CHAPTER 2

1018 Words
Dumating ang araw ng pageant at karga-karga ni Porsia ang mga gamit niya para sa pageant, ito na rin ang kanyang make-up artist. Ang paalam nila sa kanilang Tita Freda ay a-attend sila ng awarding sa quiz bee na sinalihan nila. Pumayag naman ito pero sa isang kondisyon na uuwi sila bago mag-alas dose ng hatinggabi. "Ano ako sa tingin ni Tita Freda, Alex. Si Cinderella? Grabe siya ha, ganoon na ba ako kaganda?" mahinang reklamo nito habang nakatalikod ang kanilang Tita Freda. Siniko niya ito sa dibdib at napaaray ito ng malakas. Marahas naman silang nilingon ng kanilang tiyahin. "Ang sakit..mangagat itong langgam." Nasabi nito nang pailalim itong tingnan ng kanilang Tita Freda. Gusto niyang matawa sa itsura ni Porsia.   Natigil siya sa kanyang pag-iisip ng dumaan sa kanilang harapan ang limang nagaguwapuhang lalaki. Ang Contreras boys na heartthrob sa buong campus. Parang lumiit ang kanilang malapad na campus kapag nakikita niya ang limang lalaki. Pero si Zimon Nathaniel talaga ang lihim na crush niya. Ito kasi ang bukod tanging maputi at parang boy next door ang datingan, kahit na may pagka bad boy din. Ayaw niya ng mga pinsan nito iyong tipong brusko at parang ang titigas ng mga mukha. Siguro dahil sa medisina ang kinukuha nito kaya parang ang linis tingnan. Lihim siyang kinilig nang makita niyang tinapunan siya nito ng tingin. Pero siniko ang pinsan nitong si Tyler. Binalingan din siya ni Tyler at sumikdo ang kanyang dibdib sa uri ng tingin nito sa kanya. Nahimasmasan pa siya nang ibinagsak ni Porsia ang dala-dala nito at biglang naglupasay sa daan. Naitirik niya ang mata ng makita ang ginawa nito at nakakahiya sa limang lalaki na may-ari ng University na kanilang pinapasukan. Anong arte na naman ba ang ginagawa nito? Nilapitan niya ito at hinila pataas ng lumapit sa kanila ang limang lalaki. "Need help?" Si Tyler na lumapit pa sa pinsan niya, at lalo lang itong naglupasay dahil crush nito si Tyler. "Don't bother," sabi niya na hinawakan ito sa braso nang akma nitong buhatin si Porsia. Inakala siguro nito kung ano ang nangyari sa pinsan niyang loka. Tila napaso pa siya ng lumapat ang kanyang mga palad sa matitigas nitong braso. Ang t***k ng kanyang puso ay parang hindi normal. Nagulat pa siya ng lumapit si Nathan sa kanila bitbit ang dala na hinulog ni Porsia. "Is this your's?" tanong nito sa boses na matigas pero masarap sa tenga. "Thank you," sabi niya saka kinuha ang gamit kay Nathan. "I'm Zimon Nathaniel Contreras, and this is Francis Apollo, Dean Xavier, Ashton Joaquin and.." Hindi nito natapos ang sasabihin ng biglang tumayo si Tyler at kusang nagpakilala sa kanya. "I'm Tyler Mathias Contreras," malalim ang boses na pakilala nito. Saka inilahad ang kamay sa kanya. Pero ng akma niyang aabutin ang kamay nito ay mabilis pa sa alas-kuwatro na tumayo si Porsia at kinuha ang kamay ni Tyler. "Porsia Magallanes," Pakilala nito saka kinuha ang kamay ni Tyler. Naiiling siya at parang gusto niyang matawa sa ginawa ni Porsia. "Nice meeting you ladies," sabi ni Dean na nagpatiuna ng lumakad. Ganoon din ang ginawa nila Joaquin, Apollo at naiwan saglit si Nathan at Tyler. "If you don't mind, pwede ko bang makuha ang cellphone number mo?" Nagulat pa siya sa sinabi ni Nathan. Pero ng lingunin niya si Tyler ay nakita niyang madilim ang mukha nito habang nakatunghay sa cellphone ni Nathan na inilalahad sa kanya.  "Nathan, it's too early to show interest," sabi nito saka hinila na si Nathan palayo. Hindi na nito nakuha ang kanyang numero dahil pinigilan ito ni Tyler. Naiwan siyang nakasunod ang paningin sa dalawang lalaki. "Ano ka ba naman Porsia at nakakahiya sa ginawa mo?" sita niya sa pinsan ng tuluyang mawala sa paningin ang dalawang lalaki. "Para kang si Tita Freda, masiyadong atribida. Chance ko na sana ‘yon Alex na mapansin ni Tyler my babe. Chance Alex chance." Ito na naman sa drama nito na parang umaacting sa isang teledrama. "Baliw, nakakahiya kaya." Inirapan niya ito habang hawak-hawak nito ang dibdib na tila nasasaktan "Halika na nga at mag-make-up pa ako sa iyong magandang mukha. Kainis ka naman kasi, ako na ‘tong natumba ikaw pa ang nilapitan ng dalawang Adonis. Iniwan na lang ako bigla ni Tyler, my babe nang makita niya na hiningi ni Nathan ang number mo. Hala ka, Alex parang nagseselos." Tumigil pa ito sa paglakad at bigla siyang hinarap. "Hoy, baka may makarinig sa ‘yo diyan akalain totoo ang mga kalokohan mo. Sige nood pa ng K-drama para mas lalo kang magmumukhang tanga," biro niya dito na sarap kutusan. "Totoo naman, ha, nakita ko noong lumapit si Nathan sa ‘yo bigla siyang lumapit at hinablot si Nathan. Gaya nito, o." Nag-a-action pa ito na kunwari siya si Tyler. Mabilis na siyang lumakad at iniwan na ito. Walang kuwenta talaga ang mga pinanggagawa ng baklang ‘to. "Hoy, Alex! Hintayin mo ako, para akong timang na nagsasalita nang walang kinakausap." Pinulot nito ulit ang dala-dala at mabilis na sumunod sa kanya. "Alam mo, Alex, mga ‘yan, mga ‘yang pagmumukha na yan ang talagang magugustuhan ng mga guwapong katulad ng Contreras, eh. Kaso hindi ka lang marunong lumandi nang konti, tulad ko." "Hindi ko pinangarap ang mga ganyang lalaki, Porsia," sabi niya na mas binilisan pa ang paglakad. "Hmmm, alam mo huwag mo akong sisihin bandang huli kung matulad ka sa Tita Freda, matandang dalaga na masungit. Samantala ako busy sa pagiging nanay ko at pagiging may bahay. Huwag mo akong kaiinggitan ‘pag nangyari ‘yan sa atin  sa next level of generation, ha." Napabunghalit naman siya ng tawa sa sinabi nito. Talagang pag ito ang kasama niya ay no dull moment talaga. Hindi niya kakayanin kapag mawala sa tabi niya si Porsia. "Alam mo, Porsia, mabuti pa kaya bilisan natin at ilang oras na lang ay magsisimula na." Bigla siyang kinabahan ng maisip na maya-maya lang ay rarampa na siya sa harapan ng maraming tao. First time niya itong gagawin sa buong buhay niya. Pero gagawin naman niya lahat ng makakaya para hindi mapahiya ang guro niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD