Hindi nagtagal matapos ma-retouched ni Porsia ang kanyang make up ay tinawag na silang mga contestants na lumapit sa stage.
At hindi makapaniwala si Alexandria na nakuha niya ang best in production number, best in sports wear at best in Q&A. Halos hakutin niya ang awards at para sa kanya napakaimposible mangyari iyon dahil college ang kanyang kalaban at puro rin matatalino. At nakita niyang nagtatalon sa sobrang tuwa ang pinsan niyang si Porsia. At ang mga taga high school, lalo na ang mga kaibigan at kaklase niya.
"And the one who will bring home the crown is...," kasabay ng malakas na tambol ng drum ay ang malakas din na kabog ng kanyang dibdib dahil na tense siya sa sinasabi ng host.
Tatlo na lamang silang natira, from college of law, college of medecine, at siya. Ang unang tatawawagin ay ang second runner-up, pangalawa ay ang first runner up, at ang matitira ang siyang tatanghalin na Miss University 2010. Halos hindi na marinig ang sinasabi ng host dahil sa ingay dulot ng hiyawan ng mga estudyante.
"Second runner-up goes to...," muling nagtambulan ang malakas na drum bago nagpatuloy ang host.
"Miss Trisha Yap, from college of medecine!" Muling nagsiingayan ang mga nanonood at ang masigabong palakpakan.
"And our first runner up is no other than... Miss Lorraine Palmares from college of Law!... And our Miss University 2010 is comes from the High school department. Let's give a round of applause to Miss Alexandria Laurice Harris!" Malakas na sabi ng host at lalo lang nagwawala ang manonod. And she couldn't hold the tears falling from her eyes dahil masaya siya. Ganoon pala ang pakiramdam ng isang nanalo. Mapapaluha ka sa sobrang galak. She made it!
Hindi na niya namalayan ng lumapit ang former Miss University para e-turn over sa kanya ang korona. Ganoon din ng umakyat sa stage si Dean Xavier Contreras at Ashton Joaquin Contreras to pin her sash. Pati na rin ang pag akyat ni Apollo to handed her a trophy at si Nathaniel na nagbigay ng kanyang certificate.
"Congratulations Alex, I know from the start that you can make it on top," mahigit siya nitong kinamayan at kinilig naman siya. Talaga palang napakagwapo ng magpipinsan sa malapitan lalo na itong si Nathaniel.
"I'll wait you at the backstage," sabi nito saka bumaba ng stage.
At hindi niya namalayan nang tinawag ng host ang pangalan ni Tyler para mag-abot ng kanyang flower bouquet, dahil kinilig siya sa sinabi ni Nathan. Nakita na lang niyang nakatayo na ito sa tagiliran niya at walang imik habang inaabot sa kanya ang bouquet.
"T-thank you," parang nanginginig pa ang boses niya ng sambitin ang kanyang pasasalamat dahil bigla siyang kinabahan sa presensya ni Tyler. Hindi niya alam pero parang sumisikip ang paligid kung nasa malapit lang ito. Lalo at langhap niya ang mabango nitong amoy.
"Crush ka ba ni Nathan?" Ikinagulat niya ang tanong nito. Mahina lang iyon ni hindi umabot sa pandinig ng host na malapit lang sa kanila.
Are you sick? Bakit hindi mo sa kanya itanong at kayo ang palaging magkakasama. Gusto niyang sabihin pero pinigilan niya ang sarili. Baka ano pa ang iba niyang masabi, nahahawa pa naman siya minsan sa matabil na dila ng pinsang si Porsia.
"Never mind, I don't care any way," sabi nito saka tumalikod na sa kanya. Ni hindi nga siya binati. Gusto niyang ibato sa likod nito ang binigay na bulaklak sa kanya. She inhale and exhale ng ilang minuto para makalma niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang haluan ng lumbay ang kanyang pagkawagi.
Matapos ang awarding ay marami ang nagsiakyatan na mga kakilala niya sa stage para batiin siya, at para magpa-picture na rin. Pati ang mga guro ng high school na naroon.
"Hindi nga ako nagkamali sa pagpili sa 'yo, Alex. The crown is really for you. You really look great on it," sabi ng adviser niyang si Miss Perez.
"Thank you for your courage, ma'am. It did boost my confidence," sabi niya na gumanti ng yakap sa guro. Nagpaalam na rin ito pagkatapos saka naman lumapit si Porsia.
"Anshabi sesh, ikaw na. Ikaw na talaga ang kabog. So wala bang pameryenda diyan?" Sabi nito na daig pa na ito ang nanalo sa itsura nito.
"Meryenda ka diyan, ipagluluto kita ng banana cue bukas," natatawang sabi niya sa pinsan.
"Ay naku, hindi naman sa pang uukray sa foods sesh ha, pero kung hindi man lang upgraded mula sa stick na meryenda, huwag na lang sesh. Wala na ngang ibang meryenda na nalalaman si Tita Freda dagdagan mo pa. Saklap Alex, promise," itinaas pa nito ang mga kamay na tila sumusuko.
"Pagkain 'yan, hoy, masiyado kang nag-iinarte. Umarte ng naayon sa itsura, uy!" Biro niya na ikinalukot ng mukha ng pinsan.
"So ikaw na ang maganda? Gano'n? Ay naku sesh maganda ka nga wala ka namang alam kahit kunting landi. Isipin mo, daig ng malandi ang maganda."
"Halika na nga at hindi ka talaga nauubusan ng sinasabi," nagpatiuna na siya na pumunta sa backstage.
"Basta Alex iyong upgraded na meryenda bukas ha," sabi nito na humahabol sa kanya. Hindi na niya kinakaya ang linyahan nitong si Porsia at masyadong mataba ang utak pagdating sa kalokohan
"Congratulations! Geez, you're so beautiful sa malapitan and you deserve to have the crown on your head," nagulat siya nang may magsalita sa tabi niya dahil abala sila ni Porsia sa pag-uusap. Nakatapos na rin siyang makabihis at pauwi na sila dahil hindi puwedeng hindi sila makauwi sa sinabing oras ng kanilang tiyahin.
Nakakunot ang noo niya nang tingalain ang nagsalita. Isang guwapo na lalaki, pero hindi niya ito kilala. Nginitian niya lang ito saka nagpasalamat. Linampasan na niya ito nang muling nagsalita ito.
"I'm Diego Escoder, at gusto kitang makilala. Can I have your cellphone number?" Parang mayabang sa kanya ang dating ng lalaki. Sa tono pa lang ng pananalita nito napakapresko na at tila ba magkakandarapa siya na ibigay ang kanyang numero ng sabihin nito.
"Nice meeting you, Diego. Meron akong cellphone pero ginagamit ko lang iyon sa bahay. Hindi rin naman kita ma-entertain 'pag tumawag at magtetext ka kasi marami akong ginagawa sa bahay," magalang na sagot niya sa lalaki kahit na gusto niya itong ismiran at supalpalin. Mahigpit ang pagpigil na ginawa niya sa sarili na hindi ito masabihan ng hindi maganda