"Dali, isuot mo na kasi." Umaarte na naiinis ang kanyang pinsan habang pinapasukat sa kanya ang gown na halos wala ng takip ang likod.
"Porsia, kasi baka magagalit ang Tita Freda ‘pag malaman niya na sasali ako sa Miss University," nag-alalang sabi ni Alexandria, pero hindi napigilan ang baklang pinsan na ipasuot sa kanya ang naturang gown.
"Hindi niya malalaman, hindi naman siya pupunta sa campus eh, kaya dalian mo na at baka maabutan pa tayo. Magagalit talaga iyon pag nalaman niya na ng hiram pa ako ng mga damit sa kaklase ko," nakasimangot na sabi nito habang sinisipat siya sa suot niya na kulay pula na evening gown.
"O, anshabe nila sa pinsan kong latina, wala, ‘di ba? Sa kutis pa lang na malaporselana, sa natural na blond na buhok, sa height na mala-Ruffa Guttierez. Huh, ipapaputol ko itong high note ko kung matatalo ka nila, Alex the Great!" Umiikot pa ito sa kanya habang sinasabi ang walang kuwentang linya nito.
Hindi mapigilan ni Alex ang mapabunghalit ng tawa sa mga pinagsasabi nito. Naluluha na ang kanyang mata sa kakatawa, at nakalimutan ang kanyang Tita Freda.
Pinsang buo sila ni Porsia, at pareho na sila na ulila sa magulang. Magkapatid ang kanilang nanay at magkaedad lang sila. Sanggol pa lamang siya ng mamatay ang kanyang mga magulang dahil sa car accident. Spanish ang kanyang tatay at pure Filipina naman ang kanyang nanay. Ni hindi na niya nasilayan ang mga ito, tanging sa picture niya na lamang nakikita ang mga magulang. Inalagaan siya ng kanyang tita Freda, kapatid ito ng kanyang mama at matandang dalaga. Kinuha din nito si Porsia nang mamatay din ang ina nito dahil sa komplikasyon sa sakit, at nag-asawa ang ama nito. Sampung taon na si Porsia nang kunin ng kanyang Tita Freda.
Mabait naman ito kaso lang masiyadong istrikto at bawal sila gumala. Tanging eskwelahan, bahay, at simbahan lang sila. Devoted kasi ito na miyembro ng simbahang katoliko sa lugar nila dito sa Lipa Batangas.
Masaya naman ito dahil nakakuha sila pareho ni Porsia ng full scholarship sa isang sikat na pribadong eskwelahan sa kanilang lugar. Simula first year high school ay scholar na siya ng El Contreras University. At ngayon na graduating na siya sa high school ay lalo niyang pinaigi ang pag-aaral para mananatili ang scholarship hanggang sa pagkolehiyo niya. Pangarap niya pa naman na kumuha ng medisina.
At sa darating na University Day ay kinuha siya ng kanyang adviser na sumali sa Miss University. Mariin ang kanyang pagtanggi dahil ayaw niyang sumali at sigurado kasi na tutol ang kanyang tita Freda. Pero matigas din ang kanyang teacher at sinabihan siya na kung hindi siya sasali ay wala siyang grado sa subject nito.
Nababahala niya itong naikuwento kay Porsia at tila bomba naman ito na sumabog sa sobrang excitement dahil sa sinabi niya. Tutulungan daw siya nito na maghanap ng maisusuot, basta lahat daw na kakailanganin niya sa pageant. Napapayag na rin siya dahil sa natatakot siya na tutuhanin ng guro ang sinabi sa kanya at hindi siya makapasok ng schollarship sa kolehiyo. Iyan pa naman ang tanging alas niya, ang kanyang scholarship para maisakatuparan niya ang pangarap na magiging isang magaling na doctor.
Dr. Alexandria Laurice Harris, matamis na binaggit ng kanyang isipan.
Palihim siyang tinuturuan ni Porsia kung paano rumampa kung wala ang kanilang tiyahin. At kahit papaano, she has this urge to get the crown para sa buong high school department.
"Iyan na! Iyan na ang isusuot mo at para kang sasabak sa Miss Universe, sesh," maarte na sabi nito habang tinutulungan siya na hubarin ang gown.
"Itago mo na muna ‘yan, Porsia, at baka makita pa ng tita Freda," nag-aalang sabi niya habang itinirintas ang mahabang buhok.
"Okay, okay. Pero sigurado ako na ikaw ang mananalo, sesh. ‘Pag hindi, talagang ipapuputol ko itong high note ko, eh." Ipinapasok na nito sa paper bag ang mga nagkalat na damit.
"Ano ba iyang high note na pinagsasabi mo diyan, at kanina ko pa iyan naririnig sa ‘yo." Kinuha na niya ang libro sa bag, at panigurado na darating na ang kanilang tiyahin galing simbahan maya-maya lang.
"High note? Ito ‘yong hate ko at humahadlang para maging isang ganap ako na babae. Ako sana ang sasabak sa Miss University kung hindi ako naging bakla, eh," sabi nito na akala mo pasan na nito ang buong universe. Ibinalibag din nito ang papaer bag na naglalaman ng mga damit ng kaklase nito.
"Ano ka ba naman, Porsia? Kahit ganyan ka crush ka pa rin naman ni Garry," tukoy niya sa kaklase nito na kinaiinisan nito nang labis.
"Garry? Sarap i-flash sa inidoro ang fesh niya, besh. Nakakaloka, parang masisira ang buhay ko from region 7 to region 36 makita ko lang ang lalaking ‘yon. Sobrang nakakagigil talaga, sesh, kaya ‘wag kang ano diyan, ha. Huwag mong pakabanggitin ang pangalan ng janitor fish na ‘yan." Nanggigil nitong kinuyumos ang papel na nasa mesa na tila pagmumukha ni Garry ang linalamukos niya. Natawa naman nang malakas si Alex.
"Bakit ganyan na lang ba ang inis mo kay Garry? Mukhang mabait naman siya tuwing pumupunta ako sa classroom n’yo." Hindi pa rin niya mapipigilan ang sariling hindi matatawa sa reaksyon ng pinsan.
"Mabait? Saan ‘yong bait niya? ‘Yong binuhusan ako ng isang baso ng polbo? Ang usugin niya ang upuan ko ng mag-recite ako at napasalampak ako sa sahig at buong klase ang natawa sa akin? Ang dikitan ng modess napkin ang uniform ko? Iyon na ba ang mabait sa ‘yo? Porket maganda ka at may crush sa ‘yo kaya akala mo Santo de Milagro sa sobrang bait ‘pag ikaw ang kaharap." Para itong uma-acting sa isang commercial at lalo lang siyang natawa kay Porsia. Hindi niya rin alam kung saan nito kinukuha ang mga term nitong ginamit.
"Subukan mo din kasi minsan pigilan iyang bunganga mo sa kakadaldal sa iba, baka may sinabi ka naman na hindi niya nagustuhan kaya ka ginaganyan." Pinigilan niya ang sarili na muling matawa nang inirapan siya nito.
"Mabuti pa iyong mga Contreras boys, ‘no? Mayaman na mababait pa lalo na si Tyler, my babe," sabi nito na humawak pa sa dibdib. Inirapan niya ito sa sinabi nito.
"Huwag ka ng mangarap diyan, uy. Hindi ang mga tipo no’n ang pumapatol sa mga simpleng taong gaya natin," seryosong sabi niya dito saka ipinatuloy na ang pagbabasa.
"Hala, Alex, patay! Certificate pala ng Tita Freda sa school ang nalukot ko. Akala ko kasi mukha ni janitor fish." Nagkaundagaga ito sa pag-ayos ng nalukot na papel. Naiiling siya habang kumuha ng plantsa at panigurado na malalagot ito sa kanilang tiyahin. Nagtuturo kasi ito sa pampublikong eskwelahan sa kanila, isa itong elementary teacher.