Chapter 8

2510 Words
"Nako, sakto. Naghahanap si Papa na tutulong sa kaniya sa shop," sabi ni Janice. Nasa loob kami ngayon ng isang fastfood chain ng isang mall, kumakain. Dahil sa pagod namin ay biglang nag-aya si Janice na kumain. Kanina pa kasi kami naglilibot dito sa loob. Naghahanap ng mga gamit ni Kuya na maaari niyang gamitin sa loob ng kaniyang kwarto. Sumasakit narin ang aking binti sa kakalakad. Habang kumakain ay napag-usapan namin kung saan maaaring makapagtrabaho si Kuya. Naghahanap kasi siya ng trabaho ngayon upang makatulong kay mama sa mga gastusin sa bahay at para makapag-ipon na rin. Gusto sana siyang ibalik ni Mama sa pag-aaral ngunit hindi siya pumayag. Magtatrabaho na lamang daw siya upang makatulong kay mama. Gusto niya rin sanang ipatigil si Mama sa pagtatrabaho dahil matanda na raw ito ngunit umayaw si Mama. Sayang daw ang oppurtunidad na makapagtabaho pa siya ng maayos. Titigil na lamang daw siya kung hindi niya na kaya ang gumalaw at magbuhat ng mga pots sa flower shop. Ayaw niya rin kasing iwan si Aling Ivy na mag-isa lalo na't may sakit na ito at walang nagkakainteres na magtrabaho roon. "Sa shop niyo? Oo ba, pupunta ako mamaya," aniya. Mababakas ang tuwa sa kaniyang mukha nang sabihin niya iyon. Nabaling ang aming usapan kung saan ang sunod naming pupuntahan. Habang nag-uusap ay may biglang lumapit sa amin na may hawak-hawak na tray. Si Liam. Nahihiyang nakatungo ang kaniyang ulo. "Pwede ba akong umupo rito?" nahihiyang tanong niya. Halatang hindi siya sanay na makipag-usap dahil sa higpit na pagkakahawak niya sa tray. "Wala na kasing bakanteng upuan." Inilibot ko ang aking paningin at oo nga, punuan ang lugar. Buti na lang at sa mesang may apat na upuan kami umupo. Ito na lang din kasi ang natirang hindi okupadong mesa nang pumasok kami kanina. "Oo naman," sagot ko. Ngumiti rin si Janice sa kaniya. "Kumusta, Liam?" aniya. Napansin kong namula ang kaniyang pisngi. Mabagal siyang pumunta upang umupo sa bakanteng upuan. At dahil sa katabing upuan ni Kuya ang walang gumagamit kaya ay doon siya umupo. "Okay naman," utal niyang sabi habang tumitingin kay kuya ngunit bigla rin namang iniiwas. "Ahhh, Liam. Kuya ko nga pala. Si Kuya Ezekiel, kuya si Liam, kaklase ko," pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. Napansin kong namula ang tenga ni Kuya nang titigan siya ni Liam. Ngunit binalewala ko iyon. "Hi po," nahihiyang sambit ni Liam habang inaalay ang kanang kamay. Kuya gladly accept and shook it. "It's nice to meet you," aniya. Nagpatuloy kami sa pagkain ngunit ang kaninang maingay na mesa dahil sa masayang usapan ay biglang humina. Kaming dalawa na lang kasi ni Janice ang nag-uusap. Alam kong hindi naman gaano nagsasalita si Liam kaya naiintindihan ko. Nakapagtataka lang na biglang natahimik si Kuya, siya kasi ang nangunguna sa usapan kanina. Hindi ko alam kung bakit naging awkward. Kaya ay ipinagpatuloy ko na lamang ang aking pagkain. I'm almost finished nang kinuha ni Kuya ang kaniyang phone sa mesa at tumayo. "Excuse me, tatawagan ko lang ang girlfriend ko," paalam niya. Oo nga pala, may girlfriend si Kuya Ezekiel. Matagal na silang magkarelasyon ni Ate Melanie. Kahit nang makulong si Kuya ay hindi nila itinigil ang kanilang relasyon. Nangako kasi si Kuya na kapag lalabas siya sa kulungan ay papakasalan siya nito. At yun nga nang makalabas si Kuya ay sobrang tuwa ni Ate Melanie ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa naririnig galing kay kuya na inalok na niya ito ng kasal. Siguro ay mag-iipon muna si Kuya. Kaya siguro gustong-gusto ni Kuya na makahanap agad ng trabaho. Nang makaalis si Kuya ay narinig ko ang pagbitaw ni Liam ng pinipigilang hininga. Na parang si Kuya ang dahilan kung bakit hindi makahinga ng maayos. Hindi ko alam kung tama ang interpretasyon ko sa mga nangyayari kaya tumingin ako kay Janice kung napansin niya rin ito ngunit parang hindi. Siguro ay imahinasyon ko lamang iyon. Nang matapos kaming kumain ay hindi parin nakabalik si Kuya. Ang tagal naman ng usapan nila. Tatayo na sana ako para hanapin siya ngunit biglang tumunog ang aking cellphone. Sa labas ko kayo hintayin. Sabi niya sa text. Sinabi ko iyon kay Janice kaya sabay na kaming lumabas kasama si Liam ngunit naghiwalay rin naman kami nang makalabas dahil may bibilhin pa raw siya. Dumeretso kami sa parking lot kung saan naroroon ang sasakyan ni Janice. Nasa loob na rin ng sasakyan ang mga gamit na binili namin kanina. Bago kasi kami kumain ay pinasok muna namin sa sasakyan ang lahat ng mga gamit upang hindi na kami mahihirapan kung maisipan naming umuwi agad. Nang makarating kami ay nakita namin si Kuya na nakasandal sa sasakyan. Napansin niya kaming papalapit at bigla siyang umayos ng tayo. Tumitingin siya sa aming likuran na parang may hinahanap. "Tara na?" aniya na parang hindi mapakali. Tumingin ulit ako kay Janice kung napansin niya ba ngunit kagaya ng kanina ay parang hindi. "Akala ko ba may bibilhin ka pa?" nagtatakang tanong ni Janice. "Sa susunod na araw na, pupunta kasi ako sa bahay nina Melanie mamaya." Buti naman at uuwi na. Nakakapagod kasing maglibot sa loob ng mall. Dahil kung hindi oa kami uuwi ay siguradong mauuna talaga ako sa kanila. Pumasok kaming lahat habang si Kuya ay pumuntang driver's seat. Napag-usapan kasi naming siya ang nagmamaneho. Katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan habang binabaybay namin ang daan pauwi. Kabaliktaran ng biyahe kaninang papunta pa kami. Maingay kasi kami kanina. Sumasabay pa nga sa musika na naka-play sa speaker ni Janice. Nang sa wakas ay narating na namin ang bahay agad naming ibinaba ang mga binili at tulong-tulong naming binuhat paakyat ng kwarto ni Kuya ang mga ito. Nakadalawang balik kami buti na lang at tinulungan kami ni Janice dahil kung hindi ay paniguradong ilang beses kami ni kuya na babalik. Wala si Mama ngayon kahit sabado dahil araw-araw siyang pumapasok sa trabaho. Nilagay muna ito Kuya sa gilid ng kaniyang kwarto dahil bukas pa raw niya ito iaayos kaya dumiretso na lang kami ni Janice sa aking silid habang si Kuya ay naghahanda para pumunta sa bahay ni Ate Melanie. Ipapahiram sana ni Janice ang sasakyan niya ngunit tumanggi si Kuya, sabi ay mag tricycle na lang daw siya. Pagkapasok namin ni Janice sa kwarto ay bigla niyang sinara ang pinto ng kwarto at malakas na hinampas ang aking braso. "Aray! Bakit?" nakangiwing tanong ko. Minasahe ko ang parteng kaniyang tinamaan. "Ikaw, baliw ka talaga, e. Hindi ka marunong umarte na parang wala lang. Tumitig ka pa talaga sa kaniya na nakakunot ang noo," mahina ngunit may diin niyang sinabi. "Anong pinagsasabi mo?" nagtatakang tanong ko. Bigal-bigla na lang kasing manghampas at magsasabi ng mga katagang hindi ko maintindihan. Napabuntong hininga na lamang siya at napapunas sa kaniyang mukha. Tumitig muna siya sa akin ng ilang segundo bago nagsalita. "Kanina kay kuya Ezekiel nang dumating si Liam," sabi niya. "At oo, napansin ko yun, magaling lang talaga ako magtago ng emosyon di tulad mo." Nanlobo ang aking mata nang marinig ko yun mula sa kaniya. So, hindi lang pala ako ang nakapansin, siya rin pala. "Napansin mo rin?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Oo, kanina pa nang ipakilala mo silang dalawa," sabi niya habang umiirap. "Tingin mo nagkagusto si Kuya kay Liam?" "Yang bunganga mo. Baka marinig ka," sabi niya sabay takip sa aking bunganga. Oo nga pala, magkatabi lang yung kwarto namin ni kuya. Kapag hindi ko hihinaan ang aking boses ay siguradong maririnig ako sa kabila. "Sa tingin mo?" tanong ko ulit ngunit ngayon ay mahina na. "I don't know. Let's not jump into a conclusion baka naa-awkward lang si Kuya Ezekiel kanina. Hindi natin alam," sabi niya. "At saka straight yun, remember?" "May punto ka," I agreed. Tama nga naman. Kung hindi galing sa bunganga ni kuya ay dapat hindi ako mag-isip ng ganoon. At saka tama si Janice, straight si Kuya. Kaya nga may girlfriend siya, e. Baka nga na-awkward lang siya kanina. Kung ano ang dahilan ay hindi ko alam. Who knows? Nanood na lang kami ni Janice ng movies, mamaya pa raw kasi siya uuwi. Ngunit nang dumating ang bandang hapon ay napagpasyahan na niyang umuwi, tumawag narin kasi si Tita. May pupuntahan raw sila. Kung saan ay hindi ko alam, hindi naman nagsabi si Janice. Hinatid ko siya sa labas at humalik sa kaniyang pisngi bago siya umalis. Agad akong bumalik ng kwarto. Katahimikan ang namayani sa aking paligid pati narin sa aking isipan. Ngayong wala na si Janice ay hindi ko alam kung anong gagawin. Si Kairo kaya, ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Damn, Kairo again. I don't know why but when everytime I am alone palaging si Kairo ang nasa isipan ko. Hindi rin mawala-wala sa aking isipan ang mga pagkakataong magdampi ang aming labi. Hindi ko pa nasasabi kay Janice ang nangyari hindi dahil ayaw ko kundi natatakot akong ano ang kaniyang iisipin. Sa dalawang beses kasi na nangyari ang halik na iyon ay hindi ko man lang magawang maitulak si Kairo. "TINGIN mo bagay sakin?" tanong ni Janice habang tinitingnan ang sarili sa malaking salamin dito sa loob ng boutique. Pumipili kami ngayon ng damit na para sa kaniyang susuotin bukas. Acquaintance party na kasi at black & white ang na naisipan nilang theme. Kahit anong isusuot basta't nasusunod ang theme ay okay lang kaya iyong longsleeve at slacks na lang na meron ako ang isusuot ko. At saka hindi naman ako interesado sa mga ganitong event, hindi tulad ni Janice na kung makapili ay parang relative ng royal family. Well, hindi ko siya masisisi. Ang standard kasi ng pagiging maganda sa school namin ay ang pagsuot ng magagarang damit. Kaya kapag may mga ganitong event na gaganapin sa school, asahan mong parang fashion week ang magaganap. Hindi lang din naman kasi mga babae ang may magarbong kasuotan pati na rin ang ibang kalalakihan. May ibang lalaki namang hindi gumagaya, tulad ko. Ngunit mabibilang lamang. "Oo," tugon ko. Hindi ko alam kung bakit ako ang dinala niya rito, alam naman niyang wala akong alam tungkol sa fashion. Obvious naman kasing ako lang ang kaibigan niya kaya syempre ako lang talaga ang palaging makakasama niya. Kaibigan ko siya at handa akong samahan siya sa lahat ng bagay maliban sa pagpili o tuwing bibili siya ng damit. Kaninang alas nuwebe pa kasi kami rito at alas onse na ngayon nandito pa rin kami. Nagugutom na rin ako. Kanina pa tumutunog ang aking sikmura. "Yan din ang sagot mo kanina. Pang-sampong damit ko na ito, oo parin naririnig ko mula sa'yo," sabi niya habang ang mukha ay naka busangot. "Hindi ko alam kung sumasang-ayon ka lang dahil kaibigan mo ako o dahil baka nababagot kanang nakaupo riyan." "Bagay naman kasi sayo lahat," I said sincerely. "At ba't mo pa kasi ako tinatanong, e, palaging ikaw naman ang masusunod." Inirapan niya lamang ako. Totoo, lahat ng damit na sinuot niya kanina ay bagay sa kaniya. Hindi ko nga alam kung anong pinagkaiba ng kaninang nauna kaysa ngayon. Maliban sa kulay ay sigurado akong pare-pareho lang ang mga iyon. "Hindi, e. Mas maganda itong sa ngayon. Di'ba?" nakangiti niyang sabi habang nagpo-pose sa harapan ko. "Eto na lang kukunin ko, mas bet ko 'to." Lumapit sa amin ang isang sales lady na babae matapos tawagin ni Janice. Lavinia ang pangalang nakalagay sa kaniyang name plate. Magalang itong bumati sa amin. Sinalubong niya kami ng kaniyang matatamis na ngiti. "Kukunin ko po ito ate," aniya rito. May kinuhang papel sa bulsa ang sales lady at may sumulat siya rito. Pagkatapos ay ibinigay niya ito kay Janice. "Okay po ma'am. Pakibigay na lang po ito sa counter kasama po ang p*****t ninyo," magalang na sabi ni Lavinia. Pumunta si Janice sa cashier at agad na nagbayad habang nilalagay ng sales lady ang damit na binili niya kanina sa lalagyan. Nakahinga ako ng maayos nang makalabas kami ni Janice. Dalawang oras ba naman akong nakaupo kanina. Buti na lang at nakapili na si Janice ng gusto niyang suotin dahil kung hindi pa ay siguradong mamakarinig na siya ng unang reklamo sa akin. Ni minsan kasi ay wala pa siyang naririnig na reklamo sa akin. Maliban na lang siguro kapag ginigising niya ako tuwing umaga. Ayaw na ayaw ko iyon. "Kain muna tayo bago umuwi," aniya. Sinubukan naming kumain sa isang chinese restaurant. Matagal na kasi naming gustong kumain dito ngunit walang pagkakataon. Buti at hindi punuan kaya nakahanap agad kami ng pwesto. Si Janice ang nag order para sa aming dalawa. Kung anong bibilhin niya ay ganoon na rin sa akin. We decided to head home when we finished eating. Ngunit dadaan muna kami sa pinagtatrabahuhan ni Mama. May ipinabili kasi siya sa aming gamot para kay Aling Ivy, nagkasakit daw kasi siya ayon kay mama. Nasa labas na kami ng shop. Nakita namin si Mama na nag-e-entertain ng kostumer sa labas kaya nilapitan namin ito ni Janice. "Ma, heto na po ang gamot na pinabili niyo," pambungad ko. "Nako, salamat anak. Naubusan kasi ng gamot si Ate Ivy," aniya. Ate ang tawag ni Mama kay Aling Ivy. Ma'am naman kasi ang tawag ni Mama sa kaniya noon ngunit hindi iyon gusto ni Aling Ivy kaya ay naisipan niyang ate na lang ang itawag sa kaniya. Dahil sa tagal nang nagtatrabaho ni Mama rito ay naging malapit na magkaibigan sila. Walang pamilya si Aling Ivy. Wala kasi siyang mga anak. Bagong kasal pa lamang siya nang mawala ang kaniyang asawa at hindi na naisipan pang mag-asawa muli. Galing din kasi siya sa isang orphanage kaya hindi niya alam kung may mga kapatid ba siya o wala. Si Mama narin ang nag-aalaga sa kaniya simula nang magkasakit siya. Nagkakilala silang dalawa sa simbahan noon nang mapulot ni Mama ang nahulog na pitaka ni Aling Ivy. Doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Tumutulong lamang si Mama noon sa kaniya dito sa shop nung nabubuhay pa si Papa pero nung namatay ay naisipan ni Aling Ivy na pagtrabahuhin na lamang si Mama ng full-time. Inako na rin ni Aling Ivy ang pagpapaaral sa akin kahit na binibigyan niya naman ng sahod si Mama. Para na lamang daw ang sahod na kaniyang binibigay sa mga gastusin namin sa bahay. "Kumusta na po siya ma?" tanong ko kay mama. Mukhang napapadalas na kasi ang sakit ni Aling Ivy ngayon. "Okay na naman siya ngayon, nakapagpahinga na rin kasi," sagot niya. Bumaling siya kay Janice at ngumiti rito. "Kumusta si Bernadette, iha?" "Maayos naman po tita, mukhang nagiging active na po siya ulit. Nagsisimula na kasi siyang magtanim ng mga bulaklak," natutuwang sagot ni Janice. "Oo, napansin ko nga. Pumunta kasi siya rito kahapon upang bumili ng bulaklak," nakangiting wika ni Mama. "Ikamusta mo ako sa kaniya." "Opo tita." Agad kaming dumeretso ng bahay pagkatapos maibigay kay mama ang gamot. Bigla akong humiga nang makapasok ako ng kwarto. Umuwi na rin naman kasi si Janice, may pupuntahan na naman daw sila ni Tita. Dahil sa pagod ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako nang gisingin ako ni Kuya upang kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD