CHAPTER 8

1665 Words
Ilang minuto na din akong gising pero hindi ko iminumulat ang aking mata. Ayokong makita ang katotoohan at gusto ko nalang panatiliin na umaasa ako na pananginip lang ang lahat. Nanatili akong nakapikit habang pinakikiramdaman ang pag agos ng mga luha sa mata ko kasabay ng pag kirot ng bagay sa pagitan ng mga hita ko. "binaboy nya ako!" - Sigaw ng isip ko. Kulang nalang mapunit ang kumot na nakabalot sa aking sa sobrang higpit ng hawak ko. Kusa ng kumawala ang mga malalakas kong hikbi. 'Maawa ka sakin' 'itigil mo na to please' 'Ayoko ko na' 'Tama na. masakit' 'parang awa mo na' Puro pag mamakaawang mga salita ang lumalabas sa bibig ko nung gabing yun. Pero kahit isa jan ay hindi nya pinakinggan. Nag mistula akong bagay na ginawa nyang parausan ng init ng katawan. 'Galit' yan ang laman ng puso ko ngayon. Gusto kong gumanti, gusto ko syang sampalin, bugbugin at kung papalarin ay gusto ko syang patayin. Hindi sya tao, isa syang demonyo. "Click. " - Naramdam ko ang pag bukas ng pinto pero wala akong paki alam. Gusto ko nalang mawalan ng buhay sa kinahihigaan ko ngayon. Hindi ko kayang tingnan kubg sino man ang pumasok ng silid. Hindi ko kayang makita ang taong kinuha ang pag katao ko. "Tama na ang drama. Alam kong gising ka. Bumangon kana jan!" -Napamulat ako ng boses babae ang napakinggan ko. Pinag titigan ako ng babae na parang sinusuri sa malayuan. Na patinggin ako sa mga mata nito dahil may nakaguhit doon na pag aalala. Pero napalitan ito ng panlalamig ng magtama ang mata namin. "Bumangon kana jan. Isuot mo ang mga damit na ito. At umalis kana. Umalis ka dito na parang walang nanyari. Kalimutan mo lahat para sa kaligtasan mo"- Mahabang wika nito. Hindi katulad kanina and boses nito ngayon ay may diin, matapang at nakakatakot na parang isang maling galawa mo ay mawawalan ka ng buhay. May inihagis syang paper bag sa akin na sapalagay ko ay doon nakalagay yung damit na sinasabi nya. Napatingin ako sa babaeng nag salita. Matangkad sya at maputi, ang buhok nya itim na itim na umabot hangang bewang at nakasuot sya ng Itim ng T-shirt. Lahat pala kulay itim ang suot nya, mula sapatos hangang T-shirt. Nakatingin lang ako sa kanya ng bigla itong sumigaw na kinagulat ko. "Tangina Miss. Galaw! Bibilang ako hanggang sampu. Pag natapos akong magbilang at andito kapa sa silid na ito, itututok ko sayo itong hawak kong baril at kakalabitin ko sayo hanggang mawalan ka ng hininga!!" - Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. Agad akong tumayo sa pag kakahiga ko at kinuha ang paper bag na bigay nito. Naramdaman ko naman tumalikod ito hudyat para mag bihis na ako. Mabilis akong natapos mag bihis at palabas na akong ng silid ng may humawak sa braso ko. Nilingon ko naman ito. "Miss para sayo, kunin mo "- Mahinong nitong wika nakinagulat ko. May inabot syang bag sakin, ayaw ko itong tangapin pero kinuha nya ang kamay ko at inilagay doon. "Tiffany ang pangalan ko. Hindi ako masamang tao tulad ng iniisip mo. Ako na ang humihingi ng despensa sa nagawa ni master troy sayo." - Wika nito na nag pa bagsak na naman sa mga luha kong ng uunahan na naman sa pag agos. "Hindi pa ito ang tamang oras para maintindihan mo ang lahat, pero sana mag ingat ka" - Pag papatuloy nitong wika habang hinahaplos ang mga kamay ko. "Ingatan mo ang sarili mo, sikapin mong mabuhay, kailangan ka namin dito" - May pag tataka akong nakatingin dito dahil sa sinabi nito pero mas kinain ako ng pag tataka ko ng makita kong may tumulong likido galing sa mga mata nito na agad din nitong pinalis. Pero isinawalang bahala ko na iyun. Ang gusto ko lang manyari ngayon ay maka alis sa lugar na to, gusto ko ng makatakas sa bangungot na ito. Iniwan ko na si tiffany sa loob ng silid at tuloy tuloy akong nag lakad palabas ng pintuan. Sa di kalayuan ay tanaw ko ang dalawang lalake na patungo sa direksyon ko. Balak ko na sanang tumakbo ng may narinig akong tinig mula sa loob ng silid "sila ang mag hahatid sayo. Wag kang matakot" - hudyat para ako ay kumalma. Pinag masdan ko nalang ang dalawang lalakeng naglalakad papalapit sa akin. Tulad ni tiffany, ang dalawa ay balot din ng kulay itim na kasuutan. napansin ko din na mag kamukha ang dalawa na parang kambal. Ang isa sa bandang kanan ay may nakaguhit na ngiti sa mga labi nito samantalang ang isa sa bandang kaliwa ay naka poker face na parang walang paki alam sa mundo. " sumunod po ikaw sa amin. Ihahatid ka po namin"- Wika ng isa sa kanila na aa wari koy ang nagsalita ay yung lalaking nakangiti. Nag simula na kaming malakad, sila ang nauuna. Ako naman ay nasa likod nila at nahimik na sumusunod, habang pinag mamasdan ang paligid. Napalingon ako sa dalawang tao sa unahan ko ng makarinig ako ng boses na parang nag tatalo. At tama ang pag hihinala ko, nag tatalo ang dalawa at base  sa napakinggan ko pinapagalitan nung lalakeng poker face  yung lalakeng palangiti dahil sa pag ngiti neto.  na putol lamang ang kanilang pag tatalo nang makarating kami sa malaking pinto. Kusang nag bukas ang pinto at pumasok ang liwanag galing sa labas. Nag patuloy lamang kami sa pag lalakad, may nakahanda na ding kotse sa labas. pinag bukasan ako ng pinto . kaya pumasok na ako at umupo.  Binalot ng katahimikan ang byahe namin ni isa ay walang nag sasalita. Napako ang attention ko sa paper bag na hawak hawak ko ngayon, ito yung paper bag na ibinigay sa akin ni tiffany bago ako maka alis kanina. Tahimik ko itong binuksan at tiningnan ang laman, meron itong sandwich at mineral water at may sticky note pang naka dikit doon "EAT THIS " yang ang nakalagay doon. May kung anong humaplos sa puso ko, pero iniwaksi ko dito. "galing ba kay tiffany ang bag na yan "- sabi nung lalakeng laging naka ngiti. sasagot na sana ako ako nang mag salita na ulet ito. "Ang sweet talaga ng sweetifie tiff ko. Hay lalo akong naiinlove" - Wika pa nito sa boses na parang kinikilig, ang mga labi din nito ay kulang nalang ay mapunit sa sobrang laki ng ngiti na nakaguhit dito. "ako nga pala si R.A pero pwede mo akong tawaging R o kaya A, bahala kana kong saan ka komportable at sya naman si R.V pwede mo din syang tawaging R or V.  " sabay turo nya dun sa kapatid nya. Pero hindi na ako nag bigay ng kahit na akong emosyon dito, itinuon ko nalang ang aking atensyon sa labas ng bintana. Hindi na dapat ako magkaroon na kahit na anong koneksyon sa kahit na sino sa grupo nila. 'Maawa ka sakin' 'itigil mo na to please' Bumabalik sa memorya ko ang mga alala ko kung paano ako mag maka awa. Nag init na naman ang mga mata ko na konting minuto nalang ay may lalabas na namang mainit na likido dito. "Miss were here" - Natigil ang masakit na alala na yun ng magsalita ang tao sa katabi ko na si R.A. Lumingon ako dito at nilipat ko agad ang tingin ko sa labas ng bintana kung saan na tatanaw ko na ang dorm ko.  Mabilis kong binuksan ang pintuan ng sasakyan at agad bumababa. Naramdaman kong bumababa din ang dalawa, lumingon ako sa kanilang dalawa. Umagos na naman ang luha ko, malalakas na ding paghikbi ang pinakawalan ko. Bumalik lahat ng sakit at galit na puso ko. "Sana wag ko na kayong makita pa, sana umalis na kayo sa buhay ko, sana wag nyo na akong guluhin pa. Please lang nag mamakaawa ako wag na kayong mag papakita sakin kahit kailan"  Patuloy sa pag agos ang mga luha ko.  Naramdam ko na may kamay na humagod sa likod ko, marahan yun na parang sinasabi na magiging okay ang lahat. Matapos nun ay umalis na ito.  Iisang tao nalang ang nasa harapan ko ngayon. "Mabubuti kaming tao tulad mo. Ang pag kakamali lang namin ay pinipilit naming bumalik yung taong umalis na matagal na panahon na ang nakakaraan" - Makaluguhan nitong wika. Pero na natili akong nakayuko at umiiyak. "Sana nga hindi kana namin makitang muli.  " - Mapait na wika pa nito. "Hayaan mo, sisikapin namin ni R.A at tiffany na hindi ka na namin makita muli pero hindi namin i pinapangako. at kung magkikita man tayong muli. Dun ako nakakasigurado mapapalitan na ng saya yang puot at sakit jan sa puso ko."- mahabang wika nito na lalo saking napa iyak. "Paalam" - huling salitang binitawan nito bago ito sumakay sa sasakyan at umalis. Nahawakan ko naman ang labi ko para mapigil ang makalakas na pag hikbi. Kasabay nito ang pag buhos ng malakas ng ulan na parang nakikiramay sa nararamdaman ko ngayon. Troy POV "Isa pa!" - Sigaw ko. Agad naman akong dinulugan ng alak tulad ng inaasahan ko. Kasalukuyan akong nasa private bar na pag mamamay- ari ko. nagpapakalunod sa alak. "Ang puso koy nag didiwang sa napapanuod ko ngayon" - Napalingon naman ako sa pinang galingan ng boses. Nanlalabo na ang paningin ko pero malinaw sa akin kung kanino ng galing ang boses na yun. "Tang ina mo !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" - Bulyaw ko dito. Na lalo pa nitong kinatawa. "O bakit galit ka sakin? dapat nga mgpa pasalamat kapa sakin." - Wika pa nito kasabay na pag bato ko dito ng bote ng alak  pero mas naging mabilis ang pag kilos kaya hindi ito natamaan. "Tang ina ka! papatayin kita! kasalanan mo lahat ng to !!!!!!!!!!!" -Sigaw ko dito. Pero malakas na pag tawa lang ang natanggap ko. "Hihintayin ko parin ang pag papasalamat mo sakin" - wika nito bago umalis. Pinag patuloy ko naman ang pag papakalunod ko sa alak. Hanggang sa makatulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD