CHAPTER 5

1051 Words
"Pipilitan talaga? Pipilitin? Hindi nga alam nitong si Alex kung paano gumamit ng mga sikat na social media, eh, ete-text mate mo pa. Allergy din kasi ito sa pogi, kaya don't her," singit ni Porsia na ikinalukot ng mukha ni Diego. "I'm not talking to you," sabi nito na tiningnan ng masama si Porsia. "Spokes person niya po ito, ako lang ang may karapatan na lumaban ng p*****n para sa kanya, sa salita lang pala," tumataas pa ang kilay nito na maarteng tumitikwas ang mga daliri. "Shut up crazy frog," inis nitong sabi sa pinsan. "Ay akala pa nito hindi ko maintindihan ang pa shut-up, shut-up nito. Gusto kong mag shut down may magagawa ka ba?" Pinipigilan niya ang matawa sa sinasabi nito na lalong ikinagagalaiti ng lalaki. "Cinderella let's go. Ay mali sesh, ako nga pala si Cinderella ikaw na lang pala ang dwarf. So witch man aalis na kami," sabay hila sa kamay niya. "So disgusting," narinig niyang sabi ng lalaki na ikinatawa niya naman. "Alex!" Narinig niyang may tumawag sa pangalan niya at nakita niya si Nathan na tumatakbo palapit sa kinatatayuan niya. Tumigil sila sa paglalakad at hinintay ito na makalapit sa kanila. "First name basis, huh. Siya talaga ang totoong prinsipe, at ipapaubaya ko na lang sa 'yo ang pagka-Cinderella, wala na lang pala akong role," sabi ni Porsia na linatag sa lupa ang dala nilang gamit. "As promised, I came here," sabi ni Nathan nang tuluyang makalapit sa kanila. "May kailangan ka ba sa 'kin?" Nagtataka naman talaga siya kung bakit ito nandito. "Last time hindi ko pala nakuha ang cellphone number mo. Can I have it now? Kung okay lang sa 'yo," ito talaga ang panalo na approach ng lalaki sa isang babae, eh. Hindi tulad ng Diego Escoder na 'yun na parang sigurado sa sarili na ibibigay niya ang numero niya. "Huwag ka ng tumanggi, ibigay mo na. Magic landi din minsan sesh," bulong ni Porsia habang pasekreto siyang sinisiko. Nginitian niya si Nathaniel at nag-alala siya na baka marinig nito ang sinasabi ni Porsia. "Nathan," sabay pa silang napalingon nang tinawag ito ni Tyler, at nasa likod nito ay sina Dean, Joaquin at Apollo. "What are you doing here? We're looking for you all over," seryosong sabi nito na hindi inaalis ang mga mata sa kanya. "Kayo talaga panira ng moment eh," nagrereklamong sabi ni Nathan at napakamot pa sa batok. "Aalis na tayo, at kanina pa kami naghihintay sa 'yo," sabi ni Tyler. "Sandali lang 'to," hirit pa ni Nathan. "We're in a hurry, Nathan," sabi ulit ni Tyler na hindi itinatago ang pagkabagot sa mukha. "Nathan, if you don't want to have trouble between you and Tyler, better back off," natatawang sumingit si Apollo sa usapan ng dalawa. "Yeah, I can see clearly the burning fire," makahulugan naman na sabi ni Joaquin. "You must know your place, Nathan," dagdag pa ni Dean na lalong ikinatawa ng tatlo except kay Tyler at Nathan na hindi niya alam kung nagtatalo, o, normal lang ba sa dalawa ang ganito. At gusto niyang mainis kay Tyler because every time she got a chance na mapalapit kay Nathan, para naman itong kontrabida na biglang mangingialam. Baka ayaw nitong maging kaibigan siya ni Nathan dahil isa lang siyang scholar, samantala sila ang may ari ng university. Mahirap nga ang maging mahirap. "Mauuna na kami sa inyo," nahihiyang sabi niya. "Sesh, text mate na kayo ni Nathan para kiligin naman ako, one time lang," bulong sa kanya ni Porsia. Mahina niya itong kinurot dahil nakakahiya kung marinig ng magpipinsan ang sinasabi nito. Tumalikod na siya at hinila na si Porsia kahit walang gana itong lumayo sa kinatatayuan habang nangangalumbaba na pinaglipat-lipat ang paningin sa limang lalaki. Para itong nangangarap ng gising sa itsura nito. "Alex wait!" Tawag sa kanya ni Nathan ngunit hindi na siya lumingon dahil makikita niya lang ang madilim na mukha ni Tyler. Akala niya siguro hindi ko halata na ayaw niya akong mapalapit kay Nathan. Matapobre siguro. Sabi ng isang bahagi ng isipan niya. "You are crazy Nathan. Cut that bullshit," narinig niyang sabi ni Tyler na ikinapanting ng tainga niya, sumosobra na ito, ha. Nag-about face siya at nagdadabog na binalikan ang limang lalaki. "Para mo malaman hindi ako katulad sa ibang babae diyan na magkakandarapa sa mga mayayaman katulad n'yo!" Galit na dinuro niya si Tyler. Napaubo naman ang pinsan nitong si Apollo, habang sina Dean at Joaquin ay biglang tumalikod at tumingala sa itaas. "Why are you ranting like crazy? Walang kinalaman ang katayuan namin, at mo, sa buhay, para sabihin mo 'yan!" Salubong ang kilay nito. "Hindi nga ba? Ayaw mong lumalapit itong si Nathan sa 'kin kasi hindi ako mayaman!" Sigaw niya dito na hindi ma-control ang galit. "Sesh, huwag mo naman masiyadang tapangan ang kape mo at ako ang natatakot sa ginagawa mo. Contreras ang kaharap mo, parang awa mo na," nate-tense na sabi ni Porsia na hinawakan siya sa balikat. Pero hindi niya ito pinansin at galit siya kay Tyler. "You and Nathan can go to hell together for all I care!" Her mouth twitched as she said that to Tyler. "Patay tayo diyan, si Nathan lang pala," malakas na sabi ni Joaquin na narinig niya na muling ikinatawa ng mahina ang tatlo. "Tyler, are you out of your mind? Ano ba ang ikinagagalit mo diyan?" Tanong ni Nathan na tinapunan naman ni Tyler ng masamang tingin. "You too is out of your mind, Nathan." "Galit na galit, gustong manakit. Sesh mag-switch na lang pala ako kay Apollo," gustong batukan ni Alex ang pinsan dahil sa kabila ng lahat nakuha pa rin nito na sabihin ang kalokohan nito. "May away ba na magaganap?" Malakas na sabi ni Dean habang lumalapit sa sports car nito. Lalo lang tumawa si Apollo at Joaquin. Samantala parehong seryoso ang mukha ni Nathan at Tyler. "Shut up Dean!" Ganting sigaw naman ni Tyler sa pinsan. "Tara na nga Porsia at nakakawala ng modo ang isang to, eh!" Muli siyang nagdadabog palayo sa mga ito. "Congratulations lady, for winning the pageant. And for winning Nathan's attention!" Nakakaloko na sigaw nito sa kanya dahil malayo-layo na sila. "Go to hell!" Ganti naman niya na hindi na lumingon pa. Napuno naman ng tawanan ng mga pinsan nito ang buong lugar dahil sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD