Chapter 9

2365 Words
It's already 9:46 P.M at mag-isa ako ngayon sa rooftop ng senior high building. Ayaw kong makisabay sa kasiyahan ngayon sa loob ng gym. It was our acquaintance party. Lahat ng mga estudyante ay nagsasaya ngayon ngunit hindi ko alam kung bakit wala ako sa mood makihalubilo sa kanila. Nagpaalam ako kanina kay Janice na magpapahangin lang at dito nga ako dinala ng aking mga paa. Buti na lang hindi naka-lock ang pinto rito sa taas. Buti na lang din at may kasama si Janice kanina nang iwan ko siya. Mga kaibigan niyang kasapi rin ng school paper. Dahil kung wala ay siguradong nagtitiis ako ngayon doon. Hindi nga sana siya papayag ngunit nang mapansin niyang hindi ko ramdam ang pumunta rito ay pumayag din siya. Alam ko kung ano ang iniisip ni Janice ngayon, na napipilitan lamang akong pumunta ng party dahil sa kaniya. Ngunit hindi iyon ang totoo. Pumunta ako rito hindi dahil gusto kong mag-party kundi kagustuhan kong samahan siya. Ayokong pupunta siya rito na mag-isa. Ano pa't naging mag-bestfriend kami kung hahayaan ko siyang pumunta sa mga kaganapang gusto niyang puntahan. Nais ko na sanang umuwi ngunit hindi ko magawang iwan si Janice na mag-isa. Sabay kaming pumunta rito kaya ay dapat sabay rin kaming umuwi. Pinagmamasdan ko ang mga ilaw na galing sa mga iba't-ibang establisyemento na nakapalibot ng school. Marahas ngunit nakakaginhawang malamig na hangin ang dumadampi sa aking pisngi na nagpapagaan sa aking nararamdaman. Pumikit ako at dinamdam ang sensasyong dulot nito. Minsan ko lang maramdaman ang ganitong pakiramdam. Ang mapayapang pakiramdam. Sa aking pagmumuni-muni ay bigla akong nagulat nang tumunog ang aking phone. Tiningnan ko kung sino ang tumawag ngunit number lang ang nakalagay. Dahil hindi ako sumasagot ng mga tawag na hindi naka-rehistro sa aking phone kaya ay pinatay ko ito. Wala pa mang ilang segundo ang lumipas ay tumawag ito ulit. Because of my curiosity I answered the call. Narinig kong malakas na bumuntong hininga ang tao sa kabilang linya. "Where are you?" nagulat ako nang marinig ko ang boses na nagsalita at makilala ito. Ang minsang dumadalaw sa aking isipan. Si Kairo. Saan at paano niya nakuha ang number ko? Wala akong maalalang binigay ko ito sa kaniya. Maliban kay mama at Janice, wala na akong ibang binigyan ng aking number. "Janice gave me your number," he said confidently na parang nababasa niya ang katanungan sa aking isipan. Bakit naman ibibigay ni Janice iyon? Kailan man ay hindi basta-basta binibigay ni Janice ang aking number kani-kanino lang. Iyon ang isa sa mga pinagkasunduan namin. Maliban na lang kung nasa kapahamakan ang isa sa amin. Hindi ko alam kung bakit nagtiwala agad si Janice sa kaniya. Sa pagkakaalala ko wala siyang tiwala kay Kairo noon. She even said he's dangerous. "Bakit ka napatawag?" nagtatakang tanong ko. "She's worried about you kanina ka pa niya tinetext ngunit wala ka man lang reply ni isa sa mga text niya. Wala siyang pantawag kaya sa'kin siya lumapit." Sa dinami-raming kilalang tao ni Janice bakit kay Kairo pa? Hindi ko alam kung bakit. "Where are you?" ulit na tanong niya. Wala na akong nagawa at sinabi ko na lang sa kaniya ang kinaroroonan ko. Tiningnan ko ang aking phone at nakitang may thirteen unread text messages na galing kay Janice. Hindi ko man kang napansin, kanina pa pala ito. Matagal na pala akong nakatitig sa magandang tanawin dito sa taas. I feel guilty for making her worried. Ba't kasi naka-silent ang phone ko. Narinig kong bumukas ang pinto ng rooftop kasunod nun ay ang mga yabag ng paa na papalapit sa akin. Madali lang akong makita dahil sa liwanag ng buwan kaya hindi na ako nagsalita pa upang malaman niya kung nasaan ako. Alam ko rin naman kung sino ang pumasok. "What are you doing here?" baritonong boses na tanong ni Kairo. "Nagpapahangin lang," sagot ko. Naramdaman kong umupo siya sa aking tabi. Nalanghap ko na naman ang amoy niyang natutunan ko ng mahalin. Walang may nagsalita sa aming dalawa. Dinadamdam ang bawat isa. Nanatili kaming ganito ng ilang minuto ngunit napagpasyahan kong tumayo para makabalik na sa gym dahil alam kong kanina pa naghahanap si Janice sa akin. Ngunit hindi ko pa man nagagawa ay biglang hinawakan ni Kairo ang aking balikat. "Wait," mahinang sambit niya. "Let's just stay like this for a moment." Malumanay ang kaniyang boses nang sabihin niya ito. Magrereklamo pa sana akong kailangan ko nang makabalik kay Janice ngunit naunahan niya na ako. "I already texted her that you're now with me." Bumalik ako sa maaayos kong pagkakaupo. Namayani ulit ang katahimikan sa aming dalawa. Narinig ko siyang nagbuntong hininga kaya tumingin ako sa kaniya. "You okay?" kaswal na tanong ko. Saglit siyang lumingon sa akin ngunit agad niya rin itong iniwas. "I just want to..." Hinintay ko siyang magsalita ng ilang sandali. I'm curious of what he's going to say. Ngunit parang wala na siyang balak sabihin ito dahil sa tagal ng pagtikom niya ng kaniyang bunganga. Alam kong may sasabihin siya sa'kin kaya humarap ako sa kaniya. I tried catching his eyes ngunit palagi niya itong iniiwas. "What, Kairo? Say it," I said. Iniisip kong nagkaroon na siya ng lakas ng loob dahil huminga siya ng malalim at umupo ng tuwid ngunit iyon pala ay para tumayo. "Nevermind. Let's just go," aniya. I don't but I feel disappointed with his response ngunit hinayaan ko na lamang siya. Nang makatayo kaming pareho ay akala ko bababa na kami ngunit kaniyang hinila ang aking braso at iniharap ako sa kaniya. Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang makita ko ang kaniyang madilim at malalim na tingin. I got turned on with this kind of look he always pulled. His eyes got darker every single second that passed when I stare right through it. Nagulat ako nang ilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Ngunit may nalalaman na ako kung anong kasunod na mangyari kaya ay pinikit ko na lamang ang aking mata at hindi nga ako nagkakamali dahil ilang saglit pa lamang ay naramdaman ko na ang kaniyang malambot na labi na lumapat sa akin. We shared an intimate and passionate kiss under the moonlight. Ang romantic sana isipin kung mayroon lang kaming relasyon. Pero sino ba naman ako para hilingin ang bagay na iyon. He's perfectly good looking and I'm not. He's got a lot of girls piling up to choose if he want a relationship. Bakit siya mananatili sa isang tulad kong bakla? With that thought, I withdraw from his enticing lips. Wala pa akong pinagsisisihang nagawa buong buhay ko ngayon pa lang. Withdrawing from that kiss is like pulling out all the air from my lungs. "Is there something wrong?" nagtataka niyang tanong. "N-nothing," kaswal na sagot ko ngunit lumabas parin ang panginginig ng aking boses. I hope he didn't notice. Inilapit niya ulit ang kaniyang mukha sa akin and for the first time in my life gusto kong sumubok ulit. And so I did. I don't know what happened ngunit siya naman ang umurong. I felt embarrassed. Did he realized that he didnt like me kissing him? Or did he realize he's kissing guy and got disgusted? "Let's go. Janice probably wondering where we are." Habang pababa ay alam kong iniiwasan niya ang mapatingin sa akin dahil hindi siya sumasabay sa aking maglakad. Hindi ko alam kung bakit naging ganito. Pagkatapos kasi ng halik kanina ay bigla siyang nailang sa akin. Iniiwas niya kasi ang kaniyang tingin. Nasa hulihan siya at napakalayo ng aming agwat sa isa't-isa. Alam ko ring sinasadya niyang magpahuli. Hinayaan ko na lamang siya. Nang makabalik sa gym ay hindi ko napansing di na pala sumusunod si Kairo sa akin. Nalaman ko na lang nang lumingon ako sa aking likuran at hindi siya makita kaya ay hinanap ko na lamang si Janice. Nandoon parin siya sa mesa kung saan ko siya nakita nang umalis ako pero wala na ang mga kasamahan niya kanina. Nakita ko siyang may kausap na lalaki sa isang mesa. Gusto ko sanang lumapit sa kaniya para mag-ayang umuwi ngunit pinigilan ko ang aking sarili dahil ito ang unang beses na nakita ko siyang may kausap na lalaki. Base sa kanilang kilos ay parang magkakaroon pa sila ng romantic relationship. Maghahanap na sana ako ng mesang pwedeng mauupuan ngunit nakita ako ni Janice at kumaway siya sa akin. Nag-aalangan akong lumapit sa kanila dahil ayokong maistorbo ang kung ano mang pinag-uusapan nila. Baka napalalim na ang kanilang usapan ngunit natigil lang dahil sa akin. Alam kong guwapo ang lalaking kausap niya sa malayuan pero iba parin talaga kung sa malapitan. He's got this perfect white teeth and perfect enticing smile. Ang kaniyang buhok ay maayos na nakasuklay at ang kaniyang mapupungay na mga mata ay nakadagdag lang sa kaniyang nakaka-attract na mukha. "Hey, Darryll. This is my bestfriend, Jasper. Jas, this is Darryll," pagpapakilala ni Janice nang marating ko ang kanilang mesa. Tumaas ang kaliwa kong kilay. Bakit parang maingat ata magsalita si Janice ngayon. Gone was the loud voice she always use everytime she talks. I wonder why. Tumayo si Darryll at inalay ang kaniyang kanang kamay sa akin. Ibinalik ko ang ngiti at tinanggap ang kaniyang kamay. Malambot din ang kaniyang kamay. "It's nice to meet you. I've heard a lot about you," aniya sa akin habang nakangisi. "All good I hope," sabi ko na lalong nagpangisi sa kaniyang. Ang kaniyang maamong mukha ay parang nabahiran ng kaunting kalokohan. He shrugged his shoulder kaya bigla akong tumingin kay Janice at natagpuan siyang umiiling. Bigla kaming nagtawanan. Umupo ako sa gilid ni Janice but I put distance between them. I don't want to hear whatever they're talking kasi pag-uusap nila iyon. Tumingin ako sa paligid at sana pala hindi ko ginawa. My sight landed on the scene I don't want to see. I saw Kairo and Nicole kissing. Parang may binaong punyal sa aking puso sa nakita. What makes it even worse was that they look good together. Malayo sa nai-imagine kong halikan namin ni Kairo. I drew the breath I didn't know I'm holding. Umiwas ako ng tingin ngunit bumabalik parin sa kanila. Is this what brokenhearted people felt? I mentally laughed. Bakit naman ako nasasaktan gayong wala namang kami ni Kairo? He can do whatever he wants to do. Tumigil lamang sila nang sitahin sila ng nakikilala kong isa sa mga guro ng senior high. Kung walang gurong sumita siguro ay patuloy iyon. Pinakita lang sa akin how unfair for us gays when we want have that kind of thing. Dapat ay tago dahil siguradong maraming sisita kahit hindi guro. Walang gustong sumuporta 'cause they thought it was disgusting. Naiisip ko minsan maybe people around me tolerates me for who I am and never really accepted the real me. Well, maliban kay Janice. I can see and feel the genuine support she always give me. And she really accepted who I am. Minsan nga siya pa naghahanap ng mga lalaki para sa akin na ikawindang ng buong pagkatao ko. Lahat ng lalaki kasing nakakasalubong namin ay ipinakilala ako. Pero noon yun dahil hindi niya pa alam ang standards ko sa lalaki. See, I even have standards na siguradong hindi makapagbibigay sa akin ng boyfriend. I'm sure of that. IT'S already late kaya ay tinapos na ng mga nag-oorganisa ang programa. Buti na lamang dahil kanina pa ako gustong umuwi. I'm craving the warm comfort of my duvet. Gusto ko ring itulog ang mga nangyari at nakita ko kanina baka sakaling makalimutan ko paggising ko kinabukasan but I doubt it. Imposibleng mangyari kahit pa maglaan ako ng oras matulog ng tatlong araw. Yung sakit na naramdaman ko kanina ay sure akong babalik kapag makita ko silang dalawa na magkasama. Nagpaalam muna si Darryll sa amin bago siya tumungo sa kaniyang sariling sasakyan. He hugged and kissed Janice cheeks na nagpataas ulit ng aking kilay. Unang pagkakataon itong nangyari kay Janice at unang pagkakataon din ito nangyari sa aking harapan. Nang nasa loob na kami ng sasakyan ay biglang tumili si Janice. Napatakip na lamang ako ng tenga. "Ang gwapo niya talaga," sigaw niya na nagpairap sa akin. Kahit hindi niya sabihin, alam ng mga nakakakita kung gaano kagwapo si Darryll. Kahit nga siguro bulag ay alam na gwapo siya. Hindi lang kasi sa pisikal na anyo ang kagwapohang taglay ni Darryll pati rin sa kaniyang kalooban. "Oo, alam ko yun. Nakikita ko naman," nakangiting tugon ko. Natutuwa akong makitang ganito si Janice. Sana nga ay magtuloy-tuloy na dahil minsan lang ganito si Janice. Bilang kaibigan ay wala akong ibang hiling kundi ang kasiyahan niya. Bumalik sa aking isipan ang naganap kanina sa rooftop. Ano kaya ang iniisip ni Kairo. Probably, it's Nicole. Siguro nga ay magkasama silang dalawa ngayon. Gusto kong malaman. Gusto kong alamin kung nagustuhan niya rin ba ang halik kagaya ko. Kung pumipintig din ba ang kaniyang puso gaya ng pagpintig ng aking puso tuwing maglapat ang aming mga labi. Gusto kong alamin kung umiinit din ba ang kaniyang katawan at puso nang maramdaman niya ang aking halik. Ha! Who am I kidding? Of course hindi. Siguro nga ay nandiri iyon dahil nakipaghalikan siya agad sa babae. Nung unang halik siguro namin ay yun din ang ginawa. And why the hell did it hurt me. I don't have the right to. He's just a random person I kissed nothing more, nothing less. At siguro ay na-curious lang siya nung uba kaya sinubukan niya ulit kong nagustuhan niya. Chinecheck lang siguro niya ang kaniyang kasarian. And why does it hurt even more? Damn! I need to stop thinking about him for a minute. Dahil siguradong sasabog na ang ulo ko kakaisip sa kaniya. And it's not healthy anymore. Sa aking pag-iisip ay hindi ko namalayang nasa harap na pala kami ng aming bahay. "Kanina pa ba tayo dito?" tanong ko kay Janice. "Oo," nakangising sagot niya. "Anong iniisip mo? Bakit ka nawala kanina? Anong ginawa niyo ni Kairo?," sunod-sunod niyang tanong na nagpainit ng aking pisngi. "Wala," agad kong sagot. Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan at nagpaalam kay Janice dahil ayokong sagutin ang kaniyang mga katanungan. Halakhak ni Janice ang aking narinig bago ko isinara ang pinto ng kaniyang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD