Chapter 9

1625 Words
Separated Loveby larajeszz Chapter 9 “Sorry, Jaycee! I know it’s already late pero tumawag pa rin ako.” I smiled. “Don’t apologize, Eya. It’s totally fine.” Kanina pa lamang sa school ay na-inform na niya ako about sa magiging video call meeting namin ngayong gabi. There'd be a school contest wherein each section needs to present a play with an actor and an actress as the main characters. Eya would be the writer of the story, and I am the chosen actress. We discussed about the plot that she has in mind. Tumawag siya para i-share sa akin ang naiisip niya at para rin hingin ang opinion ko about dito. Halos musical ang gusto niyang mangyari. Wala namang kaso ‘yon sa akin dahil dati naman na akong nakapag-musical play at dati rin akong member ng church choir. “Oh, I almost forgot. Sino pala ang magiging co-actor ko?” Bago pa man siya makasagot ay may lumabas nang notification sa screen ko. Asher Dela Cruz joined… Pinigilan kong ipakita ang gulat ko. So, he also acts? “I was just about to say his name!” Eya laughed. “Hi, Asher. Welcome sa call.” “Good evening, ladies,” he greeted. “Good evening,” sagot namin ni Eya. “Ano na’ng napag-usapan niyo?” Muli ay ipinaliwanag ni Eya kay Asher ang mga napag-usapan na namin, so far. We were given a specific Philippine region para maging basehan ng mangyayaring play. Region IV-A ang naiatas sa amin. Eya did some research and come up with the concept of Maria Makiling and her lover. “Kumakanta ka naman, Asher, ‘di ba?” Eya asked. I wasn’t blinking the whole time I was waiting for his answer. Hindi ko alam kung bakit sobrang interesado akong malaman kung ano ang magiging sagot niya. Asher bit his lower lip before answering, “Yeah.” Eya clapped her hands once with his answer. “Good! Hindi na tayo mamomroblema na manghagilap ng singers dahil kumakanta naman kayo parehas. Don’t worry, sa mismong performance ay alam kong mapapagod na kayo sa movements kaya pre-recorded na ang mga songs na gagamitin natin para magli-lipsync na lang kayo.” After further discussions about the plot, we bid our goodbyes to each other. Eya waves her hand. “Bukas na lang ulit tayo mag-discuss kung sakaling magkaroon ng changes t’saka kung mayro’n din kayong suggestions. Bye!” “Bye, Eya! Thank you so mu-” Hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko ay nakapag-leave na siya kaagad sa call. Kami na lang ni Asher ang naiwan. Kita ko sa kaniya na hindi niya rin malaman kung anong gagawin niya. “Uh… Aren’t you going?” he asked. “No.” What the f*ck, Jaycee? “Ah, what I mean is… oo. Uh… Bye, Asher.” “Good night, Jaycee.” I am about to leave the call when he spoke again. “Papasok na ako bukas.” May kung ano sa dibdib ko ang natuwa sa narinig. “Yeah? Okay, uh… See you!” He smiled. “See you.” And then, I left the call. Naibagsak ko ang sarili ko sa kama ko. Ano ba ‘yong mga pinagsasasabi ko?! “Really, Jayceelyn?! Anong “see you”? Parang gustong-gusto mo tuloy siyang makita!” I stared at the celing and the words I’ve just said kept appearing in my mind. Inilubog ko ang mukha ko sa unan at malakas na sumigaw ro’n. The other day, my brother offered me a ride to school. Who am I to say no? I couldn’t sleep that much last night. The way I converse with Asher is giving me a weird feeling and I just know that something's wrong. Binanggit ko agad sa mga kaibigan ko ang ilan sa mga nangyari kagabi, pero hindi lahat. Taga ibang section pa rin ‘yong tatlo kaya hindi ko dapat na mai-share sa kaniya ang concept at plot ng magiging play namin. “OMG talaga!!!” pagtili ni Cally. Sinundot-sundot ni Ivy ang tagiliran ko. “Ikaw, ah. Palagi na lang kayong pinagpa-partner ni Asher!” “Ano ba?!” Umiwas ako sa kamay niya. “Ako ba ang pumili ng cast?” “Sus!” ani Sy. “Ayon na nga, eh. Hindi ikaw ang pumipili sa kaniya pero napaglalapit pa rin kayo!” Nagsigawan na naman silang apat. “Meant to be ang atake niyo,” sambit naman ni Aiden. “JaySher! JaySher! JaySher!” she cheered. Nakisabay pa ‘yong tatlo sa pagchi-cheer ni Aiden kaya hinampas ko sila isa-isa sa braso. “Tumahimik nga kayo!” “Uhm… Excuse me.” Pinatayo ko kaagad si Aiden sa upuan ni Savanna nang dumating siya. “Here. Sorry,” my friend apologized. Savanna just smiled at her. “No, it’s okay.” Naupo na lang si Aiden sa lamesa ng armchair ko at nagpatuloy sa pang-aasar sa akin. “Ang expensive kaya pakinggan ng JaySher. Parang glacier of ice lang!” Pumalakpak pa siya sa mga naiisip niya. Ako naman ay pinanlalakihan lamang siya ng mata dahil baka magkaro’n ng idea si Savanna sa mga pang-aasar ng mga kaibigan ko. Magkakilala pa naman sila ni Asher… “Migo.” Nabaling ang tingin namin sa nagsalita. Savanna rose from her seat, looking directly at the person who just arrived. Tiningnan ko si Asher at nakita ang kunot ng noo niya. He doesn’t look pleased to see her here. His jaw clenched before walking past all of us. I don't understand. Why does he look mad? Nakatungong umupo si Savanna sa upuan niya. “Magkakilala sila?” bulong ni Cally sa ‘kin. Pasimple na lamang akong tumango. When the bell rang, my friends had to return to their classroom, and our morning class started. After an hour of listening to the Personal Development class, we had a 2-hour vacant. “Jay, tara sa canteen,” pagyaya ni Syrine. “Tara.” Kinuha ko ang wallet ko sa bag at tumayo na. My cravings popped up in my mind, making my throat dry to have a taste of them when someone stopped me by holding my right arm. Paglingon ko ay nakita kong si Asher ang nakahawak sa braso ko. “Bakit?” For Pete’s sake! Nasa harapan lang kami ng seat ni Savanna! Ramdam ko ang panunuod niya sa amin ni Asher. “We’ll have a meeting pagkabalik niyo ni Syrine.” Pagkasabi niya no’n ay saka pa lamang siya bumitaw sa braso ko. “Okay. Bibilisan na lang namin.” Hindi ko na pinahaba pa ang usapan namin at ako na mismo ang humila kay Syrine paalis ro’n. Panay na naman ang panunukso niya sa akin habang nasa daan kami papunta sa canteen. Isang chocolate rocher waffle ang in-order ko habang blueberry cheesecake naman ang kay Syrine. “Okay ka lang, Jay?” nag-aalalang tanong ng kaibigan ko. Bigla na lang akong nakaramdam ng hilo at medyo nilalamig rin ako kahit pa hindi naman gaanong kalakasan ang aircon dito sa canteen. “Biglang sumama ang pakiramdam ko. Pero okay lang, tapusin na muna natin ang pagkain.” Hindi ko na nagawang tapusin ang pagkain ko dahil pakiramdam ko ay maiduduwal ko ang kung ano mang ilalagay ko sa loob ng bibig ko. Napansin kong binilisan na ni Syrine ang pagkain niya para hindi na kami magtagal pa rito. “Dadalhin na kita sa clinic.” Agad kong binawi ang braso ko kay Syrine nang hinila niya ako patungo sa daan papuntang clinic. “Mamaya na lang, Sy. May meeting pa kami…” Kumunot kaagad ang noo niya. “Jayceelyn, namumutla ka na!” Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat para pakalmahin siya. “Don’t worry, kapag talagang hindi ko na kaya ay ako na mismo ang pupunta mag-isa sa clinic. Baka kasi importante ‘yong mga kailangan naming pag-usapan.” Kahit pa hindi kumbinsido ay tumango na lamang siya. Sinabi niyang kumapit na lamang ako sa braso niya habang naglalakad kami dahil baka raw bigla na lamang akong matumba. Hindi ko naubos ang binili kong waffle kaya ipinabalot muna ‘yon ni Syrine. Nang makabalik kami sa room ay kung ano-ano na ang pinagkakaabalahan ng bawat isa. May mga nagja-jamming, nagbabasa ng libro, may mga nagkukuwentuhan, at mayroon ding ilan na natutulog. Nadako ang tingin ko kina Eya at Asher na ngayon ay nakaupo sa magkaharap na armchairs. Pansin ko rin na may isa pang upuan sa tabi ni Asher na nakabilog din pero walang nakaupo. Maya-maya pa’y napunta ang tingin nila dalawa sa amin ni Syrine. Agad kong nakita sa mukha ni Eya ang pag-aalala. “Okay ka lang, Jaycee?” Nakita ko kung paanong kumunot ang noo ni Asher kaya bahagya akong napatungo. “Oo. Ah… ano, medyo nahihilo lang.” Mauupo na dapat ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Asher nang bigla siyang tumayo at muling humawak sa braso ko. “Eya, can you resume the meeting with the whole class? Inform them about their roles and the flow of the story. I'll just bring Jaycee to the clinic.” Sinubukan kong magpumiglas. Hindi madiin ang pagkakahawak ni Asher pero hindi rin ‘yon maluwag kaya hindi ko pa rin naialis kaagad ang pagkakahawak niya. “Maayos pa ako.” Lumingon siya sa ‘kin at kitang-kita ko kung paanong magkasalubong ang makakapal niyang kilay. “Gusto mo bang lumala pa ‘yan? Baka mamaya ay bigla ka na lang matumba,” kalmado pero may diin niyang sambit. Hindi na ako nakasagot dahil naglakad na siya papaalis. Bago kami tuluyang makalabas ng room ay nakita ko pa ang ngisi sa labi ni Syrine. Sigurado akong ipapamalita niya na naman ‘to! ----- -larajeszz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD