hoodie from the backseat at ipinahiram ‘yon sa akin. The moment I wore it, agad kong naamoy ang pabango niya.
The movie that we watched wasn’t a romantic movie, it was a drama. May isang highschooler na babae at may sakit ang nanay niya. Silang dalawa lang ang magkasama sa buhay kaya walang ibang makakapag-hanapbuhay sa kanila kun’di ‘yong anak. The kid was able to provide for her mom dahil marami siyang pinasok na trabaho. Gumaling ang nanay niya pero siya naman ang nagkasakit dahil sa sobrang pagtatrabaho niya ay nakakalimutan na niyang alagaan ang sarili niya. It made me cry dahil ‘yong nanay niya naman ang nagtrabaho para sa kaniya.
Asher gave me lots of tissue dahil hindi ko na mapigil ang mga luha ko. Mabuti na lang at hindi ako nag-mascara!
“Hindi na natapos ‘yong paghihirap nila…” komento ko habang hindi inaalis ang paningin sa big screen.
“It’s based on true story.”
Mas lalong lumala ang iyak ko nang malaman na nagyari pala talaga ‘yon sa totoong buhay! Agad namang inalo ni Asher ang likuran ko.
After manood at nang medyo kumalma na ako ay bumili kami ng hotdog sandwich sa isa sa mga stall at naupo sa isang bench.
"I enjoyed the movie. Thanks,” sambit ko at uminom ng tubig.
"You really did enjoy it. Ang saya-saya mo nga, eh,” he said sarcastically.
Tahimik kaming kumain habang nililibot ang tingin sa paligid. Iilan na lamang ang mga natirang sasakyan dahil marami na ang umalis nang matapos ang pinanood namin.
"Asher..."
"Hm?"
Tumungo ako at kinagat ang pang-ibaba kong labi. "Sorry for... bursting out kahapon. I didn't mean it."
Hindi kaagad siya nakasagot. Bumuntong-hininga siya bago sabihing, "It’s okay. Naiintindihan ko." I could feel his eyes on me. "Jaycee..." Nilingon ko siya nang may nagtatanong na tingin. "Kung ano man ang ipinapakita ko sa 'yo, it's no longer part of this show." Natigilan ako sa sinabi niya at naramdaman ko ang unti-unting paglakas ng t***k ng puso ko. "I care for you, Jayceelyn. And I always will."
“Thanks…” Muli akong napatungo at pilit na pinipigilan ang malakas na t***k ng puso ko. Hindi. Of course he cares foe me, kaibigan ang tingin niya sa akin.
“Sino’ng may gawa n’yan sa braso mo?” I didn’t expect he’d ask.
Huminga ako ng malalim bago ibinalik ang tingin sa kaniya. “Actually… Savanna and I talked yesterday.”
His brows furrowed. “She did that to you?”
“Yes— Uh, no…” I shifted my weight to face his direction. “I mean, she didn’t mean to.”
“Jaycee, nasaktan ka na pero hindi niya sinasadya?” His jaw clenched and shook his head. “Tell me.”
“She said…” I was stuttering.
“She said what?”
Pumikit ako at muling bumuntong-hininga. “Asher, she’s dying…” Nang idilat ko ang mga mata ko ay kita ko ang gulat sa mukha niya. “I don’t know kung ano’ng sakit niya. H-Hindi ko na natanong. I was flabbergasted!”
Napahilamos siya sa mukha niya gamit ang kanang kamay. Itinukod niya ang magkabila niyang braso sa kaniyang mga tuhod kaya ngayon ay nakatagilid na siya sa akin. “Tell me the rest,” he demanded.
Ikinuwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari kahapon, but not too detailed. Hindi ko na sinabi sa kaniya na lumuhod pa si Savanna sa harapan ko para lang makiusap.
“Ano’ng gusto mong gawin?” he asked me after all that I’ve said.
“Asher… please, don’t put this on my shoulders.”
“I didn’t mean it that way. Sorry…” Umupo siya nang tuwid at muling tumingin sa akin. “Gusto ko lang malaman kung ano ang gusto mong mangyari para hindi ka maapektuhan ng mga desisyon ko.”
“What do you think?” I asked like the answer was just right in front of us. “We have to stop this.”
“Is that really what you want?”
I was caught off guard. Bakit kailangang alamin kung ano ang gusto ko? Hindi iyon ang importante ngayon! “B-Baka makasama sa kaniya kapag nalaman niyang hindi ‘to totoo.”
“Does she have to know?”
Napakurap ako sa naging tanong niya. “What?”
He sighed and rose up from his seat. “Let’s get you home.”
Habang nasa daan kami pauwi ay tahimik lang kami at parehas na malalim ang iniisip. Paulit-ulit sa isipan ko ang naging tanong niya. ‘Yon nga ba talaga ang gusto kong mangyari? Naguguluhan ang isipan ko, pero ang puso ko’y alam kung ano’ng gusto kong isagot sa katanungan niya.
-----
-larajeszz