Chapter 16

1789 Words
Separated Love by larajeszz Chapter 16 Naisipan kong dumaan muna sa isang café na katapat ng AIS kaya sinabihan ko si Kuya Dexter na ro'n na lang ako ibaba. Talagang sinadya ko na agahan ngayon para lang ma-try ang café na ito. Hindi naman kasi ako masiyadong umiinom ng kape kapag hapon na. I was walking towards the direction of the store when I felt a presence behind me. Dahan-dahan akong tumingin sa likod pero normal na daloy ng mga tao lang naman ang nakita ko ro'n. Nagpatuloy ako sa paglalakad pero nararamdaman ko pa rin ang presensiyang 'yon kaya mas binilisan ko ang bawat hakbang ko. I could feel my heart pounding so hardly in my chest. Nakahinga lang ako ng maluwag nang tuluyan na akong nakapasok sa loob ng café. Hindi na ako tumingin pang muli sa likuran ko dahil baka naman tinatakot ko lang ang sarili ko. Halos puno na agad ang café kahit pa sobrang aga pa lang at nakita kong iisang table for two na lang ang available. Hindi naman kasi 'yon gaanong kalakihan kaya nasuyod ko agad ng tingin ang buong lugar. Agad akong nagtingin sa menu ng kung ano ang sa tingin ko'y pasok sa panlasa ko at isang Vanilla Bean Latte ang in-order ko. Umupo ako sa natitirang bakante na table at naglabas ng isang libro habang hinihintay ang order ko. Mukhang karamihan sa mga nandidito ngayon ay call center agents sa mall na katabi lang din ng AIS. Paano ka ba naman makakaipon kung puro tambayan ang katapat at katabi ng pinapasukan mo? Halos nasisimot ko na ang allowances ko kapag nagyayaya ang mga kaibigan ko! "Vanilla Bean Latte for Jaycee!" sigaw ng barista makalipas ang ilang minuto. Iniwan ko ang librong binabasa ko sa table at tumayo para kunin ang order ko. Habang pabalik ako sa lamesa ko ay muli akong nakaramdam ng presensiya sa likuran ko pero hindi ko na 'yon pinansin. Nang ilang hakbang na lang ang layo ko sa table ko ay nakaramdam ako ng kamay sa balikat ko at halos muntikan na akong mapasigaw! "Miss." Hinarap ko ang lalaking 'yon at medyo kumalma ako nang makitang hindi naman siya mukhang masama, hindi gaya ng nasa isip kong sumusunod sa akin. "P'wede ba ako rito? Wala na kasing ibang available na table," tanong niya. I shook my head to wake myself up. "Yeah, sure. Hindi rin naman ako magtatagal." He smiled at me. "Thank you." He proceeded to the chair in front of me. Sabay kaming naupo. He opened his laptop habang ako naman ay nagpatuloy sa binabasa ko habang sumisimsim ng kapeng binili. It's so good! Kalaunan ay hindi na ako masiyadong makapag-focus sa binabasa ko dahil ang lalaki sa harapan ko ay may meeting ata at medyo na-distract ako sa formality ng kaniyang boses. Hindi naman ako ang kausap niya pero nakuha niya ang atensiyon ko. Nang sa tingin ko'y tapos na ang meeting niya ay nagtama ang paningin namin kaya agad akong umiwas. "Are you a student at AIS?" he asked. Napatikhim ako. Pakiramdam ko'y alam niya na pinapanuod ko siya kanina! "Ah, yes." "Isaac Beltran." He offered his hand na siyang hindi ko inaasahan. Pilit ngiting tinanggap ko ang kamay niya at ipinakilala rin ang aking sarili. "Jaycee Buenaventura." He moved his head to the side at pinanliitan ako ng mga mata, para bang may naalala siya. "Are you somewhat related to Mr. Jonas Buenaventura?" I nodded. "Yeah, I'm his daughter." "Oh, I see." There was a hint of shock on his face. "Oo nga, I could see your resemblance from your mom." "How'd you know my parents?" "Sa business, marami ka talagang makikilala. My dad is friends with your father." I started to feel uneasy. Hindi ako komportable sa isang tao na may alam about sa akin kahit pa hindi ko siya kilala. Ininom ko ang kape ko hanggang sa mangalahati iyon at niligpit na ang mga gamit ko. At isa pa, hindi dapat ako makampante dahil lamang sa mukha siyang mabait. Hindi ko pa rin siya kilala. I trust my gut feeling so much na kahit pa hindi ko nakikita ay alam kong may sumusunod talaga sa akin, at hindi imposibleng si Isaac ang taong ‘yon. "Uh... I have to go." Nagpaalam ako para naman hindi ako magmukhang bastos dahil kilala niya ang mga magulang ko. Baka mamaya ay kung ano pa'ng makarating na balita sa kanila about sa behavior ko. "Maaga ba mag-start ang klase sa AIS?" "No, but... May kailangan pa akong i-meet, eh," palusot ko. "Okay. Nice meeting you, Ms. Buenaventura." Habang nasaa daan ako papuntang school ay hindi ako mapakali. Para akong bata na nawawalan ng magulang sa mall dahil parang hindi ko mapagkakatiwalaan ang mga tao sa paligid ko. Nakakapraning! "Jaycee?" I stopped on my tracks when I heard a familiar voice. "Where have you been?" It was Asher. Mabilis ang paghinga ko nang nagtama ang mga paningin namin and I think he sensed that. "Asher, I think there's..." "Jaycee!" Asher instinctively hid me behind him when my name was called out from the streets. "Who are you?" seryosong tanong ni Asher kay Isaac. My hands were shaking habang nasa likuran ako niya ako ngayon. Pakiramdam ko'y maraming mga mata ngayong oras na 'to ang nakamasid sa akin. "Bro, is she alright?" I heard the concern on Isaac's voice. "Jaycee?" "O-Okay lang ako..." I answered, stuttering. "You left your handkerchief." Nakita ko sa kamay ni Isaac ang naiwan kong panyo. Sa sobrang pagmamadali kanina ay hindi ko na 'yon namalayan. "S-Salamat." "Thanks." Asher was the one to receive it. "You can go now, I've got her." "Is she alright?" "I'm sure I can take care of my girlfriend. Thanks." Unti-unti ay naramdaman kong nagsisimula na akong kumalma. I feel safe with Asher’s presence and it’s something unexplainable. Nang makaalis si Isaac ay bumaling sa akin si Asher at ipinatong ang kamay niya sa balikat ko. "Ano'ng ginawa niya sa 'yo? Bakit takot na takot ka?" "W-Wala..." Wala naman talaga, paranoid lang ako. "Do you know him?" "He knows my parents." We walked closely to each other as we made our way inside the campus. I let his arm rest on the back of my shoulders because it made me stay calm. I didn't feel the urge to look back because all I could think about was the person beside me. Siya lang. Our adviser announced an upcoming camping in the first period. Iba’t ibang reaksiyon ang namuo sa loob ng classroom namin. Ako naman ay nanatili lamang tahimik, gano’n na rin ang katabi kong si Savanna. “Sasama ka ba, Jay?” tanong ni Syrine. “I have to. Compulsory yata, eh.” She held my hand. “Kasama mo naman ako.” Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Simula elementary pa lamang ay hindi na ako pinapayagan ni Mommy na sumama sa mga ganitong klaseng activity dahil sakitin ako. Mabuti na lamang at hindi compulsory ang sumama no’ng mga panahong ‘yon, pero kahit gano’n ay may incentives pa rin para sa mga sumama. Kahit ano pang pilit ko no’n kay Mommy ay hindi ko talaga siya mapapayag. Mas mahalaga raw ang kalusugan ko kaysa sa plus points na makukuha ko. Sa break time ay kinailangan ni Syrine magpunta sa AP club dahil siya ang Vice President do’n kaya hindi ko siya makakasabay kumain. Kagaya ng sabi ni Asher, hindi na siya gagawa ng mga bagay na kung saan magiging uncomfortable ako kaya hindi na siya sumabay sa akin ngayon. Sa classroom nina Cally ako nagpunta para sila ang makasabay ko, ayoko namang magmukhang loner! “Ano’ng kailangan mo sa isang magandang tulad ko?” bungad ni Cally nang kumatok ako sa room nila. “Samahan niyo ako mag-recess,” nakangusong sambit ko. “Aba! Nasaan ang temporary-boyfriend mo? Hindi ba kayo nagkaayos?” kunot-noong tanong niya habang nakapamaywang pa. Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag sa kanila ang sitwasyon namin ngayon. Kaunting pamimilit pa ang ginawa ako hanggang sa pumayag na rin si Cally at isinama rin namin sina Ivy at Aiden. Ayaw pa niya no’ng una dahil ilang ulit niya akong kinuwestiyon at ipinagtulakan kay Asher! Habang umo-order kami ng pagkain sa canteen ay nakita kong papunta si Asher sa gawi ko. Umiwas ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin. “Meeting raw sabi ni Eya. There are minimal changes sa script,” he said. Tumingin ako sa mga kaibigan ko at agad silang tumango. Nagtaas-baba pa ang mga kilay ni Cally. Kahit kailan talaga! Hinintay ako ni Asher na makatapos magpaalam sa mga kaibigan ko at sabay kaming naglakad pabalik sa room. “Aling part daw ang nabago?” tanong ko habang kumakain ng fries. “Hindi ko pa alam. Hindi nabanggit ni Eya,” sagot niya at bumaling sa akin. Inalok ko siya ng cheese fries na hawak ko pero umiling lamang siya. “Sa ‘yo na ‘yan.” Napatigil kami sa paglalakad nang makitang nasa harapan na namin si Savanna. I could see the hoping look on her face. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa. "Asher... Nasabi na ba ni Jaycee sa 'yo?" "Yes,” he answered at parehas na napunta sa kaniya ang tingin namin. He shook his head, "Look, Savanna. Things doesn't work that way." She was on the verge of crying. "Didn't she... convinced you?" Humakbang si Asher papalapit sa kaniya. "Listen. You can't force yourself to me. Hindi ba't nasabi ko na sa 'yo noon? I only see you as a friend." Tumungo si Asher at umiling. “I'm sorry..." Savanna turned her eye on me, pain and anger was evident in her eyes. "Bakit si Jaycee? Ngayon lang naman kayo nagkakilala, ah? You've known me for years!" "Mas nauna ko siyang nakilala." Natigilan ako sa mga huling salitang binitawan ni Asher. Ito ang unang pagkakataong narinig ko mula sa kaniya na magkakilala kami noon pa man. Akala ko ay hindi na niya ‘yon naaalala, akala ko ay wala na lang sa kaniya ‘yon. "Mas matagal mo akong kasama!" Savanna cried out. "Distance isn't the issue here,” sambit niya na nakapagpatahimik kay Savanna. Maging ako ay hindi makapagsalita. "I just... love her. Noon pa man." I know that he was just saying those words to convince her, but why does it have an effect on me? "You have to go home, okay? Spend your time with your family, mas kailangang kasama mo sila sa mga oras na 'to." "Asher, hindi na ba talaga p'wede?" nanghihinang tanong ni Savanna. "Sorry, Savanna..." Asher looked at me and our eyes met. I started feeling that we were the only ones here. "But Jaycee has my heart." ----- -larajeszz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD