PROLOGUE
Napatindig si Tyler nang makita ang isang grupo ng mga lalaking estudyante na nakapalibot sa isang babaeng estudyante. Kilala niya ang babae dahil scholar ito, at minsan din itong sumali at nanalo noong university day last year. Representative ito ng high school department at tinaob nito ang mga college student na sumali sa nasabing pageant. Siya si Alexandria Laurice Harris, halata sa mukha nitong Filipina-American ang lahi nito, kung hindi siya nagkakamali. Matangkad ito at sobrang ganda.
"What the hell!" salubong ang kilay na sabi ni Dean sa kanila. Kasalukuyan silang nakaupo sa bench na nasa ilalim ng punong acacia sa loob ng campus.
Third year college silang magpipinsan. Siya at si Apollo na kumukuha ng kursong Civil Engineering, si Nathan na kumukuha ng medisina, si Joaquin ay pagpipiloto, at si Dean naman na business course ang kinukuha. Pero hindi iyon hadlang upang hindi sila magkakasamang lima, basta sa vacant time nila, sila pa ring lima. Mula elementarya hanggang high school ay iisang section lang sila at magkaklase. Pinakiusapan ng mga magulang nila ang eskwelahan na ilagay sila sa iisang section lamang. Ngayon lang sila medyo nagkakahiwalay dahil iba-ibang kurso na ang kinukuha nila. Kaya alam na alam na nila ang bawat liko ng bituka ng bawat isa.
"Mayabang naman talaga ‘yang kaklase kong transferee, eh. Anak daw siya ni Mayor Escoder," sagot ni Nathan na napaupo nang tuwid.
"Who is he?" balewala namang sagot ni Apollo na isinuksok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon.
"Diego Escoder," si Nathan ulit.
"They are enjoying pestering the poor woman," si Joaquin na tumayo at sinipa ang tuyong dahon.
"Sampolan mo nga." udyok ni Apollo na sa kanya nakatingin. Hindi na niya pinansin ang sinabi nito nang makita niyang hinawakan ng lalaki ang braso ng babae.
"I'm on!" Hindi niya alam kung bakit nagagalit siya nang makitang nalukot ang magandang mukha ng dalaga. And he hated how his hand touched her skin. ‘Yun talaga ang ikinagagalit niya, eh. Marahas siyang tumayo at mabilis na lumapit sa umpukan ng mga lalaki.
"Ikaw na nga niyaya ko ng date ikaw pa itong may ayaw," narinig niyang sabi ng lalaki.
"Kung hindi makuha sa santong dasalan daanin sa paspasan." Nagkatawanan ang grupo.
"Dead na dead kasi si Diego sayo Alex kaya pagbigyan mo na, please," umaarte pang sabi ng isang lalaki. At muling nagtawanan ang grupo.
"Don't touch me," asik ng babae. At pinagpag ang kamay ng nasabing Diego mula sa kanyang braso.
Sasalita pa sana ang mga ito ng makalapit siya at tumikhim.
"You're playing the poor woman around," sabi niyang naka cross ang mga braso sa dibdib.
"Uy, ano ‘to? The knight in shining armor saves the damsel in distress," nakakalokong sabi ng isa. Nasa sampu ang grupo at alam niyang matatapang lang ang mga ito dahil sa marami sila.
"Huwag kang sumali dito kung ayaw mong madamay," sabi naman ni Diego na nangingiti habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.
"Nasasaktan ang babae, hindi mo ba alam? At kung type mo ang isang babae approach her in the nicest ways, a real man should be. Hindi ‘yong kaladkarin mong tila isa itong basahan. That's not love, kayabangan ang ganyang ugali," sabi niya sabay hila sa babae na nang tingnan niya ay titig na titig din ito sa kanya. He saw her from afar inside the campus at hindi niya alam na ganito pala ito kaganda sa malapitan. Tila biglang may sumipa sa puso ni Tyler, at biglang sumikat ang araw kahit na mag-aalas singko na ng hapon.
"Gawin mo ang style na gusto mo, at gawin ko rin ang sa akin," sabi nitong matalim siyang tinitigan.
"At ayaw ko namang nakakita ng babaeng sinasaktan, kaya ginagawa ko talaga ang gusto ko," sagot niyang hindi natinag kahit konti sa matatalim na titig nito.
"Uy, matapang," sabad naman ng isa na tinapunan niya ng masamang tingin.
"Go now," utos niya sa babae na tiningnan muna siya sa mukha bago dali-daling umalis na. Akma nito iyong habulin ng hawakan niya ito sa balikat.
"You will pay for this, baka hindi mo ako kilala," sabi nito. At doon naman lumapit ang apat niyang pinsan.
"Hindi pa ba tapos?" tanong ni Apollo na tiningnan isa-isa ang kalalakihan.
"Need some help?" si Dean na bored na bored ang mukha.
"Wala naman atang thrill, eh," natatawang sabi ni Joaquin.
"So, shall we go?" si Nathan na nauna ng lumakad. At sumunod na rin ang tatlo. Naiwan siyang nagsusukatan ng paningin sa tarantadong lalaki.
"I will wait for you." May sinabi itong lugar at oras ng dumaan siya sa tabi nito. Tiningnan niya lang ito at nginitian ng nakakaloko. Akala siguro nito masisindak siya. He will kill twenty lions with bare hands first, bago siya nito masindak. Napangiti siya sa naisip at lalong rumehistro ang galit sa mukha ng lalaki.
Nasa loob na sila ng Lamborghini ni Nathan ng magsalita si Joaquin. "Akala mo lang naman ang tatapang kasi ang dami."
"Hindi pa kasi nakatikim ng totoong suntok, eh." si Dean na nakapatong ang ulo sa sandalan ng sasakyan.
"Sinabi pang pupuntahan ko siya sa bakanteng lote sa likod ng campus," natatawa niyang sabi nang maalala ang sinabi nito.
"Really? Deal ako diyan ha, para kunting excercise na rin," sagot ni Apollo na pinahid ang maduming rubber shoes sa sahig ng sasakyan ni Nathan.
"Me too is on," si Joaquin naman habang ngumunguya ng chewing gum.
"Ako rin deal. Pero hoy, teka naman Apollo ang dumi-dumi ng sapatos mo ipinahid mo diyan sa sahig ng sasakyan ko, bagong linis to parang awa mo na," sabi ni Nathan na tinapunan ang mga duming nagkalat sa sahig ng sasakyan nito.
Natawa naman sila ng lalo pang ipinahid ni Apollo ang sapatos. "Baliw, uy!" si Joquin na binato kay Apollo ang chewing gum mula sa bunganga nito. Lalo lang nanggagalaiti si Nathan sa mga pinsan.
"Nagkalat pa talaga," natatawang sabi ni Dean na pabirong sinipa ang katabing si Joaquin. Samantala siya ay tahimik lang na natatawa, at hindi maalis-alis ang magandang mukha ni Alexandria sa kanyang isipan.
"So bukas sa meeting place na sinabi ng bakla," seryosong sabi ni Apollo na pinulot ang putik na nagkalat sa saskyan ni Nathan. Napapailing lang siyang tinitingan ito sa ginagawa.
"Bakit bakla?" Kunot-noo niyang tiningnan ito.
"Iiyak yun sigurado bukas, eh. So, go?" si Apollo na humalakhak.
"Yeah," tila chorus na sabi nilang apat.
Kinabukasan ay hindi na sila pareho pumasok sa huling subject nila at pumunta sa bakanteng lote sa likod ng El Contreras University. Yes you heard it right, silang magpipinsan ang may ari ng unibersidad na pinapasukan nila. Mga ama pala nila to be exact. Mga ama nila talaga ang nagtayo ng nasabing eskwelahan, at ito ang isa sa pinaka sikat na pribadong eskwelahan sa buong Batangas. At kahit ang sister school nito sa Maynila. Puro mayayaman ang nag-aaral sa kanilang eskwelahan. But they didn't use the name para magkaroon ng special treatment sa eskwelahan, they want to treat equally katulad ng ibang estudyante at ayaw din ng mga magulang nila ang bigyan sila ng eskwelahan ng special treatment.
"Matagal pa ba?" si Apollo na tinapunan ng tingin ang relo sa bisig.
"Baka biglang natakot," si Nathan na nakahalukipkip.
"They must be," sagot naman ni Dean.
"And the squad is coming." Hinayon ni Joaquin ng tingin ang paparating mga kalalakihan, at sabay silang lahat na napatingin doon.
"Upakan mo na kaagad," natatawang sabi ni Dean.
"So what's on?" malakas niyang sabi dito at nakita pa niyang nilalaro ng isang lalaki ang kutsilyo sa kamay nito.
"Well prepared, huh," parang walang halagang sabi ni Nathan.
Bigla na lang silang nilapitan ng mga ito at kinuyog. Well, don't play mess with the Contreras if you don't want to feel sorry in the end. Naging mabilis ang pangyayari at nagkakaupakan na sila hindi nagtagal ay nagsitumbahan na isa-isa ang grupo ni Diego. Ten versus five. Nang akma itong tatayo ay mabilis niyang nilapitan ito at sinipa nang malakas sa mukha. Nakita niyang sinapo nito ang nasaktang mukha. At hindi maitago ang sakit nitong naramdaman.
"Anak ka lang ng Mayor ng Batangas, Contreras kami," sabi niyang tinapon ang kutsilyong naagaw niya dito.
"Yabang, ah," sabi ni Dean sabay pagpag sa nadumihang pantalon.
"Yan tayo, eh," sabi naman ni Joaquin na sumakay na sa Ducati nitong motorsiklo.
"So paano ba, dadalhin pa ba natin sila sa hospital?" nakakalokong sabi naman ni Apollo.
"They will learn their lessons now," si Nathan na tumalikod na rin at sumakay sa sasakyan nito.
"So, let's go," sabi niyang kinuha ang susi ng sariling sasakyan sa bulsa. Nagpasya na silang umalis, at siya ang huling aalis nang mapansin niyang gumalaw ang matataas na damo sa kabilang side, kung saan sila naroon. Kunot-noo niya itong nilapitan at sinipat ng mabuti. Nang wala naman siyang nakita ay bumalik na siya ng sasakyan niya at umalis na rin. Kanina pa umalis ang mga pinsan niya.
Kinabukasan ay nagulat pa sila nang pinatawag sila ng school director. Agad silang nagkatinginang lima bago sumunod doon. Nagulat pa sila nang pagpasok nila sa opisina ay makita nila doon ang mga ama nila. prenteng nakaupo at masama ang tingin sa kanilang lima.
Nalaman pala ng mga ito ang nangyari kahapon at nagulat siya sa narinig na sinabi ng school director.
"Miss Harris saw you beating those poor guys." At humigpit ang kapit niya sa upuan nang marinig ang sinabi nito. Paano nito nagawa iyon na isumbong sila? Nangyari nga ang lahat nang dahil sa kanya.
"From now on, you'll savor the punishment you all deserve." Napatingin siya nang marahas nang magsalita ang kanyang Daddy Lauro. Alam niya kung gaano ka mapanganib ang magkakapatid kapag galit ang mga ito. At alam nila pareho kung kailan nagbibiro ang mga ito. And now they're all dead!
"No dad, please!" Parang chorus pa silang nagsalita ng iisang salita. Tiningnan nila ang kani-kanilang mga ama.
"Yeah, you heard it right," halos chorus ding sagot ng mga ama nila. At parehong galit ang mga ito sa kanila.