Separated Love
by larajeszz
Chapter 1
16 years later...
"Jaycee! Bumangon ka na!”
Napabangon ako kaagad dahil sa lakas ng sigaw at sunod-sunod na katok ni Kuya. Napasinghap na lang ako at pinigilan ang sarili na mainis.
"Ito na, Kuya. Nakabangon na!" sigaw ko pabalik sa kaniya.
Umupo ako sa kama at kinuha ang cellphone ko. Nag-check muna ako ng mga messages galing sa mga kaibigan ko, hindi naman kasi ako masiyadong gumagamit ng social media kaya messages at calls lang talaga ang purpose ng cellphone ko.
Habang nagbabasa ay saka ko lang na-realize na hindi pala ako nakapag-alarm. I checked on the time at napabalikwas ako nang makita ang oras. Wala pala talaga akong karapatan na mainis kay Kuya dahil iniligtas niya ako sa first day!
Tumayo na 'ko at dali-daling kinuha ang towel ko at nagpunta na sa bathroom para maligo.
Pagkalabas ko ay saktong nag-ring ang cellphone ko. Ni-loud speaker ko kaagad ito. Si Cally ang tumatawag, isa sa mga kaibigan ko. Hindi ko siya kaklase pati na rin sina Aiden at Ivy dahil iba ang strand na kinuha nila sa amin ni Syrine. STEM silang tatlo habang ABM naman kami ni Sy. Last year pa naman kaming hindi magkakaklase dahil Grade 12 na kami ngayon pero hindi ko pa rin ramdam dahil kami pa ring lima ang laging magkakasama.
"Hello?"
"Jaycee!"
"Oh, ang aga-aga ang hyper mo na agad," ani ko at napailing na lang.
"Eh, pa’no ba naman kasi, excited na ang lola mo! Feeling ko masaya itong school year na 'to. Ingat ka, ah! Tawagan ko pa 'yong ibang gurls. Bye!"
Pagkaputol ng linya ay muli na naman akong napailing. She really cares for us, a lot. Hindi lang halata na maalaga siya dahil siya ang pinakabata sa amin pero kahit na mabiro at maingay siya ay minsan ay mas ate pa siya kung umasta sa’min.
"Jaycee, breakfast is ready," katok ni Mommy sa pinto ko.
"Coming, Mom!"
Nang marinig ko ang papalayong yabag ni Mommy ay nagmadali na ako para ayusin ang sarili.
Bago ako bumaba ay chineck ko muna ang mga gamit ko kung kumpleto na ba, nakakahiya naman na kulang-kulang ka sa gamit, eh, first day of classes pa lang.
Pagkababa ko ay naabutan ko na silang lahat na nakaupo sa dining.
"Good morning!" masiglang bati ko sa kanila.
"Oh! My princess, good morning!" lumapit ako kay Daddy at hinalikan siya sa pisngi.
"Good morning, Jaycee," bati ni Mommy pabalik at ngumiti sa 'kin.
"Let's eat. You don't want to be late on your first day of school," nakangiting sabi ni Dad.
Umupo ako sa tabi ni Kuya Jaywen at nag-umpisa nang kumuha ng breakfast. Tahimik na siyang kumakain.
"Morning, Kuya," nakangiti akong bumati sa kaniya.
"Morning," maikling sagot niya at hindi man lang ako binalingan ng tingin dahil busy siya sa binabasa niyang libro habang sumisimsim sa kape niya.
Nasa harap ng pagkain pero nag-aaral pa rin! And the fact na first day pa lang naman! Hindi naman na siya sinita ng mga magulang namin dahil alam nilang ayaw nito na iniistorbo siya sa pag-aaral.
Nasa gitna kami ng pagkain nang muling nagsalita si Daddy.
"Okay, so first day. Magbe-behave kayong dalawa, ha? Lalo ka na Jaywen, future doctors should always know how to act properly," he emphasized his last words.
"Yes, Dad," sabay naming sagot ni Kuya.
"You’re both grown-ups and I expect na lalong hindi kayo magkakaroon ng bad records ngayon school year,” pangangaral niya. “I don’t want to attend school matters for a bad reason, you both know that.”
Kahit na madaming nagtatrabaho para sa parents namin, ay hindi sila nagpapadala ng mga tao nila for school matters hindi gaya ng iba. Sila palagi ang pumupunta para sa 'min kahit na hindi o maganda man ang rason. But it is always latter one. That's what I really love about them.
"Don’t worry, Dad. Like what you’ve just said, were already grown-ups. I won’t disappoint you."
"Don't just say it, Jaywen. Prove it," ani Mommy.
"I will, Mom."
Mainitin kasi talaga ang ulo ni Kuya kahit no’ng junior high school pa lang siya. Kaya naman ganito na lang kahigpit kung magbilin sina Dad sa kaniya. Napapaaway siya noon nang madalas dahil sa mga babae. Hindi 'yon lingid sa kaalaman ng parents namin.
Pero simula nang mag-senior high school, pansin kong nagbago naman na siya. 'Di na siya masiyadong sumasama sa mga kaibigan niya sa mga bar. At ‘pag wala sina Mommy, hindi na rin siya nagdadala ng mga babae rito sa bahay na ako at mga maids lang ang madalas nakakita.
"I'm done.” Binalingan ko ang kapatid. “Are you done. Kuya?” tanong ko sa kaniya.
Isang beses siyang tumango. “Yes.”
Kahit ‘di niya sabihin ay aware naman ako na ayaw niya ng gano’n. Alam kong hindi siya komportable na palagi siyang napagsasabihan gayong alam ko naman na hindi na niya ginagawa ‘yong mga bagay na ginagawa niya dati. Hindi ko alam kung bakit hindi ‘yon nakikita ng iba sa kaniya, pero nakikita ko ang pagbabago niya.
Tumayo na siya kaya sumunod na ako agad sa kaniya at patalikod na kumaway kina Mommy at Daddy.
"Pahatid ka na lang sa driver," saad niya pagkalabas naming pareho na siyang ikinagulat ko.
"What? Hindi ba 'ko puwedeng sumabay na lang sa'yo?"
Kung puwede namang sa kaniya na lang sumabay ay bakit hindi, 'di ba? Nahihiya rin kasi akong mang-abala pa. Gabi nang nakauwi kagabi sina Dad mula sa importanteng meeting kaya alam kong pagod at puyat pa si Kuya Dexter, ang driver namin.
Saglit siyang napaisip at maya-maya lang ay tumango na lang din, parang napipilitan pa.
Palihim akong napangiti nang pagbuksan niya ako ng pintuan.
"Drive safely, Kuya,” paalala ko nang makasakay na kami pareho.
"Don't teach me. Are you older?"
Naisara ko na lang ang bibig ko dahil saglit kong nalimutan na ayaw niyang pinagsasabihan.
"Just saying," I said and turned my gaze outside. Fine, he's the boss.
Nagmaneho na siya at pagkalabas ng village namin ay bigla niyang binilisan ang takbo!
"Kuya, ano ba?! I said drive safely!”
"You’re wearing a seatbelt. You didn't ask me to drive slowly," he said and smirked.
"Bakit ba nagmamadali ka? It's just 6:10 in the morning! 7:00 pa ang klase!" sabi ko sa kaniya. 'Di naman kasi kalayuan ang school, parang 10 minutes lang ang biyahe papunta doon mula sa bahay namin.
"May bibilhin lang ako sa mall. You wanted this; I told you to call the driver."
Hindi na lang ako nagsalita dahil nakisabay na lang naman ako.
Maluwag pa ang parking lot nang makarating kami kaya hindi na siya nahirapang maghanap ng pagpa-parking’an. Halos walking-distance na lang itong mall na 'to sa school.
"If you want go down too, then go. Ite-text na lang kita kapag paalis na tayo."
“Hindi ba tayo magtatagal dito?” tanong ko.
“You know that I was never late for my classes. So, don't worry. This wouldn't take long.”
Bumaba na ako at sumabay ng paglalakad sa kaniya. May ilang schoolmates ako na nakitang pinapanuod kaming dalawa. And I know that they're aware that we're siblings even though we don't share the same features. Nakuha ko ang features ni Mommy habang ang kay Kuya naman ay ang kay Dad.
He's quite famous. There were sometimes before where some girls would go to our classroom to ask for me and ask random things about my brother.
"Ano ba’ng bibilhin mo?" I asked him out of curiosity.
"A gift,” he simply said. He didn't say exactly what type of gift he was going to buy, so I didn't ask further about it.
“Para kanino?”
Natigilan siya nang itanong ko ‘yon. Hindi naman ako nag-e-expect na para sa ‘kin ‘yon.
I chuckled and shook my head. “Never mind. That’s your business.”
Pagkapasok sa mall ay hindi na ako sumabay sa kaniya ng paglalakad dahil nagtingin-tingin din ako sa stores na natitipuhan ko ang mga products. Pero wala naman akong planong mag-shopping ngayon dahil kaunting oras na lang ay kailangan na naming pumasok.
I stopped walking and look around to find my brother. Nakita ko siyang pumasok sa isang flower shop. Is he courting someone? Well, then it's nice if he does. He's not getting any younger.
Nagpunta ako sa isang bookstore at nagtingin-tingin. Halos lahat ng mga libro sa shelf ko ay nabasa ko na kaya kailangan ko nang bumili ng bago.
Pero hindi ako nagtagal do’n dahil baka tapos na rin si Kuya Jaywen sa pamimili. May next time pa naman. Puwede naman kaming dumaan ng mga kaibigan ko rito mamaya pagkalabas.
Pagkalabas ko ng bookstore ay biglang natuon ang atensyon ko sa isang lalaki na nakaupo sa labas ng katapat sa restaurant. He's wearing a uniform that looks exactly like ours. Boys in our school to be specific. I didn't know why but he really got my attention.
May lumapit sa kaniya na waiter pero inilingan niya lang ito, meaning he wouldn't take an order. He's not eating and he's seating on a 4-seated-table with his arms crossed. Hindi ba niya naisip na sa dami ng tao ay marami ang gugustuhin na umupo sa puwesto niya?
His aura kind a look cold, kaya siguro walang naglalakas loob na lumapit sa kaniya.
I could tell that he's tall even if he is seating right now. He has messy hair, and his bangs were covering his eyes. Well, not totally covered. And… his jaw. Hindi ko na namalayan na napatitig pala ako ro’n ng medyo may katagalan!
Male-late ka na, Jayceelyn!
He looks familiar…
"Jayceelyn!"
Napalingon ako sa tumawag sa 'kin. Dala-dala na niya yung bouquet na binili niya sa pinasukan niyang flower shop kanina.
"Why aren't you answering your d*mn phone? Ano pa'ng purpose n’yan?!" naiinis na tanong niya. Naiintindihan ko naman kung bakit.
"Sorry, Kuya, I was just pre-occupied."
"Yeah, I could tell. Tara na.”
Bago ako sumunod sa kaniya ay binalingan kong muli ng tingin ‘yong lalaki. At laking gulat ko nang makitang nakatingin din siya sa akin! His lips parted when our eyes met.
He really, really looks familiar…
"Jaycee!"
Ako na ang naunang magbawi ng tingin at sumunod na sa kapatid ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa biglaang pagbilis ng t***k ng puso ko.
Was I… attracted to that guy?
-----
-larajeszz