DICKSON SERIES 4 MAID

2332 Words
Loren's POV PUTING kisame ang sumalubong sakin pagmulat ko ng aking mga mata. Napabalikwas ako mula sa aking pagkakahiga. Nasaan ako? Anong ginagawa ko dito? "Mabuti naman gising ka na." Isang magandang babae ngunit may edad na ang biglang nagsalita. Mula sa kaniyang pagkakaupo ay tumayo ito tsaka naglakad palapit sa akin. "S-sino ho kayo?" kinakabahan na tanong ko. Napaatras ako. Huli kong naalala ay nawalan ako ng malay pagkatapos kong tumakas sa isang night club. "Nawalan ka ng malay sa gitna ng kalsada. Muntikan ka na rin namin masagasaan. Dinala ka namin ng asawa ko rito para malaman kung ayos lang ba ang kalagayan mo pagkatapos ng nangyari. Huwag kang matakot sakin." paliwanag niya. Mukha naman na mabait ang babae. Siguro naman hindi siya katulad ni Ate Kaye. Naalala ko rin naman na busina ng sasakyan ang narinig ko nang unti-unti akong nawawalan ng malay. "Anong pangalan mo?" "Loren po..." sagot ko. Medyo nawala na ang kaba sa dibdib ko. "Bakit ka nga ba nawalan ng malay sa gitna ng kalsada?" dagdag na tanong niya. Hindi ko naman nasagot ang tanong niya. "Ayos lang kung hindi mo masagot ang tanong ko. Hinintay ka lang namin magising para ihatid ka namin sa bahay mo." Kaagad akong napailing. Ayaw ko muna umuwi. Kailangan ko ng pera kaya maghahanap ako ng trabaho kahit na ano basta magkaroon lang ako ng pera. "Ayaw mo umuwi? Bakit?" napuno ng katanungan ang mga mata ng babae. "Kailangan ko po kasi magtrabaho para magkaroon ng pera. Makatulong ako sa Inay at Itay ko. Nasa hospital ang Itay ko at kulang pa ang pera namin para pambayad sa hospital." "G-ganoon ba?" napansin ko ang paglungkot ng mukha nito. "Anong trabaho ba ang gusto mo?" "Kahit na ano po." "Kahit na ano? Tamang-tama may bakante sa bahay. Kung gusto mo sa bahay ka na magtrabaho." nakangiting alok nito sakin. "T-talaga po?" sobrang saya ko dahil hindi ko na kailangan pa maghanap kung totoo man ang sinabi niya. Hindi pa kami tapos mag-usap ng biglang dumating ang nurse. "Excuse me po, Ma'am. Titingnan ko lang yung BP ng pasyente." paalam nito tsaka lumapit sakin. Pagkatapos nitong tingnan ang BP ko ay umalis na rin naman kaagad. "Maayos na ba pakiramdam mo? Ilalabas ka na namin ngayon?" bigla niyang binasag ang katahimikan "Maayos na po ako." Maya maya lang ay may kumatok muli sa pintuan. Bumungad sa akin ang isang lalaking may katandaan na nakasalamin at kahit na sa katandaan nito ay litaw pa rin ang kaguwapuhan. "My husband." pakilala ng Ginang pagkatapos siya nitong kabigin sa bewang at halikan sa pisngi. Bumilog na lang ang labi ko. Ang sweet naman nila. "So, how are you feeling? Are you okay now?" tanong ng lalaki sa akin. Marahan akong tumango. "I forgot to introduce myself to you earlier, Loren. Just call me aunt Athena and he is my husband,Hades." sa wakas nakilala ko rin sila. Hindi ko kasi alam kung anong itatawag ko sa kanila. "Sa atin na siya magtatrabaho, hon. Kukunin ko siya bilang maid. Tamang-tama naman kasi naghahanap tayo ng papalit kay Michie at kailangan niya rin ng trabaho." "Hindi pa natin siya masyadong kilala. Ikaw na nagsabi na dapat alam natin ang buong background ng taong pumapasok sa bahay." Harap-harapan iyon sinabi ng lalaki. "Hindi naman po ako masamang tao. Kailangan ko lang po ng trabaho dahil sa tatay ko." kaagad kong dinipensahan ang sarili ko. "Narinig mo, hon? Kung anu-ano sinasabi mo. Pinapasama mo ang loob ng bata. Ilang taon ka na nga ba, Loren?" tanong sa akin ni Ma'am Athena. "Nineteen po." "See? Ang bata pa pala ni Loren." "Mas bata ka naman noon ng makilala kita." narinig ko naman na sagot ni Sir Hades. Hades? May naalala tuloy ako sa pangalan niya. Naalala ko na naman si Haden. Kung nasa tabi ko lang sana siya ngayon, hindi ako mahihirapan ng ganito. Haharapin namin ang problema na magkasama. Pero wala na, wala na yung minsan na naging masaya kami. Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay pumayag na rin naman si Sir Hades na isama nila ako sa kanilang pag-uwi. Alas dose na ng hatinggabi kami nakarating sa kanilang napakalaking bahay. Sobra-sobra. Walang kalahati ang bahay namin sa kanilang sala. Pagpasok namin ay sinalubong kami ng iilang maid. "Magandang gabi po, Ma'am, Sir!" Nakayukong bati ng mga ito. Ako naman ay napayuko na lang din. "Hindi pa kayo natutulog?" tanong ni Ma'am Athena sa mga ito. "Tinapos lang po namin ang gawain sa kusina, ma'am at hinintay na rin po namin kayo." "Ganoon ba, puwede na kayong matulog." bilin ni Ms. Athena sa mga ito. Nang tumalikod ang mga ito ay bigla naman niya itong tinawag. Napatingin sakin si Ms. Athena. "Manang, pakisama na rin ho sa inyo si Loren. Kung anong kailangan ni Loren pakisabi na lang sa akin. Makakasama niyo nga pala siya rito. Paki-demo na lang din sa kaniya ang gagawin niya rito bukas. Maraming salamat Manang." ibinilin niya ako sa mga ito. Muli itong napatingin sakin. "Sumama ka sa kanila Loren. Makakasama mo sila. Huwag ka mag-alala mababait ang mga iyan." "S-salamat po, Ma'am." Nakayukong sabi ko tsaka naglakad para lumapit sa dalawang kasambahay nila rito na makakasama ko. Habang naglalakad ako ay napapatingala naman ako dahil sa laki ng bahay na ito. Halos hindi na yata sila nagkikita-kita rito. "Saan mo nakilala sila madam?" Natigilan ako sa paglalakad ng magsalita ang medyo katandaan na babae na kasama ko na naglalakad sa pasilyo ng bahay. Dalawa silang kasama ko, ang isa ay medyo may katandaan lang sakin ng kaunti habang itong nagsalita ay kasingtanda na ng Inay ko. "Dinala nila 'ko sa hospital dahil nawalan ako ng malay." sagot ko. "Talaga?" napalingon sakin ang kasing-edad ko lamang. Tumango-tango na lamang ako. "Ang swerte mo dahil ang mag-asawa ang nakakita sa 'yo. Talagang mabait si Ma'am Athena pero si Sir...Hades...ahm mabait din naman." medyo hindi ito sigurado pagdating sa lalaki. "Ako nga pala si Carde." pakilala nito sa akin. "At siya naman ang pinakamatagal na rito sa mansion. Pangatlo sa taong susundin natin dito sa mansion. Si Manang Isa." pakilala ni Carde. "Nakakatuwang makilala kayo." "Eh, ikaw? Anong pangalan mo?" "Loren..." sagot ko. Natigilan kami ng nasa harapan na kami ng pintuan. "Ito ang kwarto natin." Binuksan ni Carde ang pinto. Tumambad naman sa amin ang napakalaking kwarto na kakasya yata ang limang tao. "Diba? Ang laki. Kaming dalawa lang ni Manang Isa ang natutulog dito. Ang ibang katulong ay nasa ibang kwarto naman. Bale anim yata na katulong ang meron sa mansion na ito kasama ka na." nakangiting sabi ni Carde sakin. "Bukas ay sasabihin ko sa iyo ang lahat ng gagawin kaya matulog na muna tayo." Inaantok na sabi ni Manang Isa. Nagtungo ito sa isang kama. "Hindi pa kami inaantok, Manang. Ikukwento ko muna kay Loren kung anong maganda sa bahay na ito. Yung exciting part na palagi kong inaabangan." tila kinikilig na sabi ni Carde. "Halika dito dali! Ikukwento ko sa 'yo." Hinila kaagad ako ni Carde sa isang kama. Napaupo kaming dalawa. "Alam mo ba, mayroong anak na triplets sila Ma'am at Sir. Naku! Kapag nakita mo yung dalawang lalaki. Malalaglag ang panty mo sa sobrang nakakalaglag ng panga." kwento ni Carde sa akin. "At isa pa, may bunso pa silang anak na lalaki. Gwapo rin yun pero bata pa eh!" napangiwi naman si Carde. "Alam mo kung ano ang pinaka-exciting part na hinihintay ko rito sa bahay?" Nanatili akong nakikinig sa mga sinasabi ni Carde. "A-ano?" "Yung maliligo sila ng pool na tanging boxer lang ang suot." napatili ng sobra si Carde ng sabihin iyon. Bigla din naman nagtakip ng bibig pagkatapos. "Carde, ano ba 'yan? Patulugin mo na muna si Loren. Bukas na iyang mga kinukuwento mo kay Loren. Sigurado akong antok na iyan si Loren. Kung ano-ano pa ang kinukwento mo sa kaniya. Ayan ka na naman. Pinagpapantasyahan mo na naman ang anak ng amo natin" "Totoo naman kasi Manang eh! Palagi nga nalalaglag ang panty ko tuwing nakikita ko yung dalawang lalaki sa triplets. Sayang nga lang minsan lang sila rito sa mansion. May kaniya-kaniya na rin kasing bahay. Siguro bukas pupunta yun rito dahil weekend. Every weekend sila pumupunta rito sa mansion kaya todo busy na naman tayo niyan." "Ganoon ba?" "Oo, kaya matulog na tayo baka batuhin pa tayo ni Manang Isa kapag nag-ingay pa tayo rito." Natatawang sabi ni Carde at humiga sa kama. "Tabi na tayo dali. Dito ka na matulog. Malaki naman itong kama." Napangiti na lamang ako. "Gusto mo ba magbanyo? Nariyan lang ang banyo." turo nito sa isang pintuan. Paano kaya ako makakapagbihis kung wala akong ni isang damit na nadala pagtakas ko sa club. Buti na lang at paggising ko kanjna sa hospital ay iba na ang suot ko. Si Ma'am Athena yata ang nagpapalit ng suot ko. "Nasaan nga pala mga gamit mo?" tanong ni Carde sakin tsaka sinuyod ang kabuuan ng kwarto. "Wala kang dala kanina diba?" Tumango-tango na lang ulit ako. "Humiram ka na lang muna sakin ng damit at short. Bukas naman naka-uniform naman tayo kaya walang problema kung wala kang dalang mga damit. Baka bukas bibjgyan ka ni Ma'am. Ganiyan kasi si Ma'am Athena namimigay iyan ng damit. Ang gaganda pa. Sige na maglinis ka na muna ng katawan." Tumayo na lamang ako para maglinis ng katawan sa banyo. Paglabas ko ay tulog na si Carde at maging si Manang Isa. -------- KINAUMAGAHAN... Paggising ko ay tumambad sa aking harapan si Carde. Nagsusuklay ito ng kaniyang buhok. "Sa wakas! Gising ka na! Tumayo ka na dali! Dapat maaga tayo ngayon dahil confirm pupunta ngayon dito ang mga anak ng amo natin." nagmamadali na sabi ni Carde. Ako naman ay nagmadaling tumayo sa kama na kinahihigaan ko. Nakakahiya. Na-late ako ng gising. "Ito uniform mo. Hihintayin na kita para hindi ka mapagsabihan ng isa pa nating kasamahan rito. Iyon masyadong masungit 'yon. Lahat ng na-le-late ng gising pinapagalitan niya. Mabuti pa nga si Manang Isa, idadaan ka lang sa biro kapag nagagalit." tila naiinis na sabi ni Carde sakin. Ako naman ay kaagad na kinuha ang uniform at nagtungo sa banyo. Minadali ko na nga lang ang pagligo ko at kahit maayos masuklay lang ng konti ang buhok ko ay ayos na. "Ayos ka na?" nag-thumbs up sakin si Carde. Nag-thumbs up na rin ako. Sabah kami na lumabas ng kwarto. Kinakabahan tuloy ako dahil ang sabi ni Carde ay pupunta ngayon rito ang mga anak ng amo namin. Paano kung masusungit ang nga 'yon? Pagkababa namin ah tinawag kami ni Manang Isa. Pinapalapit kami sa kanila. Nakatayo sila sa may pintuan na tila may hinihintay kung ano or sino. "Anong ginagawa nila?" kaagad na tanong ko kay Carde. "Ganito ginagawa namin kapag pumupunta rito ang anak ng amo natin. Kailangan sabay-sabay kaming babati. Kaya ikaw, bumati ka rin ng good morning pagkapasok ng mga ito, okay?" "Ah, ganun pala." Nakalapit kami ng tuluyan sa kinaroroonan nila Manang Isa. Ilang minuto na kaming nakatayo ngunit wala pa rin ang anak ng amo namin. Hanggang sa nakaramdam ako na parang sasabog ang aking pantog. "Humanda na ang lahat. Parating na ang triplets!" sigaw ni Manang Isa. Habang ako nakangiwi na dahil sa paninigas ng aking pantog. "Anong nangyari sa 'yo?" bulong sakin ni Carde. "Parang sasabog na yung pantog ko. Hindi ko na kaya magpigil." Nakangiwing sagot ko. "Naku! Baka naman makaihi ka pa riyan. Lumakad ka na. Umihi ka muna." "S-sige, hindi ko na talaga kaya." nakangiwing sabi ko tsaka tuluyan na umalis sa pwesto ko. Nagmadali akong hinanap ang banyo. Hindi ko pa naman alam kung saan ang banyo kaya ilang minuto pa akong naghanap bago ko nakita ito. Para akong nakahinga ng maluwag pagkatapos. Pagbalik ko sa sala ay wala na sila Carde at ang iba pa namin kasamahan. Nasaan sila? "Loren..." narinig ko ang pagtawag sakin ni Manang Isa. "Halika dali!" Kumaway siya sakin kaya kaagad aking naglakad palapit sa kaniya. "Saan ka ba nanggaling? Oh, siya tulungan mo na lang ako sa kusina. Tulungan mo akong maglagay ng pagkain sa table." utos ni Manang sakin. Sumunod naman ako sa kaniya sa kusina. Pagdating sa kusina ay inutusan niya akong ilagay sa table itong vegetable beef soup. "Magdahan-dahan ka. Baka matapunan mo sila Ma'am." pahabol pa ni Manang. Marunong naman akong mag-ingat. Isa pa, sanay ako sa ganitong gawain dahil ako naman palaging nag-aayos ng mesa namin kapag kakain. Hindi rin nawawalan ng sabaw kapag kumakain kami. Kahit nga walang laman yung sabaw basta may sabaw. Ayos na ayos na kami roon. Nasa dining area na ako at naglalakad na palapit sa table. Huminga akong malalim. Bigla yata akong kinabahan. Tatlo lang yata yung anak nila Ma'am na nandito? Hindi yata sila kompleto. Nakatalikod ang dalawang lalaki sakin kaya hindi ko makita ang mukha. "Oh, Loren! Ayos ba tulog mo kagabi kasama sila Manang?" biglang tanong ni Ma'am Athena sakin. Ilalapag ko na sana ang beef soup ngunit pagtingin ko sa nakaupo sa bandang tagiliran ko ay nanlaki kaagad ang mga mata ko ng masilayan ko ang lalaking minahal ko ng ilang buwan at hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin. Ang lalaking ama ng dinadala ko, si Haden. A-anong ginagawa niya rito? B-bakit siya nandito? Parehong nanlaki ang aming mga mata ng magtama ang aming mga paningin. Hindi niya rin siguro inaasahang makikita niya ako rito. Sa hindi ko namalayan ay nabitawan ko na pala ang aking dala-dalang beef soup. Mas lalong nanlaki ang aking mga mata ng matapon iyon kay Haden. "f**k!" sigaw niya tsaka ito napatayo. Tsaka lang umawang ang labi ko para magsalita. "S-sorry, h-hindi ko sinasadya...sorry..." kaagad na paghingi ko ng pasensya. Kumunot ang noo niya na parang hindi niya mapapatawad ang ginawa kong ito. "Oh my God! Kuya! Ayos ka lang?" tanong ng isang babae na nasa kabilang side ng table. Napatayo rin ito. Kuya? Magkapatid sila? I-ibig ba sabihin nito? Sila ang tinutukoy ni Carde na anak nila Ma'am Athena at Sir Hades?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD