Chapter 17

1562 Words
Separated Love by larajeszz Chapter 17 One thing about me is that I'll never imperil my studies over anything else. Even if things get too complicated, I still have my goals straight. It's examination week, and this would be our first preliminary as graduating students; I must take this seriously. Pagkauwi ko galing school ay inihinada ko ang laptop ko at gumawa ako ng reviewers. I compiled the PPTs sent to us into two columns para hindi saying sa papel kapag nag-print ako. After doing that, I trained myself not to use my gadgets so I could sleep early. Mahirap na, baka mamaya na naman ay hindi ko mapansin ang sarili ko na ilang oras na pala akong nags-scroll. I set my alarm to 3 A.M., that's the best time to study, at least for me. Nang tumunog ang alarm ko ay agad akong nag-stretch pagkagising. Mabuti na lamang at madali akong magising kaya hindi ko na kailangan ng five-minute interval sa bawat ring. Tumayo ako sa kama ko at naupo sa harapan ng aking study table. Hangga’t maaari ay ayaw kong sa kama mag-review dahil may tendency na bumalik lamang ako sa pagtulog. I turned on my phone's wi-fi to play some lo-fi music. Napasabunot ako sa sarili nang muli kong makita ang schedule namin. FABM ang una! Okay lang ako sa dalawang natitirang subject; EAPP and PE. Pero bakit ba laging Math ang una?! 12:40 pa ang simula ng exam at alam kong mahaba pa ang oras ko para mag-review, pero may part talaga sa FABM na hindi ko ma-gets! Hindi ko naman p’wedeng tawagan ni Syrine para lang tanungin, kapag gabi ‘yon nag-aaral. My phone lit up from a notification. Bumuntong-hininga ako bago ‘yon tingnan. Saglit lang ‘to promise! Asher Dela Cruz: you still up? Sabi ko saglit lang… Bakit ako nagt-type ng reply ngayon? Jaycee Buenaventura: Yep. Madaling araw talaga ako nag-aaral Nahihiya akong nag-type ng isa pang message. But I have to! Ayokong bumagsak, and I know Asher could help me. Jaycee Buenaventura: Can I ask for a favor? Asher Dela Cruz: of course. ano yon? Jaycee Buenaventura: Medyo nalilito lang kasi ako sa FABM Asher Dela Cruz: tatawag ako Hindi ko pa nasasabi lahat pero tumawag na nga siya! It was a videocall kaya agad kong nilagay sa phone stand ang cellphone ko. “Saan ka nalilito?” tanong niya. Napansin kong naka-specs siya kaya hindi ako kaagad nakapagsalita. Umiling ako para mabalik sa focus at in-explain sa kaniya ang part na nalilito ako. Ipinaliwanag niya ‘yon sa akin nang walang kahirap-hirap at parang unti-unti kong naisip na bakit hindi ko kaagad ‘to nakuha, eh, madali lang naman pala no’ng itinuro na ni Asher. Nakikinig naman ako sa klase! Wala pang limang minuto ay pakiramdam ko’y na-master ko na ang topic na ‘yon. Hindi na ako babagsak, thank goodness! “Accountancy ba ang kukunin mo sa college?” hindi ko naiwasang itanong. “No.” “Ano?” Tumikhim siya at napaiwas ng tingin. “Architecture.” “Weh?!” Hindi ako kaagad naka-move on sa sagot niya. “Eh, bakit hindi ka nag-STEM?” “I just want to explore.” Napanganga ako sa dahilan niya. He’s not scared to take risks! “Hindi ka ba mahihirapan n’yan?” “May schools naman na tumatanggap kahit hindi aligned ‘yong strand sa course,” he explained. “May aaralin ka pa ba?” “Wala na... ‘Yon na lang naman ang subject na kanina ko pang inaaral. Thank you.” “Get some rest. Mas mare-recall mo ang mga inaral mo kung makakapagpahinga ka.” “Thank you ulit. Magpahinga ka rin…” Hindi nagging mahirap sa akin ang exams ng first day, hindi gaya ng inaasahan ko. Nang matapos kami sa pagsasagot ay tumanggi muna ako sa mga yaya nina Cally na kumain sa labas dahil gusto kong matulog pagkauwi bago ako gumawa ng reviewer. Ayokong i-cram ang paggawa no’n. Kahit pa hindi na mahirap sa akin ang exams para sa second day ay kailangan ko pa rin ng enough time para maaral ang lahat ng lessons. Gano’ng oras pa rin ako nag-aral, pero hindi kagaya kahapon ay wala nang nag-message sa akin ngayon kaya mas maaga akong natapos. Hindi naman sa sinasabi kong istorbo ang pagtawag ni Asher kahapon, pero ngayon ay mas hindi ako nadi-distract. It was my first time seeing him in specs kaya nagulat lang talaga ako! The results of my exams made me satisfied and happy, and the same goes with my friends! We decided to celebrate it at isinabay na rin namin ang pamimili ng mga kakailanganin naming para sa nalalapit na camping. “Ngayon lang tumanggi sa gala ‘yang si Syrine, ha! Nagbago na siya,” Singhal ni Cally habang nasa loob kami ng sasakyan na siya namang drive ngayon ni Aiden. Kami ni Ivy ang nakapuwesto sa backseat. “Baka sawa na sa mukha mo,” ani Aiden. Ang napag-usapan ay sa mall na katabi ng AIS lang kami pupunta, pero ang sabi ni Aiden ay sa malayo kami mamili para na rin makagala kami. Wala naman kaming nagawang tatlo dahil nakikisakay lang kami sa kotse niya, at pabor din naman sa amin ‘yon! Hindi masiyadong marami ang tao sa mall na napuntahan namin. Nasa daan pa lamang kami ay nag-crave na agad ng ice cream ang mga kasama ko kaya naghanap agad kami ng tindahan ng ice cream pagkapasok na pagkapasok pa lang. Medyo natagalan pa kami bago makita ‘yon dahil hindi naman kami pamilyar sa lugar. “Toiletries at snacks lang naman halos ang kailangan kong bilhin,” sambit ko habang tinitingnan ang listahan ko sa notes ng phone ko. “Kayo ba? May mga sleeping bag na kayo?” “Wala pa,” sagot ni Cally habang kumakain ng ice cream niya. “Kailangan ko rin bumili ng battery ng flashlight.” “And sunscreen!” pahabol ni Aiden. Nagkuwentuhan kami habang nakaupo sa pang-apat na taong table. Lahat kami ay nag-share ng kung ano’ng mga ine-expect naming para sa mangyayaring camping. “Best part talaga ng camping ay kapag matutulog na. Kahit mainit at malamok, memorable siya!” masayang kuwento ni Ivy. Napailing ako. “Hindi ko pa alam ang feeling na ‘yan.” “Masaya ‘yon, Jay, promise!” “Masaya siya kapag hindi malikot matulog ang mapapatabi sa ‘yo,” ani Cally. Aiden had a teasing look on her face. “Sus, palibhasa nasampal ka ng katabi mo dati no’ng Grade 6 camping natin.” “Masaya ka?” “Oo!” sagot ni Aiden kay Cally at humalakhak pa kaya mas lalong sumama ‘yong mukha no’ng isa. Nagkatinginan na lang kami ni Cally sa kanila ay napailing. Parang mga bata talaga. “Si Asher ba ‘yon?” ani Ivy habang ang tingin ay nasa may likuran ko. Nilingon ko rin ang tinitingnan niya. “Kasama si Aizan.” Tinulak ko si Cally sa balikat pero abala lang siya sa pagsimot ng chocolate syrup ng ice cream niya. “Sus, ‘wag ako.” Nadako ang tingin sa amin ni Asher at nakita kong itinuro niya ang kinaroroonan naming sa kapatid niya. “G*ga! Ayan na nga!” pangungumbinsi ni Aiden kay Cally. “Palapit na Cal.” “Hi.” Cally froze on her seat when Aizan greeted us. Nagpigil naman kaming tatlo ng tawa. “I did not expect to see you guys here,” Asher said while smiling, greeting my friends. “Gusto lang nila gumala kaya dito kami pumunta,” sagot ko. Nagkunwari si Ivy na nauubo. “Si Cally ‘di makagalaw.” “Cally, okay ka lang?” kunwari’y nag-aalalang tanong ni Aiden at hinawakan pa si Cally sa noo. “T*ng*na mo,” bulong ni Cally. Pagkatapos naming kumain ng dessert ay naghiwa-hiwalay kami para mas maaga kaming makauwi. Si Asher ang kasama ko dahil ayon sa kaniya ay kailangan niya rin daw mamili ng toiletries. Snacks naman ang bibilhin nina Aiden at Ivy kaya si Cally ang naiwan kasama si Aizan. Kapatid niya ang pinabili ni Asher ng sleeping bag para raw may kasama si Cally. Ni wala silang kalam-alam na magkapatid na halos nagsusumigaw na ang kaibigan ko sa loob-loob niya. Habang naglalakad kami ni Asher ay nililibot ko ang tingin ko sa paligid. This mall’s bigger than the one beside our school. “Madalas ka ba rito?” tanong ko. “Not really. Si Aizan ang may alam ng lugar na ‘to dahil malapit sa school niya.” Tumigil ako sa paglalakad nang may napansin sa isang store na puno ng mga paintings na nakalagay sa frame. Asher noticed me stopping. “Bakit?” Itinuro ko ang nakakuha ng atensiyon ko nang hindi inaalis ang tingin doon. “That painting looks… familiar?” Tumingin din si Asher do’n at naramdaman kong natigilan din siya sa tabi ko. It looks just like our mini treehouse from before! Memories started flashing in my mind. The painting was relatively small, resembling a miniature painting. Despite its size, the elements that it has are good enough for it to catch the attention of those who look. “It does,” he agreed with a smile on his face. I see, I wasn’t the only one reminiscing. ----- -larajeszz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD