Napabalikwas siya ng bangon noong makita niya ang sinag ng araw na pumasok sa nakabukas niya na bintana. Hindi na talaga siya nagsasara ng bintana kapag natutulog siya sa gabi. Meron naman kasing grillings ang mga bintana nila. Mas gusto niya kasing pumapasok ang malamig na panggabing hangin 'pag natutulog siya. Muli siyang napahiga sapo ang sarili niyang ulo noong maramdaman niya ang pagkirot sa bahaging sentido ng kanyang ulo. Kinapa niya ang noo niya at ganoon na lang ang panghihina niya nang maramdaman na may lagnat pala siya. Pinilit pa rin niyang bumangon. Dahan-dahan siyang lumakad papunta sa banyo para maghilamos. Matagal siyang nakatayo pagkatapos niyang mag-tooth brush at maghilamos. Parang ang gaan-gaan kasi ng katawan niya at para siyang matutumba kapag na gumagalaw siya. Pi