bc

Pregnant by Mafia boss

book_age16+
1.4K
FOLLOW
3.8K
READ
manipulative
badboy
goodgirl
brave
drama
twisted
sweet
bxg
enimies to lovers
virgin
like
intro-logo
Blurb

"Kinulong mo ako sa ginawa mong mundo para sa sarili mo! Hindi ka diyos para mag disesyon kong kelan ako mamamatay!" - Yaney

"Wala akong pinag sisihan sa mga ginawa ko. Buhay ka at may anak ako. Handa akong pagbayaran lahat ng kasalanan ko" - Troy

"I want my nanay and daddy" - Baby Yuri

Kaya mo bang patawarin ang taong sumira sa pinapangarap mong buhay? Paano kong malaman mong ang pag hinga mo nalang ang tangin bagay na hindi nya pa na kokontrol. Paano kong pinag kaisahan ka ng mundo, paano kong nabubuhay ka pala sa kasinungalingan? May puwang pa ba ang pag ibig sa mundong puno ng sakit?

No part of this book may be reproduced in any form of by any means without the author's consent.

Read at you own risk.

All Right reserved. 2020

Written by @SherlleMay

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Yaney P.O.V Simple lang ang gusto kong manyari sa future. Katulad ng ibang babae, gusto kung mag karoon ng masaya, malaki, tahimik, at kumpletong pamilya. Yung asawa ko yung mag tatrabaho at ako naman yung mag aalaga sa mga anak namin. Pero bago pa man manyari ang lahat ng naiisip ko, kaylangan ko muna trabahuhin ang present ko. Kung saan isa akong studyante ng kolehiyo sa kursong Bs Accountancy at may pasok nga ako ngayon at kasalukuyan akong tumataKbo sa terminal ng tricycle dito samin.    "Ma'am tricycle po?"   - Tanong sakin ni mang Luis na isang tricycle driver.  "May Jeep po ba dito? sa jeep po ako sasakay kaya po ako nag punta dito sa terminal nyo" - Sagot ko na nag patigil sa kanya at napatinggin sakin.    "Charooooooot" - Dagdag ko pa na nagpatawa dito.  "Mapag biro ka talaga ma'am Yaney. Sige na ma'am sumakay kana at alam kung late ka na naman." - Pag kasabi nga nito ay sumakay na ako. Kilala na ako dito sa terminal dahil halos araw araw naman akong sumasakay dito.  Pag kasakay ni mang luis ay agad nya binuhay yung makina kasabay ng pag buhay din sa karaoke.  Yes sosyal ang tricycle dito samin may pa karaoke kaya parang nasa discohan ka palagi.   "Manong Para po ito po yung bayad Pake tabi nalang sa may gate"  Pag katigil na pagkatigil ng tricyle ay agad akong bumaba at nagmadaling lumakad papasok ng gate ng school ng may parang sumusunod sakin kaya napalingon ako.  "Ma'am Yaney yung payong mo nalimutan mo, mahal pa naman to" - Sigaw nito sakin habang tumatawa na parang nanloloko. Alam kong panget yung payong ko! Alam nyo ba yung payong na parang tungkod, malaki sya kaya protektado talaga sa ulan.  Ganito yung payong na nakikita nyo na ginagamit ng mga matatanda sa tuwing makikipaglibing. " Opo mahal nga po ito mang luis, ginamit ko pa sa libing ni aling loren, at aabot pa to sa susunod" - Namulta ang mukha nito.  "HAHAHA. Charooooot. Sige mang Luis salamat" -  At umalis na nga ito, at nagsimula na din akong tumakbo pa tunggong classroom. Mag lilimang minuto na akong late, kaya naman ng nasa harap na akong ng room ko ay anong kaba ang naramdaman ko. Masungit pa naman ang prof ko ngayon, bakit ba kasi ngayon pa ako nalate. Huminga muna ako ng malalim bago ko dahan dahang itinulak ang pinto, sinugurado kung hindi ito gagawa ng ano mang ingay. Nang tuluyan kung mabuksan ang pinto ay handa na kong masigawan ng prof ko, naikinagulat ko kasi wala ni isang tao sa loob ng room at may nakasulat sa white board na..  "Malaya kayong gawin ang gusto nyo kasi wala ako" - Prof K.  Napaupo nalang ako sa isa sa mga silya dun at napaisip, sayang lahat ng effort ko pag mamadali, sayang yung pag gising at paliligo ng maaga. Ang lamig ng tubig pero kinaya ko kasi gusto ko matutu! Charoooot.  Dahil sa wala ng isang oras bago ang susunod na klase ko ay hindi na ako nag abala pang lumabas ng classroom.Habang naghihintay ng oras ay binuksan ko ang bag ko at kinuha ang sketchpad ko. Hindi nyo natatanong pero talented ako, magaling akong gumuhit, ang sabi ni inang at amang ay baka daw sa mga magula ko nakuha ko ang talentong ito. Hindi ko totoong magulang si inang at amang napulot lang nila ako,inalagaan at minahal.   Natapos ang buong klase ko ngayong araw at wala ni isang pumasok sa utak ko. Kinakain na din ng dilim ang paligid kasi mag aalas syete na din.Nag simula na din akong malakad papunta sa abangan ng sasakyan.  Ngunit napa tigil ako ng may nakita akong isang bulto ng kalalakehan na nakaitim na wariy moy may ginagawang masama sa likod ng malaking puno ng mangga. Pero nag patuloy nalang ako sa pag lalakad at iniwaksi nalang ang ano mang nakita ng may marinig akong malakas ng sigaw.  "PATAYIN NYO NA AKO! TANGA!" -  Para akong binuhusan ng nag yeyelong tubig at napatigil sa pag lalakad. Hindi ako makagalaw para bang napako ako sa kinakatayuan ko ngayon.  "HAHAHA. HANGGANG NGAYON BA NAMAN WALA PARIN KWENTA ANG MGA TAUHANG MERON SILA, MGA TANGA!"- Pag katapos na malakas na sigaw na yan ay sunod sunod na putok ng baril ang narinig ko. Nakakapag taka dahil imbis na matakot ako sa putok ng baril ay parang nagustuhan ko pa.  Natagpuan ko nalang ang sarili kong lumalapit dito, nakita ko kung paano lumatay sa mukha ng lalaking nakaupo sa damuhan ang sakit dahil sa pag kakabaril sa binti nito. Mas lalo pa akong lumapit hanggang sa nakita na ako ng mga lalaking nakaitim.  "Hoy anong ginagawa mo dito?"- Tanong nito sakin habang nakatutuk sakin ang baril. Napataas naman ako ng dalawang kung kamay. Malaking lalake ito at balbas sarado at kung iisipin wala akong laban dito . Bakit ba ako pumasok na sitwasyon na ito.Sana kung hindi ko nalang pinansin at nag kunwari na walang nakita di sana nakahiga na ako ngayon sa bahay at kumakain.  "Napadaan lang hehe. Bye" - Tumalikod na ako at masisimula na sanang maglakad palayo ng pigilan ako ng isa sa mga lalaking naka itim.  "Anong aalis? UMUPO KA JAN KALAPIT NG LALAKING YAN" - Turo nya dun sa lalaking duguan  pero napansin ko na masama ang tingin nito sakin. Wala na akong nagawa ng itulak ako ng malakas at napasubsub nga ako sa lalaking duguan. Peste pero mabangon sya. LANDIIIIII.  Mabilis naman akong lumayo dito ng maramdaman kong hinawakan ako nito sa pusuhan ko ng sobrang higpit.  "Araaaaay ko! ano ba!" - pinipilit kong tanggalin ang kamay na naka kapit sakin pero lumuwag lang ang hawak nito pero hindi nito binatawan ang pusuhan ko. Naging tahimik din ang mga lalaking nakaitim matapos may tumawag sa telepono ng isang sa kanila pero bantay sarado parin kami. "Hindi ka nag iisip, ikaw ang gumagawa ng ikakapahamak mo" - Bulong nito sakin na wari mo'y kilalang kilala ako. Napatingin ako dito, nakangiti ito ngayon na parang gustong gusto ang nanyayari. "Nasisiraan kana ba ng ulo?"  - Nag tataka kong tanong pero umiling lang ito bilang sagot at tumawa na parang baliw na lalo kung kinagulat. "HAHAHA. Tama nga naman ang kasabihan pag ang tupa ay umalis at lumayo kahit anong manyari ito ay babalik at babalik parin sa amo nya kung saan ito nagmula at natuto"- At Mas lalo pag lumakas ng tawa nito na ikina galit ng mga lalaking nakaitim. Tumigil lang ito sa pag tawa ng mapuno ng  ingay ang buong paligid ng putok ng baril. Dahilan para mapayakap ako dito.   "Wag kang mag alala hindi kanila papatayin" -Makahulugan nito bulong na nagpa bitaw sakin dito. Muling nagkagulo ang mga tao sa paligid namin ng may tumigil na dalawang Van at may lumabas duong mga lalaki na may mga dala ding baril at itinutok sa mga lalaking nakaitim, Pero mas naging agresibo ang mga lalaking nakaitim dahil bago paman magpaputok ang mga lalaki sa van ay naunahan na nila.  "Bang , Bang, BANG " - Ulit ulit na putok ng baril ang umalingaw-ngaw sa buong paligid. Mariin ang naging pagpikit ng aking mga mata at mas mahipit ang naging pag yakap ko sa tao ngayon sa harapan ko. Napamulat ako ng makaramdam ako ng sakit sa kaliwang balikat ko. May pulang likido na umaagos mula dito. Naikinapamulta ko, gusto ko sanang mahimatay. Diba ganun yung mga nanyayari sa mga penikula, pag nabaril yung bida ay mahihimatay ito at magigising nalang na nasa hospital na. Ganuuuun.  " TAMA NA ! TAPOS NA ANG PALABAS"  - Napalingon ako sa boses ng nag salita, MALI,  napatingi kaming lahat sa lalakIng nagsalita. Nag bigay daan ang mga lalakeng nakaitim at nag siyukuan na wari moy sinasaba nila. Presipe ba sya para itrato ng ganyan, misteryoso ang lalaking ito. Nag lakad sya patungo malapit sa amin. Hindi parin na aalis ang pag ka gulo sa isip ko nang ilapit nya ang mukha nya sa akin. Anong balak nyang gawin? hahalikan ba nya ako ? Gosh ang first kiss ko na dapat ay sa lalaking papakasalan ko lang. Kaya kung kukuhanin nya ang aking first kiss ko dapat nya akong pakasalan. Ngunit mali ang aking akala .Umiwas ang kanyan mukha at lumapit sa may bandang aking tenga.  "gusto na kitang kunin ngayon pero dahil sa may puso pa naman ako. Bibigyan pa kita ng oras para magpaalam sa pamilya mo " - Nag sitaasan ata lahat ng balahibo ko sa katawan ng marinig ko yun.Lumayo na sya sa akin at bumaling naman ang kanyang tingin sa lalakeng hawak parin ang aking pulsuhan.  "TANG'INA MO LIAM" - Sabi ng misteryosong lalaki sa lalaking may hawak sa pulsuhan ko. So liam pala ang pangalan ng lalaking baliw na ito.  "HAHAHA. At your service Master"- Sarcastic na sabi nitong si liam. Nanlalabo ang mata ko dahil madami dami na ding dugo ang nawala sakin dahil sa tama ng baril.  Pero nakita ko pang bumaling sakin yung lalaking misteryoso at nag-iwan pa ng kataga bago umalis.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook