CHAPTER 2

1351 Words
Yaney P.O.V After Four long years..  "Ma'am Yaney pinapatawag kapo ni ma'am Yen sa office nya"  "Tsk"- Ito na naman kami, pag sasabihan na naman ako na para ganun lang kadaling yung pinapagawa nya. Halos linggo linggo nalang ganito ang nanyayari para syang sirang plaka kung mag demand kung sya nalang magsulat para maramdaman nya naman kung gaano kahirap. Bwisit sya! "Hoy! Tawag ka daw sa office ni madam. " - Tiningnan ko naman ng masama ang nasabi nito. "Whatever!" - Agad ako tumayo sa pag kakaupo at nag simula ng malakad patungo sa office ng boss ko.  "Good morning po, pinapatawag nyo daw po ako?" - Bungad ko dito  "Maupo ka"- Mahinahon na sabi, umupo naman ako sa tapat ng lamesa nito.  "Alam mo naman kung bakit kita pinatawag, kelan mo ba matatapos yung pinapatapos ko sayo?"  "Anong petsa na yaney! Nung sabi mo kelangan mo lang ng oras, binigyan kita ng dalawang linggo para makapag bakasyon. at isang buwan na ang nakakalipas mag mula noon wala paring dumadating sakin papel galing sayo. E ANO BANG GUSTO MO?" - Tumataas na ang boses nito.  " E ma'am hindi nga po ganun kadali yung pinapagawa nyo. Wala na pong second season yung book ko na yun. Madami na naman po akong nasulat na bago isesend ko po sa inyo" - May tapang kong sagot.  "wala ng book 2 yun? Edi sana hindi mo iniwang open ended. Di sana yung mga readers mo hindi nag hintay!" - Halatang galit na ito dahil namumula na ang mukha nito at matapang na din ang mga tinggin.  "Pasensya na po" - Paumanhin ko,  nagulat ako ng tumayo na ito "Ayoko ng pasensya yaney. Kung walang book 2. mag sulat ka! Bumalik kasakin sa isang buwan, pag wala kang naipakita sakin, wag kang babalik dahil wala ka ng trabaho. Maliwanag ba yun?"    "Pero ma'am...." - Mag rereklamo pasana ako ng putulin nito ang sasabihin ko  "Walang pero yaney, makakaalis kana" - At wala na nga ako nagawa, nag lakad na ako palabas ng opisina nito. Dumiritso ako sa table ko at inayos na ang mga gamit ko.  "Hoy nasisante ka?" - sabi naman ng isang pakilamerang kong katrabaho "Hindi, pero ang sabi ikaw daw ang masisisante kung hindi mo ititigil yang bibig mo!"  - Tumingin naman ito ng masama sakin bago umalis. Hindi na din ako nag tagal pa at napag disisyonan kong umuwi nalang. Medyo madilim ang paligid ng lumabas ako ng gusali dahil sa lakas ng ulan. Dumiritso nalang ako sa parking lot.  "Ano pa bang kamalasan ang manyayari sakin ngayong araw!" -Kasalukuyan akong stock sa traffic. Nilakasan ko nalang ang sound trip saloob ng kotse at napatinggin nalang sa labas ng bintana.  "Tsk. Bakit ba kasi inisipan mo pang pasukin ang trabahong to! bwisit!" - Napahampas nalang ako sa manobela habang kausap ko ang sarili ko. Bakit ko ba naisipan pang maging writer ay graduate naman ako ng accountancy. Ang sarap sarap mag trabaho sa bangko, puro kaperahan lang ang hawak. bakit self?bakit? Madaming nanyari sa loob ng apat na taon. Naka graduate ako sa kursong accountancy, nag trabaho ng dalawang taon sa bangko, nag resign ng makaramdam ng pag ka boring, nag apply bilang isang writer sa isang company ng pocket book, nakapag published ng 5 libro at ito wala na naman akong kwentang tao. Bente singko na ako pero di ko parin makita kung ano ba ang gusto kong manyari sa buhay ko.  Nagising nalang ako sa pag iisip ko ng makarinig ako ng malalakas ng busina galing sa mga sasakyan sa likod dahil ako na pala yung dahilan ng traffic, kanina pa palang walang traffic. Agad ko namang pinaandar ang kotse ko, naging smooth na ang byahe ko hanggang sa makarating na ako sa dorm na inuupahan ko. Sakto naman na pag bukas ko ng pintoan ay ang pag riing naman ng aking telepono. "Hello inang?" - Masigla kung bati sa kabilang linya. dumiritso naman ako sa kusina para uminom ng tubig. "Hello anak. Kamusta kana jan? Ay kailan kaba uuwi dito?" - Sunod sunod na tanong nito sakin. Matagal na simula nung huli akong umuwi sa probinsya sa laguna. Simula nung nanyari sakin 4 years ago ay dalawang beses palang ako nakauwi samin. "Inang, hindi po ganun kadaling makauwi jan, lalo na may trabaho ako dito. Pero hayaan nyo inang baka bago matapos ang taon na ito ay makapag bakasyon ako jan kahit isang linggo" "Mabuti naman kung ganun anak. Miss ka din ng amang mo, gusto ka na nga puntahan jan sa maynila e" "WAG!" - Sa gulat ko ay napasigaw ako, na napagtahimik sa kabilang linya. "Inang sorry nagulat lang po ako. Ayoko lang po na mapahamak kayo dito sa maynila ni amang" – Mahinahon kung sagot "Ayus lang anak. Alam kong magulo jan sa maynila kaya gusto kung maingat ka jan ha. " "Opo inang.Mag ingat din po kayo jan ni amang, pag may problema po ay tumawag po agad kayo sakin. Sige na inang, magpahinga napo kayo. Bye love you inang" "Mahal ka din namin ng amang po. Bye anak"- Pag ka sabi nito ay naputol na din ang linya. Kasabay ng pag baba ko ng telepono ko ay sabay naman may nag text sakin. "Apat na taon ang ibinigay ko sayo, at sa tinggin ko'y sapat na yun. Oras na" Yaan ang laman ng mensahing natanggap ko, hindi na ako nagulat pa. Kada ikalawangbuwan ay nakakatanggap ako ng mensahe galling sa unknown number mag mula nungnanyari noong nakaraang apat na taon. Sinubukan ko na ding magpalit ng numero at umasang wala ng matanggap pang mensahi rito pero nabigo lamang ako dahil kahit magpalit at magpalit ako ng numero, ay nakukuha at nakukuha din nila at may mensahe akong natatanggap.  Ilang gabi din akong hindi makatulog simula nong manyari yun. Parang may gusto akong gawin pero hindi ko alam. Parang may gusto akong malaman pero hindi ko alam kung san ko sisimulan. Wala din akong ginawa noong kundi mag basa ng mga libro upang malimutan ang nanyari. itinago ko na din ang mga pampinta ko dahil sa tuwing sinusubukan kong mag pinta puro may mga baril o kaya naman mga patalim ang naiipinta ko. Mag mula din noon ay inikulong ko na ang sarili na dapat walang madamay na ibang inosente dito lalo ang aking amang at inang. Kaya pinilit kong ilayo ang sarili ko sa mga tao, pinilit kung ilayo ang amang at inang ko sakin. Mag mula din ng manyari yun at may matanggap akong mensahe ay unti unti ko na ding tinanggap na kasali na ako sa gulo, na kahit kelan at kahit anong gawin ko ay hindi na ako makakatakas pa sa gulong kinasangkutan ko.  Unknown P.O.V "Master kakadating lang po ng mahal na king" - Tumingin naman ako sa nagsalita, ano naman kayang ginawa ng matandang yun dito sa mansyon ko.   "Bakit daw sya napapunta dito? Pag nagtanong kong asan ako, sabihin mo nasa out of town ako. at paalisin agad sya"   "Okay po master"-  pero bago paman magawa nito ang pinag uutos ko ay bumukas na ang pintuan ng kwarto ko, at lumabas duon ang matanda.  " kamusta naman ang bunso kong anak na lalaki?" - Tanong nito habang umuupo sa aking sofa na wari mo'y sya ang may ari.  "Kung yan lang din naman pala ang itatanong po sakin, dapat ay nagpadala ka nalang sakin ng mensahe at hindi na nag abala bang matungo dito" - Mapait kong sagot dito pero tulad ng inaasahan ko ay parang natuwa pa dito sa inasta ko.  "Ano bang kaylangan mo? Sabihin mo na ng makaalis kana" - Dagdag ko pa.   "Kung hindi mo naman pala kayang kunin ang bunsong anak ng mag asawang Ignacio ay si Liam nalang ang pagagawin ko"  "NOOOOO" - Napuno ng malakas na sigaw ang buong silid.  "Ay kumilos ka! " - Tumayo na ito sa kinauupuan at nagsimula ng mag lakad palabas  "Wag mong subukang galawin ang akin at ako ang makakalaban mo" - Pahabol kong kataga. Nakarinig pa akong na mahinang patawa mula dito bago ito tuluyang makalabas ng silid
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD