DICKSON SERIES 3 C L U B

1877 Words
Loren's POV "Sigurado ka na ba diyan, anak?" "Kailangan ko magtrabaho para makatulong sa inyo." "Paano 'yan? Buntis ka? Baka mapaano ang baby sa loob ng sinapupunan mo. Hindi ka pa nga nakapag-pa-check-up." "Wala naman ho akong nararamdaman na kakaiba. Kaya namin 'to. Kaya ko 'to. Hindi naman po mabigat ang trabaho na papasukin ko, Nay." Narinig ko ang kaniyang buntong hininga. Alam kong nagdadalawang isip ito na payagan ako pero buo na ang desisyon ko. Luluwas ako ng Manila. Sasama ako sa kapitbahay namin na nag-re-recruit ng mga dalaga na gustong magtrabaho sa Manila. "Huwag ho kayo mag-alala. Mag-iingat naman po ako." Niyakap ko siya ng mahigpit. Nandito pa rin kami sa hospital. Wala pa rin kasi malay si Itay. "Mag-iingat ka roon. Mahirap sa Manila anak. Masyadong maraming ----" "Huwag niyo na ho sabihin sakin 'yan Nay. Alam ko na po." pinutol ko ang gusto niyang sabihin. "Promise ko sa inyo, kapag nakatrabaho na ako. Magpapadala ako sa inyo kada buwan. Lahat ng sasahurin ko sa inyo lang mapupunta at siyempre magtitira pala ako sa sarili ko para kay baby." "Ayaw kitang paalisin pero talagang nakapagdesisyon ka na sa sarili mo. Hindi na kita mapipigilan." "Mag-iiyakan lang po tayo dito, Nay." Pinilit kong huwag maiyak pero hindi ko nagawa. Tuluyan pumiyok ang boses ko. First time ko rin na malayo sa kanila kaya mahirap rin sakin ito. Pero kailangan nila ako. Hindi naman puwedeng tutunganga na lang ako habang marami kaming problema. Kailangan ko rin gumalaw kahit pa kakaunting tulong lang ang maibibigay ko. Basta't may maiabot ako sa kanila. Pagkatapos ng usapan namin ay nagpaalam na ako ng tuluyan para umuwi at ayusin ang mga gamit na dadalhin ko. Isang back pack lang ang dala ko. Kasya lang ang ilang piraso na mga damit ko. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay nagtungo ako sa kapitbahay namin na nag-rerecruit ng mga babaeng gustong magtrabaho. Tamang-tama naman ang pag-uwi niya rito sa Probinsya, hindi na ako mahihirapan maghanap ng trabaho at hindi ko na rin kailangan ng pamasahe para lang makarating sa Manila. "Loren, wala ka bang ibang damit na isusuot? Dapat medyo maikli at sexy ka tingnan para naman ganahan ang customer, I mean...kapag nirekomenda kita ay matatanggap ka nila kaagad." Umiling-iling ako. Lahat ng damit ko ay tshirt at pantalon naman sa pang-ibaba. "Hay, jusko! Ito isuot mo!" Bigla niya na lang inihagis sakin ang kapiranggot na tela. Isang dress na sobrang ikli. "Isuot mo 'yan." dagdag na sabi niya. "P-pero...sobrang ikli nito." "Walang problema. Sa Manila tayo pupunta hindi sa bukid kaya isuot mo na 'yan." Napatingin ako sa mga babaeng kasamahan ko. Maikli rin na dress ang kanilang mga suot. Kaya ko bang suotin 'to? "Ano? Isusuot mo ba or maiwan ka na lang dito?" Kaagad akong gumalaw para magbihis. Ayaw ko naman maiwan. Kailangan ko 'to. Kailangan ko ng trabaho kaya titiisin ko ito kahit hindi ko gusto ang pinapasuot niya sakin. "S-saan ang inyong banyo?" tanong ko rito. Itinuro niya sa akin ang banyo kaya kaagad akong naglakad papunta roon para magbihis. Pagkatapos kong magbihis ay pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Napalunok ako sa ikli ng dress na suot ko. Sa itaas lang ng aking tuhod kaya kaunting galaw ko ay baka masilipan na ako. Kinuha ko sa bag ko ang dala kong cycling. Buti na lang mayroon ako nito para kahit papaano ay safe pa rin at hindi kaagad ako masisilipan. "Loren! Nasaan ka na?" "Nandito na po!" sagot ko. Dali -dali akong lumabas ng marinig ang pagtawag ni Ate Kaye sakin. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ko. "Wow! Mas lalo ka gumanda, Loren." komento niya. "Ganiyan dapat mga sinusuot mo. Hindi yung mga pantalon at malalaking tshirt. Paano ka makakahanap ng lalaking gwapo, magaling sa kama at...mayaman?" pabirong sabi niya pero hindi ko gusto ang biro niya. Hindi naman ako naghahanap ng ganoon. Hinayaan ko na lang dahil kailangan ko ito. Kapag pinatulan ko pa siya ay hindi ako magkakaroon ng trabaho. Sumakay kami ng bus, ilang oras din ang byahe namin bago kami makarating sa syudad. Napatingala ako sa naglalakihang mga building at bill board. Sa mga nagagandahang billboard ng artista. "Ngayon ka lang ba nakarating rito?" napatingin ako sa katabi ko ng magsalita ito. Sa totoo lang, ngayon lang. Tumango-tango naman ako. "Iba rito kaysa sa probinsya. Kaya expect mo maninibago ka." dagdag pa niya. "Ganoon ba." "Ako nga pala si Joby, ikaw?" "Loren..." tipid na sagot ko. Si Joby lang ang nakakausap ko sa dami kaming magkakasamang ni-recruit ni Ate Kaye. Siya lang kasi ang nakipag-usap sakin. Yung iba parang mga masusungit na ayaw makipag-usap. Nang makababa kami sa bus ay sumakay naman ulit kami ng van. Dinala kamj ni Ate Kaye sa isang gusali na puno ng kumikislap na ilaw sa paligid. "A-anong tawag rito?" tanong ko kaagad kay Joby. Napalunok ako ng makita kong mag babaeng sumasayaw sa entablado suot lamang ay bra at panty. Bigla akong kinabahan. Bakit kami dinala rito ni Ate Kaye? "Hindi mo ba alam?" "A-anong hindi ko alam?" "Hindi mo alam na dito tayo dadalhin ni Ate Kaye? Night club 'to. Isang lugar na aliwan. Kapag nagustuhan ka ng lalaki ilalabas ka niya at kapag nagkataon pang libog na libog na siya. Ikakama ka pa niya." Nanlaki kaagad ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Joby. Parang gustong umatras ng mga paa ko. "H-hindi sinabi sakin ni Ate Joby 'yon." sambit ko. "Eh, kasi nga kapag sinabi niya sa 'yo, alam niyang hindi ka sasama. Sa lahat yata ng ni-recruit niya eh ikaw lang ang inosente." Pagkatapos ng usapan namin na iyon ay tinawag na kami ni Ate Kaye. Pumasok kami sa isang kwarto. Hindi na nawala ang kaba sa dibdib ko. Hanggang sa magpahinga kami. Kinabukasan, maaga pa lang ay tinawag na kami ni Ate Kaye. Nag-breakfast kami pagkatapos ay nag-practice kami ng sayaw. Sayaw na nakakaakit. Hindi ko talaga magawa ang gusto niyang ipagawa sakin. Gusto niyang gumiling ako ng nakakaakit. "Ano ba 'yan Loren! Ayusin mo naman. Ang tigas ng katawan mo." "S-sorry po." "Ano? Mag-sosorry ka na lang palagi? Iyan lang naman gagawin mo pero hindi mo pa magawa ng maayos. Paano ka magugustuhan ng customer kung matigas pa sa buto ng bulalalo 'yang katawan mo." "Hindi naman po kasi ito ang ini-expect kong trabaho, Ate Kaye." hindi ko na napigilan oa at nasagot ko ito. "Ano? Anong ini-expect mong trabaho? Opisina? Sa tingin mo kaya may tatanggap sa 'yo na ibang trabaho. Ito kahit gumiling ka lang sandali may malaki ka ng pera na makukuha. Hindi ba't kailangan mo ng pera? Pwes, ayusin mo pagsasayaw mo para magkaroon ka ng pera." Nakapameywang na sabi nito sa akin. "Ayusin niyo ang pag-practice dahil mamaya isasalang na kayong lahat!" sigaw niya tsaka niya kami iniwan sa loob ng silid. Kinagabihan, Ito yung pinakaayaw kong mangyari. Abala na ang kahat sa pag-aayos. Maging ako ay inaayusan na rin ng bakla. Suot ko ay makintab na kulay ginto ngunit kapiranggot na tela. Parang panty na nga lang ito kung isipin. "Loren!" Narinig ko ang pagtawag ni Ate Kaye sa akin. Nasa pintuan siya nakasilip sa kinaroroonan ko. Napalunok ako. Sa sobrang kaba ko nanginig ang tuhod ko. "Lumabas ka na. Hindi muna kita isasalang sa stage pero makikipag-table ka sa bigatin naming customer. Isang Gobernor." bulong nito sa akin. Mas lalo akong kinabahan. "Lumakad ka na te." Itinulak ako ng bakla. Nagsimulang humakbang ang aking mga paa. Ang kaba ko ay hindi na maipaliwanag pa. "Kinakabahan ka?" tanong sakin ni Ate Kaye nang makalapit ako sa kaniya. "Huwag ka mag-alala. Gwapo at sobrang yaman ng mag-t-table sa 'yo. Hindi ka na lugi roon." Nilalamig na ako nanginginig pa ang tuhod ko. Parang kaunting-kaunti na lang ay bibigay ang katawan ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Paglabas namin ay dinala ako ni Ate Kaye sa isang table. Mga lalaki ang nasa table. "Ito na po, Mr. Dee ang babaeng ibibigay ko sa inyo. Maganda at inosente." sambit ni Ate Kaye sa lalaki. Napalunok ako nang tumingala ang lalaki sakin. Tinakpan ko ang sarili gamit ang aking mga palad Masyado kasing nakabalandra ang katawan ko. Napalingon-lingon ako, kailangan kong makatakas o makalabas rito. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero bahala na. Makaalis lang ako sa lugar na ito. "Maiwan ko na ho kayo, Gov. Kayo na ang bahala sa kaniya." "Ate Kaye!" kaagad na pinigilan ko si Ate Kaye. Napalingon siya sakin tsaka niya ako sinenyasan na ayusin ko ang pag-entertain sa lalaking ito. "Please sit down." Utos sa akin ng lalaki. Nagsialisan rin ang iba niyang kasamahan na lalaki. Mga guard yata niya ang mga iyon dahil sa mga suot nito kaya ko nalaman. Unti-unti akong umupo ngunit hindi sa tabi niya. Medyo malayo sa kaniya. "Natatakot ka ba sakin?" nakangiting tanong niya sakin. Aaminin kong gwapo siya at hindi naman nakakatakot ang awra niya pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi kabahan. "P-pasensya na, n-ngayon ko lang kasi nagawa ang bagay na ito." nauutal na sagot ko. Tumawa siya. "Don't worry, hanggang table lang naman ako. Hindi ako lumalabas ng babae. Pero dahil mukhang type kita kaya baka----" "T-teka lang...p-pwede ba akong magbanyo?" pinutol ko ang pagsasalita niya. Tumawa siya. "Sure." sagot niya. Nakahinga naman kaagad ako ng maluwag. Sa wakas, makakapagplano akong tumakas. Tumayo ako at nagmadaling maglakad paalis sa table. Tinahak ko kunwari ang banyo. Narinig ko ang boses ni Joby. Tinatawag niya ako. Paglingon ko ay si Joby nga ang nasilayan ko. "Tatakas ka?" tanong niya kaagad sakin. Tumango-tango ako. Alam niyang tatakas ako dahil kagabi ko pa sinabi sa kaniya na kapag may pagkakataon ay tatakas ako sa lugar na ito. "Alam ko yung daan. Kung gusto mo talagang tumakas. Doon ka sa likod. Dali, samahan kita." Hinila niya ako. Nang makarating sa likod ay nakita namin ang isang lalaking bantay. "Ako na bahala sa kaniya. Kapag nakuha ko na ang atensyon niya. Lumabas ka kaagad. Ito jacket." Inihagis niya sakin ang jacket kaya nagawa kong ibalot ang sarili ko. Wala akong pinalagpas ng makuha ni Joby ang atensyon ng lalaki ay kaagad akong kumaripas ng takbo. Sandali lamang ang pagtakbo ko dahil hiningal na kaagad ako. Tumigil ako para magpahinga. Hinaplos ko ang tiyan ko. Muntik ko ng makalimutan na buntis ako. Nilingon ko ang dinaanan ko. Sa wakas, malayo layo na rin ako sa club. Naglakad ako para tuluyang mapalayo sa club na pinanggalingan ko. Baka mamaya ay hinahanap nila ako at makita ako rito. Ayaw ko ng bumalik pa roon. Nang makita kong may dumaan na jeep ay kaagad kong pinara ito. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero bahala na. Wala rin akong pera pambayad kaya pinababa rin ako ng driver. Naglalakad ako na parang batang naliligaw. Hindi ko na naramdaman ang takot. Mas natakot pa ako na nasa loob ako ng club kaysa ngayong palaboy-laboy ako. Sapo ang noo ko na tumawid ng kalsada. Nakaramdam ako ng pagkahilo at paunti-unting panlalabo ng aking paningin. Sinubukan kong makarating sa gilid ngunit hindi ko na nagawa pa. Unti-unting bumagsak ang aking katawan. Ang tanging huli kong narinig ay ang busina ng isang sasakyan at paghinto nito sa aking tapat ang huli kong nasilayan bago tuluyang nandilim ang aking paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD