bc

Clandestine Affair With The School Bully (Filipino)

book_age16+
144
FOLLOW
1K
READ
others
student
sweet
bxb
highschool
enimies to lovers
secrets
turning gay
affair
humiliated
like
intro-logo
Blurb

Jasper is a normal kid. Have a normal best friend. A normal life in school. And he likes it that way. He like the tranquility of normality school life brought him.

May mga nang-aapi rin naman sa kaniya ngunit hindi iyon dahilan upang maging hindi normal ang kaniyang buhay sa paaralan.

But when Kairo–another bully–transferred to their school, his life won't be no longer normal anymore. This bully is not like the other bullies, unlike the self-entitled heartthrob bully who once picks him. It is different. Guwapo, moreno at matangos ang ilong. Ilan sa mga katangian ng lalaki na kaniyang hinahangaan.

Ang akala ni Jasper ay madadagdagan na naman ang mang-aapi sa kaniya ngunit taliwas ito sa kaniyang iniisip. Naging kakampi niya ito at hindi lang kakampi naging magkasintahan pa.

Sinubukan nilang itago ang kanilang relasyon. Sa kadahilanang bawat isa ay may inaalala. Si Kairo, nababahalang mawalan ng kaibigan at baka itakwil siya ng kaniyang mga magulang. Si Jasper naman ay natatakot na baka mas lalong dadami ang mang-aapi hindi lamang sa kaniya ngunit pati narin sa kaniyang minamahal. Both acting like there is nothing between them. Mahirap, lalo na't ang lihim na tinginan sa bawat isa ay may dalang init at pagkasabik. Patagong pagkikita lamang sa rooftop ang oras na mayroon sila na kung saan ay isang pagkakataon upang magdampi ang kanilang labi.

Mga oras na may takda at hangganan.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Sa lahat ng bagay na pinaka ayaw ko ay ang gisingin ako habang natutulog. Sino ba ang gustong magising sa napakasarap mong panaginip? Muntik na akong mahalikan ng crush kong si Rhys Pickering ngunit natigil lamang dahil kay Janice. “Hoy, unang araw ngayon ng pasukan. Gusto mo bang mahuli?” sigaw ng matalik kong kaibigan. “Grade twelve na tayo, wag kang tamad.” Nakaugalian na niyang gisingin ako tuwing umaga kapag may pasok. At gagawin niya ang lahat upang maipatayo lamang ako sa aking kinahihigaan. Hindi ko alam kung may galit ba ang Diyos sa akin bakit niya ako binigyan ng ganitong kaibigan. O ‘di kaya ay sadyang wala na siyang maibigay na ibang tao kung hindi ay siya na lamang. Ngunit sa kabila niyan ay mapalad akong siya ang kasangga ko sa buhay. Libre ba naman ang pagkain tuwing recess ay ewan ko na lang kung itatakwil mo pa siya. “Leave me alone, Janice,” inaantok kong saad. “Tigilan mo’ko. Tayo!” Ibinuklat ko ang aking mata at natagpuan ko siyang nakapamewang habang ang kaliwang kilay ay nakataas. I know that expression. “Oo na. ‘Eto na.” Ayaw kong mawalan ng nag-iisang kaibigan kaya ay sumunod na lamang ako. Hinablot ko ang tuwalyang nakasabit sa upuan malapit sa mesang ginagamit ko tuwing may assignments at dumiretso sa banyo upang maligo. “Bilisan mo at kailangan pa nating hanapin ang ating silid,” rinig kong sigaw niya bago ko maisara ang pinto. “Sa labas ako mag-hihintay,” dagdag pa niya. Matapos ang halos tatlumpu’t limang minutong paghahanda ay sa wakas nakahanda na akong pumasok. Hay! Isang taon na namang paghihirap. Pero atleast, huling taon na. Hindi ko alam kung bakit nasasabik si Janice na bumalik nang sa katunayan ay aapihin lamang kami ng mga self-entitled heartthrob na mga mukhang aliping lalaki sa campus. Okay, not nice. Whatever. Nang handa na ay bumababa ako at diretsong pumasok ng kusina kung saan alam kong naroon si Janice. Alam na alam ko dahil sa loob ng sampung taon naming pagkakaibigan ay ni minsan hindi ko pa siya nakikitang tinanggihan ang pagkain. At kung pumupunta siya rito sa’min ay kusina agad ang kaniyang unang pupuntahan. Nakapagtataka ngang hindi man lamang siya tumataba; napapanatili parin niya ang magandang hubog ng kaniyang katawan. “Napakasarap naman po nito, tita,” rinig kong daing ni Janice. “Nako, hija. Salamat naman at nagustuhan mo. Oh, heto pa,” sagot ng aking ina. “Good morning, ma,” pagbati ko. Agad nilang napansin ang aking pag-dating. Pumunta ako sa kinaroroonan ni mama at humalik sa kanyang pisngi. Pumasok sa aking pandama ang amoy ng paborito kong ulam. Adobong manok! “Good morning din anak. Kumain kana at baka ma-late pa kayo.” Tiningnan ko ang oras sa aking relo at nakitang 7:26 a.m pa lamang, 8:00 a.m mag-uumpisa ang aming klase. “Oo nga, bilisan mo Jasper,” dagdag pa ni Janice. “Napaka-OA niyo naman. Mataas pa yung oras, puwede pa nga tayo mamasyal ng mall, ‘eh.” Inirapan lamang ako ni Janice ng may ngiti sa kaniyang mga labi. “Mas mabuti ng maaga kaysa mahuli. Iyan ang tandaan mo, Jasper,” singit ni mama. Nakita kong napatawa ng tahimik si Janice kaya ay binigyan ko siya ng masamang tingin. “Oo na po.” UNANG palapag at dalawang mahahabang hagdan pa lamang ay mahigit sampung protesta na ang narinig ko kay Janice. “Alam mo. Mas lalo ka lang mapagod niyan kung puro ka reklamo. Tumahimik ka na nga lang.” Matapos kasi naming makuha ang schedule at malaman ang room number namin ay reklamo na agad ang narinig ko sa kaniya. “Bakit kasi pang-apat na palapag pa. Puwede namang sa baba na lang, ‘di ba?” parang mangiyak-ngiyak niyang daing. “Oh, teka. Bakit sa’kin ka nagrereklamo? Bakit hindi kanina sa registrar’s office?” Matalim na tingin ang nakuha ko sa kaniya kaya ay tumahimik na lamang ako. Sa wakas ay narating din namin ang pang-apat na palapag. Nakatayo kami ngayon sa harap ng pintuan kung saan nakasulat ang numerong 132; ang magiging silid namin sa loob ng isang taon. Agad kaming pumasok at naghanap ng maupuan. Konti pa lamang ang mga tao sa silid, sa tantiya ko ay siyam pa lamang ang nandito, labing-isa kung kasali kami ni Janice. Makaraan ang ilang minuto ay unti-unting napupuno ang mga bakanteng upuan. At matapos pa ang ilang sandali ay tumunog na ang first bell. Hudyat nang pag-uumpisa ng klase. Hindi katagalan ay may pumasok na babaeng may edad na. Hindi pamilyar ang kaniyang mukha, kaya ay naisip kong baka siya ay bago pa lamang dito. May hawak itong libro at puting plastic envelope; nakasuot siya ng isang bilog na salamin. Ang kaniyang suot na damit ay mabulaklakin at hanggang binti. Tunog ng kaniyang takong lamang ang maririnig na ingay. “Good morning, class. I’m you’re new Practical Research teacher. Ako ang magtuturo sa inyo sa loob ng isang taon,” panimula niya. Kumuha siya ng black marker at may isinulat sa white board. Felecidad Via Blanca “You can call me, Mrs. Via,” pagpapakilala niya. May kinuha siyang papel sa loob ng plastic envelope na kaniyang hawak at tinitigan ito. “If I call your name, please go in front and say something about yourself,” dugtong pa niya. A chorus of yeses erupted. Nag-umpisa na siyang magbasa at tumawag ng mga pangalan. Sa loob ng isang oras ay wala na kaming ibang ginawa kung hindi ay ang magpakilala kahit na ang iba sa amin ay magkakilala na. Nang tumunog ang bell para sa susunod na asignatura ay niligpit ni Mrs. Via ang mga gamit niyang nasa mesa. “Please read page 19 to 26 of your book in advance. We will be having a small quiz tomorrow,” sabi niya bago siya umalis. Mahihinang protesta ng pagkadismaya ang karamihan na binitawan ng aking mga kaklase, isa na rito si Janice. Nang makalabas si Mrs. Via ay sabay-sabay na atungal ang pinalaya ng halos lahat. “Can you believe that? First week pa lang ng pasukan may quiz na?” pagrereklamo ni Janice. Mababakas sa kaniyang mukha ang pagka-inis. Kahit ako ay hindi maiwasang malungkot. I was expecting some tenuous week but I guess it won’t be happening.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
385.9K
bc

NINONG II

read
631.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook