Nadatnan kong nakaupo sa harap ng T.V si Kuya nang makapasok ako ng bahay. Nanonood siya ng basketball, ang paboritong laro niya simula pa noon. Tinuturuan pa nga niya kami ni Janice noong mga bata pa lamang kami. Isa iyon sa mga hindi malilimutang pangyayari sa aking buhay dahil iyon ang naging dahilan kung bakit naging close kami ni Kuya.
Noon kasing limang taong gulang pa lamang ako ay hindi niya ako pinapansin. Na para bang wala ako sa paligid. Sinabi sa akin ni Mama noon na kapatid na babae ang gusto ni Kuya.
Excited nga siya noon nang ipinagbubuntis pa lamang ako. Hindi kasi inalam nina mama at papa ang aking kasarian noon habang nasa tiyan pa lamang ako. Para daw sorpresa.
Si Kuya ay babae ang kaniyang hula dahil iyon daw ang kaniyang gusto. Ngunit nang mailabas ako at nalaman niyang lalaki ay nadismaya siya. Ni kahit pagbabantay sa akin ay hindi niya ginawa kaya kapag may lakad sina mama at papa ay kay Aling Ivy nila ako iniiwan.
Nagbago ang lahat nang pinakialaman ko ang bolang tinatago ni Kuya sa basement. Inaya ko si Janice na maglaro noon. Hindi ko pa alam ang tawag sa larong basketball noon. Nakikita ko kasi si Kuya na tinatapon ito sa posteng may nakalagay na ring kaya na-curious ako at gusto kong subukan. Sa ilang beses kong sinubok na kunin ay iyon pa lang ang pagkakataon na nasisiguro kong makukuha ko na ito.
Hindi ko alam na matagal na pala niyang alam ang aking plano at palagi niya na pala akong sinusundan. Kaya nang mga araw na iyon ay hinayaan niya lang kami ni Janice na maglaro ngunit nang makita niyang hindi namin ito magawa ng maayos ay doon na niya pinaalam ang kaniyang presensya. At doon nagsimula ang madalas na pagtuturo niya sa'min noon.
Lumingon siya sa akin nang marinig ang pagbukas ko ng pinto at saglit na ngumiti.
"Oh, tapos na pala ang programa?" aniya.
"Opo," magalang na sagot ko.
Nakaramdam ako ng antok kaya ay nagpaalam na ako kay kuya na pupunta na ng kwarto upang magpahinga. Dumaan muna ako ng kusina at uminom ng tubig at gatas. Ang nakagawian kong inumin bago matulog.
Ginawa ko muna ang mga paghahanda bago tumihaya sa kama gaya nang paghuhugas ng katawan. Pagsisipilyo at paglalagay ng night cream sa mukha. Nakakain na rin naman ako kanina sa party.
I wanted to wash the night away. The dirt, sweat and anything unwanted that lingered and cling to my body.
At baka sakaling matanggal din ang mga nakita ko kanina at ang halik na nangyari sa rooftop.
How I wish!
Ngunit nang nasa baba na ako ng shower ay ang mga labi lamang ni Kairo ang pumapasok sa aking isipan.
Hindi ko alam kung anong meron sa kaniyang mga labi bakit hindi ito mawala-wala sa aking sistema.
And to think that this was the very first time that I shared a kiss with someone. Hindi ko alam ba't ganito.
Ganito ba lagi kapag first time? Hindi agad-agad matanggal sa iyong isipan?
If only I know this was the outcome, maiiwasan ko sana.
Ha! Niloloko ko lamang ang aking sarili kung sasabihin ko na kaya kong matanggihan ang mga labi ni Kairo.
When he looked into your eyes you will sure hypnotized.
Especially when you saw his dark hooded eyes not to mention his straight nose, thin kissable lips and thick eyebrows that added to his perfect features.
Damn! How lucky of Nicole to kiss Kairo right in front of others and brag about it to her group of friends.
Maswerte din naman ako. Nahalikan at nahawakan ko si Kairo gaya ng mga pantasya ng ibang kakabaihan sa school hindi nga lang ganoo kaswerte tulad ni Nicole.
Sinubukan kung mag-isip ng kahit na ano lalo na ang mga bagay na ayaw ko ngunit bumabalik parin sa kaniya.
Ang aking taksil na isipan ay siya ang laging hanap.
Tinapos ko na lamang ang aking ginagawa upang makapagpahinga na ako lalo na at napagod ako sa hindi malamang dahilan.
Wala naman akong ibang ginawa kanina sa school maliban sa umupo at magpahangin sa rooftop.
Agad kong pinunasan ang aking sarili matapos makalabas ng banyo at nagpalit ng damit na pantulog.
Nang sa wakas ay natapos na at nakahiga na rin ako sa kama, sa kasamaang palad yun din ang pagkakataong tumunog ang aking phone.
Napahaplos na lamang ako sa aking mukha at bumangon upang kunin ito sa side table.
Sinagot ko ito agad nang mahawakan.
"Hello?" I curiously said.
"Nakauwi ka na?"
Ang kaninang antok na aking nararamdaman ay biglang napawi nang lumakas ang pintig ng aking puso pagkatapos kong marinig ang boses ni Kairo.
Gumuhit ang ngiti sa aking labi na para bang nakalimutan ko na ang halikan na nangyari sa kanilang dalawa ni Nicole kanina.
Parang ang kaninang pag-ignura niya sa akin ay balewala na lamang.
"Uhmm, oo naman. Ikaw?" tanong ko.
Hindi dahil sa gusto kong maging mausisa at malaman kung nakauwi na ba siya kundi ay para mapahaba pa lalo ang usapan.
Ngunit aaminin ko man o hindi, parehong nabanggit ang aking nararamdaman.
"Ngayon pa lang. Hinatid ko kasi si Nicole sa bahay nila," aniya na nakapagbago ng magandang naramdaman ko kani-kanina lang. "Natapilok kasi kanina sa suot niyang takong."
Bakit kasi kailangan niyang magsuot ng ganoon kataas? Nakita ko kung gaano kataas ang suot niyang takong kanina. It's nobody's fault but her.
Okay! Why am I being mean to Nicole? Oh, a lot of reasons that I don't want to mention.
"How is she? Okay lang ba siya?" I feel bad about my fake concern voice when it wasn't actually what I am feeling right now but I can't help it.
"She's alright," he said.
I don't know if I am hearing it right but it feels like he's concern about what happened to Nicole. No, not just concern but more than that.
Maybe they're really dating and Kairo was just using me to figure out his own sh*t.
But he's nice or maybe I'm blinded with my unrequited love to him at hindi ko iyon nakikita.
Ha! Way to hurt myself. I shouldn't thinking some things like this. It's not nice to think of others as awful when you haven't know the real them.
Pero ang concern na aking narinig mula sa kaniya ay iyon din ang nagtulak sa aking maniwala na baka may namamagitan nga sa kanila.
Pero bakit niya ako hinalikan at bakit hindi niya ako tinulak nang maramdaman niyang humalik ako pabalik? Yeah, right. I remember, they're bestfriend.
I can't blame him, though. It's his bestfriend so obviously he'll feel that way. Kahit nga ako siguro kapag nangyari iyon kay Janice, sobra pa ata ang gagawin ko.
"Buti naman, at ayos lang siya" I said that leaves a bitter taste in my mouth. "Ba't napatawag ka?"
Bigla siyang natahimik sa kabilang linya. Kung hindi ko lamang naririnig ang kaniyang buntong hininga niya ay siguro iisipin kong ibinaba na niya ang tawag.
"About kanina," he said. "The way I act after the kiss, I shouldn't do that."
He's dead serious the way he said it. And I can hear the genuine regret in his voice. Alam kong hindi lang siya ang may kasalanan dito dahil ginusto ko rin ang halik na iyon. I was also partly to blame.
Pareho naman naming ginusto ang halik at hindi naman pahiwatig iyon na pagkatapos ay maging kaswal na kami sa isa't-isa lalo na at wala namang namamagitan sa amin. He's free to do whatever he wants after the kiss. If he's going to push me away and says it's a mistake then it's alright. I can do the same thing if I want to but I won't. Dahil na-enjoy ko iyon.
"Ayos lang," I said cautiously.
"No, hindi yun ayos. I'm really sorry. Nararamdaman ko kasing parang may nakamasid sa atin kanina. I'm not out yet," sabi niya.
Nang sabihin niya iyon ay para akong nabingi. And it hit me. He's not out yet. He's closeted, obviously and I'm pretty aware of that from the very beginning kahit hindi niya sabihin.
"And about kissing Nicole na alam kong makikita mo. I was trying to convince myself that I'm not also interested in guys. That I'm straight but clearly I miserably failed," he added.
Pangako ko noon sa sarili ko na hangga't maaari ay ayoko ma involve sa mga ganitong klaseng tao. Magkakaproblema lamang kami. Ngunit nagpadala parin ako sa nakakabighani at nakakaadik niyang halik.
Buti na lang at parang natauhan na ako ngayon habang wala pa ako masyadong malalim na nararamdamang ibinuhos sa kaniya.
"Uhmm, its okay," tugon ko.
After a short conversation, we bid each other goodbye and with a goodnight we hang up the call and I immediately lay on my bed to sleep but I guess it's not coming. Dahil tuluyan ng nawala ang antok sa akin.
He's closeted. The thought that keeps on ringing inside my head. Paulit-ulit na katagang iyon ang umiikot sa aking isipan.
Buti na lamang at dinalaw ako ng antok at nakatulog ngunit parang hindi parin ako natulog dahil naramdaman kong parang saglit lang ang pagpikit ng aking mga mata bago nag-umaga.
"Bunso gising. May pasok ka pa. Naghihintay na si Janice sa iyo," rinig kong sabi ni Kuya sa labas. Binuksan ko ang aking mga mata at humikab.
"Opo, maghahanda na," inaantok na tugon ko.
Bumaling ako sa aking kanan upang kapain ang aking phone. Nang tingnan ko ang oras ay nanlobo ang aking mga mata.
7:38 A.M na!
Bigla akong bumalikwas sa pagkakahiga mula sa aking kama at patakbong pumasok sa loob ng banyo para maligo.
Bakit hindi ako ginising ni Janice ngayon? Ngayong kailangan na kailangan ko siya ba't hindi niya ginawa?
Mabilisang pagkuskos lamang ng aking katawan ang ginawa ko at nagbanlaw pagkatapos magsabon.
Hinablot ko ang aking damit sa loob ng aparador, hindi tinitingnan kong anong damit ang aking nakuha. Bahala na. Basta't hindi lamang ako mahuli ulit sa klase.
Unang beses na pagalitan ako ni Mrs. Via ay ayos lang ngunit kapag pangalawa na ay hindi maaari iyon. Baka bawasan niya pa aking grado kapag hindi niya nagustuhan ang sunod-sunod na late na aking ginawa na alam kong hinding-hindi naman talaga.
Para na akong machine kung gumalaw dahil sa pagmamadali. Muntik pa akong mahulog sa hagdan nang pababa ako buti na lamang at may nahawakan ako agad.
Nang pumasok ako sa kusina ay boses ni Janice agad ang bumungad sa akin.
"Hindi ka man lang nagsuklay," sabi niya.
Sa dinami-raming pwedeng sabihin at mapansin buhok ko pa talaga. At sa tingin niya ay makapagsuklay pa ako ng buhok dahil sa aking pagmamadali? Hindi ko na nga naalala iyon buti at pinaalala niya.
"Ba't hindi mo ako ginising," tanong ko sa kaniya.
Ngumiti lamang siya na lalong nagdagdag ng namumuong inis sa akin.
Nang makita niya ang nakakunot kong noo ay bigla siyang tumawa ng malakas.
"Chill, Jasper. Tulad mo ay late rin akong nagising," sabi niya habang iniikot ang mga mata. "Buti na lang talaga at ginising ako ni Mama."
Agad napalitan ng ngiti na may halong pagtataka ang naka busangot kong mukha matapos marinig iyon.
"Si Tita?" nagtatakang tanong ko kahit malinaw ko namang narinig ang kaniyang sinabi. Ngunit kailangan kong linawin baka iba ang aking pagkakarinig.
"Oo," nakangiti niya ring sagot.
Ni minsan ay hindi ko akalaing maririnig ko ito mula kay Janice.
Ang gisingin siya ng kaniyang ina.
Ang akala namin ay hindi na babalik pa sa dati ang pamilya nila may pag-asa pa pala.
"That's new," bulong ko na may ngiti sa labi.
"I'm happy," nakangiting sabi niya.
Napansin ko ngang parang nag-glow siya ngayon. Matamis rin ang mga ngiti sa kaniyang labi at ang mata niya nagniningningan. Mukhang hindi lang ang parents niya ang dahilan ng mga nakikita ko. I hope Daryll was included also. I'm happy for her.
Kumain ako ng mabilis dahil alam kong konti na lang ang natirang oras para pumuntang school.
Habang kumakain ay iniisip ko na sana maganda ang magiging araw ko ngayon sa school.
At ang nangungunang gawain na nasa aking isipan upang mangyari iyon ay ang iwasan si Kairo.
Oo, iwasan siya. Iwasang mapatingin sa kaniya upang hindi madala sa kaniyang nakakalunod na tingin. Iiwasan siya kung sakali mang makasalubong at para hindi na rin maulit pa ang halik na hindi ko pinagsisihang nangyari pero kahit na wala akong pagsisi ay kailangan ko paring umiwas.
He's closeted at problema lamang iyon. Well, I hope tama itong gagawin ko at aayon sa akin ang tadhana.