Chapter 10

2160 Words
Separated Loveby larajeszz Chapter 10 Nagising ako dahil may naramdaman akong kamay sa balikat ko. Dahan-dahan akong dumilat at nakita kong si nurse pala ‘yon. Naupo ako sa kama habang nagkukusot ng mata. “Matagal po ba akong nakatulog?” Sumenyas siya na hinaan ko ang boses ko. “Hindi pa naman gano’n katagal, pero nasa labas na ‘yong naghatid sa ‘yo rito kanina. May kausap siyang babae at parang nag-aaway sila.” Napakunot ako ng noo at agad na bumaba ng kama. Kahit na antok na antok pa ako ay pinilit ko pa ring maglakad nang tuwid. Sino’ng kaaway ni Asher? At babae pa raw? Dahan-dahan kong hinawi ang kurtina at tinanaw sila sa labas. Si Asher at Savanna ang nakita ko ro’n. Kung titingnan namang mabuti ay mukha namang masinsinan lang silang nag-uusap, hindi ko alam kung paano nasabi ni nurse na nag-aaway silang dalawa. “Kanina pa po ba sila r’yan?” “May tatlong minuto na bago ka magising.” Muli akong naupo sa kama. I let a good five minutes past bago ako nagpasalamat kay nurse at dahan-dahang binuksan ang pintuan palabas. To my surprise, Asher was already alone sitting on the bench outside the clinic. I gave him a half smile. “You waited?” He rose from his seat. “Bumalik ako sa room no’ng inihatid kita, bumalik lang ako to check up on you.” “Hindi naman malala ang lagay ko. Hindi ka na dapat… bumalik dito.” Umiling siya. “I brought you here, kaya natural lang na susunduin din kita.” Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa room, and we were silent. Wala akong lakas ng loob na itanong sa kaniya kung ano ang relasyon ni Savanna sa kaniya kaya nagpanggap na lang ako na walang nakita. “Jaycee.” I stopped on my tracks when I heard him call my name. Dahan-dahan akong bumaling sa kaniya, pero dahil matangkad siya ay kinailangan ko pang tumingala. “Ano ‘yon?’ “I saw you. Nakita mo kami ni Savanna.” Napaiwas ako ng tingin. Nababasa niya ba ang naiisip ko?! “Napasilip lang ako. Hindi ko intensiyon na makinig sa kung ano man ang pinag-uusapan niyo. To be honest, I didn’t hear anything!” He sighed. “That’s not what I meant…” He took a step closer. “She’s just a… friend.” Napaatras ako ng isang hakbang at napalunok. “Nabanggit niya nga rin sa ‘kin na magkakilala kayo…” “To me… she’s just a friend.” Nagtataka ko siyang tiningnan. “Ano’ng ibig mong sabihin?” Bumuntong-hininga siya. “Look… She confessed to me kanina habang nasa clinic ka.” “Confessed what?” He ran his palm through his hair and bit his lower lip. He sighed once more, “Savanna has feelings for me. She’s here dahil sa ‘kin, and her parents don’t even know! At akala niya ay…” Kinabahan ako sa paraan ng pagtingin niya. I have a bad feeling about this… “Akala niya ay girlfriend kita.” Parang naubusan ako ng salita dahil sa narinig ko. Ano ba’ng dapat i-react sa ganito? Ngayon lang ako na-associate sa isang guy na friend! “Oh…” tanging nasambit ko. “Ano’ng sinabi mo sa kaniya?” Napapikit siya. “I played along. Sinabi ko na girlfriend kita.” My jaw dropped. “Ano?!” medyo tumaas na ang boses kp. “Bakit mo sinabi ‘yon? Ano na lang sasabihin ng mga kaklase natin? Ng ibang tao?” Ramdam ko ang pagbilis ng hininga ko. “Jaycee, for the meantime lang, I promise.” Napasabunot siya sa buhok niya. “Sinabi niya sa akin na hindi siya uuwi nang hindi ako kasama. How could I possibly do that? I can’t leave my mom and brother here.” Kahit papaano ay nauunawaan ko na kung bakit mukhang problemado si Asher. Kaibigan lang ang tingin niya kay Savanna pero nagawa nitong sumunod dito sa Pilipinas at nagbanta pa na hindi uuwi nang hindi siya kasama. Gano’n ba ang ma-in love? Gano’n ba dapat ka-willing mag-take ng risk ang isang tao para sa minamahal niya? Hindi ko alam… “Sige,” sagot ko nang hindi nakatingin sa kaniya. “Pansamantala lang naman, ‘di ba? Kung ‘yon ang makakabuti sa kaniya, then… I’m in.” Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya. “Thank you, Jaycee.” Muli akong napaiwas ng tingin dahil nahihiya ako para sa sunod kong sasabihin. “Hindi naman natin kailangang… maging sweet at clingy sa harapan niya, ‘di ba?” Napanguso ako nang tawanan ni Asher ang tanong ko. Ano ba’ng nakakatawa? Seryoso ako! Malay ko ba sa ganito? I’ve never had flings! Wala akong ideya sa mga ganito. ‘Yong mga ginagawa sa romance books na nabasa ko noon ay tila ba biglang nawala na sa memorya ko. “You don’t have to worry about that. You just have to,” he shrugged. “Play along.” And I really did play along. I put myself in a situation without properly thinking about the consequences. Asher and I are now in the cafeteria for our lunch. I didn't think twice before I agreed! Situations such as this one are a very normal thing for a couple to do, and I am anxious. We're not a real couple, and my brother might catch us! “You okay?” I heaved a sigh, straightened my back, and forced a smile. “Y-Yes.” It sounded so fake! Asher looked uneasy. "Sorry, Jaycee. I shouldn't have said that to Savanna and forced you into this. We don't have to do this; there must be some other way-” Umiling ako at ipinatong ang mga kamay ko sa mesa. “No. It’s just that…” Tumingin ako sa paligid at inilapit ako ang mukha ko para marinig niya ang sasabihin ko. “My brother might see us.” Mukha namang naunawaan niya ang nais kong iparating dahil tumango siya. “If that’s the case, then I’ll let you eat with your friends.” “Paano ka?” He smiled at me. “I can eat all by myself.” Agad akong umiling sa sinabi niya. “You can eat with us. That way, hindi masiyadong maghihinala si Kuya Jaywen kapag nakita niyang madami tayo sa isang table.” Mabuti na lamang at nakita ko kung saan pumuwesto ang mga kaibigan ko kanina. Nauna ako sa paglalakad habang kasunod ko naman si Asher na may dalang tray ng mga in-order namin. “Guys, p’wede ba kami rito?” tanong ko. Sabay-sabay silang nag-angat sa amin at agad na sumilay ang ngisi sa mga labi nila. Hindi na sila nagtataka kung bakit kami magkasama dahil idinahilan ko na naman ‘yong play na pagbibidahan namin. “P’wedeng-p’wede!” ani Cally at hinigit na ako papunta sa tabi niya. “At acts of service na pala ang love language mo ngayon?” bulong ni Cally nang makaupo ako sa tabi niya. Mahina ko siyang siniko dahil ayaw kong marinig ni Asher na inaasar ako ng mga kaibigan ko sa kaniya! Nang makaupo na rin si Asher sa upuan niya ay iniabot na niya sa akin ang order kong chicken nuggets with brown rice at iced tea. Ang katabi ko sa aking right side ay sina Cally at Aiden. Katapat ko si Asher at ang nasa left side niya naman ay sina Ivy at Syrine. “Hala!” Nagulat kami nang bigla na lang sumigaw si Aiden sa upuan niya, pati ang mga nasa kabilang table ay napalingon sa kaniya. “Bakit, Aiden?” nag-aalalang tanong ni Ivy. Tinakpan ni Aiden ang bibig niya at nag-angat ng tingin sa aming lahat. “Kanino ‘tong buhok na natapakan ko? Ang haba ng hair!” Nagkunwari pa siya na sinundan kung saan nanggaling ‘yong buhok na ‘yon at dumako ang tingin sa akin. “Kay Jaycee pala!” Napapikit na lang ako nang magtilian silang lahat. May ilan din akong narinig mula sa kabilang table na nakikitili sa kanila. “K-Kumain na nga lang kayo,” sambit ko at nahihiyang tumingin kay Asher na diretso lang sa pagkain habang may sumisilay na ngiti sa mga labi. He’s enjoying this! Afternoon classes resumed, and Asher treated me the normal way that he already does. Wait, let me clear myself out. It's not that I'm waiting for him to make big gestures! Like I've said, I am new to all of this. I don't know how a "boyfriend" acts because his being distant might not convince Savanna that we really are a couple. Wait, a minute. Am I hating the fact that he's being distant?! Hindi pa nakatulong sa pag-o-overthink ko na katabi ko lang sa seating arrangement si Savanna! Pati ito ay nawala sa isipan ko nang pumayag ako sa gustong mangyari ni Asher. Bakit nga ba kasi gano’n kabilis niya akong napapayag? “Ms. Buenaventura.” Tumayo ako nang tawagin ako ni Mrs. Javier, ang PE teacher namin. “Give me the first of the Leave No Trace Principles.” Mabuti na lang at na-review ko ang topic na ‘to. “The first of the Leave No Trace Principles of outdoor recreation is to plan ahead and prepare.” “Very good, Jaycee. Who could give me the second principle?” Hindi na ako nagulat nang magtaas ng kamay si Savanna pagkatapos kong sumagot. Pagkaupo ko ay nadako ang tingin ko kay Asher at binigyan niya ako ng thumbs up. I couldn’t help but to smile with his small gesture. After classes ay nakatanggap ako ng message kay Kuya Jaywen na tapos na rin daw ang klase niya kaya isasabay niya na raw ako sa pag-uwi. Pagka-dismiss na pagka-dismiss ng klase namin sa FABM ay agad nang lumabas ng room si Savanna na tila ba nagmamadali. “Sy, isasabay ako ni Kuya Jaywen pauwi.” Napatigil si Syrine sa pag-aayos ng gamit at tumingin sa akin. “Ah, sige. Mag-iingat kayo.” “Hindi ka pa ba lalabas?” tanong ko. “Sabay ka na sa ‘kin.” “May ano… May dadaanan pa ako, eh. Mauna ka na.” Tumango ako at nagpaalam na sa kaniya. Napunta ako tingin ko kay Asher, abala siya sa pag-aayos ng gamit niya. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong magpaalam sa kaniya dahil wala naman na sa loob ng room si Savanna. Matagal pa akong nakipagtalo sa isipan ko pero sa dulo naman ay lumapit pa rin ako sa kaniya. Papunta pa lang ako sa kaniya ay nabaling na sa akin ang kaniyang tingin. Napatigil ako sa kinatatayuan ko. “I’ll go ahead,” paalam ko sa at itinuro ang labas. “Samahan na kita.” Sunod-sunod akong umiling. “Ano, uh… Isasabay kasi ako ni Kuya.” Na-gets niya na kaagad ‘yon. May kamay na biglang umakbay sa balikat ko. “Ako na ang sasama sa kaniya palabas,” ani Anddie. Ngumiti si Asher sa kaniya at tumango. “Thank you, Anddie.” Muli siyang tumingin sa akin. “Ingat ka.” Anddie has been clinging her arms with mine the whole way out. “Sabi ko na nga ba at type ka no’n,” aniya. Napabuntong-hininga ako. “There’s something I must tell you,” panimula ko. Mapagkaaktiwalaan si Anddie kaya naman sinabi ko sa kaniya ang pagpapanggap na ginagawa namin ni Asher. Siya ang pinakaunang tao na nakaalam dahil hindi ko pa nasasabi sa iba kong kaibigan dahil baka may ibang makarinig sa amin. “Really?!” As expected, gulat na gulat siya. “Thank goodness! Akala ko talaga ay si Cedric ang gusto niya!” Pilit akong napangiti. May kung ano sa akin ang nagsasabi na sana nga ay si Cedric na lang ang gusto ni Savanna. Agad akong na-guilty nang maisip ‘yon dahil gusto siya ng kaibigan ko. “Pero ang weird naman no’n, ‘di ba? Hindi naman sila ni Asher pero ide-demand niya na umuwi si Asher kasama niya? Ano ba sila dati?” Medyo natigilan ako sa tanong niya. “Hindi ko rin alam…” Nang makarating kami sa parking ay nandodoon na ang sundo ni Anddie. “Jaycee, okay ka lang ba rito?” “Oo naman. Papunta na rin si Kuya Jaywen. You can go.” Niyakap niya ako bago siya sumakay sa sundo niya. Pagkaalis ni Anddie ay hinanap ko sa paligid si Kuya Jaywen. At the other end of the parking lot, I saw Savanna. She was waving to someone. I couldn't see the other person because the cars were blocking my vision. Seconds later, I saw him. The guy wasn't familiar. I pretend not to see them because there were five of them, and it's just me. For the last time, I glanced in their direction, and the tallest guy was kissing Savanna's forehead. Who are these guys? ----- -larajeszz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD