"May sakit ka daw?" Tanong ng tiyahin niya nang dumating ito kinagabihan. Tumango lang siya. Kinabahan siya nang tingnan nito ang kabuuan ng bahay, para bang may hinahanap na bakas sa loob ng bahay. Malakas naman ang tahip ng kanyang dibdib, natatakot siya sa klase ng tingin nito. Iniisip niya na baka may nakakita kay Tyler dito at sinabi sa tiyahin nila. "Magpahinga ka ng maaga. Hindi mabuti sa 'yo ang magpuyat. Saka mahihirapan kang mag-catch up sa ilang subjects mo kung hindi ka makapasok kaagad," sabi nito, at inabot sa kanya ang isang supot na sigurado siya na pasalubong nito para sa kanya. Wala pa noon si Porsia dahil alas otso ang huling subject nito sa araw na 'to. Kinuha niya ang ibinigay nito, at akmang bubuhatin ang dala nito para dalhin sa loob. "Ako na. Pumasok ka na sa si