Third Person's POV
"NAKU! Pasensya na po, senyorito." kaagad na lumapit si Manang Isa kay Loren. "Mag-sorry ka." bulong ni Manang Isa kay Loren ng makalapit ito.
"S-sorry, h-hindi ko sinasadya." nakayuko na hingi ulit ng sorry ni Loren. Habang sinasabi ang katagang iyon ay napuno naman ng katanungan ang isip niya. Kinabahan siya sa klase ng tingin ni Haden sa kaniya.
"Sorry? You're sorry is not enough for what you did to me!" singhal ni Haden. Tila may pinaghuhugutan pa na iba ang galit nito kay Loren. Galit nga ba ito dahil natapunan niya ng sabaw? O galit ito dahil sa ginawa niya rito isang buwan na ang nakalipas.
"Haden!" saway ni Athena sa anak.
"Naku! Pasensya na talaga, Senyorito. Ako na ang hihingi ng pasensya para kay Loren. Hindi ko kasi muna ito naturuan sa tamang gagawin. Kasalanan ko dapat hindi ko muna ito pinagawa sa kaniya." segunda ni Manang Isa tsaka hinila na ng tuluyan si Loren palayo sa dining area.
"Anong ginagawa ng babaeng 'yon dito?" galit na galit na tanong ni Haden nang mawala sa kaniyang paningin si Loren. Natigilan si Athena dahil sa sinabi ng anak.
"Sa tono ng pananalita mo parang kilala mo si Loren. Did you know her?" tanong ni Athena.
"Yes! --- I mean no!" kaagad na bawi ni Haden.
"Bakit sa palagay ko hindi ka lang galit dahil natapunan ka ng soup. Parang malalim yata ang galit mo sa kaniya." kuryuso na tanong ni Athena.
"Hon, sino ba naman hindi magagalit kung natapunan ka ng mainit na soup?" pinagtanggol naman ni Hades ang anak.
"Huwag mo nga ipagtanggol 'yang anak mo, Hades. Mali pa rin na sigawan niya si Loren."
Tumikhim lang si Hades dahil sa sinabi ng asawa.
"I think masakit 'yon Kuya. Mabuti pa magbihis ka muna." suhestiyon naman ni Alyana.
Tumayo si Haden at nagpunas ng bibig. "I need to change." kaagad nilisan ni Haden ang dining table.
Loren's POV
Ilang minuto akong natulala pagkatapos akong hatakin ni Manang Isa palayo sa dining area.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang nasa pamamahay ako ng mga magulang ni Haden. Hindi rin ako makapaniwalang anak siya nila Ma'am Athena at Sir Hades.
Ang dami ko pa talagang hindi alam sa kaniya. Sa kabila ng pagsasama namin ng ilang buwan ay hindi ko man lang naitanong sa kaniya o nakita ang mukha ng mga magulang niya. Oo, alam kong may kaya si Haden pero hindi ko naman inaasahang ganito pala siya kayaman.
Anong gagawin ko?
Sasabihin ko na ba sa kaniyang buntis ako? Pagkakataon ko na 'to. Pero paano ko magagawa 'yon ngayong galit na galit siya sakin. Nakita ko kanina sa kaniyang mga mata kung gaano niya ako kinasusuklaman.
"Loren? Loren?"
Napakurap-kurap ang mga mata ko ng marinig ang pagsambit ni Manang sa pangalan ko.
"M-manang..." sagot ko.
"Hindi ba't sinabi ko sa 'yo mag-iingat ka? Paano na ngayon 'yan. Sigurado akong galit na galit si senyorito Haden sa 'yo." iiling-iling na sabi Manang sakin.
Matagal na ho siyang galit sakin, Manang.
Gusto kong sabihin iyon ngunit hindi ko itinuloy.
"Mag-sorry ka na lang ulit sa kaniya mamaya. Pahupain mo muna ang galit ni senyorito bago ka ulit mag-sorry sa kaniya." utos sakin ni Manang Isa.
Pagkakataon ko na kapag nakausap ko si Haden na kaming dalawa lang. Kailangan kong sabihin sa kaniyang magkakaroon na kami ng anak. Baka sakaling magbagong muli ang isip niya kapag nalaman niyang buntis ako.
"Maiwan na muna kita rito. Baka may iuutos sila Ma'am doon. Kaya diyan ka lang, maghugas ka na lang muna ng mga plato. Iyan na lang muna ang gagawin mo habang hindi ko pa naituturo sa 'yo ang tamang gagawin. Mahirap ng magkamali ka na naman." bilin sakin ni Manang tsaka niya ako iniwan.
Tumayo na ako para magsimulang maghugas. Kinuha ko ang nga pinaggamitan ni Manang sa pagluto tsaka inilagay iyon sa lababo.
Naghuhugas ako ng bigla na lang may magsalita sa likuran ko.
"Uy! Anong nangyari? Usap-usapan ka roon ng mga marites sa kinaroroonan ko kanina. Natapunan mo raw ng sabaw si Senyorito Haden? Totoo ba?" bigla na lang lumitaw sa likuran ko si Carde. Lumapit pa siya sakin at tinulungan ako sa ginagawa ko.
Tumango-tango na lang ako.
"Pero atleast nakalapit ka sa kaniya. Dapat kunwari pinunasan mo yung dibdib niya para naman mahawakan mo yung chest niya." kinikilig pa nga na sabi ni Carde sakin.
Hindi niya lang alam kung gaano nakakatakot ang mukha ni Haden ng sigawan niya ako kanina. Kailanman ay hindi niya nagawa sakin noong nagsasama pa kaming dalawa.
"Nariyan ka na naman, Carde. Bumalik ka sa trabaho mo. Huwag mong guguluhin riyan si Loren." bigla naman nagsalita si Manang sa likuran namin. Nakabalik na ito at dala-dala na ang ibang pinagkainan. Tapos na oala silang kumain.
"Tutulungan ko ho kayo, Manang. Masilayan ko man lang si senyorito Haden sa dining table." may dalang pa-cute na sabi ni Carde.
"Bahala ka. Wala na si senyorito sa dining. Hindi ko alam kung kumain pa ba or tuluyan ng umalis." sagot ni Manang.
"Ay! Sayang naman kung umalis na kaagad. Hindi ko pa nga nasisilayan yung mukha niya ng malapitan sa araw na 'to eh!" nakangusong sabi ni Carde.
Crush niya si Haden?
"Lumakad ka na. Kunin mo na ang ibang mga plato roon sa dining table. Tutal, nandito ka na rin naman. Mamaya mo na pagpantasyahan ang anak ng amo natin." may kasamang pag-aasar na sabi ni Manang Isa kay Carde.
Bumaling naman sakin si Manang Isa. "Pinapatawag ni Ma'am Athena, Loren. Pumunta ka na kaagad sa living area baka may mahalaga siyang sasabihin sa 'yo."
Napaawang ang aking labi.
Kinakabahan tuloy ako. Ano kaya ang sasabihin sakin ni Ma'am Athena? Hindi kaya paaalisin niya na ako dahil sa nangyari kanina?
Habang naglalakad ako palabas ng kusina ay hindi maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko ngayon habang tinatahak ko ang sala.
Nasa sala na ako ng matanaw ko si Ma'am nakaupo sa couch. Alam kong hinihintay na ako nito. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya.
"Loren..." sambit niya sa pangalan ko.
"M-Ma'am, pinapatawag niyo raw po ako? Tungkol po kanina sa nangyari. Pasensya na po, Ma'am hindi ko ho sinasadyang matapunan ng ---"
"Hindi ito tungkol doon, Loren." putol niya sa aking pagsasalita.
"Ho?"
"Tungkol ito sa buwanan mo na sweldo. Ano ba ang gusto mong sweldo? Kinsenas? Buwanan or lingguhan?" tanong niya sakin. Hindi ako makapaniwala. Sa kabila ng nagawa ko kanina ay hindi niya pa rin ako tatanggalin.
"Hindi niyo po ako tatanggalin, ma'am?"
"Bakit naman kita tatanggalin?" ngumiti siya sakin. "So, paano? Anong napili mo dun sa nabanggit ko?"
Mas mabuti siguro kong lingguhan na lang para naman makapagpadala ako kada linggo sa amin. "Lingguhan po, ma'am." sagot ko.
"Okay, so lingguhan ang sahod mo. Sigurado ka na ba?"
"Opo, ma'am."
Magkano nga pala ang sahod ko a day? Kahit nahihiyang itanong ay nagawa ko pa rin ibuka ang aking bibig.
"Ma'am, nakakahiya man po pero puwede ko po ba malaman kung magkano ang sahod ko?" nakayuko na tanong ko. Hiyang-hiya ako.
Siguro kung narinig 'to ni Haden, baka mas lalo siyang magalit sakin. Kailangan ko ng pera kaya kahit alam kong ayaw ni Haden na nandito ako ay wala akong magagawa dahil kailangan ko ang trabahong ito.
Sinabi sakin ni ma'am Athena kung magkano ang araw ko kaya naging kampante naman ako dahil ng kwentahin ko ang four thousand sa isang linggo ay nasa five hundred plus iyon kung tutuusin. Napaka-swerte ko at nagkaroon ako ng amo na katulad ni ma'am Athena sobra ang kabaitan na pinapakita sakin.
Naglalakad ako sa pasilyo ng mansion ng mapansin ko ang naglalakad na lalaki. "Haden?" sambit ko. Nakakasigurado akong si Haden 'yon.
Siguro kailangan kong sabihin sa kaniya ito. Nagmadali akong maglakad para maabutan ko siya. "Haden!" sigaw ko kaya dumagundong ang boses ko sa pasilyo ng bahay. Nagpapasalamat naman ako at mukhang kami lang ang tao rito. Walang ibang makarinig.
"Haden!" muli ay sigaw ko. Napalingon ito at napatigil sa paglalakad.
Sa wakas, naabutan ko rin siya. Nakatayo na siya ngayon sa aking harapan habang nakatitig sakin. Ako rin naman ay nakatitig sa kaniya. Bakit tila nagbago yata ang awra ng kaniyang mukha. Hindi katulad kanina at mukhang blanko ang expresyon ng kaniyang mukha na nakatingin sakin.
"Haden... may kailangan kang malaman." wala ng paligoy-ligoy na sabi ko sa kaniya.
"What is it?" kumunot ang noo niya.
"Buntis ako."
"What?" bigla siyang natawa na para bang ayaw niyang maniwala na buntis ako.
"Damn it! Hindi ako pumapatol sa isang babae na katulad mo. Hindi kita kilala. Kung si Haden ang tinutukoy mo, hindi ako si Haden. Sa kaniya mo sabihin ang problema mo na 'yan."
Natulala ako sa sinabi niya. H-hindi siya si Haden? S-sino siya? Kamukhang-kamukha niya si Haden. Hindi kaya dahil iniiwasan niya ako ay nagpapapanggap siyang hindi niya ako kilala?
Third Person's POV
Inis na inis na lumabas ng kwarto si Haden pagkatapos magbihis.
Anong ginagawa ng babaeng 'yon dito? Sinundan niya ba ako? Sinabi ko na sa kaniyang ayaw ko na siyang makita pero bakit siya nandito? Paano niya nalaman na nandito ako?
Ayaw king makita ang kaniyang pagmumukha at kahit na anino niya ay ayaw kong makita. Pagkatapos ng ginawa niya, may gana pa siyang magpakita sakin. She's a useless woman. A b***h.
Habang naglalakad si Haden ay ginugulo naman ang isip niya ng mga katanungan.
Kailangan niyang paalisin si Loren sa bahay na ito. Ayaw niyang nandito si Loren. Ayaw niyang makita pa rito ang babaeng kinaiinisan niya, at ang nanloko sa kaniya. Ang kapal ng mukha niyang lokohin ako.
"Hey!" narinig niya ang boses ni Helious. Natigilan siya at napatingin sa kinaroroonan ng boses. Hindi nga siya nagkakamali, si Helious nga ang tumawag sa kaniya. Ang buong akala niya ay hindi ito pupunta ngunit sumunod rin naman pala.
"I think you need to explain."kaagad na sabi ni Helious sa kaniya ng makalapit ito.
"About what?"
"About the woman you got pregnant."
"What?" kaagad na kumunot ang noo niya.
Anong sinasabi ni Helious?
"I don't know what you're saying," kaagad na sagot niya.
"Really, bro? Kanina lang pinagkamalan ako ng isa sa mga maid natin rito na ako ikaw.
She told me she was pregnant and you were the father. How sure are you ...na wala ka ngang nabuntis?" tila pang-aasar na sabi sa kaniya ni Helious.
Mas lalong kumunot ang noo niya. "Anong pinagsasabi mo?"
"Nagmamaang-maangan ka pa. Baka gusto mo sabihin ko kay Mom na may nabuntis ka pala rito...at isang maid pa." mas lalong natawa si Helious. "Kung sabagay, maganda naman siya pero hindi ko akalaing ganun pala ang mga babaeng type mo, Haden." mas lalo pa nang-asar si Helious.
"Tama ba ang narinig ko? Sinong buntis, Hell? Sinong babae ang nabuntis mo, Haden?" Hindi nila namalayang nasa kanilang likuran pala ang kanilang Mommy Athena.
"Hindi ako ang magsasabi sa 'yo niyan, Mom. Siguro dapat si Haden ang magsasabi sa inyo niyan dahil siya naman itong nakabuntis. Goodluck, dude." Iniwan sila ni Helious.
Naiwan siyang puno ng katanungan sa isip niya kung sino ang tinutukoy ni Helious na kaniyang nabuntis?
"Wala ka bang balak sabihin sakin ang bagay na 'yon, Haden?"
Sapo ang noo niyang napaharap sa Mom niya. "I don't know what Hell is saying, Mom. You know I'm busy campaigning for the upcoming election. I don't know where Hellious got what he said."
"Sigurado ka, Haden? Siguraduhin mo lang na wala kang nabuntis na babae. Dahil kahit anak kita hindi ko kokonsintihin ang ginagawa mo. Kung may nabuntis ka, panagutan mo."
-------
Loren's POV
Inutusan ako ni Manang Isa na linisin ang kwarto na ito. Walang sign kung kaninong kwarto ito. Wala man lang picture. Siguro lumang kwarto ito nila Ma'am Athena or baka kwarto ito ni Haden?
Habang naglilinis ako ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Haden sakin kanina. Nagkukunwari siyang hindi ako kilala.
Natigilan ako ng maalala ko ang sinabi ni Carde sakin kagabi. Naalala kong sinabi ni Carde na may anak na triplets sila Ma'am Athena. Imposible kaya na ang nasabihan ko ay hindi si Haden?
Napatingin ako sa pintuan ng marinig kong bumukas ito.
Nanlaki ang mga mata ko ng makitang si Haden ang pumasok sa loob ng kwarto na ito. Magkaiba ang kanilang suot ng lalaking nakasalubong ko kanina sa pasilyo. Hindi kaya siya talaga si Haden? Si Haden na ang kaharap ko ngayon. Ang lakas ng kaba sa dibdib ko.
"Haden..." wala sa sariling sambit ko.
Biglang nag-iba ang expresyon ng kaniyang mukha. Nag-aapoy sa galit ang kaniyang mga mata. "What the hell are you doing here, huh?" Nanlaki ang mga mata ko ng makalapit kaagad ito sakin.
Napalunok ako ng maamoy ang kaniyang hininga. "Hindi ba't sinabi ko sa 'yo ayaw na kitang makita. Kahit anino mo ayaw kong makita pero bakit nandito ka ngayon sa harapan ko? Nandito ka sa pamamahay ko? Sinusundan mo ba ako, huh? Loren!" dumagundong ang boses niya sa loob ng kwarto na kinaroroonan namin. Nabigla ako ng pisilin niya ang aking bewang. Hindi lang iyon simpleng pisil kundi may kasama ng panggigil or baka dahil galit siya sakin kaya mas humigpit pa ang pagkakapisil niya sa bewang ko.
"H-Haden...n-nasasaktan ako sa ginagawa mo." nakangiwing sabi ko. Pilit kong inaalis ang kamay niya sa bewang ko.
"Ang totoo, hindi ko alam na bahay niyo 'to. Naging asawa mo 'ko Haden pero ang dami kong hindi alam sa 'yo. Minahal mo rin naman ako pero bakit ganito? Ang dami mo palang lihim sakin." tuluyang naglandas ang luha sa aking mga mata.
Sa halip na bitawan ang pagkakapisil niya sa bewang ko ay mas lalo pa itong humigpit.
"At naniwala ka naman na minahal talaga kita?"
Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya.