Monday, 4:45 P.M. Kailangan kong bilisan.
Naligo ako at nagpalait ng damit nang makauwi galing sa paaralan.
Tumawag kasi si Mama kanina na hinahanap daw ako ni Aling Ivy kaya nang makauwi ay nagmamadali akong nagbihis para makapunta na ng ospital buti na lang at sasamahan ako ni Kairo.
Andiyan na siya sa labas ng bahay, naghihintay.
Nang makitang ayos na ang lahat at naneck ko na ang mga dapat i-check ay lumabas na ako. Wala pa kasi si Kuya dahil mag-oovertime raw sila ngayon. May sasakyan ng business man kasi silang aayusin at bukas na bukas daw ito kailangan kahit kaninang tanghali lang naman ibinigay sa kanila.
Nang makalabas ay nakita ko si Kairo na nakatayo malapit sa pinto. Ang mga kamay ay nasa bulsa.
"Let's go?" aniya nang makita ako kaya tinanguan ko siya.
Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan dahil ngayong araw rin na ito ko siya ipakilala kay Aling Ivy, kay mama na rin.
Noong mga nakaraang araw kasi ay wala akong lakas ng loob na ipakilala siya kay mama.
Mukhang nahanap ko na ito sa ngayon dahil buo na ang aking loob. Ipapakilala ko na rin siya sa kanilang dalawa.
Gusto kong ipakilala si Kairo sa dalawang pinakamalapit sa aking puso. Kay mama at Aling Ivy.
Pumara kami ng sasakyan. Hindi niya dala ang sasakyan ng kaniyang mga magulang dahil hindi ako pumayag.
Sinabi niya kasi sa akin nung nakaraang gabi na nagalit ang kaniyang magulang na ginamit niya ang kanilang sasakyan ng walang paalam.
Sinabi niya sa akin na magpapaalam na raw siya sa ngayon upang hindi na sila magalit ngunit hindi parin ako pumayag.
Nang makasakay ay napupuno ng mga bagay-bagay ang aking isipan. Pano kung hindi sang-ayon si Aling Ivy sa relasyon namin ni Kairo? Lalo na si Mama?
Hindi ko ata kakayanin kung pareho nilang sasabihin na hiwalayan ko siya.
Pilit kong itulak ang mga isiping ito sa likod ng aking isipan. Tanggap nga ni Kuya na sobrang maaalahanin iyon pagdating sakin.
Hindi ko naman sinasabing hindi kailan man nag-aalala si Mama at Aling Ivy sa'kin. Nagkataon lang na mas sobra ang pagiging maaalalahanin ni Kuya kaysa sa dalawa.
Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayan na nakarating na pala kami. Kung hindi lang ako tinapik ni Kairo sa balikat ay siguradong hindi ko mapapansin.
Ganito ako palagi kapag malalim ang aking iniisip. Hindi ko na mapapansin ang lahat ng sa paligid ko. Kung walang hahawak o tatapik sa akin ay sigurado akong kahit abutin pa ng isang araw makakaya ko.
Agad kaming dumeretso sa lobby ng ospital pagkatapos makapagbayad sa tricycle driver.
Habang papaakyat sa floor kung saan naroon ang room ni Aling Ivy ay mas lalong bumibilis ang kabog ng aking puso.
Napansin ata ni Kairo dahil hinawakan niya ang aking balikat at marahan na pinisil ito.
"It's okay kung hindi ka pa handa ngayon," bulong niya sa akin.
Alam niya kasing ipakilala ko siya ngayon sa kanila. Sinabi ko kagabi nang tumawag siya. Ang akala ko na aayaw siya dahil nga sinusubukan naming ilihim itong relasyon na meron kami ngunit namangha ako sa kaniyang naging tugon.
"Kung okay lang sa'yo."
Tumingin ako sa kaniya tiningnan siya ng maigi.
"Gagawin ko ito ngayon dahil baka mawalan pa ako ng lakas ng loob at hindi ko pa masabi ito kailanman. Ayaw kong sa iba pa nila ito malaman.
Ayaw kong iisipin ni Mama o ni Aling Ivy na naglilihim ako sa kanila tungkol sa ganitong bagay. Kung may sasabihan man akong mga tao, dapat sila ang unang makakaalam."
Kahit na hindi sila ang una kong napagsabihan ay parang sila parin ang nauna. Atleast nasabi ko sa kanila bago pa malaman ng buong mundo.
"I will always be here for you, Jasper," aniya sa akin habang nakatitig sa aking mga mata.
Hindi mang tuluyang nawala ngunit nakapagpagaan naman ito ng aking karamdaman.
Ganitong klaseng lalaki ang hiling ko noon at salamat dahil natagpuan ko na ito ngayon. Sana ay hindi ito mabilis na maglaho gaya ng kung gaano ito kabilis na dumating.
Ayokong isipin ang ganitong klaseng bagay ngunit hindi ito mawala sa akin lalo na sa kalagayan ng relasyon namin ngayon. Kapag dumating ang mga ganoong pagkakataong hindi ko maiwasang isipin, iniisip ko na lamang ang mga lihim na tagpo namin sa rooftop ng school. Kung saan natatamasa ko ang saglit ngunit puno na ligayang pagkakataon.
Ngumiti ako sa kaniya dahil wala na akong ibang masabi pa dahil sa galak na aking naramdaman.
Bumalik ang kaba sa aking dibdib nang marating namin ang silid ni Aling Ivy. Hindi man kagaya ng dati ngunit naging dahilan parin ito upang mangantog ang aking mga binti. Buti na lamang at naramdaman ko ulit ang maahang pisil ni Kairo sa aking balikat. Bumuntong hininga ako para gumaan ang ng konti ang aking pakiramdam bago pumasok.
Natagpuan naming nag-uusap si Aling Ivy at mama nang buksan ko ang pinto. Pareho silang tumingin sa amin nang makapasok kami.
"Jasper," sambit ni Aling Ivy. Mahina ang kaniyang boses ngunit rinig na rinig ko ito na para bang sinigaw ito malapit sa aking tainga.
"Hello po Aling Ivy," tugon ko.
Lumapit ako sa kaniya upang humalik sa kaniyang pisngi at magmano.
Napansin niya atang hindi ako nag-iisa dahil tumingin siya sa aking likuran. Si Mama ay ganun din ang ginawa, tinitingnan si Kairo ng maigi.
"Sino ang iyong kasama, Jasper?" tanong ni Mama sa akin ngunit hindi parin inaalis ang mga mata kay Kairo ganoon din si Aling Ivy.
"Ipakilala mo naman sa amin ang kaibigan mo, Jasper," dugtong ni Aling Ivy.
Ito na ata ang pagkakataon para sabihin ko sa kanila.
"Ma," sabi ko habang tumitingin kay mama. "Aling Ivy." Binaling ko ang aking tingin kay Aling Ivy.
Natahimik muna ako saglit bago ko sinabi ang mga katagang kailan man ay hindi ko na-iimagine na sabihin sa kanila. Hindi ko rin kasi alam na darating ang araw na ito.
"Boyfriend ko po, si Kairo."
Namayani ang katahimikan sa silid. Walang umiimik sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung ano ang kanilang nararamdaman dahil hindi ko masabi sa kanilang mukha. Pareho kasing walang emosyon na makikita rito.
Ang akala ko ay tatagal pa ang ganitong reaksyon nila ngunit nagkakamali ako. Sabay na gumuhit ang ngiti sa kanilang labi. Si Aling Ivy kahit na nanghihina ay nagawa parin niya ang ngumiti ng sobrang tamis at laki.
"Sinabi na sa amin ng kuya mo anak," natatawang sambit ni Mama. "Masaya ako para sa inyong dalawa."
"Halika kayong dalawa rito, lumapit kayo," nakangiting sinabi ni Aling Ivy sa amin ni Kairo. Malugod naman namin siyang sinunod at lumapit sa kaniya.
Nagpaalam si Mama na lalabas lang siya saglit dahil kay bibilhin lang daw muna siya sa labas. Hinawakan niya ang parehong pisngi namin ni Kairo habang suot ang napakatamis na ngiti sa kaniyang labi. Kahit hindi man niya sinasabi ng malakas ay alam at nababasa ko ang sinasabi ng kaniyang mga mata. Matagal ko na itong nakikita sa mula sa kaniya.
"Tanggap ko kung ano ka anak."
Tumango ako at tinugon ko ito ng ngiti. The sweetest smile that I can muster.
Kapag napag-uusapan ang tungkol sa aking kasarian ay ito palagi ang nakikita ko mula sa kaniya.
"Jasper," mahinang sambit ni Aling Ivy nang makalabas na si Mama.
"Bago ako mawala sa mundong ito. Palagi mong tatandaan." Tinuro niya ang aking dibdib kung saan naroon ang aking puso. "Sundin mo kung anong nilalaman nito."
Ayaw na ayaw kong naririnig si Aling Ivy na magsalita na para bang namamaalam na siya.
"Kung ito ang magpapasaya sa'yo ay wag kang magdadalawang isip na sundin ito. Huwag kang makinig sa mga sasabihin ng iba. Sundin mo lang ang nilalaman ng iyong puso lalo na at alam mong wala kang tinatapakang tao."
Matapos niyang sabihin ito ay lumingon siya kay Kairo.
"Hijo, wag mong sasaktan itong apo ko," malumanay na sabi niya. "Huwag kang gagawa ng mga bagay na ikakasama ng loob niya."
"Makakaasa po kayong hinding-hindi ko po gagawin ang mga bagay na yan," magalang na tugon nito.
Tumingin ako sa kaniya pagkatapos niyang sabihin iyon. Hindi ko man maamin sa kanya ngunit nasasaktan ako minsan sa lihim na relasyong meron kami. Ngunit kailangan kong tiisin, pinasok ko ito. Kaya dapat kong kaharapin ang ano mang bagay na maaari kong makatagpo.
NANATILI pa kami ng ilang oras sa ospital bago napagdesisyonang umuwi na dahil may sasagutan pa kaming assignment. Individual kaya ay hindi ko makakasama si Kairo na sumagot.
Nang makarating ako ng bahay ay agad akong tumawag kay Janice. Sinabi ko sa kaniya lahat ng nangyari kanina.
Pagkatapos ng tawag ay agad kong sinagutan ang mga katanungan sa aming assignment. Mahirap itong sagutan ngunit kailangan kong tapusin ito dahil inaantok na rin ako.
Tiningnan ko ang orasan na nasa aking bedside table at nakitang 8:45 P.M na ng gabi. Kailangan ko na ngang tapusin dahil malapit na ang oras kung kailan ako natutulog. Tuwing 9:00 P.M ng gabi.
Nang nasisiguro kong nasagutan ko na ng tama lahat ay naghanda na ako para matulog.