Separated Loveby larajeszz
Chapter 6
"What took you so long?" ani Aizan sa kapatid. Kitang-kita ko ang multo ng ngisi sa mukha niya.
“We got stuck.”
Matapos kong pakalmahin ang sarili ay saka ko lamang sila nilingon. Nakatingin na sila parehas sa ‘kin. Agad akong umiwas sa mga mata ni Asher.
"Here," inabot niya ‘yong supot na kanina pa niyang hawak kay Aizan. "Those are ointments, better wash your face first before applying it. Gagawa lang kami ng homework.” Nagulat ako nang muli niyang ibaling ang tingin sa akin. "May signal na. Baka nag-aalala na ang kapatid mo.”
Sunod-sunod akong tumango at inilabas ang cellphone ko mula sa bulsa.
Habang ginagawa ko ‘yon ay napansin kong pinagmamasdan ni Aizan ang mukha ko habang nakangiti.
"You look familiar," aniya.
“You saw her earlier.”
Bumaling si Aizan sa kapatid at ngumisi. His brows wiggled at siniko ang kapatid niya.
“Nagbibinata ka na, Migo,” pang-aasar niya sa kuya niya.
Asher’s jaw clenched. “Shut up. She’s here for homework.”
Physically, magkaparehong-magkapareho sila. Mula sa mukha, though Aizan has softer features, sa posture, at maging sa pangangatawan, but Asher is taller than him.
Pero pagdating sa personality, sobrang baliktad ng pagkatao nila base sa nakikita ko.
Sinundot-sundot ni Aizan ang tagiliran ng kapatid. “Ikaw, ha! Isusumbong kita kay Mommy!” “Aizan,” madiing sambit ni Asher, may halong pagbabanta.
Pero nagpatuloy pa rin ito sa pang-aasar. “Now I know why you're always on your phone.”
Natigil ang panunuod ko sa kanila nang sagutin na ni Kuya Jaywen ang tawag. Lumayo ako nang kaunti sa kanila para marinig ko ang kausap.
"Sh*t! Jayceelyn, where the hell are you?!" "Kuya, will you please stop cursing?" "Where are you?" pag-uulit niya at mas may diin. “I know I said na hindi tayo sabay uuwi ngayon, pero bakit wala ka pa hanggang ngayon dito sa bahay?!”"Nandito ako sa bahay ng kaklase ko dahil may gagawin kaming homework. Malapit lamang ito kina Ivy." "A boy's house?"
I was hesitant to answer it. "Yes..." "Kasama mo ba si Ivy?""N-No, umuwi na siya kanina pa." "Susunduin na kita." God, he’s scary.
"Kuya, please calm down. Wala ka bang tiwala sa 'kin?" "I trust you, but not the guy."
Napabuntong-hininga ako. "Mabait siya, Kuya. Hindi ako sasama rito kung hindi." "I don't know any of —" "Wala ka bang tiwala sa ‘kin?" pag-uulit ko ng mas may diin.
He sighed. “Be home by seven.”
“Eight,” pamimilit ko.
“Seven-thirty. Don’t argue with me.”
“Kuya—”
“Bye.”
Kahit na naiinis ay hindi ko pa rin napigilan ang pagngiti. He wasn't like this before! My brother's phone calls became a part of my every day for the past few days. Kung noon ay halos wala siyang pakialam sa akin ay ibang-iba na ‘yon ngayon.
I turned my back only to see Asher waiting by their door. We were both startled when our eyes met. I did not expect him to wait for me!
"Are you done?" he asked.
"Yeah," I answered and forced a smile.
He motioned the inside with his head. "Come in."
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kaniya at halos nawalan ako ng mga salita sa linis ng loob ng apartment nila. Hiyang-hiya ang kuwarto ko sa kalinisan nito! Hindi kalakihan ang loob ngunit kitang-kita ko agad na kumpleto sila sa gamit.
Namataan ko si Aizan na nakaupo sa sofa at ginagamot ang mga sugat sa mukha.
Itinigil niya ang ginagawa nang mapansin ang presensiya ko at ngumiti sa akin.
“Hi!” pagbati niya.
For someone who just get punched several times, he's quite energetic.
Pilit akong ngumiti. “Hi…” "Have a seat.” Naramdaman ko si Asher sa may likuran ko.
Nang hindi siya nililingon ay sinunod ko ang sinabi niya. Malalim akong huminga nang maalala na naman ang nangyari kanina sa may elevator.
He's smart. I hope he just thinks of it as a normal initial reaction of an individual who got surprised.
Nilagpasan niya ako at naupo sa tabi ng kapatid.
“That’s not how you do it.” Kinuha niya mula sa kamay nito ang gamot at siya na mismo ang naglagay no’n sa mukha ng kapatid.
"Kuya, be gentle. Please!" Halos magpumiglas na si Aizan nang lumapat ang daliri ni Asher sa mukha niya.
Asher glared at him. “Your face won't heal in an instant if you keep on putting the ointment as if it would hurt you more. It barely even got to your skin!”
Hindi na niya nagawang magsalita dahil mukhang natakot na siya sa kuya niya. At kahit nakatikom ang bibig ay kitang-kita kung paano siyang nasasaktan mula sa kamay ng kapatid.
“Aizan,” saway ni Asher.
“I’ll do it! Gumawa na kayo ng assignment.” Aizan looked at me. “Aren't you ashamed of this beautiful lady here? You're making her wait.” Umiling-iling siya at hindi inalis ang paningin sa akin. “Kung ako ‘yan, hindi kita gagan’yanin.”
I couldn't take his words seriously! He has no idea that I treated him as my little brother when we were kids. Of course, he wouldn't remember that. He could barely utter words or walk before they moved to Australia.
“Don’t mind me. Marami pa namang oras,” nahihiyang sambit ko.
“Funny. You know me, but I don't even know your name.”
I smiled. “I’m Jaycee. Magkapitbahay tayo dati… baby ka pa no’n.”
Nakita ko ang gulat sa mukha niya. Muli niyang siniko ang kapatid. “Bakit hindi mo kaagad sinabi?”
Bumuntong-hininga si Asher habang tinatapos ang ginagawa. “That was a long time ago.”
My heart clenched. That's it?
He has no idea how much I suffered as a kid for losing him whom I thought was my other half.
It felt so wrong to long for him for such a long time when he can't even treat me like I was once part of his life. I treasured our memories in the deepest part of my heart, but I can't see the same with him.
Umalis saglit si Asher sa living room kaya kami lamang ni Aizan ang naiwan do’n.
“Can I have your number?” Agad siyang natawa nang makita ang pagtataka sa mukha ko. “Please? We were old friends even though I can't remember.”
Buti pa siya. Kinikilala niya ako bilang dati niyang kaibigan kahit wala pa siyang muwang noon.
“’Tsaka ang sarap kasing asarin ng kapatid ko,” aniya kasunod ang pagtawa.
“Paano naman naging pang-aasar sa kuya mo ang pagkuha ng number ko?” umiiling na sabi ko. Inabot ko ang cellphone niya at nilagay ro’n ang hinihingi niya.
“Oh, you’re so clueless.” He shook his head habang inaabot sa kamay ko ang telepono niya. “See it for yourself.” Tumayo na siya. “Magpapahinga na ako. Nice seeing you again, Jaycee.”
“Same here, Aizan,” I smiled genuinely.
He tapped my shoulder before going inside the door to his room. It was just beside the living room.
Inilabas ko na ang ilang libro na hiniram ko sa library para sa homework namin ni Asher. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na si Asher at may dalang isang plato na puno ng iba’t ibang prutas.
My mouth watered when I saw some sliced apples, mango, grapes, already peeled oranges, and strawberries!
Kaya pala ang tagal niya, inayos niya pa ‘yon sa plato kaya mas lalo akong natakam sa mga ‘yon!
Inilapag niya ‘yon sa lamesa bago tumingin sa akin.
“We’ll have this for now. Dito ka na rin mag-dinner mamaya.”
I gestured my hands to decline. “Naku, hindi na. These are enough for me...” I forced a smile.
“I already ordered.”
That was enough reason for me to stay. Ayoko namang magsayang ng pagkain.
Halos wala kaming imikan nang umpisahan namin ang paggagawa. Nag-uusap lamang kami kapag kailangan namin mag-brainstorming at kapag ipapakita sa isa’t isa ang ginagawa kung maayos ba.
Parehas kaming nakaupo sa sahig ng living room nila. I was still wearing our uniform. Mini skirt ‘yon kaya inabutan niya pa ako ng throw pillow para gawing panakip.
“Thanks,” I said. Tumango lamang siya ng isang beses.
As we were busy writing our papers, we were also eating the fruits he prepared. I noticed that he loves strawberries, which I do, too. Pagkakatapos kong sumawsaw sa condensed milk ay siya naman ang susunod sa akin. It was a cycle.
I was busy reading the essay that I had written while I stretched my hand to get some strawberries. I gasped when my hand brushed against Asher's. Nag-angat ako ng tingin at napansing nag-iisa na lamang ang strawberry na ‘yon.
“You can have it,” he said, surprised as I was.
I laughed awkwardly. “No, sa ‘yo na. Nakakarami na rin ako.”
He stared at me for a while, as if he was studying if I was telling the truth. I know he wanted it, but he still pushed the plate to my side.
"Eat it. I'll get some more."
Umalis na siya ro’n bago pa man ako makapagsalita. Sasabihin ko sana na ayos lang dahil marami pa namang prutas na natira sa plato, but I chose not to. Baka gusto niya pa rin ‘yon kaya hindi ko na siya pinigilan.
Nang bumalik siya ay abala ako sa ginagawa. Kahit pa naramdaman ko na pinapanuod niya ako ay hindi ako nag-angat ng tingin. Isang beses ko siyang narinig na bumuntong-hininga bago bumalik sa ginagawa.
“How’s your head?”
Hindi ko inaasahang itatanong niya ‘yon.
Ibinaba niya ang hawak na ballpen nang hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya. “I saw you entering the hospital with your friends few days ago. Was it… that bad?”
Nakita niya pala na nagpasama ako kina Cally na magpa-checkup. Maayos naman ang naging resulta no’n kaya wala na ako dapat na ipag-alala.
Umiling ako. “I’m fine! ‘Wag mo nang isipin ‘yon. Hindi naman natin ginustong pareho ‘yon.”
Nakita ko ang paggalaw ng Adam’s apple niya pero agad ko ring iniwas ang paningin do’n. I can’t meet his eyes. His deep eyes are too intimidating! I feel like I could stare at any part of him except those eyes. Its intensity makes me feel strange emotions that I can't explain.
“I’m sorry…” aniya, halos pabulong na. “Sorry for taking so long…”
Alam kong hindi dapat ako nag-iisip ng kung ano-ano pero hindi ko maiwasang hindi bigyan ng ibang meaning ‘yong huli niyang sinabi. What was that supposed to mean? Sinabi niya ba ‘yon dahil ngayon lang siya nakapag-sorry, o dahil ngayon lang siya bumalik?
“No worries! As I’ve said, hindi naman natin ‘yon ginusto.” I tried to sound cheerful.
Muli kaming binalot ng katahimikan. Sinubukan kong iangat ang tingin ko na sana pala ay hindi ko na lamang ginawa dahil hindi niya inaalis ang tingin sa akin!
The room was air-conditioned, yet I could still feel my hands sweating!
-----
-larajeszz