CHAPTER 7

401 Words
"Kamusta sya?" - Tanong ko sa kalalabas na si tiff sa silid na kinaroroonan ni yaney. "Tulog pa sya hanggang ngayon" - Mahinahon pero may diin nitong sagot sa akin. Diretsong nakatingin sa akin ang mga mata nito na ngayon ay punong puno ng galit. Alam ko na lahat ng tao dito sa mansyon na lubos na kakaalam ng nakaraan ay galit sa akin. Marahin ay nalimitahan na din ang balita tungkol sa nanyari kagabi, wala ng makakarating sa iba pang membro ng samahan lalong lalo sa mga ignacio dahil paniguradong malaking gulo ito. "Yun lang ba ang itatanong mo?" - Tanong nito Tumango naman ako bilang sagot, agad naman ako nito nilampasan na parang hangin.  Marahil ay lubos ang galit na nararamdaman nito ngayon dahil nalimutan na din nyang mag bigay galang sa akin. Palilipasin ko na muna ang mga ginagawa nila sakin. tataposin ko muna ang problema ko ngayon. Marahan kong binuksan ang pintuan, mula sa kinaroroonan ko ay tanaw ko ang babaeng payapang natutulog habang balot na balot ng puting kumot ang katawan nito. Bahagyang naka tagilid ang mukha nito sa direksyon ko kaya malaya kong nakikita ang maamo nitong mukha. "aayusin ko lang lahat, at mag kikita tayo ulit." - Mahinang wika ko na umaasa na marinig nito. Kaso malabo yun dahil sobrang bigat parin ng pag hinga nito hanggang ngayon. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras na lumapit dito, hinawakan ko na ulit ang doornob ng silid at tahantahan kong isinara ito. Mabilis akong nag tungo sa kusina ng mansyon kung saan makikita ko ang mag kapatid ng RA at RV, at ganun na din si tiff. Malayo pa ako'y rinig ko ng nag bubulugan ang tatlo. Hindi malinaw sakin ang pinag uusapan nila pero iniwaksi ko na ito. "Aalis ng mansyon si yaney at babalik sya sa dati nyang buhay na parang walang nanyari." - walang imik naman ang tatlong nakikinig at nag hihintay ng susunod na sasabihin ko. "At kayong tatlo ang mag aasikaso sa kanya pa balik. Bago mag haponan dapat wala si yaney sa mansyon na ito" - Tumango sila bilang sagot. Matapos nun ay umalis na ako at nag tungo sa office ko sa loob ng mansyon. Wala kahit isa ito sa mansyon ang pwede kong ipag katiwala ang buhay ni yaney kundi sa tatlong tao na yun. Silang tatlo lang ang alam kong iingat at poprotektaham ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD