Nalulukot ang mukha ni Alex habang sinusundan ng tingin ang ginagawa ni Tyler. Wala siyang ideya sa bagong pakulo nito. Noong isang linggo halos kainin siya nito ng buo sa kasungitan nito sa kanya. Para itong tigre na bagong panganak na takot malapitan ang mga sanggol nito. Tapos ngayon ay may pasunod-sunod pa ito sa jeepney. May pa-text message pa ito. May pa-babe pa ito. Tapos ngayon may padala-dala pa ng pagkain ito. At paano nito nalaman na may sakit siya? "Umuwi ka na sa inyo Mr. Contreras, hindi ko kailangan ng tulong mo. Kaya ko ang sarili ko. Isa pa hindi mo alam ang mangyayari kapag may makakakita sa 'yo dito," seryosong sabi niya na isinandal ang likod sa hamba ng pinto. Nanginginig kasi ang mga tuhod niya dahil sa nararamdaman na panghihina. "Kumain ka muna. Gusto kong makita