It's official— I hate seeing Kairo smiling when talking to anyone rather than me, even when he looked hot. But still, lalo na kapag si Nicole ang kumakausap sa kaniya.
Sino pa nga ba? Wala namang ibang lumalapit sa kaniya maliban sa babaeng yan. Kung makaasta ay parang siya ang jowa.
Nandito kami ngayon sa loob ng gymnasium. Hindi natuloy ang unang klase dahil ang lahat ng Grades 12 pinatawag dito.
May pag-uusapan daw tungkol sa incoming retreat para sa lahat ng senior high school graduating students.
Wala nang pumapasok na kahit na anong pinagsasabi ng aming principal sa aking isipan dahil nakatuon ang aking paningin at buong atensyon sa magkahawak na kamay ni Kairo at Nicole.
Hindi ko maiwasang mapaisip, bakit ang unfair ng mundo sa akin? Naalala ko noong sinabi ni Mama na ayaw na ayaw ko raw na mapalayo kay papa dahil palagi akong umiiyak kapag hindi siya nakikita ngunit ilang buwan ang nakalipas nawala siya. Bigla siyang kinuha sa amin.
Noong mga araw na mas lumalalim ang pagsasamahan namin ni kuya bilang magkapatid ngunit magdaan at lumipas ang ilang buwan bigla siyang nakulong.
Ngayon naman, matagal na matagal ko ng hinihiling na magkaroon ako ng boyfriend. Ng taong magmamahal sa akin at ipaparanas kung gaano kaganda ang mundo kapag may taong nagmamahal sa iyo maliban sa iyong pamilya at kaibigan ngunit hindi ko naman magawang maiharap o maipagmalaki man lang sa harap ng marami dahil sa mga taong mapanghusga.
Hindi ko alam kung sinusubukan ba ako ng tadhana o sadyang hindi ako karapat-dapat na maging masaya.
Kung iisipin ay wala naman akong masamang nagawa na ang kailangang kabayaran ay ang aking kaligayahan. Kung isasali ang mga maliliit na kasalanang nagawa ko tulad ng pagpatay sa mga lamok na minsang kumagat sa akin at aksidenteng maapakan ang mga langgam sa lupa ay siguro nga hindi ko deserve maging masaya.
Pero bakit ang mga krimenal na nabubuhay dito sa mundo naging masaya naman? Nagkakaroon ng proteksyunan at pagkain sa loob ng kulungan. Ako na munting kasalanan lang at ang tanging hiling lamang ay ang mahawakan ang mga kamay ng taong naging rason upang magising ako nang maaga na hindi kailangan ang pamimiste ni Janice ay hindi ko pa magawa.
Wala naman akong masisisi kung ang daming taong makikitid ang utak na walang iniisip kung hindi ay ang sariling kaligayahan lamang.
Paano naman kaming mga naiiba na ang tanging gusto lamang ay maging malaya? Paano naman kaming nagsusumigaw at nanghihingi ng pag-unawa at pagtanggap sa mata ng mga tao? Hindi ba namin deserve makamtan ang kalayaan at kaligayahan na matagal na naming hinihingi?
Janice voice snapped me out of my thought. Tumingin ako sa kaniya at napansing naiinis ang kaniyang mukha.
"Bakit?" tanong ko dahil hindi ko nakuha ang unang sinabi niya.
"Yung boyfriend mo at ang higad niyang kaibigan bigla na lang lumabas, hindi mo ba susundan? Sundan mo kaya."
Lumingon ako sa gawi kung saan nakaupo si Kairo at Nicole kanina at totoong wala na nga sila sa kanilang kinauupuan.
I badly wanted to follow them just like what Janice said but I resist. May tiwala ako kay Kairo at kung saan man sila pumunta ay alam kong wala lang naman iyon kaya ay tumanggi ako.
"Hayaan mo na, baka bumili lang ng pagkain," tugon ko.
Tumaas ang kaliwang kilay niya ngunit tumahimik lamang siya. Kahit ako ay hindi sigurado at kumbinsido sa aking sinabi.
Nakinig na lamang kami sa mga pinagsasabi ng aming principal sa harap.
Hanggang sa matapos ay hindi parin nakabalik silang dalawa. Kahit nasa loob na kami ng aming silid. Nang mag-umpisa ang panghuling klase sa umaga ay doon lamang sila pumasok.
Si Nicole ay suot-suot ang napakalaking ngiti sa kaniyang labi habang si Kairo naman ay walang pinagbago. Wala paring emosyon ang pinapakita ng kaniyang mukha.
Lumingon siya sa akin saglit at bigla lang din namang iniwas.
Gusto ko siyang tanungin kung saan sila galing ngunit alam kong hindi ito ang tamang pagkakataon lalo na at nasa harap na ang aming guro.
Dumeretso silang dalawa sa kanilang inuupuan at sinimulan na ng aming guro ang kaniyang pagtuturo.
Sa loob ng isang oras ay pilit kong hinuhuli ang tingin ni Kairo upang itaas ang dalawang daliri na parang gumagawa ng peace sign. Ito ang napag-usapan naming sign kapag magkikita o doon kami kakain sa rooftop.
Iiwas ko na sana ang aking tingin nang akala ko ay hindi na siya lilingon sa akin dahil malapit ng matapos ang aming klase ngunit ilang saglit pa ay tumingin siya sa aking gawi kaya mabilisan kong itinaas ang aking daliri.
Tumingin siya sa aking mga daliri at pagkatapos ay sa aking mukha. Hindi ko alam pero ba't parang nagbago ata ang timpla ng kaniyang mukha. O baka imahinasyon ko lamang iyon.
Nang sa wakas ay nagpaalam na ang aming guro ay agad kong niligpit ang gamit na nakalagay sa aking mesa. Bumaling ako kay Janice upang magpaalam.
"Sa rooftop ako ngayon," bulong ko.
Agad naman niyang nakuha dahil tiningnan niya agad si Kairo ngunit ibinalik din naman agad sa akin.
"Sige, pupunta rin naman ako ng club pagkatapos nito. Doon na lang din ako kakain. Ingat," sabi niya sabay halik sa aking pisngi.
Sabay kaming lumabas ng silid ngunit naghiwalay rin nang umakyat na ako sa hagdan, siya naman ay dumeretso.
Nang makaakyat ay napansin kong naiba ang pwesto ng mga upuan na nakalinya rito ngunit hinayaan ko na lamang ito. Baka inayos lang ng mga janitor na naglilinis dito. Pero mukhang hindi naman ito nakaayos. Para bang pinanggugulo lang ng kung sino man ang walang magawa sa buhay na mga estudyante.
Umupo ako sa isa sa mga upuan at inilabas ang baon kong pagkain para sa pananghalian. Si Kuya pa ang nagluto nito kanina.
Tumingin ako sa mapayapang kalangitan at nakita ang mga ibong masayang naghahabulan at nagkakantahan. Napangiti ako ng malungkot. Kung sana ay ganun din ang aking kalagayan.
Ibinaling ko ang aking paningin sa paligid. Iba pala talaga kapag gabi ka nakatingin sa paligid ng school kaysa sa umaga. Kapag gabi kasi ay nagkikislapan ang mga ilaw na galing sa bawat establisimyento na makikita mula rito. Na para bang mga bituin sa kalangitan na nahulog sa lupa.
Tumunog ang aking tiyan dahil nagugutom na ako. Nasaan na ba si Kairo? Tiningnan ko ang aking orasan at nakitang mahigit kalahating oras na pala akong naghihintay sa kaniya.
Nakakapanibago, hindi naman ganito si Kairo kapag may usapan kami. Palaging nasa tamang oras siya. Minsan nga ay mauuna pa siya kaysa sa akin. Siguro ay may ginagawa lang na kailangan niyang tapusin agad. Maghihintay na lamang ako ng ilan pang minuto.
Ngunit nang labing-limang minuto na ang nakalipas at hindi parin siya dumating kinalimutan ko na lamang na pupunta siya. Kaya kumain na lang akong mag-isa.
Hindi ko maiwasang manlumo sa nangyari. Hindi siya ganito, e. Kapag hindi siya makakapunta siguro ay itetext niya naman siguro ako, hindi ba? Yun ay kung wala siyang load. Pero napaka-imposible niyon.
Kahit na walang gana ay pinilit ko paring lunukin ang pagkain na nasa aking harapan baka kapag hindi ko ito inubos ay magdadagdag pa ito ng rason upang lumayo na sa akin ng tuluyan ang inaasam na kaligayahan. Ngunit kahit ubusin ko ito ay napakalabong mangyari ito. Siguro hindi pa sa ngayon pero kailan pa?
Pagkatapos kong kumain ay nanatili oa ako ng ilang minuto. Nagbabakasakali na sa huling pagkakataon dadating siya.
Tumingin ako ulit sa aking orasan at may natirang sampong minuto na lamang ako.
Limang minuto pa.
Maghihintay ako ulit ng limang minuto. Jaoag hindi siya susulpot ay susuko na ako.
Ang kakarampot na pag-asang natira sa aking kalooban ay biglang naglaho nang marinig ko ang tunog ng bell.
Sh*t! Time na pala. Ang sinabi kong limang minuto ay naging sampo.
Dagli kong niligpit ang gamit at nilagay sa bag at kumaripas ng takbo pababa. Buti na lang at biology ngayon kaya konting floor na lamang ang bababain ko.
Buti at nang makarating ako ay hindi oa nagsimula ang klase.
Pumunta ako agad sa mesa kung saan naroon ang aking grupo. Nae-excite sana ako dahil kagrupo ko si Kairo ngunit nang marating ko ang mesa ay nag-iisang tao lamang ang nakita ko. Si Dave.
"Nasaan si Kairo?" tanong ko sa kaniya.
"Ewan, mukhang wala na naman. Magkasama ata silang dalawa ng girlfriend niya," tugon niya habang nagkibit-balikat.
Then it hit me. Ngayon ko lang narealize na alam na alam pala rito sa buong campus na magkasintahan silang dalawa.
Kahit wala naman sinasabi silang dalawa naniwala agad ang lahat dahil palagi silang magkasama. Lalo na ang mga pinaggagawa ni Nicole.
Ayokong isipin na baka pinaglalaruan lamang ako ni Kairo dahil hindi naman siguro siya papayag na ipakilala ko siyang boyfriend sa pamilya ko. Pero bakit may nabubuong pangamba sa aking puso?
Magkarelasyon kami ni Kairo dapat ay may tiwala kami sa isa't-isa. Dapat walang nililihim ang bawat isa sa amin.
I mentally laughed and kicked myself. Bakit ba? Bakit nga ba? Eh, una pa lang isa ng lihim itong relasyon na meron kami.
Parang tinusok ng mga maliliit na karayom ang aking puso.
"Okay ka lang?"
Nagising ako sa aking iniisip nang marinig ang boses ni Dave.
"Huh?" wala sa isip kong tugon.
"Okay ka lang, kako," ulit niya.
Okay nga lang ba ako? Syempre hindi. Ngunit wala akong magawa kung hindi ay pagtakpan ang tunay kong nararamdaman at magsinungaling.
"Oo, ayos lang ako."
Tahimik akong umupo sa gilid niya at nakinig na lamang mg diskusyon kahit alam kong wala ni isa ang papasok sa aking isip.