"Kung gaano niya ako kabilis pinakasalan, ganoon niya rin ako kadali binitawan."
Isang babaeng probinsyana si Loren na nagmahal at nagpakasal sa isang misteryosong lalaki. Biglang dumating sa buhay niya si Haden ngunit umalis rin naman ito kaagad nang dahil sa isang eksena na hindi niya alam kung paano nangyari.
Nahuli siya nito na mayroong katabing ibang lalaki sa kama. Pagkatapos ng nangyaring iyon ay kaagad nakipaghiwalay si Haden without knowing na nabuntis na pala siya nito.
Paano pa niya masasabi sa lalaki ang kaniyang sekreto kung ayaw na siya nitong makita at kahit na anino niya ay kinamumuhian na nito?