(Flashback)
Sa pag mamadali ko ay agad kong narating ang silid kung nasaan si yaney. Pero bago ko pa mabuksan ang pintuan ay may narinig ako nag salita sa di kalayuan.
"Ang bagal mo kaya ako na ang gumawa." -Sabi nito habang may nakakalokong ngiti sa mga labi. Agad ko naman itong tinutukan ng baril pero kahit kaunting takot sa mukha nito ay wala akong nakita.
"Relax, ligtas sya. Buhay at humihinga" - Tumatawa pa nyang sabi. Kinalabit ko ang gatilyo ng baril na hawak ko, muntikan na itong tamaan sa balikan mabuti nalang ay mabilis ang naging pag kilos nito tulad ng inaasahan ko.
Tumalim naman ang mga mata nito at may Sininyasan sya sa may likuran ko, kaya naman napalingon ako. May apat na lalaki doon na diretsong nakatingin sakin.
Tumakbo papalapit sakin ang isa na agad na pinaputukan ko ng baril, Humandusay ito sa sahig. Hindi pa ako nakakabawi ng mabilis na nasipa ng isa pang tauhan ang baril na hawak ko na kinagulat ko. Mabilis din ang naging pag kilos ng isa pang tauhan na ngayon ko lang napansin na meron itong dalang shringe sa kaliwang kamay nito.
hindi na ako nakaiwas pa ng maramdaman ko ang pag baon nito sa kaliwang braso ko.
Umikot ang paligid ko, malabo ang kita ng mga mata ko. Naramdaman ko nalang ang likod ko sa malamig na sahig.
"Boss paniguradong pag kagising nyan, babae hahanapin nyan" - Rinig ko pang sabi ng isa sa kanila. Nang hindi ko na makayaan ang nararamdaman ko ay kusa ng bumigay ang katawan ko.
Nagising ako sa madilim na paligid, pero base sa amoy ay silid ko ito. Marahan akong tumayo sa kinahigaan ko, ng mahagip ng mata ko ang tila tao na nakaupo na tinatamaan ngayon ng sinag ng buwan.
"Tang ina" - mahinang mura ko ng maalala ko ang pinag gagawa ni liam. mapapatay ko ang lalaking yun. Marahil na yung itinurok sa akin kanina ay sleeping drugs, kaya nawalan ako ng malay kanina. Balak ko sana lumabas ng silid ng malaman kong naka lock ang pintuan mula sa labas na nag pa mura muli sa akin.
Naramdaman ko din na biglang umiinit ang paligid ko ng mahagip ng liwanag ng buwan ang balikat ng babaeng nakaupo.
Nanigas ako na kinatatayuan ko ng biglang sumigaw ang babae. Yung boses na yun. kilalang kilala ko ang may ari ng boses na yun, kay Yaney.
Paulit ulit na sumisigaw ito na parang hindi napapagod. Wala sa plano kong lumapit dito pero parang may nag tulak saking gawin yun.
hindi ko din napigilan mag tanong ng kung ano ano dito, na dahil sa takot ay sumagot naman ito ng maayus. Pero nagulat ako ng bigla itong yumuko at bahayang bumababa ang damit nito kudyat para magpakita sakin ang hinaharap nito at ang pisi na kanina ko pa pinipigilan ay biglang na putol.
"at nag kamali ako, hindi sleeping drugs kundi s*x drugs ang tinurok sakin"
Yaney Pov :
"Yaney anu bang nangyayari sayo? Umayos ka nga. Pati sarili mo pinababayaan mo na at tingnan mo itong bahay mo ang kalat parang hindi tao ang nakatira" - Sabay pulot nya nang mga kalat na makita nya. Tahimik lang akong nakaupo at pinapanood sya. Wala ako sa mood para magsalita at makipag talo sa kanya. Gusto ko lang magpahinga.
"Ano uupo ka nalang ba jan at tititigan ako? Hindi ka manlang mag sasalita. Hindi mo manlang sasagutin ang tanong ko ? " - May diing wika ni louie pero hindi parin ako sumagot at patuloy parin sa panonood sa kanya.
"ANO !!!!!!!"- Pasigaw nyang tanong. Lumapit na sya sa akin at hinawakan ako sa braso .Pero mabilis ko itong pinalis at tumayo.
"Umalis kana kung mag iingay kalang dito. Pake sarado nalang yung pinto pag kalabas mo. " -mahinahong kung sabi sa kanya. bago ako nag lakad patungo sa aking silid . nguti bago pa man ako maka lakad ....
" Hiindi na ikaw ang Yaney na kilala ko. Sino ka ? Asan ang Yaney na idol ko. Yaney ano ba kaseng nanyari ? may masama bang nanyari ? May problem ba ? Sabihin mo naman sakin o. Alam ko matapang ka. alam ko magaling ka. at alam ko malakas ka. Kaya alam ko Kaya mo lahat. Kaya please kahit para lang sakin o sa mga magulang mo nalang. AYUSIN MO ANG BUHAY MO HINDI LANG NATATAPOS ANG BUHAY SA ISANG PROBLEMA LANG " - Halata sa boses nya ang pag iyak. kaya napatakbo ako sa kanya at yumakap. umagos na naman ang mga tubig sa mata ko. bakit pa kase hindi na uubos ang mga luha na ito. Sobrang higpit nang pag kakayakap ko sa kanya, ngayon ko lang ulit naramdaman na hindi ako solo. na may nag mamahal pa sakin . na may nangangailangan pa sakin . na kilangan ko parin mabuhay.
" Please tulungan mo ako. tulungan mo akong bumalik sa dati."- Umiiyak na paki usap ko sa kanya. mas lalo pa nyang hinigpitan ang pag kakayap namin sa isa't isa.
At lumipas nga ang dalawang buwan.
Pinag patuloy kung mabuhay. Sinimulan ko na ding kalimutan ang mga nanyari at kumilos na parang normal ang lahat. Tulad ng bilin nila sa akin ay wala kahit isang naka alam tungkol dito.
Pero kahit anong pilit ko na ibaon sa limot ang lahat, na tuwing nag iisa nalang ako at nakikita ko ang sarili ko sa salamin tulad ngayon, ay kusa nag uunahang umagos ang luha ko.
"Malakas si Yaney" - Wika ko habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Kapansin pasin ang malaking pag babago sa katawan ko na kinagulat ko din nitong mga nakaraang araw. Ang katawan ko na dati ay slim ngayon ay nag ka laman na, napansin ko ang pag babago sa laki ng dibdib ko. Baka marahil mag mula nung may nanyari sa akin ay tinuon ko nalang ang sarili ko sa pag kain para makalimot.
Tulad ng sinabi ko kanina, sinikap kung mabuhay ulit. May trabaho na ako ngayon, nag patuloy ako sa aking pag susulat. Tinulungan ako ni louie na makahanap ng publisher at awa ng dyos isang apply ko ay natanggap agad ako.
"bessy? Matagal kapa ba jan?" - Malakas na sigaw ni louie sa labas ng dorm ko. Kada umaga ay dinadaanan ako ni louie para sabay na kaming pumasok sa trabaho. Malapit kasi sa pinag tatrabahuhan ko ang bangko kung saan ito nag tatrabaho. Sa totoo lang ako lang naman yung makapal na mukhang nakikisabay sa kanya. Ng hihinayang kasi ako sa gas kung magdadalawang sasakyan pa kami e iisang direksyon nalang naman ang tungo namin.
"Sobrang mainipin mo naman" - Wika ko habang sumasakay sa sasakyan nito. Naka guhit na sa mukha nito ang pag ka inip na nag patawa sakin.
Naging payapa ang pag byahe namin hanggang makarating ako ang aking destinasyon.
"Louie hindi na ako sasabay sayo pag uwi a. Mag grocery pa ako sa bahay. Wala na akong stock e. " - Sabi ko bago ako lumababa ng sasakyan nito. Tumango naman ito bilang sagot.
"Thank you. Bibye" - Paalam naman nito.
Wala namang emosyon akong nag lakad papasok ng office. Bago pa ako dumiretso sa table ko ay pumunta muna ako sa kitchen para kumuha muna ng kape. Isang laptop lang naman ang dala ko kaya hindi ako nahirapan kumilos. Nang matapos ako kumuha ng kape ay nag simula na akong mag lakad palapit sa lamesa ko ng biglang
"Congratssssss" - Sabay sabay na sigaw ng mga katrabaho ko, na pinag taka ko.
"Ako?" - tanong ko habang kunot na kunot ang noo dahil wala akong kaalam alam sa mga nanyayari.
"Ma'am libro nyo po ang best seller book in asia" - na nagpalaki sa mga mata ko.
"Ha?" - Nag tataka ko pang tanong, lumapit naman sakin si miles, isa sa mga ka trabaho ko at pinakita sakin ang data mula sa book organization. At ang librong sinulat ko nga ang nanngunguna. Na nag panganga sakin, paano nanyari yun? imposible pa talaga yun?
"nako ma'am yaney, hindi din kami makapaniwala. Basta sabi ni boss mag party daw tayo, sagot nya lahat" - Wika naman ni glen habang abot tenga ang ngiti.
"Lets gooo"
"Sang resto tayo?"
"Or mag bar nalang kaya"-Madami pa silang sinabi at tinatanong sakin pero hindi ko nalang pinasin. Dumiretso ako sa lamesa ko at naupo sa upuan ko.
'paano nanyari yun?'
'Sa dami ko ng sumikat na libro bakit yun pa yung sumikat'
'Sa dami ko ng malalaking publisher na pinag trabaho ay wala manlang sumikat na libro kung napapublish nila, at itong maliit na publisher pa ang nag pa sikat sa libro ko'
'Buong asia? '
'Kalokohan to!'
'Umabot buong asia sa loob ng isang buwan?'
'Imposible lang yung manyari kung may tutulong sa publisher ko na malaki at sikat na tao na mag popromote ng libro ko.'
"blaaaaaag" - Nagising naman ako ng may bagay na nalaglag.
"Earth to ma'am yaney!" -sigaw naman ni kit. katrabaho ko din.
"So ano na ma'am bar or resto" - Tanong ulit sakin ni miles.
"Nako. Kayo na mag decide. Di din kasi ako mahilig sa ganyan. " - Napanasin ko naman ang pag kadismaya sa mga mukha nila na kanina'y excited lang.
"dont worry walang makakarating kay boss na hindi ako sumama. Basta mag enjoy kayo lahat." - Nakangiti kung wika sa kanila.
Matapos nun ay tinuun ko nalang ang aking atensyon sa aking desktop. Tumigil lang ako doon na ng makaramdam ako ng pag kahilo.
Napapadalas din ito nitong mga nakaraang araw. Dala lang siguro na lagi akong nakaharap sa laptop.