"Akala mo siguro hindi namin malalaman ang pinanggagawa mo, ano?" Natatawang sabi ni Joaquin, na may inihagis sa harapan niya. Kasalukuyan siyang nasa opisina ng Hotel El Contreras, nagtatrabaho pa rin sila kapag walang pasok. Hindi sila typical na anak ng mayaman gaya ng iba. They were rich in a real sense of the word, but they worked for what they have right now. Ang sasakyan nila, damit nila, allowance nila, at ang tuition nila ay nanggaling sa sariling pawis nilang lima. Yes, anak sila ng may-ari ng El Contreras university, but like other students they paid for their miscellaneous fees. Hindi iyon libre. At minsan mahirap din intindihin kung bakit ito ginagawa ng mga magulang nila, sa kabila ng puwede naman silang mamuhay, according to their chosen lives. Nagsimula silang nagtrabaho