"I kissed Nicole. Nung hindi ako sumipot sa rooftop."
At first I don't get what he's saying but when it sink in parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
Ito ba ang gusto niyang sabihin?
Akala ko makikipaghiwalay na siya sa akin. Bakit parang mas masakit pa ito kaysa sa aking iniisip kanina lang?
Kahit malamig ang ihip ng hangin ay hindi ito pumawi sa namumuong emosyon sa aking kalooban.
Galit?
Pagkabigo?
Selos?
Hindi ko alam. Halo-halo ang aking nararamdaman. At hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang marinig ko ito mula sa kaniya.
Kaya ba umiwas agad siya noon nang magkatitigan kami sa mata?
Marami akong gustong katanungan ngunit ni isa ay hindi ko masabi dahil hindi ko mahanap ang aking boses.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya at huminga ng malalim.
Hindi ko ine-expect na ganito pala ang pag-uusapan namin.
Sa dinami-raming tao ay bakit si Nicole pa na siyang kinaiinisan ko?
Okay. Maybe hindi kinaiinisan siguro ayaw lang sa kaniya. Sinong hindi, e, masyadong spoiled brat iyon. Lahat ng gusto ay dapat makukuha.
Wala siyang imik ng mga ilang sandali. Ayaw ko sanang tumingin sa kaniya ngunit ang taksil kong mga mata ay parang magnet na didikit at didikit parin sa kaniya.
Nang tingnan ko siya ay natagpuan kong nakatingin din siya sa akin. Kahit madilim ay naaaninag ko ang lungkot at pagsisisi sa kaniyang mga mata. Ewan ko lang kung tama ang aking interpretasyon. Kung tama ako ay hindi ko na alam ang aking maramdaman lalo na at kahinaan ko ang makita siyang ganito.
Ewan ko ba kung bakit sa tuwing makikita ko siyang ganito ay lumalambot ang aking puso. Dahil ba ang cold na mga nito sa paaralan ay nalalagyan ng emosyon kaya ganoon na lang kung lalambot itong aking puso.
"Forgive me, Jasper. I just... It's just she's so persistent to kiss me that she even said na baka bakla raw ako. Nagpanic ako wala nang nagawa nung ilapat niya ang kaniyang labi sa akin," aniya. "I really don't like it, Jasper. I felt bad after knowing that I have you on secret yet I loss someone elses lips."
"How hard is it to distant yourself from her, Kairo? Is it really that hard?"
I don't know. I felt bad asking him that when the answer is clear. Kung ako ay tatanungin tungkol kay Janice at sabihing layuan siya. Siguro ay ang nagsabi nun ang lalayuan ko.
Napatawa na lamang ako.
Kung sana ay hindi sekreto itong relasyon namin ay siguradong hindi ito mangyayari. Nagiging komplikado lamang kasi ang relasyon namin dahil sekreto ito. How I wish time fly fast para makapag graduate na kami at maaari na naming mahawakan ang aming kamay kahit sa mga publikong lugar. Ngunit ngayon ay parang mayroon na akong pagdududa kung aabot pa ba kami ng mga panahong iyan. Ngayon pa nga lang ay gusto ko ng sumuko.
"Do you want to end this?" he asked.me like he know what I am thinking.
Am I that obvious na kahit iniisip ko ay alam niya? Siguro ay nababasa niya sa aking pagmumukha? Hindi ko alam.
Tumingin ako sa kaniya at seryoso na siyang nakatingin sa akin ngayon. Lumakas ang kabog ng aking dibdib.
Ito na siguro ang pagkakataon na kailangan ko ng itigil ito. Hindi naman ito maganda kahit umpisa pa lang.
Kung talagang pinapahalagahan mo ang isang tao ay handa kang ipagsigawan sa buong mundo na pag-aari mo siya ngunit pareho naming hindi magawa iyon.
Naiintindihan ko ang mga rason niya ngunit sa akin ay hindi. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko ring ipaalam sa mga tao ang relasyon na mayroon kami gayong buong buhay ko rito sa paaralan alam na bakla ako.
Maybe it's a good thing of we end this right now. Maiintindihan naman siguro ni Kairo. But my heart said ab enormous no. Labag ito sa aking kalooban. Iniisip ko pa lang na hindi ko pag-aari si Kairo ay sumasakit na aking puso.
kakayanin ko kaya? Oo naman. Kaya ko nga noon na wala naman akong boyfriend ngayon pa kaya? Ngunit ang hirap kasi. Simula nang makita at makilala ko si noong first day of school ay hindi ko na maiwas ang aking mga mata mula sa kaniya. Kaya nang buksan ko ang aking bunganga ay iba lumabas rito.
"I don't want to end what we have, Kai. I can't..." I trailed off. "Hindi ko kaya."
I don't know what happened ngunit nalaman ko ma lang na sobrang lapit na ng mukha namin ni Kairo sa isa't-isa.
Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga na isa sa mga nagustuhan ko mula sa kaniya. Sobrang lapit din ng aming mga labi na metro na lang ay magdidikit na ito.
"I'm really sorry, Jas. Sa lahat-lahat. You really mean to me kaya thank you for not ending this. Ayaw ko ring hindi na kita mahawakan o mahalikan lang man ulit," mahinang sambit niya.
"I'm sorry too."
I don't know why I'm saying sorry as well. Lumabas lang sa aking bibig. Siguro ay kailangan ko ring magsorry sa kaniya. If we really want this to work out kailangan naming maging maingat lalo na sa bawat galaw namin na hindi masaktan ang isa sa amin.
"I don't know I just felt like saying it," bulong ko.
"Don't be. Ako ang may kasalanan so dapat ako ang magsorry," aniya.
Sasagot na sana ako ngunit nang buksan ko ang aking bunganga ay bigla niyang inatake ito. He plunged his tongue inside my mouth. We fight for dominance ngunit alam kong hindi ko siya matatalo pagdating dito.
We stayed like that for a minute. Kissed, talk and kissed again. Hanggang sa magsawa kami.
Magsawa? Ako? Never.
Kung magsasawa man ako ay hindi iyon tungkol sa halik. He's a good kisser by the way, if you are wondering. Everytime our lips met it feels like in my euphoric state. It feels like thrown me into an abyss that lead me in the new dimension.
Natigil lamang nang may dumaan na mga kabataang naglalakad. Maybe around 14 years or older. I dont know why they're still walking at this kind of hour gayong gabing-gabi na at nandito parin sila. Who am I to say na kahit na kami ay nandito rin naman.
Kairo check his watched and I do the same as well. Nagulat ako nang makitang 9:00 P.M na pala ng gabi.
Ang bilis namang tumakbo ng oras. Tama nga ang sinabi nila na kapag mahal mo ang iyong kasama mabilis lang lumipas ang oras.
How ironic of me say that. Kanina lang nung papunta pa kami rito ay gustong gusto ko na lumipas agad ang oras para matapos na ito ngunit ngayong ibinigay sa akin parang hindi pa ako natutuwa.
Iba naman kasi ang nararamdaman ko kaninang papunta pa kami rito e. Ang buong akala ko ay makikipaghiwalay na siya sa akin ng tuluyan ngunit hindi naman pala. Iba nga ang kaniyang sinabi ngunit pareho namang masakit.
Buti at naayos namin agad dahil kung hindi ay hindi ko na alam ang gagawin. Isang araw pa nga kang na hindi ko siya nakakausap ay hindi na ako mapakali pano pa kaya kapag hindi kami magpapansinan ng matagal.
We hit the road back home ngunit dumeretso muna kami sa town upang kumain sa isang fastfood chain.
Ito yung unang pagkakataon na kumain kaming dalawa in public. Hindi ko alam kung bakit hindi siya nagpapanik. Nang tanungin ko siya pano kung may makakakita sa amin na kamag-aral at makita kaming magkasama. Ang sagot niya ay simple lamang na parang pinagplanuhan niya ito ng maigi.
"Gumawa tayo ng activity sa biology."
We got our order and started eating silently. Hindi ko alam na sobrang gutom ko na pala kaya nilantakan ko ang pagkain sa aking harapan. Wala na akong pakialam kahit kaharap ko pa si Kairo. Ma-turn off man siya ay w WW2ala na akong pakialam. Sinong niloloko ko? Syempre may pakialam ako. Kaya nang tingnan ko siya para malaman ang kaniyang reaksiyon napangiti ako sa aking nakita.
He's wearing the sweetest smile on his face. Iyong ngiting hindi niya ipinapakita sa iba. Ngiting palagi niyang suot sa tuwing kami ay magkasama.
Ang swerte ko. I got a boy this perfect and beautiful. Kahit sekreto nga lang ang aming relasyon ngunit bumabawi naman si Kairo.
He's always sweet kapag magkikita kami sa rooftop. Yung pag-uugaling hindi kailan man nakikita ng ibang tao. Siya mismo ang nagsabi niyan. Kahit nga sa kaibigan niyang si Nicole ay hindi siya ngumingiti ng ganito kalaki.
"Are you that hungry? Gusto mo pa?" tanong niya sa akin habang inaalok ang kaniyang pagkain.
Agad akong umiling dahil kahit gutom ako ay sapat na rin naman ang pagkain na nasa aking harapan. At isa pa, hinding-hindi ko kukunin ang pagkain niya dahil sigurado akong pareho lang kami ng kalagayan ngayon.
Tinapos namin ang aming pagkain at hinatid na niya ako sa amin. We have another session of kissing bago ako bumaba sa kaniyang sasakyan.
"See you tomorrow," he said.
"See you."
I waved him off habang papaalis siya sa bahay namin. Nang hindi ko na makita ang kaniyang sasakyan ay pumasok na ako agad sa aming bahay.
Tahimik ang bahay nang pumasok ako kaya siguro ay tulog na sila. Ganoon kami kaagang natutulog. May trabaho kasi pareho si Kuya at mama kailangan nilang matulog ng maaga para magising rin ng maaga. Umakyat na ako agad sa kwarto nagbihis ng pantulog.
Nang makahiga ako sa kama ay hindi ko maiwasan na maisip ang nangyari kanina. Oo nga pala, sasabihin ko lahat ito bukas kay Janice. With that in my mind. Natulog akong suot ang ngiti sa aking labi.