Separated Love
by larajeszz
Chapter 18
"Gusto mo bang bilhin?" Asher asked habang patuloy ang pagtingin ko sa maliit na painting na 'yon.
"Okay lang ba? Hindi ka ba nagmamadali?"
"Don't mind me.” He shook his head with one hand in his pocket. “Marami pa tayong oras."
Masaya akong pumasok sa store na 'yon at sumunod naman si Asher sa akin. Para akong bata na napagbigyang mabilihan ng candy! Nang malapitan ko ang painting ay kinuha ko 'yon at hindi na binitawan pa. Nilibot ko pa rin naman ang buong store kahit pa buo na ang desisyon ko na 'yon lang talaga ang bibilhin ko.
Habang nagtitingin ako ng ilan sa mga abstract paintings na nakasabit sa malawak na pader ay tumabi si Asher sa akin at napansin kong may hawak din siya na kagayang-kagaya no'ng bibilhin ko.
"Kukunin mo rin 'yan?"
"Oo." Itinaas niya ang kamay niya na hawak 'yon at ngumiti. "It's pretty."
Ramdam ko ang unti-unting pagbilis ng t***k ng puso ko habang pinapanuod ko siyang pagmasdan ang bagay na 'yon. Umiwas ako ng tingin at umiling, trying to ignore what I'm feeling.
Lumilipat kami ng puwesto at sa bawat abstract painting na madaanan namin ay tinatanong niya ako kung ano ang interpretation ko sa piece na 'yon. I would share my thoughts, and he'd also share his. Dahil do'n ay na-realize ko na sobrang iba pala ng perspective namin pagdating sa mga ganito. Well, he's the artistic one. He'd be an architecture student after this year!
Matapos naming bayaran ang pinamili namin ay lumabas na kami ng store na 'yon. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko, and the fact that Asher also bought the exact same thing! Parang pakiramdam ko ay nagkaroon kami ng remembrance sa pagkabata namin.
"Isn't that your brother?"
Nabaling ang atensiyon ko sa tinutukoy ni Asher. At tama nga siya, nandidito rin si Kuya Jaywen sa mall na 'to. Nasa labas siya ng isang bookstore at parang may tinatanaw mula sa loob.
Maglalakad na sana ako papalapit sa kaniya pero nakakailang hakbang pa lamang ako ay lumabas na ang taong kanina niya pang tinatanaw at kumapit 'yon sa braso niya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at pakiramdam ko'y nalimutan ko kung paano huminga.
"Syrine..." I whispered.
Tiningnan ni Kuya Jaywen ang pinamili ni Syrine sa store na 'yon at inakbayan ang kaibigan ko bago sila naglakad papalayo. Hindi nila ako napansin.
Agad akong tumalikod dahil sa nakita at napuno ng maraming katanungan ang isipan ko.
"Hindi mo ba 'yon alam?" maingat na tanong ni Asher sa akin at bahagya akong hinawakan sa likuran.
"I had no idea..." Tumayo ako nang tuwid at pilit na ipinakita sa kaniya ang ngiti ko. "Baka may dahilan lang sila kaya hindi pa sila nagsasabi."
Hindi naman ako galit na itinago nila sa ‘kin ang kung ano mang mayroon sa kanila. I just felt... betrayed? That's my brother and my best friend!
Sa pagpapatuloy namin ni Asher sa pamimili ay wala pa rin ako sa sarili ko. Mabilis niyang napansin ‘yon kaya hiningi niya sa akin ang listahan ng mga bibilhin ko at siya na mismo ang kumukuha no’n at naglalagay sa push cart. Kapag pa kailangan na naming umalis sa isang aisle dahil nakuha na niya ang kailangan niya ro’n ay hahawakan niya pa ako sa likuran para lang magpatuloy sa paglalakad o kaya naman ay para hindi ako mabangga ng ibang customer.
Hindi ko na alam kung ano talaga’ng nararamdaman ko sa mga sandalling ‘yon.
Sa first day ng camping ay noon pa namin napagkasunduan ni Syrine na kami ang magtatabi sa bus dahil wala namang in-assign si Sir Albert na seats. Ayon sa kaniya ay graduating na raw naman kami kaya sulitin na namin ang bawat event na mangyayari sa buong taon kasama ang mga taong pinakaka-close at pinagkakatiwalaan namin.
Girls ang unang pinaakyat sa bus para kami raw muna ang mauunang pumili ng pinakakomportableng puwesto para sa mahigit dalawang oras na biyahe. Sa seat malapit sa unahan lamang kami pumuwesto ni Syrine at ako ang unang pumasok para ako ang nasa may bintana.
“Baka masuka ka sa biyahe kaya ikaw na r’yan sa may bintana,” nakangiting sambit ni Syrine.
Hindi ko magawang tawanan ang sinabi niyang ‘yon dahil hindi mawala sa isipan ko na mayroon pa siyang tinatago sa akin. Kahit sa bahay, kapag nakikita ko si Kuya Jaywen ay umiiwas na kaagad ako. Ang daming pagkakataon naman na puwedeng sabihin nila sa akin ang totoo pero bakit hindi nila ginawa? Akala ba nila ay tututol ako?
"Jay." Nabalik ako sa huwisyo nang hawakan ni Syrine ang braso ko. Nasa daan na kami ngayon papunta sa campsite. "Okay ka lang?"
"Oo... Oo naman."
Ngumiti siya at itinaas ang kanan niyang kamay na nakasara. "Pataubin natin 'yang section nina Cally!" Pati siya ay napailing sa ginawa niya at pinag-krus ang mga braso. "Tulungan mo nga akong mag-isip ng yell.” Lumapit siya sa akin para bumulong. “Ako kasi ang inatasan ni Sir Albert."
Bahagya kong sinilip si Sir Albert na nasa katapat lang naming na seat sa kabilang hilera at nakitang natutulog siya. Muli akong sumandal at pinagmasdan ang kaibigan ko. I listened to her while she was humming a tune and swaying her body. She looks happy, and I’m happy for her.
But I want her to be honest with me.
"Wala ka bang gustong sabihin sa 'kin?" tanong ko sa kaniya. Tumigil siya sa ginagawang pagkanta at salubong ang kilay na tiningnan ako, nagtataka. Umiling na lang ako. "Wala. Matutulog muna ako."
"Oh... okay."
Hindi naman sa gusto ko siyang i-decline na tulungang gumawa ng yell, pero pakiramdam ko ay hindi rin naman ako makakatulong masiyado lalo pa ngayon na okupado ang isipan ko.
Niyakap ko ang sarili ko at ibinaling ang tingin sa labas. Ilang saglit pa ay ramdam ko ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na lamunin ng antok.
“Jaycee, gising na…” It was my friend’s voice that woke me up.
Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ang ngiti niya. Si Syrine pa mismo ang nag-ayos ng buhok kong nagulo dahil sa pag-idlip ko.
“Matagal ba akong nakatulog?” tanong ko habang pinupunasan ang gilid ng labi ko.
“Matagal. Nandidito na tayo, eh,” natatawang tugon niya.
Agad na nabuhay ang diwa ko nang makita ko sa labas na naka-park na ngayon ang sinasakyan naming, pati na rin ang iba pang buses na sinasakyan ng ibang strand.
Tumayo si Sir Albert sa kinauupuan niya kaya napaayos ako ng sarili. Itinapat niya ang megaphone niya sa bibig niya.
"Please naman, guys. Malalaki na kayo. Ayokong ma-stress na para bang mga elementary students ang mga batang binabantayan ko ngayon, okay? Kapag may nangyari sa inyo ay tatandaan niyong kargo ko kayo. Pinayagan kayo ng parents niyo at ibinigay nila sa akin ang tiwala nila, kaya please, sana hindi masira 'yon kapag may nangyari sa inyo dahil hindi sa lahat ng oras ay mababantayan ko ang galaw ng bawat isa." Hinagod niya ng tingin ang buong klase. "Understood?"
"Yes, Sir Albert,” we answered in chorus.
He gave us a warm smile without showing his teeth. “This would probably be the last encampment that you’ll have as high school students, at bilang magkakaklase na rin. Sulitin niyo ang lahat ng mangyayari rito dahil alam kong babaunin niyo ‘yan hanggang sa pagtanda niyo.”
Dahil sa sinabing ‘yon ni Sir ay napuno ng iba’t ibang reaction ang loob ng bus. May mga nagkunwaring naiiyak, at mayroon ding naiyak na talaga!
Pinababa na kami at pinapasok sa loob ng isang malaking gate. Sumalubong sa amin ang isang masukal, pero mukhang alagang lugar. May bakod ang kabuuan ng lugar na pagdadausan namin ng camping para masigurado ang kaligtasan namin at para hindi kami mapuntahan ng mababangis na hayop.
Habang patuloy kami sa paglalakad ay unti-unti naming natanaw ang isang malaking structure na ayon sa waiver na ibinigay sa amin ay may canteen at gymnasium. May mga kwarto rin do’n pero hindi naman namin ‘yon magagamit dahil parte ng gagawin namin ang pagbuo ng sariling tent na magkakasya ang buo naming klase.
"Buti pinayagan ka na?"
Nilingon ko ang tumabi sa akin sa paglalakad at ngumiti nang makita si Anddie.
I chuckled. "Kahit ako naman nagulat." Halos lahat yata ng mga kaklase ko ay nagulat na nandidito ako ngayon dahil karamihan sa kanila ay kaklase ko na rin no’ng elementary.
"This place is huge!" manghang sambit niya habang sinusuyod ng tingin ang buong lugar. "Modern structure sa gitna ng gubat?!"
Anim na section sa Grade 12 ang naririto ngayon at kita kong halos ang lahat ay abala sa paglilibot ng tingin sa lugar. Pati ang mga naroroon na kasama namin ay tiningnan ko at hindi sinasadyang napunta ang tingin ko kay Asher, which to my surprise, was also looking at me. Ako ang unang umiwas ng tingin. Savanna was beside Cedric at masaya silang nagbubulungan, Anddie saw it too kaya nakangusong napakapit na lang siya sa braso ko.
Ang nakatayong modern building sa gitna nito ay kahon ang hugis. Pinapila kami per section at by height. Nasa unahan ko si Syrine habang sa likuran ko naman si Anddie. Nakuha ng nagsalita ang atensiyon ng lahat.
"Good day, campers!" I was surprised to see who it was. "I am Isaac Beltran, your camp master for this year's encampment."
Nagbigay lang si Isaac ng ilang mga paalala at sinabi sa amin na ang kada section ay mayroong points na mababawasan sa t’wing hindi namin magagawa ang mga iaatas sa amin na gawain. Doon ko lang din nalaman na sa kanila pala itong lugar na ito.
Ang una naming task ay ang pagtatayo ng sarili naming tent. Boys ang nanguna ro’n habang kami namang mga babae ay naging abala sa paggawa ng flag, yell, at costume para sa mangyayaring Mr. and Ms. Camping mamayang gabi.
Sa paggawa ng flag ako tumulong. Hindi kami na-inform beforehand pero mabuti na lamang at ang isa naming kaklase ay may-ari ng catering services ang pamilya kaya mayroon siyang dalang tela. In-expect na raw niya ito dahil no’ng huling camping nila ay may ganito ring activity.
Nagpaalam ako sa mga kaklase ko ay nagtungo sa CR na nasa loob ng building.
"Jaycee..." Pinigilan ako ni Syrine sa braso ko nang makapasok na ako sa loob.
"Oh?" Hinarap ko siya at nakitang nagpipigil siya ngayon ng mga luha niya. "Ano'ng nangyari?"
She reached for my hand and squeezed it. Nanatili ro’n ang tingin niya. "Sorry... I'm sorry, Jay."
Hinawakan ko ang pisngi niya at pinunasan ang mga luha niya. "Bakit ka nagso-sorry?"
Mariin siyang pumikit at kinagat ang pang-ibaba niyang labi. "I'm seeing your brother..." pag-amin niya. I was so relieved. "Hindi ko ginustong itago... Humahanap lang ako ng tiyempo. Sorry."
Hindi ko napigilang yakapin siya dahil sa wakas ay narinig ko ‘yon mismo mula sa kaniya. "Huwag kang mag-sorry. I understand, hindi gano'n kadaling sabihin ang gano'ng bagay." Kumalas ako sa kaniya at muling pinunasan ang mga luha niya. "I don't want you to feel the need to apologize dahil lang nagustuhan mo ang kapatid ko." Hinawakan ko siya sa magkabila niyang balikat. "I'm happy for the both of you. Very, very, happy."
-----
-larajeszz