CHAPTER 11

1303 Words
Yaney POV Nagising ako sa ingay na naririnig ko, agad kung minulat ang mata ko. 'bakit nag iba ang kulay ng kwato ko?' - Tanong ng isip ko. Marahan kong iniikot ang mata ko sa paligid ko. 'bakit lumiit ang kama ko?' - pag uusisa ko pa. ' Shiiit! asan na naman ba ako!?' -Sigaw pa ng utak ko. Napalingon naman ako sa babaeng kakapasok lang ng pintuan. Agad itong tumabok pa papalapit sakin na wari moy gulat na gulat. "Yaney?" - May pag aalangan na tanong nito sakin. "Yaney? Gising kana ba?" - Isang malakas na batok ang nakuha nito sa akin pag ka tanong niyan. "Aray ko naman yaney!" - Bulyaw nito sakin sabay kamot sa bahagi ng ulo dito na natamaan ng pag batok ko kanina. "Bwisit ka kasi! Kita mo na nga gising na ako. Mulat na mulat tapos tatanungin mo kung gising na ako. Louie nasisiraan kana ba ng ulo?" - mahabang wika ko dito na nag pa ikot ng mga mata nito na parang na iinis. Lumapit ulit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko samantalang ang mga mata nito ay titig na titig sakin na wari moy may hinahanap. "Yaney? Wala ka naman amnesia diba? Natatandaan mo naman ako? " - tanong nito. "Nasisiraan kana ng bait louie." - Walang ganang wika ko dito. Kung si louie lang din ang makakausap ko buong araw pipilitin ko nalang mawalan ng bibig at tenga. Napaka walang kwentang kausap. Mabilis ako nakapahawak sa tyan ko ng maalala ko ang nanyari. Napansin ata ni louie ang pag aalala sa mata ko. "Wait lang tatawagin ko lang si doc pogi. Saglit" - Sabi nito bago lumabas ng kwarto. Noong una palang na makaramdaman ako ng pag kahilo nag karoon na ako ng ideya kong anong nanyayari sa katawan pero kinaila ko ito. Niloko ko ang sarili kong wala akong alam, dahil sa takot. Pero ng sumakit ang tyan ko kanina at nakita ko ang dugong umaagos sa mga hita ko ay parang sinaksak ng sampung beses ang puso ko ng malaman kong maaaring may madamay na inosenteng bata dahil sa kaduwagan ko. 'Paano kong hindi nakaligtas ang anak ko' ' paano kong naagasan ako? ' Napaiyak ako sa mga pumasok sa isip ko. Kasalanan ko kung may nanyaring masama sa anak ko. Naputol ang pag iisip ko ng may pumasok na isang matangkad na lalaki, may ngiti sa mga labi nito na kahit sino ay mabibighani maliban sakin. At nakasuot ito ng kulay puting gown na bumagay sa kulay ng kutis nito. Doctor ba talaga ito, kasunod naman nito si Louie na parang wala sa sariling titig na titig dito. "Mabuti at gising kana." - Wika nito sakin. Sasagot sana ako ng bumaling ito sa gilid nya kung nasaan si louie. "Miss beautiful pwede bang iwan mo muna kami sandali?" - Tanong nya kay louie at tango lang ako naging sagot ng dalaga at agad lumabas ng silid habang nakaguhit parin ang malanding ngiti sa mga labi nito. "Ako si doc leo" - pag papakilala nito, iba ang pakiramdam ko sa doctor na ito. "So miss Yaney. Anong plano mo ?"- Tanong nya sakin. Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong nito ay pinili ko nalang manahimik. "anong plano mo jan sa buhay na nasa sinapupunan mo" - Wika nito pero wala parin sya nakuhang kahit anong kasagutan mula sakin. Hindi ko namalayan na tumulo na naman ang kanina ko pa pinipigil na luha na nag sasabi kung gaano ako kahina. "Its ok. kung hindi mo kaya. tutulungan kitang mawala ang problema mo. " - Wika nito na nagpatigil sakin. "ako mismo ang mag tatanggal ng bata jan sa sinapupunan mo." - Dagdag pa nitong wika na nagpalisik ang mga mata ko at napatigil sa dito. "Wag na wag mong gagalawin ang bata sakin" - Malakas na sigaw ko dito. "kundi MAPAPATAY .KITA. LAHAT KAYO PAPATAYIN KO. NAIINTIDIHAN MO!?" - Sigaw ko dito. Naramdaman ko ang marahan nyang paghawak sa mga kamay kung naka hawak sa kwelyo nya. hindi ko na malayan na nakwelyohan kuna pala ito. binitawan ko naman ito nang marealize ko ang ginawa ko. "Sorry" - Nakayuko kong paumanhin dito. Kung itong doctor sa harapan koy nagulat sa ginawa ko ay ganun din ang nararamdaman ko. Kahit akoy nagulat sa nagawa ko. "EASY. CHILL LADY " – nakangiting sabi nya. Habang inaayos nya ang damit nyang nagusot. Napatitig naman ako sa doctor na nasa harapan ko. Tinawag nya akong lady, kilala nya ako. Yung mga taong naka itim na kasuutan lang ang tumatawag sakin nun. "Sino ka?" - Tanong ko dito. "Sa palagay ko'y tapos na ang trabaho dito." - Wika nito habang diretsong nakatingin sakin habang mga mga ngiti sa labi nito. Napa atras naman ako ng unti unti itong lumapit sakin. Napahawak ako sa tyan na parang pinuprotektahan ang bata sa sinapupunan ko ng lumapit pa ito sakin. "Mag palakas ka, ingatan mo yang bata sa sinapupunan mo. "- Bulong nito sa mahinahon na boses. "Good bye" - Huli yang sinabi at nag simula na ito maglakad palabas. "Mag pasalamat ka nalang sa taong nag dala agad sayo dito sa hospital, kung hindi sa kanya wala na yang bata sa sinapupunan. " - Mahina nitong wika pero sapat lang para marinig ko bago ito mag laho sa paningin ko. Kasabay naman nito ang pag pasok ni louie na hanggang tenga ang ngiti na wari moy nanalo sa lotto. "Sabi ni doc, pwede ka na daw umuwi." - sabi nito sa wika na parang kinikilig. "Sinong nagdala sakin dito sa hospital? " - Tanong ko ay louie. Hindi parin nawawala sa isip ko ang sinabi ng doctor na yun. "Ha?" - May pag tataka naman nitong tanong sakin. Habang inaayus ang mag prutas sa lamesa aa gilid ko. "Ikaw ba ang nagdala sakin dito?" - Tanong ko ulit dito. Umikot naman ang mga mata nito bago sumagot. "hindi ako ang nag dala sayo dito. May tumawag lang sakin na sinasabing andito ka sa hospital kaya andito ako ngayon. " - Mahabang wika nito. Kung hindi si louie ang nag dala sakin sa hospital, sino? "Staka ang sabi din sakin na nagpunta ka daw dito sa hospital para mag pa checkup tapos nahimatay ka. " - kwento pa nito. Malabong manyari ang sinasabi nito. Paano ako makakapunta sa hospital kung nahimatay ako nung nasa banyo ako sa bahay. 'Sino ka?' - Tanong ng isip ko. Sino ang nagdala sakin dito na kailangan ko pasalamatan. Si doc leo lang ang maari kong pagtanugan, sya lang ang nakakaalam. "Si doc leo? pwede ko ba syang makausap?" - Tanong ko dito at nagpalaki sa mga mata nito. "Hoy! Si doc leo ay sakin na! " - Malakas na sigaw nito sakin. "Akin na sya! Kaya wag kang magkakagusto sa kanya!" - Wika pa nito. Suko na ako walang kwentang kausap itong si louie. "Staka husko yaney! Akala ko satin dalawa ako ang unang mabubuntis! Aba naunahan mo pa ako! " - Sigaw pa nito sakin na parang hindi makapaniwala. Alam na din pala nito ang tungkol sa pag bubuntis ko marahil na sinabi ng doctor na yun dito. "Kaya tigilan mo si papa doc leo ko. Ako ang trip nun" - Walang tigil na sabi pa ni louie. Tinaas ko nalang ang kamay ko bilang pag suko. Madami akong tanong, magulo para sa akin ang lahat. Pero ang nag iisang malinaw lang sakin ngayon ay merong buhay sa sinapupunan ko na kailangan kong protektahan. Demonyo ang nag dala sakin sa sitwasyon na ito pero isang angel ang iniwan nito bilang kapalit. Troy POV. "Bro okay na ang pinapagawa mo" - Nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig ko ang balit na yun mula sa telephono. "Salamat leo." - Maiksing wika ko dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD