"Where have you been, Tyler?" Takang tanong ni Apollo noong maupo siya sa tabi nito. Nagpapasalamat siya at sakto lang ang dating niya. Hindi siya late at wala pa din naman ang kanilang professor, na matanda at istrikto. Simula noong maghubad siya sa klase nito ay hindi na ito ni minsan tinawag ang pansin niya. Nag-aalangan na ito palagi sa kanya. "Hey! Do you hear me?" Nagulat pa siya noong bahagya siyang hinampas ni Apollo ng hawak nitong libro. "Come again?" Sagot niya na napaupo ng tuwid. Napapangiti pa siya habang inaalala niya ang magandang mukha ni Alex. Ang biglang pamumula ng pisngi nito kapag tinutukso niya ito. At ang mas lalong namimilog na mga nito kapag tinatawag niya itong Babe. Nasipa niya pa ng bahagya ang upuan na nasa unahan niya. Gulat naman na napatingin ang kaklase