CHAPTER 3

1091 Words
Nagsimula ang production number, they're all wearing same summer dresses. At tinandaan niya talaga ang lahat ng itinuro ni Porsia sa kanya. Her teacher's supports her, at lahat ng papuri ay ibinigay ng mga ito sa kanya. Kabado siya ng tinawag ang ang kanyang pangalan para magpakilala. She's wearing her sweet smile habang papalapit sa gitna ng stage nang tinawag siya ng host. Hindi siya sanay sa matataas na takong, but she managed herself para hindi mapahiya sa gitna ng maraming tao. Halos mapuno at nagsisikan ang mga estudyante sa loob ng auditorium ng university. Cheering their favorite candidate. Lumapad ang ngiti niya nang makita ang grupo ni Porsia sa kabilang side at nangibabaw ang boses nito na isinisigaw ang kanyang pangalan. Sa front seat ay naroon ang Contreras boys, pero kulang ito ng isa, wala si Tyler. Agad niyang kinuha ang microphone sa host ng tuluyang makalapit sa gitna. Ignoring the shame she's feeling right now, at inisip na silang dalawa lang ni Porsia ang naroon. "Good evening everyone, I'm Alexandria Laurice Harris, representing the high school department!" Lumakas ang hiyawan at palakpakan, at nakita niya pang kumaway si Nataniel Contreras sa kanya at para siyang na-inspire sa ginawa ng gwapong lalaki. At nang bumaling ang kanyang paningin sa kabilang side ay tila biglang sumikdo ng napakalakas ang kanyang dibdib nang makita ang tumatakbo na si Tyler Mathias Contreras, wearing his fitted ripped jeans paired with his leather jacket. Para bang pakiramdam niya ay biglang tumigil ang orasan at wari niya ay naglaho ang lahat ng mga taong naroroon at tanging ito lang at siya ang naroroon sa malapad auditorium. Parang napahiya pa siya ng kunin sa kanya ng host ang microphone at muli itong nagsalita. "Parang palaban itong miss highschool natin ah," sabi nito na muling naghiyawan ang audience. Matapos ang production number. May sports wear and swim suit competition. Talent portion. Parang naging at ease na rin siya at parang nawawala na rin ang kanyang hiya. Bumibilis lang ang t***k ng kanyang puso kapag mapadako ang kanyang tingin kay Tyler. While his four cousin's busy chatting with each other, tahimik lang itong nakaupo at patingin-tingin sa relong nasa bisig nito. At hindi maikakaila ang boredom na nasa mukha nito. At inihanda na niya ang sarili dahil pagkatapos ng intermission number ay ang question and answer na ang susunod. Ito talaga ang portion na kinakabahan niya sa lahat. Lalo na nang tinawag na ang first candidate na representative ng taga medisina. Napabalita na girlfriend daw ni Nathaniel Contreras, si Trisha Yap. Napakaganda naman talaga nito. Pang-model ang datingan. Panghuli siya na tinawag at parang dumadagundong ang kanyang dibdib sa sobrang kaba. Especially when she picks up the rolled paper inside the glass jar, kung saan nakasulat ang question para sa kanya. Pagkabunot ay kinakabahang ibinigay niya ito sa host. At tinawag naman nito ang isang judge na siyang magbabasa ng tanong para sa kanya. At hindi niya napigilan ang mapasinghap ng malakas nang tawagin nito ang pangalan ni Tyler. Mabuti na lang at maingay kaya walang nakarinig sa malakas na paghugot niya ng malalim na hininga. Oo nga pala, ang limang ito ay judges rin pala. Courtesy of being Contreras. Domoble pa ang kabang kanyang nararamdaman dahil sa ito pa ang magbabasa ng tanong niya. Puwede naman na si, Dean, Joaquin, Apollo, o 'di kaya ay si Nathan, para lalo siyang ma-inspire. Walang hiya, si Tyler pa talaga! Hindi naman yata nakipag-cooperate ang tadhana sa kanya. Ewan niya kung bakit masyadong aloof ang damdamin niya kay Tyler. Kanina niya pa ito hindi tinatapunan ng tingin, dahil sa tuwing gagawin niya iyon ay matindi ang kabang kanyang nararamdaman. Tahimik lang nito na kinuha ang papel sa host saka tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Iyong tingin na nakakatunaw, at parang biglang nanlambot ang kanyang tuhod sa tinging ibinibigay nito. She just wished she can manage to answer the question so well, while he's in front of her. He cleared his throat bago basahin ang nakasulat sa papel. "Here's the question for you Miss Harris. If God should grant you one wish, what would it be? She make sure she put up a smiling face, and avoiding to look at him kahit alam niya na nakatingin ito sa kanya ng pailalim. Nakakailang pa naman ang gown niyang suot na parang wala namang takip ang bandang likuran. Nanginginig ang kamay na kinuha ang microphone na inilahad ng host, saka malalim na humugot ng hininga at pikit-matang sinagot ang tanong sa kanya. "If God will grant me a wish, I would ask that no one in this world should ever go hungry because of financial deprivation and social depression. It is an awful fact to accept that while the world is busy keeping up with luxury and innovation, there are still thousands of faceless beggars out on the cold streets begging for aims. "And I also wish for the universal brotherhood and sisterhood of all of humanity. To eradicate the barriers of culture and language, to become one solid country of the world, to share one universal truth, and become united children of One God. Ladies & Gentlemen, that's all and thank you." Halos hindi na niya maririnig ang huling sinabi dahil sa ingay ng hiyawan at ng mga nag che-cheer sa kanya. Nawala na rin ang kanyang kaba at nakalimutan ang presensya ni Tyler dahil sa ingay. Nakita niya pang tumayo si Nathan at pumalakpak, sumunod na rin sina Dean, Joaquin at Apollo samantalang tahimik lang si Tyler na nagmamasid at kung titingnan parang wala naman ang atensyon nito sa mga pangyayari. Nakahalukipkip lamang ito. Muling kinuha ng host ang microphone sa kanya at tumalikod na rin siya para humilera sa nakatayong iba pang contestants. "Hindi nga tayo nagkakamali, napakapalaban nga nitong si Miss highschool. But let's call the attention of our dear judges kung lahat ba ay nakabigay na ng scores sa ating mga contestants?" Sabi nito, saka sila in-assist na pumunta na muna sa dresser in preparation sa awarding. Nakita pa niyang nakasunod ang paningin ni Tyler sa kanya nang tuluyan siyang makapasok sa back stage. Parang gusto niyang kumaripas ng takbo dahil sa mapanuring mga titig nito. Hinila na siya ni Porsia nang makapasok siya sa backstage. "O anong sabi ko sesh? kabog silang lahat sa Q&A mo ha, huwag silang magkamali na hindi sa 'yo ibigay ang korona at ebi-break ko talaga ang heart ni Tyler my babe, para sa kanila," hindi niya magawang matawa sa biro nito nang maalala ang matitiim na titig ni Tyler sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD