Separated Love
by larajeszz
Chapter 14
Dinala ako ni Asher sa isang shed sa gilid ng football field. Ngayon ay abala ako sa pagkain ng binigay niya sa aking waffle habang siya naman ay tahimik lang sa tabi ko at nasa malayo ang tingin. Lunchtime pa rin kaya marami-rami pa rin ang mga tao na nasa labas.
“Why did you bring me here?” pagbasag ko sa katahimikan habang ang mga mata ko ay nasa salungat na direksiyon niya.
Mahigit sampung minuto na kaming nandidito pero kahit ni isang beses ay hindi ko pa siya naririnig magsalita. Hindi ko tuloy alam kung sinundo niya ba ako sa mga kaibigan ko para lang pakainin ako nitong waffle.
“I wanted to talk to you.”
Napahinga ako ng malalim. “About what?”
Even if I wasn't looking at him at the moment, I could feel that his eyes were on me. His stares were burning, as if I did something bad to him.
“You’re being distant.” he stated. Hindi naman ako nagpatinag. I'm glad he noticed. “And I’m aware of what I did wrong," pagpapatuloy niya. “I’m sorry, Jaycee…”
Hearing the sincerity in his voice caught me off guard. Bakit ang lambing?!
Tumikhim ako sa kinauupuan ko at hindi pa rin siya nililingon. “What exactly did you do wrong?”
“I… I accused you of something you’re not. Hindi ko dapat inisip ‘yon, at… wala rin naman ako sa posisyon. None of this is real, dapat ay tinanong muna kita.” Something in me ached when he said that this isn't real. I'm well aware of it, pero bakit iba ang nararamdaman ko kapag ipinapamukha sa 'kin? “I shouldn’t have acted that way because we’re just friends in the real world.”
Friends in the real world.
“Apology accepted.” Tinanggap ko na ang paghingi niya ng tawad bago pa humaba ang apology niya at baka kung ano-ano pa ang maramdaman ko. “Partly, may fault din ako. Dapat ay sinabi ko agad sa iyo na pinsan ko si Matthew.” I smiled without showing my teeth and nodded. “Tama ka naman. What if nakita ni Savanna ‘yon? Mas mahihirapan tayo na mapauwi siya.” Saka ko pa lang siya nilingon. Nang magtama ang mga mata namin ay ako na ang unang umiwas dahil hindi ko matagalan ang mga titig niya. “I understand, Asher.”
Pagkatapos ng usapan namin ay naglakad na kami pabalik sa room. Malapit nang tumunog ang bell na magiging hudyat na magsisimula na ang mga klase na panghapon. Kahit pa nagkapatawaran na kami ay medyo awkward pa rin ang atmosphere sa pagitan naming dalawa.
“Mag-CR lang ako." Hindi ko sinabi 'yon dahil super awkward naming dalawa kun'di dahil kailangan ko talagang gumamit ng CR. "Mauna ka na.”
“I can wait for you.”
“There’s no need. Mabilis lang ‘to.” Tumingin ako sa relo ko. “Sige na, mauna ka na.” I smiled to assure him.
Bumuntong-hininga siya bago tumango at nagsimulang maglakad papalayo. Alam kong labag sa loob niya 'yon pero wala na siyang nagawa.
Dali-dali akong pumunta sa CR at laking pasasalamat ko na walang pila ro'n. Ayaw ko namang mahuli sa klase kahit pa ilang minuto lang dahil ilan sa mga teachers namin ay binabase ang grades sa attendance.
Habang nasa loob ako ng isang cubicle ay may narinig akong yabag na pumasok din sa CR. Ako lang mag-isa ang nandito kanina kaya rinig na rinig ko ngayon ang kung sino mang papasok. Pinakiramdaman ko 'yon at hindi ko narinig na pumasok siya sa mga bakanteng cubicle.
Nang matapos ako ay dahan-dahan ang pagkilos ko hanggang sa makalabas. Hindi ko inaasahang makita kung sino 'yong pumasok.
“Savanna…”
Malamlam ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. “Jaycee, can we talk?”
Tiningnan ko ulit ang relo ko dahil five minutes na lang ay magsisimula na ang klase! “P’wede bang mamaya after class?”
Umiling siya. “This won’t take long.”
Sa nakikita ko ngayon sa kaniya ay parang hindi siya nababahalang mahuli sa klase natin.
“Ano’ng pag-uusapan natin?” diretsang tanong ko.
“Gaano na kayo katagal ni Asher?” mas diretsang tanong niya!
Napalunok ako. Hindi namin napag-usapan ni Asher ang tungkol sa bagay na 'to kung sakali mang may magtanong! Gayunpaman, pinilit kong itago ang kaba. “Why do you have to know?”
“Jaycee, please…” Hindi ako handa sa mga sumunod na nangyari. Savanna kneel in front of me while crying. “Just for a short period of time. Please… I’m begging you.”
“Savanna, tumayo ka d’yan! Baka madumihan ka—”
“I’m dy*ng, Jaycee…” Hirap na hirap na sambit niya. “Kaya ko sinundan si Asher dito. My parents know about it kaya hindi nila ako pinigilan sa gusto ko.” Tumingala siya para magtama ang tingin namin. “Sa mga huling sandali ko rito sa mundo, gusto kong makasama si Asher. Gusto kong makasama ang taong mahal ko.”
"I'm not the one to decide..." Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang mga sinabi niya.
Umaasa siyang tumayo. "Pero p'wede mo siyang tulungan, 'di ba? I'm sure he'd understand. Can you please talk to him?" Iniiwas ko ang mga mata ko pero hinabol niya ang tingin ko. "Jaycee?"
Matindi ang kapit ni Savanna sa mga braso ko. Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong gawin o sabihin. Masiyado akong nabigla, masiyadong mabilis ang mga pangyayari. Inulit-ulit niya ang pagtawag sa pangalan ko habang umiiyak at wala sa sariling napatango na lang ako.
Nanlaki ang mga mata niya at napatalon bago ako niyakap ng mahigpit. "Thank you! Thank you..." she cried on my shoulder.
The bell rang and she distanced herself from me. Mabilis niyang pinahiran ang mga luha niya at sa isang iglap lang ay lumabas na siya ng CR na parang walang nangyari. Habang ako ay naiwan do'n mag-isa. Napahawak ako sa sink at humarap sa salamin.
"What just happened?" I asked myself.
I felt my arm aching at pagkakita ko ro'n ay may bakas na 'yon ng kamay ni Savanna.
Wala sa sarili akong bumalik sa room. Nasa upuan na si Savanna at tahimik na nakikinig sa teacher. Umiwas siya sa mga tingin ko. Pinagsabihan ako ng teacher namin pero tanging "sorry" na lang ang naisagot ko.
I didn't bother to look at Asher. Knowing how well he reads me, hindi malabong malaman niya kaagad na may mali.
Umupo ako sa tabi ni Savanna at pinilit ang sarili na makinig sa klase. We only have two classes for this afternoon and I tried so hard to help myself digest the discussions.
Pagkalabas na pagkalabas ng teacher namin para sa huling klase sa araw na ito ay umalis na rin si Savanna sa upuan niya. Nakita ko sa gilid ng mata ko na papalapit si Asher kaya minadali ko ang pag-aayos ng gamit ko.
Tumayo na ako pero napadaing ako nang kumapit siya sa braso ko. The tight grip from earlier really did leave a mark.
"Sh*t," Asher exclaimed when he noticed. "Sorry. Are you okay?"
Tiningnan ko siya sa mga mata niya at nilabanan ang mga tingin niya.
"Yeah. I'm fine," madiin at walang emosyong sambit ko.
He didn't expect the cold reply from me. "Jaycee—"
"Maaayos 'to ng pahinga, Asher..."
"Let me just check—"
"Savanna's not here. Wala siya rito ngayon kaya let's stop acting na parang totoo pa rin 'yang pag-aalala mo."
Kahit si Syrine na nasa gilid lang namin ni Asher sa buong naging pag-uusap namin ay tahimik lang at hindi na sumunod sa akin sa paglabas ko ng pinto.
Nang makauwi ako sa bahay ay dumiretso kaagad ako sa kuwarto ko. Nagbihis, nagkulong, at umiyak.
Ano ba 'tong pinasok ko? Bakit nadadawit ako sa problema nila na dapat silang dalawa lang naman ang humaharap.
Habang humuhupa ang emosyon ko ay unti-unti kong naisip na hindi ko dapat pinagsalitaan nang gano'n si Asher. Hindi niya alam na gano'n ang kalagayan ni Savanna.
Napabangon ako sa kama ko at inabot ang cellphone para mag-send ng message sa kaniya.
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi nang makita na naka-online siya. Bumuntong-hininga ako habang nagtitipa ng letra.
Jaycee Buenaventura: I'm sorry...
Mabilis niyang na-seen ang message ko.
Asher Dela Cruz: how's your arm?
Muli kong ibinagsak ang sarili sa kama. Ako na 'tong nagkamali at hindi naging maganda ang pakikitungo sa kaniya pero concerned pa rin siya sa akin. Unti-unti akong nilamon ng guilt.
He sent another message.
Asher Dela Cruz: hot or ice pack helps
Jaycee Buenaventura: Ok. Got it.
Ilang minuto after kong mai-send 'yon ay hindi agad siya nag-reply! Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil last chat ako!
Papatayin ko na sana ang screen ng cellphone ko nang makita kong typing siya. Bumilis ang paghinga ko habang hinihintay kung ano ang sasabihin niya.
Asher Dela Cruz: pwede ba kita mayayang lumabas bukas?
I almost screamed! Naibagsak ko sa kama ang cellphone ko at nagsisisipa ako sa hangin. Napatigil ako nang may ma-realize.
"What the f*ck is wrong with you, Jaycee?" tanong ko sa sarili na nginitian ko na lang din kalaunan.
Jaycee Buenaventura: Okay.
Holiday bukas at sa mga susunod na araw naman ay preliminary examination. Asher said he'd being some reviewers para raw maging productive pa rin kami bukas kapag lumabas kami.
I spent the whole night mix and matching my clothes. Kanina lang ay umiiyak ako pagkauwi galing school, ngayon naman ay abot tainga ang mga ngiti ko!
This is a very strange feeling that I'm having, but it's not making me want to set it aside.
-----
-larajeszz