Naranasan ko na ito noon at ngayon ay naranasan ko na naman ulit. Hindi ko alam na may mas isasakit pa pala.
This morning I woke up with my mother's cry. Nang lumabas ako ng kwarto at bumaba papuntang kusina para malaman kung ano ang nangyari ay nakita ko si Mama na mahigpit na niyayakap ni kuya. Dumadaloy ang luha sa kaniyang mga mata. Si Kuya ay wala ring pinagkaiba. Hindi ko alam kung ano ang nangyari.
Magtatanong na sana ako kung bakit sila umiiyak ngunit hindi ko na naituloy dahil sa narinig kong paulit-ulit na sambit ni Mama.
"Ate Ivy," ang paulit-ulit na lumalabas sa kaniyang bunganga. And it hit me.
I don't want to think about it. Baka nagkamali lang ako ngunit ng akala. Baka mali ang pagkakaintindi ko.
Tumingin ako kay kuya at nakita siyang malungkot na nakatingin din sa akin. Tumango siya sa akin na nagpapatunay na tama ang aking hinala.
Wala na si Aling Ivy.
Namanhid ang buo kong katawan at hindi ko namalayang tumutulo na pala ang aking luha. Napansin ko lamang nang tumama ito sa aking kamay nang mahulog.
Akala ko ay kakayanin niya. Akala ko makakabalik na siya samin.
Noong nakaraang araw kasi ay napag-usapan nila ni Mama na kapag makalabas na raw siya ay dito siya samin titira.
Nung sabado nga ay naglinis pa kami ng isang kwarto na di na namin ginagamit. Yung dito sa baba para hindi na siya mahihirapan pang umakyat sa taas.
I feel numb. Hindi ako makaalis sa aking kinatatayuan dahil sa pagkabigla. Hindi ko lubos na maisip na mawawala siya.
Ito pala ang ibig niyang sabihin nang sinabi niya sa aming kailangan naming maghanda kung sakali mang may mangyaring masama.
Ang akala namin ay mga sakuna darating ang kailangan naming paghandaan, ito pala. Ang kaniyang pagkawala
Narinig kong bumukas ang pinto at mga yabag ng paa ngunit hindi ako lumingon kung sino ang pumasok. Wala akong lakas na tingnan ang sino ma ang pumasok.
"Aba, Jasper maaga ka atang nagising. Nakakagulat na—
Bigla siyang natahimik nang mapansin ang atmospera sa loob ng kusina. Dumagdag pa ang hikbi ni Mama.
"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking magkabilaang braso. Tumingin siya sa aking mata suot ang nag-aalalang ekspresyon niya sa mukha.
"Si Aling Ivy."
Iyon lamang ang aking sinabi at nakuha niya agad kung ano ang nangyari. Bigla siyang napayakap sa akin at umiyak.
Ibinalik ko ang kaniyang yakap at inalo siya.
Napuno na ng hikbi ang tunog na maririnig dito sa loob ng kusina. Walang ibang tunog na maririnig.
Tunog na nanggaling sa mga taong naghihinagpis. Mga taong nasasaktan. Mga taong nawalan ng mahal sa buhay.
Nanatili kaming ganoon, walang kahit na sino ang nagbalak na gumalaw kahit pareho kaming lahat may kailangang gawin.
Si Kuya ay may trabaho. Ako at si Janice ay may pasok. Si Mama naman ay alam kong aasikasuhin ang magiging lamay ni Aling Ivy. Alam kong masakit ito sa parte ni Mama. Sobrang mahal niya kasi si Aling Ivy. Tinuturing niya nga itong ina kahit ate ang tawag niya rito. Kaya paano kami kikilos nito kung nawawalan kami ng gana?
Napagdesisyunan kong samahan na lang si Mama na asikasuhin ang papers na kailangan kaya hindi na lang ako pumasok. Si Janice naman ay kahit late na ay pumasok parin. Sa kaniya na lang ako hihingi at mangongopya ng notes. Siya na raw ang bahalang magsabi ng mga nangyari sa aming mga subject teacher.
Si Kuya ay pumasok rin sa kaniyang trabaho.
Nang makaalis silang dalawa ay nagbihis kami ni Mama para simulan ang araw.
Una ay pumunta kami sa ospital kung saan naka-confine si Aling Ivy.
Ipinaalam din namin ang nangyari sa kaniya sa bahay ampunan kung saan siya galing at lumaki.
Tumutulong parin kasi siya sa mga batang nandoon. Nagdo-donate siya ng pagkain, damit at pera. Dahil ayon sa kaniya hindi niya kakalimutan ang lugar kung saan may kumupkop sa kaniya. Buong buhay niya raw itong tatanawin na utang na loob.
Gaya ng aming naramdaman ay nagdalamhati rin ang tao roon. Lalo na si Niña, ang paboritong bata ni Aling Ivy. Tuwing dumadalaw kami roon ay si Niña agad ang una niyang nilapitan. Akala nga namin noon ay aampunin niya ito ngunit hindi naman nangyari iyon.
Matapos namin ni Mama sa ospital ay sa funeral homes naman kami pumunta.
Napagdesisyunan ni Mama na sa bahay na lang gagawin ang lamay. Wala naman problema sa akin iyon.
Pagkatapos namin sa funeral homes ay bumalik na naman kami ng ospital para sa mga final papers na kailangang asikasuhin.
Bukas ng umaga ay makukuha na namin ang katawan ni Aling Ivy.
At bukas ng umaga ay makikita ko siyang nasa loob ng kabaong.
Nang matapos kami ay 3:00 P.M na ng hapon. Sa sobrang pagod ko ay nakatulog agad ako nang makahiga sa aking kama. I am emotionally and physically drained.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog basta ay nagising na lamang ako sa tunog ng aking phone.
Kinapa ko ito sa aking bedside table dahil malapit lang naman sa akin ito.
Nang makuha ay hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag.
"Hello?" inaantok kong usal.
Ngunit nang marinig ko ang boses sa kabilang linya ay parang nagising ang aking diwa.
"Hey, Janice told me what happened. I'm so sorry, Jas," aniya. "Pupunta ako diyan mamaya if you don't mind."
"I don't. Hihintayin kita," tugon ko.
Tiningnan ko ang orasan sa aking gilid at nakitang ala-sinco na pala ng hapon.
Tapos na pala ang klase.
Sana ay walang guro ang magalit sa pag-absent ko ngayon.maintindihan naman siguro nila.
"Right, maghahansa lang ako," sabi niya sa akin at binaba ang tawag.
Namayani ang katahimikan sa buong silid. Ngunit ilang saglit lang ay pumasok si Janice ng aking kwarto.
Nakapagpalit narin siya ng damit na pang bahay dahil iba na ang kaniyang suot kaysa kaninang umaga.
Lumapit siya sa aking kama at tumabi sa akin. Ngayon ay pareho na kaming nakatitig sa kisame. Walang may nagsalita sa amin ngunit makaraan ang ilang minuto ay nagsalita siya.
"Saan gaganapin ang lamay ni Aling Ivy? Sa simbahan ba?" tanong niya sa akin.
"Dito lang sa bahay," sagot ko.
Hindi ko alam kung ano ang aking maramdaman kapag makikita ko araw-araw ang kabaong niya. Naiisip ko pa lang ay nasasaktan na ako.
Inaasahan ko na mangyari talaga ito noon pa ngunit hindi ko parin maiwasang magulat sa nangyari.
She's beens so good to our family ever since na nakilala niya kami. Palagi siyang tumutulong sa'min kapag mayroon kaming financial problem. Siya ang palagi naming nilalapitan at bukas naman niya kaming tinulungan.
Nagagalit pa nga siya minsan kapag malaman niyang nangangailangan kami ng pera at hindi sinasabi ni Mama sa kaniya. Minsan kasi ay mga ilang araw pa bago sabihin ni Mama sa kaniya dahil nahihiya na siyang si Aling Ivy na lang palagi naming nilalapitan kaya gumagawa siya ng paraan baka sakaling masolusyunan niya ito ngunit nang mabigo ay kay Aling Ivy rin naman ang bagsak. Kaya minsan ay nagagalit siya. Dapat daw kasi nung una ay siya agad ang nilapitan dahil magbibigay raw siya ng ano mang aming pangangailangan.
Nagising ako sa aking pagmumuni-muni nang tapikin ako ni Janice. Saglit ko nga siyang nakalimutan na nandito pala siya sa aking tabi. Napabuntong hininga na lamang ako.
"Tinatawag ka ng mama mo," aniya. Kasabay nun ay ang pagkatok sa aking pintuan.
"Nak, nandito si Kairo. Papapasukin ko ba?" tanong niya sa akin.
"Oo ma," sagot ko.
Bigla ay na-conscious ako sa aking kwarto. Baka marumi at maraming kalat. Nilibot ko ang aking paningin at napansing wala naman ngunit hindi ko parin maiwasang ma-conscious dahil mas malaki ang kaniyang kwarto kaysa akin. Baka hindi niya magustuhan.
Babawiin ko na sana na sa labas na lang kami pero huli na dahil binuksan na ni Mama ang pinto ng aking kwarto at iniluwa niyon si Kairo.
Bigla akong kinabahan sa kaniyang magiging reaksyon nang inilibot niya ang kaniyang paningin sa loob ng aking kwarto.
"Chill," rinig kong bulong ni Janice sa aking tainga habang hinahawakan ang aking braso.
I didn't know I'm fidgeting. Napansin ko na lang nang hawakan niya ako.
Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang aking kalooban.
"Nice room," sabi ni Kairo.
Tumingin siya sa akin at ang lahat ng kaba na aking naramdaman ay parang naglaho ito nang makita ang kaniyang matamis na ngiti.
Lahat ng sakit na aking naramdaman ay napawi rin.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit habang hinahalikan niya ang aking ulo.
Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. Napayakap na lamang ako ng mahigpit sa kaniya.
"Husshhh now baby. I'm here," malambot na bulong niya.
"I'm just glad you're here."
"Me too."
Nanatili kaming ganiyan hanggang sa makarinig kami ng tikhim sa aming gilid. Pareho kaming lumingon sa nakangising mukha ni Janice.
Hindi ko pa man naririnig mula sa kaniya ay alam ko na kaagad ang kaniyang iniisip ngunit hinayaan ko na lamang.
"Uuwi na lang siguro ako, Jasper. Mukhang hindi mo rin na man ako kailangan dito," aniya.
Kumuha ako ng unan at hinampas sa nakangising mukha niya ngunit halakhak lang ang naging tugon niya.
Pinanatili sila ni Mama hanggang hapunan dito kaya habang hindi pa kumakain ay nanood na lamang kami ng palabas.