Yaney POV
Matapos kung marinig ang malakas na sigaw na ng gagaling sa labas ng pintuan nya, ay agad syang ng tungo para pag buksan ito.
"ANO BA YANEY, KANINA PA AKO TUMATAWAG SAYO. AT KANINA PADIN AKO KATOK NG KATOK DITO SA PINTUAN MO!" - Sigaw nito sakin pag kabukas na pag kabukas ko ng pintuan.
"ANO YANEY? BINGI LANG?" - Dagdag po nito habang nag lalakad patungo sa kusina ko. Kumuha ito ng baso at binuksan ang ref ko, kumuha dun ng tubig, nag salin sa baso. at uminom na parang isang linggong hindi nakainom ng tubig, sa sobrang uhaw na uhaw. ako naman ay walang imik na pinapanood ito.
"SO ANO NGA YANEY? PAPANUORIN MO LANG BA ANG KAGANDAHAN KO AT HINDI SASAGUTIN ANG MGA TANONG KO!" - Sigaw ulet nito sakin pagkatapos uminom.
"Pwede mo akong kausapin na mababang boses at hindi sumisigaw bes" - Sagot ko dito. Umupo na din ako sofa ko. Nasinundan din nito, umupo ito sa katapat ng sofa na inuupuan ko.
"Balita ko ng resign ka na naman sa trabaho mo?" - Panimula nito. Hindi na ako nabigla na nalaman agadna nag resign ako. E daig pa nito ang reporter sa sobrang galing maghagilap ng balita.
"Oo. Kahapon lang"
"WOW. So parang wala lang sayo na wala kang trahabo ngayon? Alam na ba ito nila tita at tito?" - ang tinutukoy nya ay sila inang at amang. Close sila kasi isang beses ay naisama ko ito sa probinsya
"Hindi pa at wala akong balak sabihin sa kanila" - Hindi na kelangan na malaman pa sa probinsya na wala akong trabaho dito sa maynila. ayoko na mag alala pa sila sakin.
"E anong plano?"- Umilig ako dito bilangg sagot sa makahulugan nito tanong sakin. Honestly wala akong plano, para lang akong lobo na pinalipad sa himpapawid na nag papadala lang sa hampas ng hangin na hindi alam kung saan mapupunta. Ganun ko nakikita ang sarili ko ngayon, walang patutunguhan, walang direksyon.
"Yaney, Bes. tumatanda kana, di pwedeng habang buhay ka nalang ganyan. Yung walang plano, yung hindi seryoso. Hindi natin hawak ang oras, kaya dapat hindi tayo ng sasayang, kung magiging successful tayo bukas bakit hindi natin gawin ngayon? I email mo sakin yung resume mo, ipapasok ulet kita sa bangko. Kung ayaw mo sa bangko at gamitin ang pinag aralan mo at gusto mo paring ipag patuloy yang pag susulat mo may kilala akong publisher. " - Matapos ang mahabang sinabi nito ay lumapit ito sakin at niyakap ako.
"Salamat bes. Pero di na kaylangan. Ako na bahalang mag hanap ng trabaho, madami naman jan pwedeng pasukan. Or kung hindi ako makakahanap ng trabaho, aasawahin nalang hahanapin ko yung mayaman. Hahahaha " - Kasabay ng malakas kung patawa ang malakas din nitong pag batok sakin.
"Kakasabi ko lang na mag seryoso!" - May inis na sabi nito
"Sige na. May pasok pa ako, mamaya bago ako umuwi sa bahay dadaan muna ako dito to check you. BYE!" - Hindi na ako nakapag salita ng mabilis itong lumabas ng dorm ko.
Sya nga pala si louie ang nag iisang matibay na nag stay sa satabi ko. Ilang beses ko yan pinag tabuyan kasi alam ko naman na may kakambal akong kapahamakan. pero matigas ang ulo sunod parin ng sunod. Kaya wala na akong nagawa. Classmate ko sya nung college pero hindi kami ng close, nakaclose ko lang yan after na ng college. Nung nag kasabay kaming mag apply ng trabaho. Dun nag simula yung friendship naming dalawa.
Mabalik tayo sa pag aapply ko, lalabas na ba ako ng dorm? Baka kasi nasa labas parin yung mga lalaking nakaitim at hinihintay ako. Bwisit kasi sumabay pa sila sa problema ko, para akong may malaking pag kakautang na dapat nang bayaran pero wala pang pambayad kaya naman kelangan ko munang mag tago. Pero wala akong mag kakautang sa kanila. WALA! Kaya hindi dapat ako nag tatago, dahil wala akong natatandaang atraso ko sa kanila.
May pangangabang lumabas ako ng dorm at maingat na nag tungo sa sasakyan ko. Pasalamat nalang na wala na ang mga lalaki nung mga oras na yun.
"Wooooooo" - Isang malakas na bogtung hininga ang pinakawalan ko. Sa tingin ko ay ito na ang oras para ipag patuloy ko ang buhay ko. At sisimula ko sa pag hahanap ng trabaho.
Ilang book publisher na ang napuntahan ko at napag pasahan ko ng resume, syempre tulad ng nanyayari sa totoong buhay...
"Tatawagan ka nalang namin"
"Hintayin mo tawag namin"
Matapos ang napaka habang araw na to, gusto ko nalang umuwi sa bahay ko at ihiga ang katawan. Kaya naman kasalukuyan akong ng mamaneho at na iipit sa traffic.
Naagaw naman ng pansin ko ang telephono kong tumutunog, hindi ko na sana ito papansin kasi baka si louie lang yun, itatanong kung nasaan ako ang kaso parang may nag tutulak na kunin ko ito at basahen ang mensahe
"I THINK YOU"RE READY MISS" - Yan ang laman ng text na ikinagulat ko. Hindi pa ako ready. Napakip nalang ako ng kamay sa aking bibig upang pigilan ang luha na papatak na naman galing sa akin mata. "Hindi pa ako ready " ulit ulit na tumatakbo sa isip ko. itinigil ko muna ang kotse ko . Upang mag reply sana kaso..
"BITAWAN NYO AKOOOOO" - malakas ng sigaw ko sa dalawang lalake na nakahawak sa mag kabilang braso ko.
Nag pumilit akong makawala sa pag kakahawak. Nang maramdaman kong nakawala ako sa pag kakakapit sa kaliwa kong braso mabilis kong inapakan ang paa ng may hawak ng isa ko pang braso. naka heels ako kaya naman napaupo ito sa sobrang sakit.
Tangkang tatakbo na ako at hihingi ng tulong ng may humawak sa braso ko ng sobrang higpit, at nakaramdam ako ng takot ng may maramdaman ako malamig na bagay sa tagiliran ko.
Hindi na ako nakagalaw ng makita ko kung ano ito. Isang baril ang nakatutuk sa tagiliran ko na isang maling kilos lang nito ay butas ang tiyan ko.
"Ano bang kailangan nyo sakin?" - Mahinang tanong ko, ng hihina na din ang tuhod ko dahil sa takot.
"Wag kang madaming tanong kung hindi walang pag aalinlangan na kakalabitin ko itong bagay na nasa tagiliran mo" - Matapang na sagot nito. Napapikit nalang ako sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa takot. Baka di ako mamatay sa tama ng baril sa atake naman ng puso ako mamatay.
Napalingon naman kami taong nasa harapan ko na ngayon, ng masalita ito
"Sige patayin mo ang babaeng yan at dadanak ng dugo sa bawat bahay ng pamilya mo" - sabing ng lalakeng inapakan ko ang paa kanina. Mahina ang pag kakasabi pero tama lang upang marinig namin. Nakatayo na pala sya at papalapit na sakin.
"Miss sumama na po kayo sa amin. Magtiwala po kayo sa amin wala po kaming gagawin masama sa inyo. Dahil wala naman po kaming karapatan. Isang tao lang ang may karapan na saktan ka at yun ay si ----- " Hindi na tapos ang sasabihin na nya ng may narinig kaming putok ng baril . Mag tiwala sa kanila ? Hello ipalala ko kaya sa kanya na inutulan ako ng baril ng kasama nya. tapos sasabihin nyang mag tiwala. Shiiit lang . pero may parte ng puso ko na nag sasabi na mag tiwala ako. Nalilito na ako.
"Sakaaay!!!" - Malakas na sigaw ng lalaking nag tutuk sakin ng baril. na nakasakay na pala sya ngayon sa van na kuya itim. bakit kaya ang bibilis nilang kimilos ? My super powers ba sila ? at hindi ko alam sa sarili ko at tinungo ko ang van. Pero bago pa ako makasakay.
'Miss wear this"- May inabot sakin isang color black na blind fold.
"Bakit kelangan pa ng ganito ang arte ha" - malakas na loob kung sabi. Ewan ko nabawasan ko yung takot.
"Tumahimik ka kung hindi ipuputok ko itong baril sa ulo mo ngayon na mismo."