Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam ng hindi sinisipot. Noon kapag nakikita ko ang mga gaya nito na mangyari sa palabas ay hindi ko ito nagugustuhan.
Hindi lang sinipot ay masasaktan agad? Ngunit ngayong naranasan ko na ay ang pangit pala sa pakiramdam. Mayroon ang mag-oover think ka. Hindi mo alam kung ayaw na ba sa iyo ng tao o sadyang may ginawa lang kaya hindi ito nakapunta.
Sa loob ng ilang oras na natira sa paaralan ay hindi nawala sa aking isipan ang nangyari. Kahit ngayong pauwi na kami ni Janice ay iyon parin ang aking iniisip.
Napansin siguro ni Janice na sobrang tahimik ko dahil sinita niya ako ukol dito.
"Ang lalim ata ng iniisip mo," aniya.
Wala sa sarili akong lumingon sa kaniya ngunit naka-focus lamang siya sa pagmamaneho.
"Hindi naman ganoon kalalim. May iniisip lang," tugon ko.
Ngunit alam kong hindi siya naniniwala dahil sa kaniyang pag-iling. I wanted to open up with her ngunit paano? Hindi ko masabi sa kaniya na sa simpleng hindi pagsipot lamang ni Kairo ay nasasaktan na ako. Baka nga ay may ginagawa lang ang tao dahil kahit kanina sa klase ay hindi rin siya pumasok.
Ngunit bakit hindi niya sinabi sa akin? I mentally laughed. Bakit, kailangan bang sa lahat ng bagay na gagawin niya ay alam ko?
"Ang plastic ng ngiti mo. Ano ba nangyari kanina sa rooftop?"
I didn't know a bitter smile shown in my face. Paano ko nga ba ito sasabihin sa kaniya? I don't care, she's my friend. Alam kong hindi niya ako i-judge sa nararamdaman ko ngayon.
"Wala," sabi ko. "Walang nangyari dahil hindi naman siya dumating."
I finally spit it out. Sa wakas.
Tumingin ako sa kaniya upang tingnan ang kaniyang magiging reaksyon. She has this inscrutable expression on her face that I can't decipher. Minsan talaga ay hindi ko alam ang mga iniisip ni Janice tulad na lamang sa ngayon.
"What are you thinking?"
"Nothing," maikling sagot niya.
Hindi na lamang ako nagsalita at ganoon rin siya. We have this mutual understanding na kapag ganito ang daloy ng aming usapan ay pareho kaming may iniisip.
She dropped me off nang makarating kami sa bahay. Bidding each other goodbyes and exchanging kisses on the cheeks. The usual.
Tahimik na bahay ang bumungad sa akin nang makapasok ako ng bahay na hindi nakatulong sa lalim ng aking iniisip.
What if Kairo got tired of this set up. Of this secrecy. At naisipan niyang gusto na niyang makalaya. What he wanted something in a relationship that he can do small things like lovers always do in public? O baka narealize niyang mahal niya pala ang bestfriend niya kaya ang hindi pagsipot sa akin kanina sa rooftop ay kung paano niya sabihing ayaw na niya.
Marami pang kaisipang bumabagabag sa aking isipan. And who knows what's the real reason behind it?
Only one way to find out. I fished out my phone and stared dialing Kairo's number. Ngunit parang lalo lang akong nanlumo nang marinig ang boses ng system sa kabilang linya.
Inulit ko ng limang beses ang pagtawag sa kaniya baka busy lang ngunit wala talagang sumasagot.
It's either low bat ang phone niya o sadyang pinatay niya lang dahil alam niyang tatawag ako sa kaniya.
I didn't knew I sit my ass for almost half an hour dahil narinig kung bumukas ang pinto at pumasok si Kuya. I didn't even realize na hindi na ako nakapasok pa sa kwarto ko at dito na lamang ako nag-iisip sa sala.
"Oh, bunso? Kakarating mo lang?" agad na tanong niya.
Obviously, iisipin niya talagang kakarating ko lang. Usually kasi kapag dumating siya dito sa bahay ay nakapalit na ako ng damit at nakapagsaing na. At kung wala ako dito sa sala ay nasa kwarto naman ako natutulog.
"Ahh.. oo. Bago pa lang."
A little won't hurt, right? And besides, I don't want him to think that there's something wrong dahil hindi iyon titigil hangga't hindi niya malalaman kung ano ito.
"Hindi ba kayo magkasama ni Janice? Nakita ko siyang dumaan kanina sa shop nila, nauna ba siya sa'yo."
I don't know what I respond. Ang alam ko lang ay sumagot ako sa kaniya at tumayo upang pumunta ng kwarto para magpalit ng damit. I heard myself respond but muffled.
Siguro ay sa sobrang pag-iisip ko ito kay Kairo. Kailangan ko itong ipagpahinga. Maybe a little nap kaya nang makapagpalit na ako ng damit ay agad akong dumapa sa kama.
I didn't know I was this tired dahil bigla na lamang ako sinakop ng kadiliman at hindi namalayang nakatulog na pala. Nagising na lamang ako sa sigaw ni Kuya sa aking kwarto.
"Bunso, gising. Naghihintay ang boyfriend mo sa labas."
The moment I heard him said the word boyfriend agad akong napabalikwas at tumayo.
Boyfriend?
Kairo is here?
I looked myself in the mirror and fix my hair. Agad akong tumakbo papalabas.
Nang nasa taas ng hagdan pa lamang ako ay agad ko na siyang nakita na nakaupo sa sofa. Nakatalikod siya sa akin.
I descended the stairs without missing a beat, wearing a huge smile that may seem obnoxious to see kung may nanonood man but I don't care.
Kairo's here and I'm never been happier.
Nang maramdaman niyang papalapit ako ay bigla siyang lumingon sa akin.
I don't know if it I'm seeing this right but there's something off with his face. Ayaw ko sanang isipin ngunit hindi ko maiwasan.
Paano kung nandito siya ng para tapusin ang kung anong mayroon kami ngayon? Bigla akong nanlamig.
"Sorry," agad niyang sabi.
Para akong binagsakan ng langit matapos kung marinig iyon. So, tama ako?
He will end this right here?
Dito sa bahay namin?
Sa sala?
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis.
Matagal pa bago ko nahanap ang aking boses ngunit nang matagpuan ay masiyado naman pormal kung pakinggan.
"It's okay," kaswal na tugon ko like it's nothing.
When the truth is it's more than nothing.
Yung puso ko ay nadudurog at parang unti-unting tinatanggal sa aking dibdib.
Paulit na pinagsasaksak at binubudburan ng asin at binuhusan ng suka.
"Sorry about kanina. Sa hindi ko pagsipot. I just.."
He looked away before continuing.
"I don't know how can I explain this here. Come with me," he said with a pleading look in his eyes.
Anong nangyayari? Bakit kailangan kong sumama sa kaniya? Hindi ba at nakikipaghiwalay na siya sa akin na tinatapos na niya ang mayroon kami ngayon?
Siguro ay napansin niya ang pagtataka sa aking mukha at mali ang kaniyang pagkaintindi.
"I will just bring you to some place na akam kong magugustuhan mo," aniya. "Yun ay kung gusto mong sumama."
Kahit nagtataka ay nagpaalam muna ako sa kaniya na magpapalit lang ng damit.
Nagpaalam din ako kay kuya na may pupuntahan lang kami ni Kairo.
"Naks naman. May date kayo?" panunukso niya.
Hindi ko na lamang ito pinansin habang si Kairo ay tumawa. His voice was stiff na para bang pinilit niya lang tumawa dahil si Kuya ang kaharap niya.
Habang papalabas ay sinabi sa aking ni Kairo na dala niya ang sasakyan ng kaniyang mga magulang. And this time, nakapagpaalam na siya.
We silently entered the car. He opens up the door for me. Kung sa ibang pagkakataon lamang ito ay siguradong kinikilig na ako ngunit hindi ngayon. Dahil malalim ang aking iniisip.
Siguro ay naisip niyang hindi maganda na sa bahay siya makikipaghiwalay sa akin kaya naisipan niyang dalhin ako sa ibang lugar.
He started the engine of the car and when we started moving, napansin kong sa kasalungat na direksiyon kami papunta. Paakyat sa bundok. Tumingin ako sa kaniya ng nagtataka at napansin naman niya ito. Kahit hindi ko sinasabi ay alam niya ang laman ng aking isipan.
Saan kami pupunta?
"Trust me you'll love it," aniya.
Wala na siyang dinugtong pa rito kaya ay ang buong biyahe paakyat ay tahimik. Walang ni isa sa amin ang nagsalita, which is new. Palagi kasi kaming nag-uusap sa tuwing kami ay magkasama.
Alam kong 15 minutes lang naman ang tagal bago kami makarating dahil iyon ang kaniyang sinabi ngunit feel ko ay parang napakatagal tumakbo ng oras.
Hindi ko alam kung sinadya ba ito ng pagkakataon na pabagalin ang oras to prolong the moment kung kailan ako masasaktan? But I'm already hurting, bleeding inside kahit hindi ko pa naririnig sa kaniya ang linya kung saan sasabihin niya ang pakikipaghiwalay niya sa akin.
I'm not looking forward for that moment to happen. It just. Gusto kong mabilis nang matapos ito at makauwi na ako at maglugmok sa kwarto l. Magiging broken at mag-isa sa aking silid habang nakikinig ng kanta ni Taylor Swift.
When I thought hindi na matagal pa bago kami makarating ay doon tumigil ang sasakyan.
Una siyang lumabas ng sasakyan ako naman ay nagpaiwan muna. I wanted to compose myself before he spit the words in my face. The parting words I don't want to hear. Nang sa tingin ko ay maayos na ang aking nararamdaman, lumabas ako ng sasakyan.
Hindi pa man tuluyang naka baba ang buo kung katawan ay napamangha ako sa aking nakita.
Nandito kami sa mataas na parte ng bundok. Hindi namaj totally sobrang taas, iyong kayang maabot lang ng sasakyan.
Makikita ang buong bayan dito. Napapaligiran kami ng mga nagniningningang ilaw. Mas mabuti at mas maganda dito kaysa sa rooftop. Kitang-kita ang buong paligid.
"You love it?"
Tumingin ako sa kaniya.
"Yes."
Ngunit hindi ko gusto ang nais mong sabihin sa akin mamaya dahil alam kong ikakadurog ito ng aking puso.