Separated Love
by larajeszz
Chapter 5
"Jay, I really need to go. Sabi ni Mommy ay may family dinner raw kami sa bahay," pagpapaalam ni Ivy.
Nandito na kami sa harapan ng gate ng Melendez’s Residence. Sa kaniya na lamang ako nagpasama dahil siya rin ang malapit lamang ang bahay rito. Gusto ko sanang tumutol sa pag-alis niya dahil gusto kong samahan niya ako hanggang sa loob pero may hiya pa rin naman ako.
“Sige na, mauna ka na. Thank you, Ivy.”
"Kapag natapos agad kayo ay punta ka sa bahay, ah? Kung may mangyari man ay text me para masundo kita kung sakali."
"As if namang may masamang mangyayari sa 'kin dito," natatawang saad ko para hindi na siya mag-alala.
Pero who knows, right? 'Di naman natin alam kung kailan dadating ang kapahamakan. Pero gagawa lang naman kami ng homework, 'yon lang ang ipinunta ko rito. 'Pag may nangyari sa 'kin dito ay baka hindi ako payagan ni Daddy lumabas ng bahay. Baka nga kahit gasgas lang ang makuha ko ay grounded na 'ko for a week!
"Sige na. Bye, Jay!"
Nagkawayan kami. Pagkaalis niya ay bumuntong-hininga ako bago pinindot ang doorbell.
I should've texted Asher first that I am already here outside!
Nilabas ko ang cellphone ko para mag-text nang biglang nagbukas ang gate. May lumabas na isang matandang lalaki na singkit, maputi, at puti na ang buhok pati na rin ang balbas nito.
"Ano iyon, ija?" malumanay na tanong niya.
Siya siguro ang may-ari nito. Mukha siyang negosyante kahit nakapambahay lamang siya ngayon.
"Magandang hapon po," bati ko naman. Kahit na kinakabahan dahil hindi naman ako masiyadong humaharap sa mga taong ‘di ko kakilala ay nagbigay galang pa rin ako.
Tumango-tango naman siya bilang pagsagot.
"Uh... may pupuntahan lang po sanang kaibigan."
"Ano’ng pangalan ng kaibigan mong iyan?"
"Uh... Asher Dela Cruz po."
"Ako nga pala si Señor Melendez." Inihain niya ang kamay niya sa 'kin.
Parang hindi niya pinakinggan ang sinabi ko. Kabastusan naman ‘ata kung hindi ko tatanggapin 'yong kamay niya. Pagbaling ko ng tingin ay titig na titig na siya sa 'kin, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Maya-maya pa'y bigla siyang humakbang papalapit, napaatras ako. Dapat talaga ay tinext ko muna si Asher, eh! Lapit siya nang lapit at ako nama'y layo nang layo.
Maya-maya ay naramdaman ko na wala na 'kong matapakan. Nasa dulo na 'ko ng gutter! Nang mawala na ‘ko sa balanse ay may naramdaman akong sumalo sa likuran ko.
I could've had broken bones kung hindi ako nasalo nito! At isa pa ay masakit ang bagsak ko kung nagkataon dahil puwet ang mauuna.
Pag-angat ko ng tingin ay si Asher ang may hawak sa akin. Ramdam ko ang bigat ng paghinga niya. Para bang galing siya sa kung saan at tumakbo para lang makarating kaagad dito.
Itinayo na niya ako at tiningnan ko ang kabuuan niya. Naka-sando, shorts at may hawak siya na supot na mukhang galing sa isang pharmacy.
"Are you okay?" sinserong tanong niya.
Hindi ko na lamang pinansin ‘yon at tumango na lamang sa kaniya.
Bumaling siya sa matanda gamit ang seryoso niyang tingin na minsan na ring nakapagpakilabot sa 'kin.
"What do you think you're doing?"
Kalmado siya ngunit nakakatakot ang paraan ng pananalita niya. Pati ang ilang dumadaan ay napapatingin dito sa gawi namin. Parang natuliro naman 'yong matanda at ngayon naman ay siya ang umaatras.
"W-Wala, wala, ijo. Binabati ko lamang ang bisita. Sa katunayan ay hinahanap ka niya."
"Do you think I'm stupid?" Lalapit pa sana siya sa matanda pero hinawakan ko ang braso niya.
"Asher, tara na lang..."
Umatras na siya nang bahagya papunta sa tabi ko nang tawagin ko siya. At nagulat ako no’ng bigla na lamang niya akong hinila at inilapit sa kaniya!
"Don't go near my girl ever again, Señor Melendez. This is a warning," he emphasized the man’s name na para bang nagbabanta.
Bumilis ang t***k ng puso ko. My girl?! Hibang na ba siya? Bakit kailangan niyang sabihin ‘yon? Puwede naman niya akong ipagtanggol nang hindi 'yon sinasabi. Pero sa tingin ko’y wala akong karapatan na magreklamo dahil iniligtas pa rin ako ni Asher kahit na ano pa man ang sabihin ko.
Hinawakan niya ang braso ko at nilagpasan na namin ang matanda. Tuloy-tuloy kami sa paglakad nang bigla siyang huminto at humarap ulit siya kay Señor Melendez."
"This would be our last night here."
Parang ngayon lang nag-sink-in sa utak ko ang nangyari. Paano kung hindi dumating si Asher? Ano’ng posibleng gawin sa 'kin ng matandang iyon? Napailing ako. Ayoko nang isipin, that old man is too scary! Pero pakiramdam ko'y ligtas na 'ko dahil kasama ko na si Asher.
Nagdire-diretso na kami hanggang makarating sa pinakaloob nito. May pinindot si Asher sa pader, elevator button.
Bumukas na ang pintuan ng elevator at pumasok na kami sa loob. Kami lang ang tao. Dumistansiya ako kay Asher dahil nakaramdam na naman ako ng hiya ngayong kaming dalawa na lang. Siya ang pumindot kung anong floor ang titigilan namin. Nakita ko mula roon na ‘yong numerong 5 ang umiilaw, ‘yon na ang pinakamataas na floor ng apartment na ito.
Napabuntong-hininga ako dahil na rin sa pagod sa mga ginawa kanina sa school. Medyo napalakas pa yata ang ginawa kong paghinga ko dahil napalingon sa akin si Asher.
"You alright?"
"Ah, yeah, I'm fine,” I said at pilit na ngumiti. Tumango lang siya at tumalikod na ulit sa akin.
I couldn't help myself but stare at his back. Umiwas na ako kaagad ng tingin bago niya pa ako mahuli. Nararamdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko.
He sighed. "I'm sorry, I just said that earlier so that he won't bother you again," aniya habang nakatalikod pa rin sa akin.
“Ha? Ano ‘yon?” naguguluhang tanong ko.
“That you’re my girl,” diretsang sagot niya na para bang wala lang ‘yon sa kaniya.
Mabuti na lamang at nakatalikod siya dahil mas lalong nag-init ang mga pisngi ko!
“Ohh…” hindi ko agad maisip ang isasagot. "No, it's okay. Salamat nga sa ’yo at dahil do’n ay nakatakas tayo kay Señor Melendez,” sinserong dagdag ko.
Parang bigla ay nawala 'yong inis ko sa kaniya na nabuo no’ng first day ng pasukan. Baka naman kasi may problema lang talaga siya no’ng mga panahong iyon kaya medyo masungit siya sa akin. Pero sa totoo ay hindi lang naman siya sa akin masungit, maging sa iba rin na nakakasalamuha niya sa Anastacia.
Napakapit ako sa railings sa likuran ko nang biglang tumigil ‘yong elevator at namatay ang ilaw.
"F*ck. Just one floor and we're there,” bulong niya.
We’re stuck!!!
"W-Wala ka bang p’wedeng tawagan?" natatarantang tanong ko sa kaniya. Pilit kong ikinakalma ang sarili dahil unti-unti nang bumibilis ang paghinga ko.
Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa. "Walang signal," aniya at bumaling sa 'kin. "Hey, are you crying?"
Napasinghot na 'ko. 'Wag kang iiyak, Jaycee! Nakakahiya!
"She's scared of the dark," sobrang hinang bulong niya pero rinig na rinig ko pa rin. Parang hinaplos ang puso ko dahil naaalala niya ang simpleng bagay na ‘yon tungkol sa akin.
Lumapit siya at akmang yayakapin ako pero umiwas ako.
"W-What are you doing?" I asked.
Nahihiya naman siyang lumayo. "If you won't let me then just close your eyes,” sagot niya na hindi nakatingin sa mga mata ko.
Napatango naman ako. "O-Okay. I'll just close my eyes…"
Nakakabingi ang katahimikan. Hindi ko alam kung ano ba ang tamang sabihin sa kaniya para naman hindi masiyadong awkward ang pananatili namin dito sa elevator.
“Sorry,” he said.
Hindi ko pa rin binubukas ang mga mata ko.
“Hindi mo naman kasalanan na na-stuck tayo rito,” sagot ko.
At dahil sa sobrang tahimik ay hindi nakatakas sa pandinig ko ang mahina niyang pagtawa. Ngayon ko lang siya narinig na tumawa!
“Silly,” natatawang saad niya.
Ang kaninang kaba at takot na nararamdaman ay unti-unti nang nawawala dahil sa narinig kong pagtawa niya.
“I mean… sorry for scaring you.”
Napadilat ako ng mga mata dahil do’n.
“Ayos lang… Naiintindihan ko naman kung bakit ka galit kanina. S’yempre ay kapatid mo ‘yon kaya normal sa ‘yong ipagtanggol siya,” sabi ko at ngumiti kahit pa hindi naman niya ‘yon nakikita dahil sa dilim. “Naiintindihan ko, Asher.”
Muli kaming binalot ng katahimikan. Bakit ba siya nagso-sorry? Wala lang naman sa akin ‘yon. Halos nalimutan ko nan ga ‘yong takot ko sa kaniya kanina dahil iniligtas niya naman ako kanina sa matandang may ari ng apartment na ito.
“Hindi ka na dapat lumapit kanina. Thanks for your concern, but I was able to handle it. I don't want someone else to get involved.”
Mapait akong napangiti. Of course, I just a someone to him.
“I don’t even know why I did that. Don’t worry, hindi na mauulit.”
Maya-maya pa’y tumikhim siya. “You know my brother?”
Ilang beses akong napalunok. Ano ba sa tingin niya? Hindi niya ba talaga ako naaalala?
“Yes…” tanging naisagot ko.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. “You seemed too worried about him. Kaya ka ba pumayag na magpunta rito?”
Nagulat ako sa narinig. Hindi ba’t niyaya niya akong magpunta rito para sa assignment?!
“I came here for our assignment…” sambit ko. “But yes, nag-aalala ako sa kapatid mo.”
Normal lamang naman ‘yon, ‘di ba? At hindi lamang naman ako ang nag-aalala! Maging ang mga kaibigan ko rin ay nag-aalala sa lagay ni Aizan.
Bumuntong-hininga siya at hindi na muling nagsalita pagkatapos no’n.
Nakaupo na kami ngayon sa sahig ng elevator habang magkatabi pero hindi kami nag-uusap. His manly scent has been lingering on my nose for quite some time now.
Minutes of silence passed nang naramdaman ko ang pagva-vibrate ng cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko ‘yon at nakita na tumatawag si Kuya Jaywen. Nawala nang muli ang signal kaya hindi ko na ‘yon sinagot dahil hindi lamang kami magkakaintindihan. Nakalimutan ko palang sabihin sa kaniya na pupunta ako rito ngayon.
"It's my brother,” pilit ngiting sabi ko dahil nakita kong napalingon siya nang kunin ko ito sa bulsa ko.
Tumango-tango naman siya. Hindi naman niya tinatanong, Jaycee!
"Hindi mo nasabing pupunta ka rito?"
"I forgot."
He nodded. "You want me to talk to him?”
Agad akong nataranta. Baka kasi isipin pa ng kapatid ko na boyfriend ko ‘tong kasama ko dahil sa naging pag-uusap namin no’ng nakaraan!
“Hindi na. Ite-text ko na lang siya agad mamaya pagkalabas natin dito.”
Hindi na naman kami nag-usap matapos no’n. Tanging ang tunog ng supot na hawak ni Asher ang naririnig namin dahil nilalaro niya ‘yon sa kamay niya.
“Madalas bang mangyari ito?” tanong ko.
Nilingon niya ako. “Ang alin?”
“Na masira ‘tong elevator.”
He sighed. "I think he did this on purpose."
"What?!" gulat na tanong ko. Alam kong si Señor Melendez ang tinutukoy niya.
"He really has that attitude.”
Why would he do this on purpose? To scare us? Gano’n ba siya kapag napapahiya? Kung patuloy siyang magiging gano’n ay baka mawalan na ng mga tumitira rito.
Nagulat ako at napakapit sa braso ni Asher nang bigla na lamang nagliwanag ang paligid at ramdam ko na umaakyat na ulit kami.
Then I heard the ‘ting’ sound, meaning that we reached our floor. And the door opened. May taong nakatayo sa labas ng elevator at pag-angat ko ng tingin dito ay nakita kong si Aizan pala ito!
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin at napasipol bago nag-iwas ng tingin at may ngisi sa labi. At na-realized ko na halos nakayakap na pala ako sa braso ni Asher! Agad akong lumayo at hindi ko magawang masalubong ang mga tingin niya. Nahihiya akong tumayo at naglakad palabas ng elevator. Ramdam ko na sinundan din ako ni Aizan ng tingin kaya naman pati siya ay iniiwasan ko.
That's too embarrassing!
-----
-larajeszz