CHAPTER 3

694 Words
Yaney P.O.V Malakas na pagkatok sa pintuan ko ang gumising sakin.  "Yaney! Buksan mo tong pinto!" - Kahit tinatamad at ayaw ko pang bumangon sa pag kakahiga ay tumayo na din ako at nag tunggo sa sala para pagbuksan ng pinto ang taong kumakatok. Dahil alam ko na hindi ito titigil hanggat di pinag bubuksan.  "Ano ba yun aleng salce? ang aga aga naman po."   - Tinatamad kong kausap dito "Ano ulit ang tanong mo sakin yaney?"-Nang gigigil na turan nito "Ano pong kailangan nyo po." - Sarcastic na sagot ko "ABA YANEY. Tinatanong pa ba yan? Dalawang buwan ka ng walang bayad sa renta mo dito sa bahay. baka gusto mo ng magbayad!" "Aling salce naman, mag babayad naman po ako sa inyo pag nagka pera po ako. Walang wala lang ako ngayon" - Mahinahon kong sagot  "Hindi naman pwede ganito nalang tayo palagi. Isang linggo yaney, pag hindi ka nakabayad sa loob ng isang linngo makakaalis kana sa bahay ko. "   "Anooooo......" - Hindi na nito pinatapos pa ang sasabihin ko at umalis na ito.  Isinara ko nalang ang pinto na nilabasan ng ginang. Napaupo naman ako sa sofa ko at napahilamos nalang ang palad  sa mukha ko.  "HOOOOO BUHAY! Wala na ngang trabaho mawawalan pa ng bahay. bwisit naman o!"- Kasabay naman nito ang pag tunog ng telepono ko na nakapatong lang naman sa lamesa sa harapan ko. Kaya kinuha ko ito at sinagot.  "Hello?" - Pero wala akong naririnig na ano mang ingay sa kabilang linya.  "Hello?" - Pag uulit ko. Pero ng wala paring sumasagot nag end called na ako. Baka na wrong number lang. Iniwan ko nalang ulet ang telephono ko sa lamesa kung saan ko ito kinuha kanina at nag tunggo na sa banyo. Kailangan kong mag hanap ng bagong trabaho. Pero pag kalabas ko ng banyo naabotan kung tumutunog ang telepono ko, pero ipinag walang bahala ko lang ito at pumasok nalang sa kwarto para mag bihis.   Laking gulat ko nalang na pag labas ko ng kwarto ay tumutunog parin ito. Kinabahan naman ako na baka sila inang or amang ang tumatawag at may nanyari ng masama sa kanila. kaya nag mamadali kong kinuha ang telephono at tiningnan kong sino ang tumatawag.  UNKNOWN NUMBER  Napaikot naman ang mata ko ng makita kong galing sa unknown number yung tumatawag.  "Wala akong oras sa inyo!"- Nasabi ko nalang sa sarili ko at agad pinatay ang tawag.  Lumabas na ako ng dorm at lalapit na sana ako sa kotse ko ng matanaw ko sa malayo na may nakapalibot  ditong mga lalaki na wari mo'y may iniintay.  Bigla ko naman naramdaman ang pag bilis ng t***k ng puso ko. Mas humigpit na din ang hawak ko sa tangkay ng bag ko. Tumalikod ako at nagsimula nalang ulit maglakad pabalik sa dorm ko. Hindi parin naaalis ang kaba sa dibdib ko habang nag lalakad pabalik. Agad ko nilock and pinutuan ng dorm ko pag kapasok na pagkapasok ko.  "Tang'ina naman ooo! "- Napasigaw ako sa sobrang inis. Kasabay nun ang pag iingay ng telepono ko at ang malalakas na katok sa pintuan sa likuran ko.  Ilang minuto na din ang nakakalipas pero walang tigil parin ang pag tunog ng telephono ko at pag katok sa pintuan ko. Hindi ko alam kung mala bakal ba ang kamay ng kumakatok dahil sa tagal na nitong kumakatok paniguradong sugat sugat na ang kamay nito.   At wala akong balak pag buksan kung sino man ito.  Nag tungo ako sa kusina para sana uminom ng kape ng biglang may sumigaw.  "BUBUKSAN MO ANG PINTO SA MAAYOS NA PARAAN O AKO ANG MAG BUBUKAS AT SISIRAIN KO TO?" - Malakas na sigaw na ikinagulat ko.  Unknown P.O.V  "Master nagawa ko na po ang pinag uutos nyo. May mga tauhan na po tayong nag tunggo sa lokasyon ng target." - Bungad sakin ng isa sa mga pinag kakatiwalaan kung tauhan.  "Mabuti kong ganun. Nakakasigurado kabang magiging maayos ang lahat?" - Tanong ko dito habang umiinom ng wine na hawak ko.  "Nakakasigurado po master."- Matapang na sagot nito "Okay. Makakaalis kana. Balitaan mo nalang ako "  - Tumalikod na ito at nagsimula ng maglakad palabas ng opisina ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD