CHAPTER 12

992 Words
Yaney POV. Limang buwan na ang bata sa sinapupunan ko, hindi naging madali ang mga nakaraang buwan. Malaki ang pinag bago ng buhay ko, naging maingat ako sa mga kinakain at iniinom ko. Hindi din ako lumalabas ng bahay kung hindi ako mag gogrocery at mag papacheck up. Dito nadin ako sa bahay nag tatrabaho, dahil sa naging hot seller yung libro ko ay pumayag ang boss ko na work from home nalang ako. "Hello yaney?" - Rinig kong wika ng tao sa habilang linya "Asan kana?" - Tanong ko naman dito. "Yaney sorry hindi kita masasamahan ngayon mag grocery" - Sabi pa nito sa malungkot na boses. Mag papasama kasi dapat akong mag grocery dito. "Ganun ba. Sige okay lang Louie." - Masiglang wika ko dito. Si louie ang naging sandalan ko habang pinahihirapan ako ng bata sa sinapupunan ko. Sya ang bumibili ng mga pinag lilihian ko, ganun nadin pag may morning sickness ako sya ang nag papasensya sakin. "Si leo kasi padating sya ngayon." - Nahihiya nyang wika. "Okay lang yun. Enjoy kayo ni doc leo." - Wika ko dito. Wala akong ediya kung mag kasintahan ba ang dalawa. Ang alam ko lang ay nakatagal si louie sa iisang lalaki sa loob ng apat na buwan. Marahil ay seryoso ang relasyon nilang dalawa. "Sige. Ingat ka okay? Goodbye " -  Matapos nito ay naputol na ang kabilang linya. Napahawak naman ako ng tyan ko na malaki na ang pagkakabilog. 'Sa palagay ko'y kaya naman natin mag grocery na tayong dalawa lang baby' - Wika ng utak ko ' Basta kapit kalang ng mahigpit kay nanay ha' - Nagsusumamo kung paki usap. Nag simula na akong maglakad papunta sa pwesto ng kotse ko. Nag duda naman ako kung kaya ko pa bang mag drive dahil matagal tagal na din mag mula nung huli akong nakapag maneho. Sa pinaka malapit na groceries store nalang ako nag tunggo. Inilabas ko na ang kapirasong papel kung saan nakalista lahat ng kailangan kong bilihin. Halos lahat ay recommend milk, cereals, fruit and etc. ni doc para sa baby sa tyan ko. Kung dati ay wala akong maayus na time schedule ng pag kain kung kelan lang ako nagutom staka ako kakain at kung dati ay nabubuhay na ako sa cup noodles lang, ngayon ay hindi na pwede yun. Lahat nag kinakain ko ngayon ay healthy food na, kaya malaki talaga ang naging pag babago sa katawan ko. Sinumulan ko na kuhanin at ilagay sa cart ko ang mga kailangan ko. Hindi ganun kadaming tao dito sa groceries stored kaya naging mabilis ang pag kilos ko. "Baby anong gusto mong favor?" - Mahinang tanong ko sa bata sa sinapupunan ko at parang hinihintay ko itong sumagot. "chocolate or cheese? " - Pag bigay ko pa ng choices dito. Nakuha ko na lahat ng kailangan ko at ito nalang akong huli kong bibilihin. Syempre hindi mawawala ang ice cream. "cookies and cream" - Rinig kong sabi ng tao sa likod ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang boses na yun, pamilyar yung boses. Yung boses na ayoko na ng marinig ulet, napahawak ako sa tyan ko. Dahan dahan akong lumingon sa babae sa likuran ko. Nag makita ko kung sino ang nagmamay ari ng boses na yun ay lalong lumakas ang t***k ng puso ko. "Ti...ffa.ny? " – nanginig yung boses ko habang binibigkas ko ang pangalan nito. Pero mas natigilan ako ng yakapin ako nito. Para lang akong isang matikas ng kahoy na niyayakap nito. Hindi ako makagalaw sa gulat. "Namiss mo ba ako kamahalan ?" – Magiliw na sabi neto. Kumalas na din ito sa pag kakayakap sa akin kaya ngayon ay mag kaharap na kami. Tulad kanina titig na titig parin ako dito. Hindi ko maibuka ang mga bibig ko para sagutin ang tanong nito dahil hindi ko din alam akong tamang salitang sasabihin ko dito. Hindi parin ako makapaniwala na yung akala ko ay nakatakas na ako sa bangungot ng nakaraan pero hindi pa pala. "Honey My Love So sweet is this enough?" - Mabilis ako napalingon sa nagsalita, kung hindi ako nag kakamali ay ang pangalan nito ay R.A. Nag lalakad ito papalapit sa diretsyon namin habang hindi mag kang ugaga sa tulak tulak nito cart dahil sa kapunuan. Natigilan naman nito ng makita ako. Kita sa panlalaki ng mga mata nito ang pag ka gulat. Lumipat ang mapag tanong nitong tingin sa babaeng kalapit ko ngayon. "ano?" - Sabi naman ni tiffany na parang sinasabi na wala syang ginagawang masama. Samantalang ako ay tahimik na pinag mamasdan sila. "Tiff tara na." - walang emosyon na pag tawag nito kay tiffany. Kaso sa itsura ng babae ay wala ito balak sundin ang gusto ni R.A. Lumapit si R.A sa pwesto ni tiffany at marahas na hinawakan nito sa braso. Napadaing naman ang dalaga dahil dito. Pero parang naging bingi si R.A at parang isang magaang bagay lang si tiffany na isinampay nya sa mga balikat nito na kinagulat ko. Maglalakad na sana ito papalayo sa akin ng hawakan ko ang braso nito na agad na nag paatras dito na parang napaso. "Ibaba mo sya." - mahinahong wika ko dito. pero wala akong sagot na nakuha mula dito. Isang nag tatanong na tingin ang kinukol nya sakin. "Sabi na't ibaba mo sya!" - Sa pag kakataon na to ay may diin na ang mga salitang binitawan ko. Marahan naman nitong sinununod ang utos ko. Pag kababa ni tiffany ay isang malakas ng suntok ang pinakawalan nito na tumama sa mukha ni RA. Nakinagulat ko. "Honey my love so sweet Bakit mo naman ginawa yun.?" . – maiyak iyak na daing ni R.A habang hinihimas ang parte ng mukha na nasuntok. Para na itong maamong tupa na nakatingin sa babae. Pero hindi na ito pinag aksayahan pa ng tingin ni tiffany. Agad itong lumingon sakin at hinawakan ang kamay ko. "mag usap tayo. Pakiusap" - Wika ni tiffany.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD