"Hi Alex," napaangat siya ng paningin niya mula sa pagkakayuko niya. Abala kasi siya sa ginagawa niya. At nakita niya si Gio na nakatayo at nakangiti sa harap niya. Kaklase niya ito. Mabait naman ito sa kanya at palaging nakangiti kapag na tumitingin sa kanya. Kaso hindi niya lang napagtuunan ng pansin dahil sa hindi naman siya interesesado. At hindi naman nabibigyan ng pagkakataon na magkalapit sila nito sa loob ng klase. Isa pa, kapag bakanteng oras niya ay dito naman siya sa loob ng library. "Hello," nakangiti ding sagot niya. "Hihiram ka ba ng books?" Dagdag niya, dahil nakita niya na nahihiya ito sa kanya. "Oo. At sinadya ko talaga na nandito ka, kapag kasi pagkatapos ng klase natin ay agad ka na rin naman na umaalis," nahihiyang tugon nito na yumuko ang ulo. "Bakit? May kailangan