Chapter 19

2008 Words
Separated Love by larajeszz Chapter 19 tw: blood We went back to finish our assigned tasks. Mas kalmado na ngayon si Syrine. I assured her na hindi ako galit para lamang tumigil na siya sa pag-iyak, but I did tell her that I felt betrayed. Basta ang mahalaga ngayon ay wala na silang tinatago sa 'kin. And now that my friend has told me about it, I'm pretty sure my brother would do the same, too. "Good morning, Mr. Beltran," pagbati ng mga kasama ko. Nag-angat akong tingin sa nasa likuran ko at nakita si Isaac na nakatayo ro'n habang pinapanuod ang ginagawa namin. "Good morning po..." I greeted. "Nice flag, girls," he commented. He gestured his hands in defense. "Don't worry, I won't be the one to judge." Spray paint ang ginamit namin sa flag namin para sulatan ng malaking 'ABM - 12'. Ewan ko ba kung bakit ang daming dala ng mga kaklase ko. Hindi naman ako aware na ganito ang mga nangyayari sa camping kaya wala akong ibang dala kun'di mga damit, toiletries, at pagkain! "Proceed tayo sa costume! Marami pa akong dalang tela!" ani Mella at kinuha ang eco bag niya na may lamang iba’t ibang kulay ng mga tela. "Hindi ba cheating 'yan?" tanong ng isa naming kaklase na si Stef habang pinapanuod si Mella na ilabas isa-isa ang mga ‘yon. "Paanong magiging cheating, eh, wala naman sa criteria na bawal magdala ng ganito? Wala rin namang sinabi na dapat ay 'yong mga makikita lang sa paligid ang gamitin sa costume,” depensa ni Mella. Tumango ako sa sinabi niya. "She's right. Ang sinabi lamang kanina ay basta magmukhang inspired sa nature ang maging final output." Lumapit si Eya kay Mella at tinulungan ito sa pagbubuklat ng mga tela. "Wait. Sino muna pala ang model natin?" Ang ilan sa kanila ay tumingin sa gawi ko kaya bahagya akong napaatras. "Si Jaycee!" I waved my hands. "Hard pass. I don't do those things..." Napanguso sila sa sagot ko at nilibot ang tingin sa kabuuan naming lahat. Marami pa silang sinabi na pangalan pero lahat ng mga ‘yon ay ayaw sumali. “Guys, bilis na. Last na ‘to, oh,” sambit ni Eya at lumungkot ang mukha. “Maghihiwa-hiwalay na tayo this year.” She kept insisting on that to change the mood at para mapapayag kami. “Si Savanna kaya? Australian beauty ‘yan!” suhestiyon naman ni Jem. “Ha?” Nagulat si Savanna na nananahimik sa isang sulok. “Ah, sige…” Pumalakpak ang iba dahil sa wakas ay may isa na ring pumayag sa dinami-dami ng pinilit nila. "Sino'ng escort natin?" tanong ni Syrine. Habang nag-iisip ako ng p’wedeng i-partner ay nakita kong nasa akin ang mga mata ni Savanna. Umiwas ako at tumikhimm. "Magtatanong ako sa boys kung sino'ng willing,” pagpapaalam ko. Nagtungo ako sa ginagawang tent ng section namin. Nakapagtayo na sila ng mga kawayan na siyang magsisilbing pinaka-base, sumabit pa ro’n si Brylle para ma-test kung matibay na ba talaga ‘yon. Bahagya akong napanganga dahil ni hindi man lamang natinag ‘yong ginawa nila! Ang galing! Sa lahat ng section na gumagawa ng tent ngayon ay sa amin pa lamang ang nakatayo na. “Goods na!” masayang anunsiyo ni Brylle. Ibinagsak niya ang sarili niya sa mga malalaking tarpaulin na nakalatag ngayon sa sarili. “Break muna,” pagod na pagod na usal niya. “What do you mean ‘break’? You literally just stood there while we’re working,” Asher hissed. “Get up.” “Maawa kayo sa ‘kin,” Brylle dramatically exclaimed. Binuhat pa siya patayo ng mga kaibigan niya. Natatawa at napapailing akong lumakad papalapit sa kanila. "Guys." I immediately got their attention. "May gusto bang mag-escort sa inyo? Si Savanna ang muse natin." Nabuhay ang kantsawan mula sa isang gilid. "Ito! Itong si Cedric!" pagtuturo ng isa. Agad namang umalma ‘yong isa. "G*go kayo! Wala akong sinasabi, ah!" Mabilis siyang tiningnan ni Asher nang matalim. "Don't curse. Ibabaon kita kapag nabawasan tayo ng points." Si Cedric lamang ang pinagsabihan niya, pero pati ang mga kaibigan niya ay napatahimik. He’s that intimidating! "Sorry, boss." "Cedric, pumunta ka na ro'n at susukatan ka na,” I insisted. "Pero..." Aapila pa sana siya pero si Asher na mismo ang nagtulak kay Cedric papunta sa direksiyon ng mga kaklase kong babae. "Wait lang, boss!" Wala na siyang nagawa dahil mukhang naiinis na si Asher. "Boss naman..." Ako naman ay sumunod lamang sa kanila. Tumayo na ang ilan sa mga kaklase kong babae at hinawakan si Cedric sa mga braso para hindi na ‘to makatakas pa. "Sukatan niyo na,” ani Asher. "B-Bakit ba ako?" "Ayaw naman yata ni Cedric,” sabi ni Savanna. Dumako ang tingin niya kay Asher. "Asher, gusto mo ba?" Tumahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Savanna at napunta pa ang tingin sa akin ng ilan. They were waiting for my reaction! Like they were expecting a girlfriend’s natural reaction when another girl asks their boyfriend to be their partner. Hindi ko naman inaasahan ‘yon kaya nanatili lamang na blangko ang ekspresiyon ko at umiwas na lamang ako ng tingin sa kanilang lahat. Hindi ko inaasahang tatabi si Asher sa akin. May multo ng ngisi sa mga labi niya nang ipatong niya ang braso niya sa balikat ko. "If Jaycee would do it, then, I'm in." Mella clapped her hands once. "Kayong dalawang mag-jowa na lang!" sambit niya. Agad din naman siyang napatakip ng bibig niya nang ma-realize na may una na silang Napili. "Sorry, Savanna..." Savanna smiled sadly. "It's okay..." Umalis siya sa puwesto niya at nagtungo sa ilan naming kaklase na ngayon ay naglalagay na ng mga tarpaulin sa tent. Bumaling ako sa lalaking katabi ko. That must’ve hurt her feelings! Siya na ang unang napili bilang muse pero biglang naging ako! Isa pa, I’m not even confident with this kind of thing! Ipapatalo ko lamang ang section namin! "Asher! Bawiin mo!" Lumapit siya sa akin para bumulong. "They’ve already decided. Besides, alam mong hindi niya ako p’wedeng maka-partner.” Napabuntong-hininga na lamang ako nang lumayo siya sa akin. Muli kong tiningnan si Savanna na ngayon ay kausap si Cedric habang tinatapos ang tent. Naawa ako sa kaniya. She’s weak, at paano kung gustong-gusto niyang gawin ang bagay na ‘yon dahil naiisip niyang posibleng ‘yon na ang huli niya? But on the other side, I don’t even know kung bakit sumama pa siya rito. For sure ay mapapagod lamang siya sa mga ipapagawa sa amin! "JaySher! JaySher! JaySher!" kantsaw ni Aiden mula sa malayo. Hindi p’wedeng pumunta ang campers sa hindi nila section dahil magkakaroon ng deduction sa points. Kaya ngayon ay do’n na lamang siya sumisigaw. Nakakrus ang mga braso ni Aiden habang naiilang na nakatingin sa gawi namin. "Wala na, talo na tayo. Power couple ba naman ang inilaban." I’m sure her classmates could hear her! Baka sumama ang loob nila kapag na-misinterpret nila ang sinasabi ng kaibigan ko! "Nasa criteria na bawal mag-jowa, ah?!" Nakapamaywang na sigaw ni Cally. Natawa pa ako because she looks tiny sa kinatatayuan niya. "Inggit pikit na lang, Cally,” Syrine shouted back. Nagsimula na sila sa pag-aayos sa amin ni Asher. Iba’t iabng kulay ng tela ang dala ni Mella. Mayroong green, brown, white, at purple! Mayroon din siyang dalang medida kaya nasukatan niya kami ni Asher at ginupit ang mga telang dala niya para umayon sa katawan namin. Nabahala pa kami sa ginawa niya pero ayos lang naman daw dahil binili niya raw mula sa mga magulang niya ang mga tela na ‘yon. This much effort para sa camping?! Sina Syrine, Eya, at Mella ang nanguna sa pag-aayos sa amin. Si Syrine ang nag-ayos ng makeup ko at nilagyan din niya ng kaunting pulbo at lipstick si Asher. Habang si Mella naman ang abala sa paglalagay ng aspile sa mga tela na nakasuot sa ‘min para magkaroon ng design ang mga ‘yon. Si Eya ang nagtuturo sa kaniya kung paanong design ang gagawin. “Saglit na lamang ‘to. Ang problema lang ay hindi kayo makakakilos masiyado dahil matutusok kayo ng aspile,” paliwanag ni Mella habang inaayos ang long-sleeve ng costume ko. Dress-like ang nagawa nilang design para sa akin. Malaking portion ng purple na tela ay nagamit sa akin. May slit ‘yon sa kanang binti at ang mga brown, white, at green na tela ay pinira-piraso nila ng maliliit at dinesenyo sa korteng bulaklak. Ang mga kulay na ‘yon ang bumuhay sa kasuotan ko. Sa kabilang banda, purple na sleeveless ang pang-itaas ni Asher at sa pang-ibaba naman ay ‘yong kulay brown na tela. Gaya ng sa akin ay nilagyan din siya ng maliliit na bulaklak. Sa pants ni Asher pinakanagtagal si Mella dahil talagang pinagtiyagaan niya ‘yon para may mabuong pattern. Sa sobrang dami ng aspile na nagamit niya ro’n ay sa tingin ko’y hindi makakaupo si Asher nang ilang oras. Final touches pa ang ginawa nila bago nila kami tinakpan ng kumot para hindi makita ng ibang section ang final naming kasuotan. Medyo nahihirapan ako dahil hindi ko maigalaw ang mga braso ko, but it was worth it! Maganda ang kinalabasan ng ginawa nila, and I’m very happy with it. Nagtungo kami sa hilera ng mahahabang lamesa para sa mangyayaring boodle fight. Pati ito ay ij-judge. Napangiti na lang ako nang makita kung gaano ka-competitive ang mga kaklase ko dahil nagmukhang fiesta ang mga inihain nila! “Hala! Hindi ka pala makakakain, Jaycee!” Napatakip si Mella ng bibig niya. “Sorry, sorry! Nawala sa isip ko. Masiyado akong nag-enjoy mag-design ng tela.” Ngumiti naman ako sa kaniya. “Ayos lang, Mella.” “Should I help you eat?” alok ni Asher sa akin. Agad akong napailing sa sinabi niya. “Hindi na… Si Syrine na lang.” Kumain kami at kahit pa siksikan na sa long table na ‘yon ay hindi nila kami magagawang dikitan kung ayaw nilang matusok ng mga nakakabit sa amin. Pagkakatapos ni Syrine sumubo ay ako naman ang isusunod niya. Hindi ko maaaring i-bend nang todo ang mga braso ko at hanggang baywang lamang ang kaya kong galaw. Sobrang dami kong nakain. Kusa na akong lumayo kay Syrine dahil hindi ko naman mapigilan ang mga kamay niya sa paglalagay ng pagkain sa bibig ko kaya dumistansiya na lamang ako. “Last na ‘to!” hirit niya pa. “Busog na busog na ako!” Pinainom niya ako ng tubig mula sa plastic cup at bumalik muna ako sa tent para hindi ako ma-haggard kaagad. Kami ang pinakaunang nakatapos sa tent, ang ibang section ay base pa lamang ang naitatayo. “Nasaan si Asher?” Luminga si Eya sa paligid. “Baka mamaya ay tanggal na ‘yong mga kinabit nating bulaklak sa kaniya!” “Nag-CR lang yata,” sambit ko. Pero ang totoo ay hindi ko rin talaga alam kung nasaan siya. Mabilis akong napatayo nang may narinig kaming sigawan sa labas ng tent. Ang naabutan ko sa labas ay si Savanna na namimilipit sa sakit, si Asher ay nakaupo sa harapan niya at hawak-hawak ang paa nito. “What happened?” tanong ko kay Syrine na kanina pang nandidito sa labas. “Natapilok sa bato si Savanna, Asher ran to help.” Ibinalik ko ang tingin kay Asher, I saw him also wincing in pain. Dahan-dahang bumaba ang tingin ko sa binti niya at napagtantong kagaya ng mga braso ko, hindi niya rin maaaring i-bend ang mga binti niya. I saw blood spreading on the thin fabric. And it wasn't just one spot; he had it all over his lower body! Namalayan ko ang sarili ko na tumakbo palapit sa kaniya. Pakiramdam ko ay maiiyak ako ano mang oras. Imposibleng nakalimutan niya na maraming aspile ang nakadikit sa kasuotan niya dahil mahigit isang oras na ginawa ‘yon! “Asher…” His eyes soften when he met mine. “You’re bleeding…” my voice stuttered. ----- -larajeszz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD