Yaney Pov.
"Ano?" - Mahinang daing ko pag kasagot na pasagot ko ng telephono. Mahimbing akong natutulog ng bigla akong nagising sa malakas ng tunog ng telephono sa katabi ko.
"Ano!?" -Tanong ko ng hindi ko maintindihan ang sinasabi nito
"anong ginagawa mo sa labas ng bahay ko!?" - malakas na bulyaw ko dito na nagpamulat sakin. Napatingin naman ako sa gilid ko kung saan nakapatong sa lamesa doon ang isang orasan na nag sasabing
"Husko louie! Alas quatro palang ng umaga! " - Sigaw ko pa dito. Nag simula na din akong bumababa ng kama at naglakad patungo sa pintuan ng bahay ko.
Pag ka bukas na pag kabukas ko ng pintuan ay agad bumungad sakin ang itsura ng babaeng walang pag asa sa buhay. Ngulo ngulo ang buhok nito at binakasan ng mapulang mata na wari moy galing sa pag iyak. Naka suot din ito ng loose shirt at short na hanggang tuhod.
Pumasok ito sa loob ng bahay ko at nilampasan ako. Umupo ito sa maliit kong sofa na dalawang tao lang ang kasya.
Nag kakamot naman ng ulo na nagtungo ako sa kusina para ikuha ito ng tubig.
"O inom ka muna" - Kinuha nito ang inabot kong isang basong tubig pero hindi nito ininom ipinatong lang nito sa lamesa sa harapan nya.
Umupo naman ako sa katabi nitong upuan. Ilang minuto din kaming kinain ng katahimikan ng bigla itong nag salita
"hindi ako na inform na pag bored lang pala ako girlfriend" - Sabi nito sabay hagulgul. Tama ang hinala ko, ang dinadrama nito ay tungkol sa mga lalaki nya. Halos buwan buwan umiiyak yan dahil sa pinag palit sya, iniwan sya, namatay yung jowa nya at bakla pala at madami pang iba.
"Binigay mo na ba ang bataan?" - tanong ko dito
"Aba hindi! " - Mabilis na sigaw nito sakin. Kahit naman buwan buwan iba ang lalaki nito ay birhen pa ito.
"Ayun naman pala e, hala umalis kana at matutulog na ulit ako." - tinapunan ako nito ng isang mabangis ng tinggin. Bago ito tumayo at nag marcha sa palabas ng bahay ko
"Wala kang kwenta!" - Sigaw pa nito bago makalabas na kinatawa ko.
isasara ko ng ang pintuan ko ng may binato ito sa akin isang supot.
"Gamitin mo yan!" - sigaw nito bago mag laho sa paningin ko.
Hindi ako nag aksaya ng panahon sa binigay nitong supot, inilagay ko lang ito sa lamesa at nag tungo na ulit sa kwarto ko.
Kukuha na ako ng twulya para maligo ng bigla akong nakaramdam ng pag kahilo kaya napaupo ako sa kama ko at napahawak sa ulo.
"Ano bang nanyayari sakin?" - tanong ko sa sarili ko. Halos araw araw ko nalang nararamdaman ito na kinababahala ko na. Ng maramdaman kong nawala na ang pag kahilo ko ay nag tungo na ako sa banyo. Pag pasok ko ng banyo ay naka amoy naman ako ng mabahong amoy.
Hinanap ko ang pinanggalingan ng amoy at nagulat ako ng sa paborito kong pabango ng gagaling ang mabahong amoy. Kinuha ko ito at tinapon sa basurahan. Kasabay nito ang pagbaliktad ng sikmura ko, napahawak ako sa bibig ko. Bigla nalang akong napatakbo pa pasok sa lababo sa loob ng banyo ko.
"BBBBbuuurrrrrrp "
"bbbbuuurpppppp "
Napahawak ako sa lababo at napatingin sa repleksyon ko sa salamin.
"Hindi pwede ang iniisip mo" - Sabi ko sa sarili ko. May lubas na hikbi sa mga labi ko. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon. Wala akong ediya sa mga nararamdaman ko. Lahat bago sakin to.
"NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO" – napayakap nalang ako ang sarili ko, gulong gulo ako kung anong dapat kung gawin.
"malabong manyari ang nasa isip mo yaney. " - Patuloy kong kumbensi sa sarili ko
"Malabo yun!" - sigaw ko pa
" please hindi pwede" - Patuloy kong wika kasabay ng patuloy na pag buhos ng luha ko.
"hindi pwede baka hindi ko kaya" - Pag susumabo pa. Hindi na malinaw ang paligid ko dahil sa pag puno ng tubig sa mata ko.
"MALABONG MANYARI YAN. ANO BA. TUMIGIL KANA SA PAG IYAK. MALABONG MANYARING
nabuntis ka" – nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo nalang ako pag kasabi ko nyan. Nayakap ko ang sarili ko na ngayon ay patuloy sa pag baba taas ng balikad ko dahil sa pag iyak.
Hindi pwedeng manyari ito. ok na ako. naka move on na ako. nakapangon na ako. hindi pwede, hindi pwede.
Bigla nalang akong napahawak sa tyan ko ng makaramdam ako ng sakit mula dito na lalo kung kina alarma.
"wag kang bibitaw. Hindi ko kaya,"- Pag kasabi ko nito ay tuluyan ng nag dilim ang paligid ko .
Troy Pov.
"Ano!? anong nanyari?" malakas at nakakatakot na sigaw ko ang umalingawgaw sa buong mansion na nag patigil sa lahat ng tao dito at nagparamdam ng takot.
Malakas kong itinapot ang baso na may lamang wine sa kung saan. at wala akong paki alam kung may matamaan pa nito.
"Hin.di po na..min alam" - Nanginginig na boses ang sumagot sa kabilang linya.
"Mapapatay ko kayong lahat pag may nanyaring masama sa kanya!" - madiin kong wika.
"Mga walang kwenta!" - Bwelta ko pa dito. Manuod at sumubabay na nga lang ang trabaho nila hindi pa nila magawa ng maayus!
Mabilis syang lumabas ng mansion at sumakay sa nakahandang sasakyan sa labas. at mabilis pa sa alas kwatro ay nakarating ako sa aking patutunguhan .
"Tang ina" - Mura ko kung makita ko ang isang babaeng naka handusay sa banyo at may dugo sa mga hita nito. Mabilis na tinungo ko ito at walang pang aalinlangan na kinarga.
"Yaney"- Tawag ko sa pangalan nito habang tinatapik ang mga pisngi at umaasa na imumulat ang mga mata nito. Bumabyahe na kami ngayon patungo sa hospital.
"Pakiusap lumaban ka. " - Nang hihina bulong ko dito.
Para akong nag mistulang maamong tupa at bigla nalang nag laho ang pagiging matapang, malakas at makapangyarihan ko dahil sa natutuklasan kong kalagayan ng taong mahal ko